SAC15

1014 Words
Tyrone's pov "Una na kami Captain, Aphro pag naparusahan ka tawagan mo lang kami haha. Tutulungan ka ulit namin," natatawang sabi ni John. Kakatapos lang naming maglinis. "Kapagod...tara na. Gehhh, love birds." "Una na kami," sabay sabay nilang sabi sa amin ni Aphro. "Huwag ang babata nyo pa," bulong ni Aphro sa tabi ko kaya natawa ako. Kulit talaga nito kahit kailan. "Hoy, Tyrone! Tara ililibot mo pa ako dito sa Gazilla." Bossy pa, kung hindi ko lang ito gusto matagal ko ng nasigawan. Kaya lang ang ganda niya na magui-guilty ka na lang talaga pag nagawan mo ng mali. "Pwedeng maligo muna? Nakakapagod maglinis," paalam ko. "Di ako napagod..." "Di ka naman naglinis. Pffft," paano kasi kanina ginawa niyang utusan ang mga ka team ko. Maka utos. "Bumili pa rin ako ng meryenda niyo. Luh! Tara na nga. Okay na yan mabango ka pa naman," sabi nito at nauna na. Pumunta kami sa mga sikat na lugar sa gazilla. The last place is my own haven, the Lagoon forest. My own kasi dito ako lagi pag di ko maintindihan ang mga tao sa paligid at gusto ko ng peace of mind. Kanina pa siya todo puri sa lugar kaya nangingiti na lang ako. "Tyrone, apo ka din ni lolo. Bakit di kayo parehas ng surname ni sir Zeo.?" Biglang tanong niya.. "Tatlong babae ang anak ni Daddy Helario Gazilla. Kaya walang nakakuha nung surname nya. " "Hindi kayo close magpinsan? Sabi nya may ipapakilala pa sya sakin eh." "Hindi, siguro dahil mga lalaki kami at hindi kami lumaki sa iisang lugar. Galing sa ibang bansa si kuya Zeo dun sya nag-aral , ako dito... Tapos ung magkapatid na pinsan namin sa Manila sila nung elementary days pero umuwi sila dito sa kagustuhan ni Daddy," pagkwekwento ko. "Ahhh sino yung magkapatid na sinasabi mo? Kilala ko ba?." "Clivan Russel San Agustine. Alam ko kilala mo siya at yung kapatid naman nya si Cleo ay 1st year pa lang," kita kong nagulat siya. "Magpipinsan pala kayo bakit parang galit kayo sa isat isa?" "Hindi naman galit pero may pinaglalaban lang kami...Tara na ,maggagabi na." Sabi ko sa kanya pero ayaw pa daw niyang umuwi. Nahiga sya sa lap ko na ikinagulat ko. " Can you close your eyes for me, Tyrone? I just want to do something. Please don't open your eyes. Just- just listen to me," iba ang tono ng boses niya kaya nagtataka man ay pumikit ako habang hinahaplos ang buhok niya na nasa lap ko. Maya maya pa ay naramdaman ko ang pag yugyog niya at ang hikbi. Tinanong ko siya kung okay lang sya. "Close your eyes," sinabi sakin . Tuloy lang siya sa pag-iyak. Ayokong dumilat baka huminto syia at di nya mailabas ang nararamdaman nya. Ang tingin sa kanya ng mga studyante dito sa La Gazilla maldita, malakas, maganda, swerte kasi hinahabol. Pati ako tingin ko malakas siya but hearing her cry right now? Damn she's fragile. Di ko masyadong naririnig ang sinasabi niya pwera sa pangalang "Jewel". "Sinisisi ko silang lahat sa pagkamatay ng bestfriend ko. Kung s-sana sinabi nila sa akin na may problema- s-sana nakatulog ako- sana nailigtas ko si Jewel- s-sana buhay pa siya ngayon. F-f**k! A-ang sakit, ang b-bigat bigat ng pakiramdam ko dahil wala akong nagawa para sa bestfriend ko. I'm useless..." Tumagal ang pag-iyak niya ng ilang minuto. Tinignan ko siya habang nakahiga sa lap ko pero nakapikit na ito. Malamang nakatulog na. Ayaw ko siyang gisingin dahil bakas sa mukha niya ang sakit at pagod. Siguro nung panahong umuwi sya at nawala ng isang taon may nangyaring hindi maganda. 'Yun ay ang pagakamatay ng malapit sa kanya na nagngangalang Jewel. "Gusto kitang alagaan at protektahan. Mangyayari lang yun pag naging akin ka na. .... "Wala pa ba si Tyrone manang?" "Hindi pa po dumadating Don Hilario," sagot ng isa sa katulong sa hacienda ng matanda. "Anong meron at biglaan ang pagpapatawag mo Papa?" Tanong ni Mrs. Trina San Mateo, ina ni Tyrone. "Namiss ko lang ang mga apo ko. Clivan kamusta ang school? Balita ko my girlfriend ka na," usisa ng matanda. "We broke up already . " Sagot nito na parang wala lang. Napatingin naman sila sa matandang don ng tumawa ito ng malakas . "Apo wag kang mag alala may ipapakilala ako sayo. Baka magustuhan mo," sabi ni Don Helario. "No need. May nagugustuhan na akong babae ." "Tsk, and she doesn't like you." Ngising sabi ni Zeo. "I'm not talking to you. She used to like you. Past tense dude," balik na ngisi ni Clivan kaya tinignan siya ng masama ni Zeo. "Fuvk you." "No thanks, Mr. Fuvkboy.." Nagkakainitan ang dalawa kaya umaawat na ang magulang nila. "Hahaha parang alam ko na kung sino ang pinag-aawayan nyo. Is it APHRODITE RAZO?" Mas natawa ang Don ng makompirma ang hinala nya. "Ohh interesting. Kain na tayo baka di na makarating si Tyrone kasama nya kasi si Aphro ngayon." "The f**k," biglang tayo ni Zeo. "Sit down, Apo. " Seryosong sabi ng don. Hinila si Zeo ng mama nito para umupo. " You know that I like her- I love her. He is mine!" "Walang may-ari sa kanya," sagot naman ni Clivan. "Don't try me, Clivan." "Oh, I'm scared, dude." "Both of you stop. Hindi na kayo mga bata para mag-away sa harap ko," sita ni Don Helario sa dalawa. Kita ang galit sa mata ni Zeo na kung tao lang ang pagkain sa harap nya malamang patay na. "Zeo pagod ka na ba sa pangbababae mo at pati ang batang yung inaangkin mo? O paglalaruan mo lang siya tulad ng ginagawa mo sa mga babae? Apo, I'm telling you she's a girl you don't want to mess up with." "Seryoso ako dad. Bago sya umalis, akin na sya." "And now she hate you," sabi ulit ni Clivan kaya tinignan siya nang masama ni Zeo. "What! Galit naman siya sayo kasi f**k boy ka. Dude...." "Lay a finger on her, I might forget that you're my cousin," banta nya. "That's fine. May the best man win." Ngising sagot ni Clivan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD