SAC 31

1188 Words
Nakasandal sa puno sa likod ng building si Aphrodite ng may maramdaman siyang palapit kaya iniwas niya ang ulo niya. Napangisi naman siya ng makitang pana ito at may nakatusok na sulat. 'Be ready, I'll be your nightmare. Can't wait to taste you, MY LADY.' Yung ang nakasulat. Tumingin si Aphro sa paligid pero mukhang nakatakas agad ang may gawa. 'tsk what a coward man.' Tumayo siya at naisipang umalis sa school ng hinarang siya ni Tyrone. "Aphro saan punta mo? May balita ako." Sabi nito. "Tara duon tayo sa caf libre ko." Sabay hilay kay Aphro. "Tyrone may pupuntahan ako. " "May klase ka pa ah. Halika na bayad mo na lang sa pag aya sa ibang tao sa safe haven ko." Sabi ni Tyrone kaya wala ng nagawa si Aphrodite kundi magpahila. Tamang tama ang dating nila sa cafeteria dahil nandun na ang grupo. "GURL-DITO." sigaw ni Ricardo. Dumeretcho na siya duon habang si Tyrone naman ay bumili mg pagkain nilang dalawa. "Bakit wala ka sa dalawang major subject natin?" Tanong ni Red pagkaupo ko pa lang. "Not in the mood to study." "Dahil ba sa nangyari kahapon? Gusto mo bigyan ko siya ng leksyon mamayang gabi?" Nakangising sabi ni Violet di naman narinig ng iba ang huli nitong sinabi dahil binulong lang niya sakin. " Na-ah. Don't waste your time to that trash." Sabi ko dito. Sakto namang kakabalik lang ni Tyrone. "May tanong ako. May nabalitaan ba kayong ginawa ni ma'am lara? Narinig ko kasi si mommy kanina pupunta daw si lolo sa school at ipapatawag ang lahat ng professors and deans mamayang hapon tapos narinig ko name ni ma'am Lara. Kaya half day lang ang klase ngayon." Kami nina Red at Violet lang ang nakakaalam dahil si Rica wala siya kahapon. Ang tatlo naman iba ang course. Si Russel at Tyrone iba din. "Baka may p**n video siya. Hahahhah" pagjojoke ni Rica pero walang natawa. "Nagkasagutan sila ni Aphro kahapon. Na nauwi sa physicalan." Pagkkwento ni Red. Agad namang lumapit sakin si Russel. Kaya napatingin sakanya ang mga nasa mesa. "Okay ka lang? Nasaktan ka ba?" Tanong nito. "Hahahhaha iniisip mo bang madedehado yan. Pupusta ako baka siya pa nanakit----" tinignan ko ng masama si gray. "ops hehehe. Sorry." "I'm okay, Russel. Ang oa ng reaction mo." "Kaya nga babe you're OA. Hindi ka pa nakakamove on? Sakin ka na lang di ka pa masasaktan." "Tsk malay ko ba sayo! Kulang na lang lahat ng studyante dito ngitian mo. Baka pagnakatalikod ako may ginagawa ka na." "Aba judgemental ka babe. Mukha lang akong playgirl. Pero loyal ako. Tanong mo pa sa mommy ko." Sabi ni Red kaya napangiti ako. Tumingin naman ako kay Russel na nakatingin na din kay Red. "Make a move now or else someone will steal her from you." Sabi ko. Napatingin naman ito sakin bago kumain ulit. Kumindat pa sakin si Red kaya nailing ako. "How about me? Wala ka bang irereto sakin Russel. Hahaha baka nemen." Singit ni Violet. "Si papa tyrone na lang." Pang aasar ni Rica. "Hoy bakla ka nakakahi-" "Why not? Maganda ka- gwapo ako, sexy ka-aba may abs ako, sarap ng labi mo- ang sarap kong humalik. Perfect match hahahahahahha" biro ni Tyrone kaya natahimik kami. Pati si Violet ay namula. "OH MY GOSH NAG CHUKCHAKAN NA KAYO NI VIOLET PAPA TYRONE? KYAHHHHH KILIG MUCH." "Stop shouting, Rica." Sabi ko dito. Natawa naman si Tyrone. " Hahaha nadulas ako." Hinampas ni Violet si Tyrone. "Gago ka." "What? You kissed me sabi mo pa nga ' may bakat pa ng lipstick si red sayo. Aalisin ko lang' tapos hinalikan mo na ako. Violet marupok ako. Hahahahha" kwento ni Tyrone kaya napatingin kaming lahat kay Violet na namumula na. "AARTE KA PA EH NAGUSTUHAN MO NAMAN. AYAW MO PA NGANG BITAWAN ANG ULO KO. BWESIT KA." "Haha chill wala akong sinabing di ko nagustuhan hahahaha masarap nga." Pang aasar pa ni Tyrone kay Violet kaya nagtawanan ang grupo. Napailing na lang ako. "HOY TYRONE you owe me one libre mo akong pizza huh. Kung hindi pa kita hinalikan di ka hahalikan nyan." Singit ni Red. "Oh proud ka pa na nahalikan mo siya. Tsk" inis na sabi ni Russel. "Alam mo kasi babe kung gusto mong magbehave ako gawin mo agad akong girlfriend para makuha mo naang loyalty ko. " Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Red. "Kung gusto mong maging girlfriend kita ayusin mo pananamit mo." "Na-ah this is me. Take it or leave it. Hmmmm" Haitz ang gugulo nila nagtitinginan na samin ang mga studyante. "Fuck." Napatingin kami kay Tyrone ng magmura ito at humarap sakin. "s**t, kuya Zeo txted me. Ialis daw kita dito sa school. Natanggal si ma'am Lara dito at ikaw ang sinisisi pasugod na daw dito." Sabi niya at hahawakan na sana ako ng tinaas ko ang kamay ko. "No. Let her see me." Sabi ko bago ngumisi "Gulo to." Sabi ni Black. "Aphro iwas na lang tayo. I'm the SC president here dapa-" "Then leave, Russel. " Sabi ko naman. "Biiiiittttcccchhhhhhhesssssss aaaarrreeeee commingggggggggg. Ohhhh" pakantang sabi ni Red kaya napatingin kami sa pinto ng caf. "ANO BA ZEO BITAWAN MO KO!" Rinig kong sabi nito. Nagtama ang mata namin. Galit siyang dumeretcho sa pwesto ko pero hawak pa din siya ni gurang. "Lara stop it." "BITAWAN MO SABI AKO EH." sigaw ni Lara. Sa likod nito si Laura at Janine na masamang nakatingin sakin. "Let her go, Gurang. Don't touch a trash." Nakangisi kong sabi ko. "HAYOP KA. DAHIL SAYO NATANGGAL AKO." sigaw niya sabay sampal sakin. Rinig kong napatayo ang mga kasama ko. "Let her." Sabi ko. Hahawakan na sana ako ni gurang ng hinawakan siya nila Black. "Hayaan mo siya. Mas magagalit yan pag may makikialam. " Rinig kong sabi ni Dark. Napangisi naman ako kilala nila ako. "Matapang ka huh. Sino ka ba sa akala mo. Mula ng dumating na nagulo na ang lahat." Pakkkkkkkkk Hinarap ko siya na parang wala lang ang ginawa niya. " That's it? You're weak. Natanggal ka? Nice." Pag- uuyam ko dito. "ANG KAPAL NG MUKHA MONG GANYANIN ANG ATE KO."sigaw ni Laura na pasugod na sana sakin ng humarang si Red. "Pffft bakit kayo galit sakin? Ako ba ang nagtanggal sayo? It was because of your attitude." Sabi ko. " Sa attitude ko o dahil sa pagiging malandi mo. Pati si don Helario naakit mo. Kakaiba ang kalandian mo," galit na sabi niya. "Malandi? Di ako salamin Lara. Wala akong nilalandi. Di ko magawa ang ginawa mo kay Zeo. You f****d him while he was drunk. Hindi lang panlalandi ang ginawa mo. Gross." Uyam ko dito. Tumawa siya kaya natigil ako. "Boyfriend mo siya? Hahahaha baka iwanan mo siya pag narinig mo ang sasabihin ko." Sabi ni Lara. "LARA STOP IT. UMALIS KA NA." rinig kong sabi ni gurang at pinipilit hilain paalis si Lara "Ayaw mong marinig niya ang sasabihin ko? Natatakot ka na iwan ka niya. Ano Zeo? Natatakot----" "f**k, hindi sigurado----" "ALAM MONG IKAW ANG NAKAUNA SAKIN." Sigaw nito kay gurang at humarap sakin habang hawak pa rin siya ni zeo. "I'M PREGNANT. ZEO IS THE FATHER."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD