-❣️
Red's POV
Hay naku nakakainis si Queen at yung bruhang si Violet, iwan ba naman ako. Di ba nila naisip na gisingin ako total magkkaklase kami.
Ilang linggo na din kami sa La Gazilla at dito ko natagpuan ang love of my life. Kung alam ko lang na taga dito ang para sa akin. Matagal na akong sumama kay Queen.
Psssst
Pstttt
Psssst.
Tumingin ako sa paligid dahil may parang ahas na sumisitsit.
"Ako?" Tanong ko sa babaeng nerd na nagtatago sa may halaman.
Sumenyas naman siyang lumapit daw ako. Pero dahil siya ung may kailangan di ako lumapit at hinintay siyang lumapit. Mukhang nakuha niya ang gusto kong mangyari dahil palapit na siya sakin na aligaga. Parang may pinagtataguan.
" Next time wag kang sitsit nang sitsit huh. Para kang tanga," sabi ko dito.
Nahihiya naman siyang ngumiti. " A-ano kasi. Kasi-ano. Ahh"
"Aayusin mo yang dila mo o ako ang hihila nyan? " Banta ko.
"Kasi ano.- nakita ko may naglagay ng mga tae ng hayop sa locker mo. Tapos narinig ko pagpasok mo sa room niyo may mabubuhos sayo," Sabi niya at agad umalis.
Shit? Sa locker ko.? Magbubuhos sakin pagpasok sa room? Hahahaha
Yes!!
I'm so excited. Mararanasan ko na ang malawattpad na buhay sa school. Tapos dadating si Russely babe. Kyaaaahhhhhhh, forever na to.
Una kong pinuntahan ang locker ko. And guess what! Ang baho nga. Kailangan kong umarte ng para sa w*****d.
It's time.
"Oh my gosh! Who did this?" Naiiyak na sabi ko.- pero patanga lang kasi wala pa lang tao dito at nasa mga room na sila.
Bwesit. Tumawag na lang ako ng maglilinis nun. Mga may gusto na naman kay Russel ang may gawa nito.
Gwapo ng future bf ko eh. Haitz.
Nang makita ko ang room namin nila Aphro ay agad akong pumasok.
"OHHHH s**t. !" mura ko. Darn, nakalimutan kong may patibong pala dito.
Tinignan ko naman si Violet na pinipigalng matawa. b***h, please. Ramdam ko ang PAGIGING MAGKAIBIGAN NAMIN!
"Ms. Red are you okay?"
Tanong ng prof namin. Ngumiti naman ako sa harap niya.
"Of course ma'am. Masaya pa ako dahil ilang linggo na ako rito pero may pa welcome pa sa akin. Amazing," naiirita kong sabi bago dumeretcho sa tabi ni Queen at hinubad ko ang damit ko. Tinanggal ko na din ang skirt ko.
Kumuha ako ng tissue para punasan ang mukha ko. Binigay din ni Queen ang panyo niya para sa buhok ko.
Nakakairita ang pagtatanong ni maam kung sino ang gumawa nun. As if may aamin.
"Ms. Red pwede mong kunin ang extra uniform mo sa locker mo at sa cr ka mag ayos ng sarili." Sabi nito sabay tingin sakin pababa.
Duh naka sleeveless ako at short-short.
"Ma'am may naglagay po ng tae sa locker ko kaya wala akong maipapalit."
"Pffft."
"Bruha itawa mo. Baka saan pa lumabas yan," irap ko kay violet.
"Hahaha mga babae ng babe mo gumawa niyan. Haha mala cinderella ka na hahaha," sagot niya.
Natapos ang klase ni ma'am na walang naituro dahil pilit niyang pinapaamin ang gumawa sakin nun. Tsk.
"Red, head turner ka oh. Lahat ng nadadaanan natin napapatingin sayo. Hahahahahahah"
"Hahaha funny."
" You can use my extra uniform. Kunin mo na lang sa locker ko, " singit ni Queen.
"Sabi ko na nga ba ikaw ang kaibigan ko. Huhu thank you Aphro. Pero mamaya na lang gutom na ako. Makinis naman yung skin ko-keri na yan," mahabang sagot ko sa kanya na nakakuha lang ako ng malamig na "bahala ka."
Pagdating namin ay agad kong nakita ang basketball team. Pinaupo agad kami ni Tyrone.
"Sexy natin Red ah."
"Kaya nga. Sexy oh ang curve."
"Ganda pa."
Sabi ng mga kasama ni Tyrone. Ngumiti ako.
"Ako lang to," sagot ko at nag umpisa ng kumain.
"Mr. Gurang is coming," rinig kong sabi ni Aphro kaya naptingin ako sa entrance ng cafeteria.
May anghel na bumaba sa langit. Para pakasalan ang binibining tulad ko.
Thank God. Aalagaan ko ang anghe-
"Aray! ANO BA!" inis na sabi ko ng ma biglang tumulak sakin kaya muntik na akong mahulog sa upuan.
"What?" Ah si Russel pala.
" Babe?"
"What are you wearing? Wala ka sa bar ms. Red. Pinagtitinginan ka na ng mga lalaki gustong gusto mo pa."
"Hin-"
"Nag- eenjoy ka ba na pinagnanasaan nila yang katawan mo. Hindi ito Manila na magpapaka p****k ka."
"Eh ka-"
" Sana naghubad ka-"
"WILL YOU f*****g SHUT UP, RUSSEL!" Galit na sigaw ni Aphro na nasa harap ko na. "YOU BASTARD! Who do you think you are para pagsalitaan siya ng kung ano-ano? "
" Ayaw niyang sumagot," parang maamong tupa na sabi nito.
"How? Para kang babae na salita nang salita. Di na siya makasagot. Darn." Napahawak naman ako sa kamay ni Queen dahil alam kong inis na siya.
Nakita ko din sina Black na nakatayo na.
Natahimik si Russel at tumingin sakin. Nahiya naman akong tumingin.
" Nabuhusan siya ng slime pagpasok niya sa room kanina. Di din siya makapagpalit dahil nilagyan ng tae ung locker niya. Haha, judgmental sa p****k mr. President ah." Nailing na sabi ni Violet bago umupo.
"What?" Rinig kong sabi ni Russel.
"Tsk. Dumb-ass." Sabi ni Aphro bago ako hinila. " Let's go."
Nagpahila na lang ako. Takot ko lang kay Queen.
Si Russel naman ay di na gumalaw sa pwesto niya hanla baka na stroke.
Pag uwi namin sa bahay ay binatukan ako ni Queen.
"Queen naman eh."
"Next time na hahayaan mo siyang pagsalitaan ka ng ganyan- papauwiin kita sa Manila." Banta nito.
"Eh kasi----"
"Hindi ko kayo pinag stay dito para ganyanin lang ng mga studyante huh. Umayos ka.--- ikaw rin Violet. Huwag niyong hayaan na pagsalitaan kayo o apihin ng kahit sino." Sabi niya samin.
"Ako? Luh sapakin ko pa sila. " Sagot naman ni Violet.
"Red."
"Oo na di ko na hahayaan. Ang gwapo niya kasi magalit kaya-" tinignan ako ng masama ni Queen
"---- hehe peace. "
"Violet alamin mo kung sino gumawa niyan kay Red. Ibabalik natin ang ginawa nila, " sabi ni Queen bago umalis.
Lagot na. Wala pa namang sinasanto yan.
"Kilala ko sila," bulong ni Red sakin pag lapit. "Narinig ko habang pinagpplanuhan ka. Hahah di ko sinabi kasi akala ko di ka mahuhuli. Haha na tanga ka kasi ayan nabuhusan." Sabi nito at natatawang umalis.
Bruha talaga.
Bago matapos ang araw nakareceive ako ng text mula sa di ko kilala
0946*******
- I'm sorry.