SAC14

1557 Words
"Akala mo kung sinong maganda." "Kakabalik lang lumalandi na. Ang pangit nya maputi lang" "Oo nga. Hanggang ngayon kita pa rin ang pasa sa mukha ni prof at ni Tyrone." "Kaya nga girl. Nakakainis yan. Bakit pa kasi bumalik yan." "Pasalamat sya nasa conference sa manila si ma'am Lara ng isang buwan." "Hay naku." "Ang daming insecure sa mundo. Kung sino pa ang pangit sila pa ang mapanglait. Bakit di pa kayo kunin ni lord?" Taas kilay na sabi ni Ricardo sa mga babaeng nadaanan nya. "Ikaw yung bestfriend nya di ba? Bakit di kayo ang mamatay kasi salot kayo sa lipunan." Sagot nung isang babae . "Ay gurl, bago kami kayo muna wala kayong ambag. Ang papangit na nga ang bobobo pa. Ano kakasa ka?" Hamon ni Ricardo sa mga ito. Kahit naman bakla si Ricardo ang katawan nya parang lalaki pa rin. Nagmadaling umalis ang mga babae. "Hay mga babaeng clown ang duduwag!" Pagpasok pa lang ni Ricardo sa classroom nila ay pinalibutan na to ng mga classmate nya . "Totoo ba na nagsuntukan si sir at Tyrone?" "Anong nangyari?" "Balita ko di pa makapaglaro si Tyrone kasi na injured yung kamay nya," tinignan ni Ricardo si John. Isa sa classmate nya. "Maganda ang bestfriend ko kaya pinag aawayan. Walang video at wala akong balak magkwento mga beshhh layo, layo. Imbyerna kayo," sagot nito. Tamang taman naman ang pag pasok ni sir Zeo bakas pa sa mukha nito ang pasa mula sa nangyari kagabi. Kung 'di lang dumating ang nanay ni Aphrodite ay hindi hihinto ang dalawa. "Goodmorning prof." Bati ng mga studyante na nakatingin pa rin sa pasa sa mukha nito. "Morning ......." Baliwalang sabi nito at inumpisahan agad ang pagtuturo. Nasa kalagitnaan ng pagtuturo sir Zeo ng may dumating na studyante. "Ahm sir dito po ba si Aphrodite Ranzo?" Tanong ng babae. Base sa suot nito ito ay isang student assistant. "Yeah, Why?" Kanina hinahanap ni Zeo si Aphro pero mukhang absent. "Ahh pinapatawag po sya sa dean's office," kumunot ang noo ni sir Zeo. Nag excuse siya sa klase niya at kinausap ang babae sa labas. "Explain." "Sir may mga studyante po na hrm students ang nagreklamo sa kanya sa p*******t. Dumating din po ang magulang nung binuhusan nya ng tubig sa cr at sinampal ng ilang ulit," paliwanag ng babae "She's not here. " "Sige po, sir, hana-" "Goodmorning, Sir Zeo. Sorry not sorry, I'm late." Ngiting sabi ni Aphro na parang walang nangyari nuong gabi. Hindi sya pinansin ni Sir Zeo at hinarap ang babae. "You may go, we'll be there after I talk to her." Pagkaalis ng babae ay hinarap no Zeo si Aphro. "Pinapatawag ka sa dean's office. Why did you do those things?" "Do what? I didn't do anything..... I guess," alangang sabi nito na nakangiti pa rin. "You bullied students! Stop smiling," medyo inis na sabi ni Zeo. " You've change." "Wala akong ginagawa sir," sabi pa rin ni Aphro. Bago maglakad palayo . "Where are you going? I'm still talking..." "Dean's office," sagot ni Aphro at nagtuloy tuloy na. Pagdating nya sa office ay may mga tao na dun pati ang mga studyanteng nanggulo sa kanya sa garden. Nandun din ang babae sa cr. "Take your sit, Miss Aphrodite." Pag kaupo nya ay nagsalita ulit ito. "Wala kaming contact sa parents mo pwede mo ba silang tawagan para may kasama ka ngayon dito." Tumingin ako sa harap ko at masamang nakatingin sa akin ang mag asawa na akala mo may kasal sa pormahan. Tsk. Same scene, huh. But I can't call kuya, I don't want to see him. "Miss Aphrodite your parents needs to be here because ---" bumukas ang pinto at pumasok si Zeo. "Sir zeo, why are you here!" "She's part of my class, dean. Gusto kung malaman ang mga ginawa nya." "Okay," saad ng Dean at hinarap si Aphro. "I want you to call your guard----" "Ayokong sayangin ang oras ko sa paghihintay ng magulang nyan. Gusto ko syang ma-expell. Hindi katanggap tanggap ang ginawa nya sa anak ko. Janine is my one and only daughter kahit sa lamok di ko pinapadapuan pero siya sinampal niya ng ilang beses at kung ano ano pang ginawa nya," sabi ng vice mayor. Ama ni Janine na. Si Janine ang nakaaway niya kanina. Ang bilis magsumbong huh. "Vice mayor hindi nya sasampalin ang anak nyo kung walang ginawa ang anak nyo sa kanya," singit ni Zeo. Ako naman ay kinuha ko ang phone ko at may tinawagan. Natigil sila at tumingin sa akin. "My guardian, he needs to be here. Expell? Me? Tell that when he's here." Sabi ko. Sasagot na sana ang mama nung Janine nung may nagsalita sa kabilang linya. "Sha---" " 'lo pwede ka po bang pumunta ng school ngayon? Nasa dean's office ako gusto nila akong maalis dito sa school," sabi ko. I hope na gets nya at di nya ako tawagin sa first name ko. "Naka loud speaker to hahaha " " 'Lo naman eh," sabi ko, itong matandang to mysteryoso pero laging nakatawa. "I'm on my way. Give me half an hour," sabi ni Lolo bago nawala sa linya. "Who's that? " Sabi ni sir Zeo pero di ko sya pinansin at humarap sa dean. "Ma'am narinig nyo parating na sya,"ngumiti naman ang dean. "And for you mr whoever you are----" "I'M THE VICE MAYOR OF THIS PLACE, AT WALA KANG KARAPATAN BASTUSIN AKO." He shouted at me. "Wag mong sigawan," nagbabantang sinabi ni Zeo. Interesting. Natahimik ang lalaki. "Dean kita naman po sa mukha ng anak ko ang ebidensya," sabi nung Ginang. Hinarap ko si Janine at natawa ako sa itsura nya. A messed. "At nakukuha mo pang tumawa. Huh ang bastos mo," sabi ng ginang sa akin pero di ko pinansin. Tinanong din ni Dean ang nangyari sa apat na studyante na nasaktan ko. Hmmm wow ang galing nilang magkwento kulang at sobra. Natigil sila ng may kumatok at pumasok. Nakita kong tumayo si dean pati na din ang mag asawa sa harap ko. "Don hilario..." Sabay sabay na sabi nila. Habang si Zeo naman ay... "Daddy anong ginagawa mo dito?" Daddy? "Apo bawal na ba akong pumunta sa school ko?" Ahhh apo ng may ari ng school kaya pala ang lakas ng loob gawin lahat. " Hi dear Aphro," bati pa ni lolo kaya lumapit ako sa kanya at nagmano. " Ke gandang bata, marunong pang gumalang. Pagpalain ka." "Kayo po ang guardian Miss Razo, Don Hilario?" Tanong ni Dean. "Hindi pero pinapunta ako ng bata na yan para icheer daw sya pag pina alis SA SCHOOL KO." Nakangiti pero seryoso ang mata na sabi ni lolo. "Umalis ka na Zeo, ako na ang bahala dito--alis ." Bumuntong hininga si Zeo bago umalis. Umupo si lolo sa tabi ko na cool na cool. "Lolo apo mo si sir? bakit di ko alam?" I whispered not minding those stares coming from them. "Di ka nagtanong. Kayo na ba ng apo ko? Haha, wag mong sagutin may dalawa pa akong ipapakilaa sayo, para may pagpipilian ka." Natatawang sabi nito kaya umirap ako. Kaya pala di kami pinapatawag dati dahil dito.. "Eheeemmmm," pagpapapansin nung dean. Pagkatapos ay sinabi ang gustong mangyari ng mag asawa at ang ginawa ko sa mga bitches Para namang nabahag ang buntot ng vice mayor dahil sinabi nyang away dalaga lang ang nangyari. Tinanong ni lolo pag may reklamo pa sakin or tuloy ang pag expel sa akin SA SCHOOL NYA pero di na daw magrereklamo ang mga yun. Si Dean naman ay binigyan ako ng punishment na maglinis sa buong court daw for a week. Kaya naglalakad kami ni lolo may ipapakilala daw syang makakatulong sa akin para maglinis dun. "Lolo baka babae yang ipapakilala mo mag away lang kami. Si Ricardo nalang ang sasama saking maglinis." "Yung isa sa mga apo ko na lang. Malay mo magustuhan mo din, hahaha irereto ko ang mga apo ko sayo para sure na maging totoong apo na kita pag napakasal ka sa isa sakanila. Hahaha." "Kasal? Balik ka na 'lo sa pinanggalingan mo," sabi ko pero tinawanan nya pa ako. Pagdating namin sa court ay may naghihintay na duon. "TYRONE APO!" Kami naman ni Tyrone ay nagkatinginan. "Daddy, ano pong ginagawa nyo dito? Bakit kasama niyo si goddess?" "Magkakilala kayo? At goddess? " Tumingin ito sakin. "Immortal haha mukhang gusto ka ng dalawang apo ko." "Whatever!" "Hahaha tyrone samahan mo ang amazonang ito na maglinis ng court sa loob ng isang linggo. May mga binugbog yan na studyante ito ang parusa sakanya," napa irap ako sa sinabi nito. Oa ung binugbog. "Sige, Dad. Ah tatawagin ko na lang ang team mates ko para kami na lang ang maglinis baka kasi mahirapan ka------" "Pfffft HAHAHA!" Malakas na tawa ang pinakawalan ni Lolo. "Uupo ka pa ata sa parusa mo. Ang sweet ng apo ko pag nagustuhan mo yan sabihin mo sa akin. Haha, una na ako amazona. Hoy Tyrone apo pag linisin mo naman wag mo akuhin mas magandang asawa yung alam maglinis," napangiwi ako sa sinabi nya. "Asawa? Alis ka na lo. Di na lang sana kita tinawagan." "Hahaha bye. Sandali may nauuso ba sa school na to na tattoo pero mukhang pasa. Haha, bagay sa inyo ni Zeo." Pagkaalis nito ay naiwan kami ni Tyrone. Opssss, spell awkward. Si Lolo kasi makasabi ng Asawa wagas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD