........
Ricardo's Pov
"TRUTH OR DARE GUYS. TARA." sigaw ko. Agad namang umaahon ang mga magpartner. At ang ibang boys.
Lumapit sila sakin at nag form ng bilog. Syempre katabi ko si Aphro, sino ba naman ako para lumapit sila. Dyosa lang naman ako.
"Alam nyo ba ang laron-"
"Bakla lahat ng tao alam yan. Start na." Bara ni Red sakin. Kanina pa to buti maganda hayaan na lang. Baka inis siya kasi mas maganda ako.
Nilabas ko ang lambanog. Binili ko kanina nung papunta kami dito.
"What's that?" Tanong ni Violet.
"Lambanog. Ang hindi sasagot iinum nito." Sabi ko. "Start na."
Unang napili ng bote si Gray.
"Ako ang magtatanong," sabi ni papa Tyrone. Katabi niya si violet.
"Shoot." Gray.
"Nasabi niyo kanina magkakagrupo kayo. Di ba kayo na attract sa mga babae na kasama niyo?" Tanong ni Tyrone.
Natawa muna si gray kasi binato ito ni Violet.
"No thanks, yan ang nag-iisang rule sa grupo. Not to fall in love sa kasama. Complicated din yan. Pag di nag-click sira ang grupo," sagot ni Papa Gray bago nakipag apir kay Dark.
Pinaikot ko ulit ang bote at napunta kay Black.
"Truth," sabi ni black.
"Mine." Sabi ni Zeo na masamang nakatingin kay Black. "Bakit iba ka makatingin sa GF ko?"
Napa ohhhh naman Kaming mga babae. Yeah, kasama ako. Duh, dyosa nga di ba?
"She's pretty lahat mapapatingin sakanya," Nakangisi pang sabi nito at pasimpleng tumingin kay Aphro. Haba ng hair.
"BASTOS KA PALA EH. NASA TABI NIYA NA AKO DIBA!" galit na sabi ni sir at susugod na sana ng binatukan ni Aphro.
"Sit down. Don't make a scene," baliwalang sabi ni Aphro na sinunod agad ni sir. Kakaiba, napapasunod.
Walang nagawa si Sir gusto tignan lang ng masama si Black, habang si Black nakangisi lang. Walang takot eh.
Nagpatuloy kami hanggang sa matapat kay Red. May tama na yan kasi yung mga tanong sakanya iniinum lang niya ng lambanog. Kahit si Aphro pag truth iinum lang.
"DARE. Ang boring ng truth eh." Sabi nito kaya natawa ako.
"Hahaha sige... Hmmmmm" tinignan ko naman siya." Since alam ko na gusto mo si papa Russel. Kiss mo nga sa lips ang pwedeng maging jowa mo---except russel." Sabi ko.
"Hoy bakla bastos yan." Sabi ni Russel. Pero tumayo na si red at lumapit kay Sir.
"Ayoko sa baby ko lang ang lips ko." Sabi ni Zeo at tinago ang mukha sa leeg ni Aphro.
"Ay ang arte." Sabi ni Red at bigla na lang hinalikan si Tyrone. Dampi lang pero natulak siya ni violet.
"ARAY VIOLET".
"Sorry nagulat ako hahaha" sabi ni violet. I smell something fishy eh.
Iba na Ang awra ni Russel pero di ito nagsalita.
"Truth," pili ni Tyrone ng matapat sakanya
"Nakamove on ka na ba kay Aphro?" Tanong ni Violet.
"Maybe but I still want to protect her." Sagot ni Tyrone.
"What if mag ka gf ka? Siya pa rin ba ang priority mo o yung gf mo na?" Tanong ulit ni Violet kaya natahimik kami. Nakita ko pa ang pag ngisi ni Aphro at ang tatlong lalaking kulay.
"Nasagot ko na ang unang tanong pero sige sasagutin ko yan. If ever mag ka gf ako siya ang priority ko syempre pero pag kailangan talaga ako ni Aphro tapos pabebe lang ang gf ko. Hmmm baka di ko siya piliin. So ang magandang choice ang piliin kong gf yung malapit kay Aphro. Less hassle." Sabi ni Tyrone kaya naghiyawan kami. Namula kasi si gurl.
"KYAAHHHHH PAHIWATIG." sigaw pa ni Red.
"SANA ALL NA LANG." sigaw ko at nagtawanan kami.
"Dare." Pili naman ni Russel. Nakainum na din yan ng ilang shot kasi truth yan kanina pa.
"Kiss me." Sabi ni Red kaya natahimik kaming lahat.
"What? You chose dare. Kiss me?" Ulit pa ni red.
Hinawakan ni russel ang pisngi ng red at hinalikan ito sa labi.
"AHHH LANDI MO RED." sigaw ko. Di pa rin kasi sila tumitigil.
"Dalaga na si Red," Gray.
"Wala nasiyang gatas sa labi." Sabi ni Dark.
"Naka jackpot ang bruha." Natatawang comment ni Violet kaya nagtawanan kami. Natapos ang halikan nila at namumulang napayuko si red.
"Masherep?" tanong ko dito pero binato niya ako ng chichirya.
" Hahahaha happy siya oh."
"Last turn. It's getting late." Sabi ni Aphro.
Sa huling ikot natapat ito kay Aphro.
"Truth." Agad na sabi nito.
"I have a question." Sabi ni sir at hinarap si Aphro.
"Do you love me?" Natahimik kaming lahat. Hindi nagsalita si aphro.
Zeo's Pov
"Do you love me?" Tanong ko nakatitig lang ito sakin.
"Baby do you love me?" Ulit ko.
Ilang minuto pa pero wala pa ring sagot.
I can wait.
"Hihintayin ko ang sag-"
"Yes." Sabi niya.
"KYAHHHHH YES DAW."
"KINILIG SI PINSAN."
"AYUN OH YES DAW."
Mahal niya na ako?
Tumayo naman siya kaya hinawakan ko ang kamay niya.
" We need to go," sabi nito at tinanggal ang kamay ko na nakahawak sakanya. Nauna ng maglakad.
"f**k yes daw." Bulong ko.
Umakbay si Tyrone sakin. "CONGRATS kuya zeo."
"Mahal nya ako." Sabi ko ulit.
" Ingatan mo baka mawala sayo." Sabi ni Russel at umalis na sila.
Nakangiti akong tumayo at susunod na sana ng may maramdaman akong nakatingin. Humarap ako sa likod ko at nandun si bBlack.
"Sana di mo siya saktan. Kasi sa oras na umiyak yan dahil sayo. Madami kang makakalaban. Isa na ako." Sabi nito at naglakad na.
"Is that a threat?"
"A death threat," rinig kong sabi niya. Tsk as if i'm scared.
Damn it, she admitted it. Mahal niya na ako. Aphrodite loves me.
.......