"Abrahim Sadal siya ang nag iisang nakaligtas sa buong pamilya niya. Ang lolo niya ay dating isa sa pinagkakatiwalaan ni Greg Clemente ang lolo mo. Magkaibigan ang dalawa pero gustong makuha ni Rahimza ang lahat ng meron si Greg kaya gumawa siya ng isang plano yun ay ang pagdukot sa inyo ng kambal mo. Yun din ang naging dahilan ng pagkamatay ng lolo mo."
Napakuyom ako ng kamay habang pinapakinggan si Gray sa nakuha niyang impormasyon.
"Ang lolo ni Abrahim ay pinatay sa gabi mismo ng libing ni Greg Clemente, ang may kagagawan ay ang mga tita mo. Sina mrs. DJ, mrs. Am at mrs. Mj. Hindi lang yun kinuha pa ang dalawang anak ni Rahim at pinahirapan ang mga ito bago pinatay. Nakatakas sa araw na yun ang panganay na anak kasama ang asawa nito at ang anak na si Abrahim. Nagtago sila ng ilang tao sa ibat ibang bansa. Duon nakilala ni abrahim ang kambal mo. Nagtuturo si Abrahim sa harvard at nalaman niya na ang pumatay sa lolo niya at ang nagpahirap sa pamilya nya ay ang pamilya nyo. Nalaman din nila na kasama ni Ivan si Jhaydon ang anak ng isa sa pumatay sa lolo niya. Pinagplanuhan ng mag-ama na dukutin si Jhaydon para makapaghiganti sa gems. Isang gabi madaming nakaaligid sa mansyon ni Iox Kuriwo ang tumayong guardian ng kambal mo at ni Jhaydon. Walang kaalam alam si Ivan at mr. Iox dahil nasa training ang dalawa. Nakuha nila si Jhaydon pero di din nagtagal yun dahil galit na galit na sumugod Si mr. Iox kasama ang Ace na sila silver, blue at red. Nandun din si Ivan ng gabing pinatay ang mag asawa at yun ang nakita ni Abrahim na nakatago. Ang ngisi ni Ivan na animoy tuwang tuwa sa pagpapahirap sa dalawang matanda. Kaya ilang taong nawala si Abrahim at ngayon nagbabalik siya para maghiganti.... Maghiganti sayo."
Pumikit ako at sumilay ang ngiti saking labi.
"Tsk nice Gray. Thank you. Mag ready na kayo. Papasok tayo." Sabi ko at nauna ng tumayo.
'told you, popsy. Gaganti ako. Hindi man mismo sa pumatay sayo kundi sa sa apo niya. Ako pa talaga ang target eh. Exciting.'
Red's Pov
"Nasaan si Aphro?"
"Ewan. Putcha talaga nakita nyo ba yung ngisi niya kanina. Akala ko matatakot siya sa nakalap ko pero mukhang excited pa si Queen." Sabi ni Gray. Nakita ko yun. Kinilabutan nga ako.
Pag gising namin kanina ay kinausap na kami ni Gray yun nga na gustong patayin ng Abrahim na yun si Queen para maghiganti. Hindi niya din kasi magalaw ang anak ng legendary Queens ang gems. Kilala sila sa mga gangster sikat sila hanggang ngayon. Nate at demyhelle anak mga ni tita Dj, Davis at daviene mga anak ni tita Am, jhaydon bunsong anak ni tita Mj at ang mga kapatid ni queen Erza, shawn Yves at shawn Yvan. Walang makalapit sa mga yan dahil sa higpit ng mga bantay dahil mga bata pa. Naalala ko pa lalapit ako nun kay Erza kasi idol ko siya kaso di ako pinayagan. Ang pinaka madaling target si Queen dahil walang bantay.
"Nakita ko siya kanina sa room niya, nililinisan nya ang mga katana at baril niya. Lalapit sana ako kaya lang nakangiti siya habang nililinis eh.. ay ewan ang creepy. Di ko maipaliwanag pero nagsitayuan ang balahibo ko. Natakot na akong pumasok." Sabi ni Violet.
" Hayaan niyo na," sabi ni Black at umalis na silang tatlo naiwan kami ni Violet na naglalakad papunta sa room namin.
"MAY I REMIND YOU MISS RAZO THAT I'M STILL ONE OF THE PROFESSOR HERE. YOU NEED TO RESPECT ME OR ELSE.."
Napatakbo kami papasok sa room. Nasa harap si maam Lara at Aphro. Habang ang ibang kablock namin ay nanunuod pa.
"Or else what? Tsk. You'll slap? Punch me? Or report me to the dean's office." Nakangising sabi ni Aphro bago tumawa. " Pathetic, you think I'm scared?"
"Wow, just wow. Alam mo naaawa ako sa magulang mo di ka naturuan ng tamang asal. Oh baka naman kaugali mo sila. Di naman magbubunga ng santol ang puno ng mangga diba?" Nanunuyang sabi ni Maam lara. Natawa si Aphro.
"Mas naaawa ako sa magulang mo. Pinalaki ka kasing -" tinignan ni Aphro si maam Lara mula ulo hanggang paa.
" Naghahabol sa lalaki. Pangkama lang. Pang one night stand lang."
Napa ohhhh kami ni Violet. Habang ang ibang kablock namin ay sinasabihan na si Aphro na tumigil pero tinignan namin ang mga ito ng masama.
Pulang pula ang mukha ni ma'am Lara. Sasampalin na niya sana si Aphro ng tinulak siya ni Aphro kaya natumba ito sa sahig. Niluhod ni Aphro ang isang paa at malakas na sinampal si Ma'am Lara. Lalapit na sana ang ibang kablock naming lalaki ng harangan namin sila.
"Subukan niyo." Seryosong sabi ko.
Natigil sila kaya napatingin ulit ako kay Aphro.
"Isang beses pa na idamay mo ang magulang ko, ---di mo magugustuhan ang gagawin ko." Bulong nito na di maririnig ng iba. Malapit kami kaya narinig namin ni violet.
Umiiyak na si Ma'am Lara. Natakot ata.
"ANONG NAGYAYARI DITO?" Napatingin kaming lahat sa may pinto nandun si Sir Zeo kasama ang dean.
Narinig ko naman ang pag iyak ni maam Lara kaya dun napatingin ang dalawang bagong dating.
"Lara." Lapit ni Zeo dito bago ito inalalayang tumayo.
"Miss Razo anong ginawa mo kay ma'am Lara?" Sabi ni Dean.
Tumawa si Aphro at baliwalang umupo sa upuan niyan sumunod naman kami.
"Are you okay?" Rinig kong sabi ni Zeo kay Lara.
Yumakap si maam Lara dito na umiiyak. Lagot na baka magselos si Queen. Tumingin ako dito pero walang emosyon lang itong nakatingin sa dalawa.
"WALA BANG MAGSASABI KUNG ANONG NANGYARI? ISUSUSPENDE KO KAYONG LAHAT PAG WALANG NAGSALITA." sigaw ni Dean.
Tumayo ang nerd na ka block namin.
"Dean nanahimik po si Aphrodite ng galit na dumating si ma'am Lara at pinagtuturo si Aphrodite, " sabi ni nerd.
"Di po siya sinasagot ni Aphrodite pero patuloy po siya sa pagsasalita." Sabi naman ng isa pang lalaki.
"HINDI TOTOO YAN. BAKIT NYO SIYA KINAKAMPIHAN. MAAYOS KO SIYANG KINAKAUSAP NG BIGLA NIYA AKONG MURAHIN." Umiiyak na sigaw ni ma'am Lara.
"Ma'am wala pong maayos kasi ang una nyong sinabi malandi siya at ginagamit ang katawan niya sa ilang lalaki." Sabi ng isang babae.
"DEAN." sigaw ni Violet. Tumayo ito. "Naabutan po namin si ma'am na sinisigawan si Aphro at dinamay ang magulang nito. Duon na po nagalit si Aphro kaya nasaktan niya si ma'am." Sabi ni Violet.
"She's still your professor. You need to respect her." Sabi ni Dean kaya tumayo ako.
"If that's the case then this school is s**t. Dean, professor are here to guide us not to humiliate one of her student. I mean how can we respect her if she acted that way. Hmmmm, I do the same or even worse if she disrespect my parents who are not here." Sabi ko.
" But-" di na nakasagot ang dean ng tumayo si Aphro at lumapit sa harap.
" I'll tell this to lolo Helario. Looks like his school is full of shit." Sabi niya bago hinarap si Zeo na hanggang ngayon nakayakap pa din si ma'am Lara dito. "Enjoying my man eh."
Sabi nito kay ma'am. Naitulak ni sir Zeo si ma'am Lara lara.
"Baby-"
"Next time you'll let her hug you..... I cut your balls."
THE FAMOUS SHANNIE APHRODITE CLEMENTE is back.