Pt. 003

1568 Words
Pt. 3 [***4 Beautiful Days Earlier***] As in Oh my really heaven of God! Hindi pa rin ako makapaniwalang nagwin-win-godi-gidiyapyap ako ng One Zero Zero comma Zero Zero Zero tuldok Zero Zero yesterday sa Supermarket!!!! That was so unexpected and I was so happy about it I am so rich na! Kaya naman I should speak english na and slang my words like this like that you know. Like biting the tip of my tounge for each and every words with TH sound. Aha-ha-ha-ha-ha! Sampong buwan ko na kayang sahod yun! Sobra pa!!! I really thought na cold cash ang ibibigay sa akin, iyon kasi ang kuda ng lady in red, tsika niya na overwhelmed lang daw talaga siya... Kasi even them hindi nila alam kung nasaan kanila ang Lucky Star. It's just that, the odds were in my favor! Hashtag MaBeautyNalangLuckyMe! Pero naitransfer nila agad agad nila ang monelicious sa account ko then picture picture while I was holding a very very big cheque. Buti nalang at superganda ko kahapon. And so I have thought a thought na okay lang na walang jowa, importante maraming anda!!! Bibili nalang ako! 100,000 pesoses???? Ilang boylet kaya ang mabibili ko nito? Bibili talaga??? Aha-ha-ha-ha! "Kuya, pabili pong kwek-kwek." ---Chanak. Napatingin ako sa kaniya. Nako 'tong batang ito. Nagmomoment pa ako bigla biglang bumibili! Pretty obvious na nasa stall na ako. Wala si manang na kasama ko---nakipagmeet ata sa jowa niyang mas bagets pa sa akin na nandito rin daw sa mall. "Ilan beh?" Tanong ko. "Isa sa lang naman ako eh." ----Chanak na 'to!!! "Malay ko ba kung meron kang kambal sa uma beh." Sabi ko sabay smile. The boy was like what is uma? Nakakatamad pumatol sa bata. Baka machild abuse ako, perahan pa ako ng 80,000!!! No way 20k nalang matitira sa akin! It cannot be, it cannot be! Binigyan ko na bata, at nadagdagan pa ng nadagdagan ang customer hanggang sa mahaggard ang ganda ko! Hindi na kas bumalik si manang. Nakakaloka! Sabi niya talaga, magbabanyo lang siya o baka naman nagMomol na sila ng boylet niya sa may paysung na CR. Pati CR dito sa Mall, pinagkakakitaan!!! Pagjejerbs ka worth 10 pesoses ang tissue at kapag magjijingle bells ka worth 5pesoses agad! Okay lang sana kung may free wifi sa loob ng CR nila no o kaya free coffee! Like duh? Responsibilidad kaya ng mga malls na maging malinis ang bawat CR, kahit pa mukhang pulubi ang magCCR dapat pang mayaman pa rin ang dating.. Ganun!!!! Well, ako?? Di ako nagbabayad no, GL card lang talaga! Kinaibigan ko iyon nagbabantay sa pay CR! Bakit ba??? I'm Ms. Congeniality kaya! After so many many hours na pagbentahan ang mga hampaslupang pangkwek kwek lang ang budget na nagpupunta rito sa mall na akala nila ikakasossy nila... Dumating din sa wakas si manang. "Manang petsa na, saan ka ba rumamfa? Sa kabilang mall?" Tanong ko. "Gaga. Ang haba ng pila sa CR, pangblockbuster." Sabi niya. Cool din talaga to si manang pero minsan nagtataray... Maaga kasi siyang nagmenupause, mga 16 palang ganun! "Ganern?? Baka naman sa sinehan kapumila. Nako nang ha, baka rin nakipagquickie ka nanaman kung kanikanino diyan!" Sabi kooooo. "Hindi no. May jowa kaya ako." -----SABI NIYA. May laman teh! May laman!!! Parang gusto niyang sabihin na---maiinggit ka Adrian! May jowa ako ikaw nga-nga!!! Muntik ng mandilim paningin ko. But I rather choose to be calm and beautiful... I was kinda speechless for about 20 seconds thou. Kapag usapang jowa, naba-blanko na talaga ako. Iniisip ko nalang, sa sobrang ganda ko, wala lng gustong ijowa ako. Naiintimidate ata. Well, choosy din naman kasi ako, somehow. Gusto ko, gwapo na may abs!! Hindi pwedeng gwapo lang at mas lalong hindi pwede na may abs lang!!! Pero for sure, tatanda akong magandang dalaga nito. Masyadong impossible ang standards ko. Urrrr... "Hoy bakla, natulala ka nanaman diyan." ----Si Manang!!! "Hindi no, naalala ko lang isa sa mga ex ko." Sabi koooo!!! Charot lang sa exes!!! Hashtag NBSBAngBeautyKo hue hue hue. Alam niya lang wala akong jowa ngayon pero lagi kong sinasabi na marami na akong naging jowa. At paniwalang paniwala naman siya. "....o siya, ako naman ang raramfa nang at maybibilhin pa kasi ako sa baba." At go na ako agad. Bumili ako ng pampaganda at mangangata after kong makalibre sa may bayad na CR. Umupo muna ako sa gutter ng malaking puno na nasa loob ng Mall. Nilabas ko ang phone ko para tignan kung nagtext naba ang jowa ko bukod sa 8888 na kung ano-anong inooffer sa akin, ayaw nalang sabihing, bakla ka, magload ka na! Walang text ang jowa ko, kasi wala pa naman akong jowa kaya hindi muna ako magloload!!! Habang pinatatagal ko ang oras para si manang naman ang mahaggard may napansin akong Men In Black ang feg na pasulyap sulyap sa akin. Malamang, real state agent. In fairness, napakapormal niya. At angat talaga siya, very convincing from the outside look, malamang maraming maalok itong kliyete. Well not me. Sumulyap ulit siya!!! I think he is on his 40s, ganun. Hindi ko na inalis ang paningin ko sa kaniya... Sige, tumingin kapa sa akin! At... Tumingin talaga. TINAASAN KO TALAGA NG LEFT EYEBROW!!! Like, anong-problema-mo? Baka naman, ex siya ni manang!!! Bigla siyang tumayo at.... God!!! Naglalakad papalapit sa akin... At umupo sa tabi ko!!!! Naku!! Hoholdapin ata ako nito ah!!! "Problema mo?" Tanong ko talaga!!!! Maldita ako sa mga very unidentifying objects!!! "Pwede ba kitang matanong ng mga ilang bagay?" Masyadong corporate ang pananalita niya!!! Hindi ko kinaya!!! "Mga ilan yan bukod sa una mo ng natanong. You know, I am kind in the middle of business kasi, so I have a very very little time for chitichitchat.... Manong." Sabeeee!! "Okay. Are you open to something you thought it doesn't exist in real life?" Tanong niya... Nasaan ang repeat button?? Parang nahiya ako sa pag-eenglish ko kanina!!! Pero wait ha!!! "Is this somekind of Networking? No offense but I am not interested. Mga hampaslupa ang mga kaibigan ko so practically speaking, wala akong maiimvite if ever sumali sa ako." "It is not Networking but I am here to offer you something, something you might be interested." Sabi niya. Naku, ito na nga ba sinasabi ko... Ahente ang isang 'to!!! "Naker, kung magooffer ka sa akin ng credit card, no I don't need it... I have lots and lots and lots of my money at 'di ko kailangan ng credit card, GL card ko lang sapat na. Kung mag-ooffer ka ng loan, mind you but do I look like poor to you? Kung mag ooffer ka naman sa akin ng bahay, unit, apartment or whatever inhabitable, sare pero meron na po akong mumunting palasyon and I am happy living in it. But, kung gwapong lalaking na may abs ang iooffer mo sa akin, baka magkainteres pa ako!!!!!" Sabi ko with matching maarteng gestures pa. "That's exactly what I will be offering to you." Sabi niya. "Alin doon? Card, Loan? House or a boylet????" Well, at the back of my thought, natatawa ako sa ideya ng Boylet for rent. Aha-ha-ha-ha! "I am about to offer to you a perfect boyfriend." Sabi niyaaaaa!!!! At napakaseryoso. So I am like, you're kiddddddddinggg!!!!! [***Wonderful PRESENT***] HINAWAKAN ko kaagad ang kamay ng gwapong boylet at hinila ko papalabas ng bahay. "Mabuti naman at uuwi na tayo baby ko." Sabi niya pagkalabas namin. Tinignan ko talaga siya, from head to foot. Ang tangkadddd!! Wala pa ako sa balikat niya eh! Pero kung ispikey ko ang hair ko, aabot naman sa balikat niya. At God!!!! Ang super gwapo talaga kahit saan anggulo, at hindi nakakasawang pagmasdan! "Saan ka galing?" Tanong ko!!! "Sa bahay po." Sagot niya. -_- "I mean, sinong nagpadala sa iyo rito? Si Mr. Loko ba?" Tanong ko. "Hindi ko kilala ang mga ahente. Pero ako nga ang ipinakausap at ipinadala para sa iyo. Para pasayahin ka, paligayahin ka at para mahalin ka. At sa loob ng 30 days, ako ang makakasama mo." He extends his arms, "...I am Fifty the third, you're perfect boyfriend." This a joke. Nagbayad ako ng 100k para itolerate ang kadesperadahan kong magkajowa ng gwapong may abs? Well, may abs nga ba siya??? I think so... Nubeeeeee!!! I need to be, atleast, serious in situation like this! He is indeed perfect, even my perfect ideal guy... Pero kung iisipin ko ang katotohanang, he is not for free, isa itong malaking kagagahan! What was I thinking???? "Nagbayad ako ng 100k para lang magkunwaring may gwapong boyfriend?" "Kunwari?" Tanong niya. "Oo. Hindi ba? Magkukunwarin lang naman tayong magjowa hanggang matapos ang 30 days." Sabi ko!!! "No." Hinawakan niya kaagad ang magkabilang palad ko. Tinitigan n'ya ako sa aking mga mata. "...hindi ko kailangan magkunwari. Simula sa gabing ito, ikaw at ako ay nasa iisang relasyon na. Sa iyo ako, sa iyo lang. And I will love at my best, a love you've been longing for your whole life. You have to trust me. Okay? I love you Adrian Huelar." Sinsero niyang pagkakasabi at niyakap nanaman niya ako. "I love you baby ko." Bulong niya na nagpakilig sa buong sistema ko. Nakaka-overwhelm ang ganitong ideya ng happiness, I never felt this way before... Napaka-bizzare as of this moment pero... Moment ko na ito eh. Aarte pa ba ako??? Ito na iyon eh. Oh my holy gracious God. Is this for real????? Meron na akong jowa talaga???? I cannoooot!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD