"Si Aphrodite nagbalik na, dude"
"Okay lang ba siya?"
"Gaga nakapasok nga malamang okay na. Nabalitaan ko yung nangyari sa nanay niya."
"Sino yung kasama niyang dalawa?"
"Ang gaganda baka taga manila din."
"Sikat ka qu--hehe Aphro."
Muntik pang madulas ang bruha.
"Violeta yung bibig mo."
"Violet nga. Ang pangit ng Violeta. Bwesit."
Nag-umpisa na naman silang mag-asaran.
I'm finally back. Kung tatanungin nyo kung anong nangyari kay nanay bell. Okay na siya. Si Ricardo ang nag aalaga sakanya. Lumipat din ako ng bahay kasama sila Black.
Hindi pa nag uumpisa ang discussion ng may nagbukas ng pinto.
"Baby"
Tsk. Zeo
Umikot ang mata ko ng mabilis siyang nakalapit sa akin at agad na yumakap. "I'm so worried, love. I missed you."
"Ahhh-I'm fine." I answered.
Hinigpitan niya ang yakap sa akin.
"I'll protect you, promise." He said.
"Ehemmmm-Mr. Whoever you are nakaka storbo ka ng klase."
Natawa naman ako ng makita ko si Red na nagsalita. Matalas talaga ang bibig niyan, hindi uso ang filter.
"Talk to you later. May klase kami," malamig na sabi ko. Nakita ko pa ang pag-irap ni Ma'am Lara.
"Tsk.-"hinarap nito si Red at Violet. "I'm Zeo Vance Ranzo, your major subject professor."
Umarte pang nagulat ang dalawa. Batukan ko kaya sila ang oa ng reaction eh.
"Ohhh sir... Bakit nito po niyayakap ang studyante nyo? Bawal yan. Susumbong kita sa depEd," natatawa pang sabi ni Violet kaya sinamaan ko siya ng tingin. Mga baliw talaga.
"As if i care," bulong ni Zeo na narinig ko naman. "I'll wait outside, dami kong gustong malaman." He kissed me bago umalis.
"Teacher and student affair bawal yan ah," napatingin ako kay Red ng nakalapit na sila sa akin.
"Tsk, you don't care," sagot ko naman at tumingin na lang sa labas.
I'm still thinking about the man who tortured me. Hindi ko alam kung bakit niya ako nagawang kidnappin.
Pagkatapos ng klase ay dinala ako ni Zeo sa office niya. Nadatnan ko dun si Tyrone at Clivan.
"Nag alala ako sayo. s**t, okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Sinong nagligtas sayo? Sino yun---"
Nailing naman ako ng tinanggal ni Zeo pag kakayakap ni Tyrone sa akin. Nakita ko naman nakaupo si Red sa tabi ni Russel.
"I don't want to answer. Let's all move on. Inaasikaso na ng pamilya ko."
It's a lie. Ayokong sabihin sa pamilya ko ang nangyari, kaya kong lutasin yun ng ako lang.
Ayaw pa rin akong tigilan sa mga tanong na kung sino ang lalaking kumuha sakin. Kita ko din ang galit ni Zeo.
Hinawakan ko ang kamay nita.
"I'm okay. Ayokong balikan ang mga nangyari. " I whispered.
Sinandal ko ang uli ko sa dibdib niya. Nag iisip pa rin siya.
I'm sorry pero di kayo pwedeng masama sa gulo ko.
Hinayaan niya lang ako na sumandal sa kanya. Ayokong magsalita kaya pinanuod ko na lang ang apat sa harap namin.
"You are so handsome. My girlfriend ka?" -Red.
"You are so clingy. Linta ka?" Natawa ako sa sagot ni Russel. Nakahawak na kasi si Red sa braso nito.
"Hahha, I like you. You are funny."
"Hahaha I don't like you. Pabebe."
Natawa si Violet sa narinig. Di man lang nito tinitignan si Tyrone. Busy ito sa phone niya.
"Q-Aphro pakilala mo kaya muna kami dito hindi yung nakasandal ka agad dyan. Sana oil di ba," sabi ni violet sakin.
"Na-ah I'm lazy. Kaya nyo na yan."
Nakita ko pang hinalikan ni Red sa pisngi si Russel.
"I'm Red Ranzo, Aphro is my cousin."
"Violet Ranzo, we are cousins."
Yeah Ranzo ang pinagamit kong surname nila.
"Tyrone San Mateo." Friendly na pakilala ni Tyrone.
"Clivan Russel Agustine. Tang-ina lumayo ka nga. Makahalik ka akala mo nasa bar ka huh." Galit na nga kasi naman umaarte si Red na GF, mukhang natamaan ang bruha.
"Duh, that's how I greet."
Natawa naman ako sa sinabi ni Red. Mukhang may natamaan
"Love, let's go." Sabi ni Zeo at hinila na ako.
"Where are we going."
"House. I'll cook for you. You need anything? You want to eat something? Tell me..." Nginitian ko lang siya
Pagdating namin sa room niya niyakap niya agad ako.
"Natakot ako. Akala ko mawawala ka na sakin. Hindi ko pa nasasabing mahal na mahal kita. Di pa ako nakakabawi sayo. Wh- when I saw the video, s**t. Gusto kong magwala at hanapin ka agad. We did everything pero wala. Mababaliw ako." Niyakap ko siya.
"I was scared too." Pag-amin ko dito.
I was scared na baka di ko na makita ang pamilya ko. I was scared na baka masaktan ng sobra ang pamilya ko. I was scared na mamamatay akong di kami okay ng kuya ko.
Nagtagal ang yakap niya sakin. Hanggang sa mapagdesisyunan niyang ipagluto ako.
"Love."
"Hmmmm." I looked at him.
"I'll buy a house. Stay with me. I'll protect you," di ako agad sumagot baka kasi nagbibiro lang siya. "I want to guard you 24/7."
"No-"
"Love, please. I don't want you out of my sight. I'm scared na baka maku----" hinawakan ko ang kamay niya.
"I'll be safe. Kasama ko ang mga pinsan ko sa isang bahay and-"
"Mga babae kayo."
"May iba kaming kasama. Ahhh guards?"
Sila black yun.
Pinilit niya ako sa gusto niyang mangyari pero di ko hinayaan. Ayokong madamay siya sa gulo. Kung pwede ko lang silang iwasang tatlo ginawa ko na pero kinausap ako ni lolo helario na wag kung gawin yun. Sabi niya ay kaya ng mga apo niyang ipagtanggol ang sarili nila.
........
"Queen walang nakita sa mga cctv's na nadaanan ng sasakyan na ginamit niya," sabi ni Hray. Nasa meting kami dito sa office ko sa loob ng bahay.
"Damn, who is he? How can I fight if I don't even know him," Inis na sabi ko.
"Queen, kailangan mong ipaalam sa daddy mo para malaman kung sino ang nakabangga----"tinignan ko ng masama si Black.
"I can do this." Sabi ko dito bago nagbigay ng kailangan nilang gawin at pumasok na sa room ko.
You'll pay.
Zeo calling
Sinagot ko agad.
"Love, I love you. Goodnight."
I smiled.
"Goodnight."
..............