PROLOGUE
"It was just a bet, Krizelle." Malamig nitong sabi sa'kin. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko sa mga sinabi nito.
"N-no! Gray! Please take it back! Sabihin mo na prank lang 'to!" Sigaw ko sakaniya.
He looked away and sighed heavily. Tinignan nya ako gamit ang malamig nitong mga mata, Kung dati animo'y pag-mamahal at pag-iingat ang nasa mga mata niya ngayon ay wala na. His green eyes are empty and cold.
"Krizelle, Look. I'm sorry, But it's just a bet. I don't love you. Napilitan lang ako," What? Ganoon ba ako kababa para pag-pustahan lang? Is that my worth!?
"W-why? Why are you doing this to me? Ganoon ba ako ka-walang-kwenta sa paningin niyo't pinagpustahan niyo ako!?" Puno ng hinanakit kong sabi rito. Dinuro-duro ko ang dibdib n'ya.
"You're just a bet, Krizelle."
"No! Please take it back... H'wag naman gan'to, please." i plead
Ngunit hindi niya ako pinakinggan at iniwan akong nasasaktan sa gitna ng kawalan, Bakit? Anong ginawa ko para mangyari ito sa'kin?
***** 'hours later' ****
Nandito ako ngayon sa kwarto ko't nagmumuk-mok. I didn't eat the whole day. Ang sakit, hindi ko kaya. Ang tanga mo kasi Sazarah! You broke your only rule! Napaka tanga mo!
Lumipas ang mga araw at ganoon padin ang ginagawa ko, Kumakain padin ako pero kakaunti lang, Napakalaki na ng pinayat ko. Maiitim din ang baba ng mga mata ko, patunay na hindi ako makatulog kakaiyak. Kung hindi pa ako puntahan ni Winter ay baka matagal na akong pumanaw.
Siya ang nag-alaga saakin, Alam kong busy din s'ya sa mga studies niya pero narito siya't inaalagaan ako dahil sa katangahan ko. Siya narin ang gumawa ng excuse letter ko at sinabing may sakit ako at baka hindi ako makapasok ng ilang araw, Naintindihan naman ni Ma'am Lianne. Napakalaking tulong ni Winter sa'kin. Lalo't ganito ako ngayon.
"You should eat, Krizelle," Buntong hininga ni Winter, "Sayang 'to! Ansarap ng luto ko tapos hindi ka kakain? Ginagago mo ba ako ha? Sazarah Krizelle Livera?" Tumawa ako sa sinabi niya.
Sa huli ay kinain ko 'rin ang ni-luto niyang adobo, Masasabi kong umaayos na din ang pakiramdam ko, Pero may kirot padin sa puso ko.
"H-how is h-he doing?" Hindi ko napigilang itanong. Lumingon siya sandali sa'kin.
"At bakit mo naman 'yan tinatanong, Krizelle? Siya ang dahilan kung bakit gan'yan ka ngayon tapos natatanong mo pa kung 'how is he doing?'" Medyo galit na sabi niya, Simula nang dito na siya natutulog ay hindi niya binanggit si Gray sa'kin. Maybe she's respecting my privacy.
Sumimangot ako at hindi na ulit nag-tanong, May point naman siya. Kaya hindi na ako muli pang kumibo. Nagpalasalamat ako't may kaibigan ako na katulad ni Winter.
Lumipas ang dalawang araw ay kaya ko nang muli na pumasok kahit alam ko na nandoon siya. Huwag ko sana siyang makasalubong..
"Senyoraaa!!!" Nagising ako sa napakalas na sigaw ni Winter, kinakalabog niya 'din ang pinto ko.
I groaned in frustration, Tumayo nalang ako at pinagbuksan siya ng pinto. Ang aga-aga palang eh!
"Bakit ba!" Reklamo ko sakanya.
"Hay na'ko! Sazarah Krizelle, maligo kana't male-late na tayo!" Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig, Oo nga pala't papasok na ako ngayon.
Nagmamadaling kinuha ko ang twalya ko't pumunta sa banyo para maligo, Nang matapos ay nag suot lang ako ng white tee-shirt at black jeans. Nag suot narin ako ng white sneakers, Liptint at kaunting powder lang ang nilagay ko sa mukha ko para hindi naman pale ang pagmu-mukha ko. Inipitan ko nalang ang mahabang buhok ko ng dalawang tirintas kung tawagin sa'min.
Uminom nalang ako ng gatas at kinain ang sandwich na gawa ni Winter at nag toothbrush. Kinuha ko ang bag ko at nilagay ang mga kailangang gamit, Hinintay ko si Winter na matapos mag toothbrush.
"Tara na!" Sigaw nito at nagmamadaling lumabas sa bahay.
Nag-abang lang kami ng taxi sa may kanto, Naka-dating kami nang sakto lamang sa oras. Wala pa 'yong ibang profs kaya umupo muna kami sa bench.
"Winter, CR lang ako sandali." Paalam ko sa kaibigan. Nilingon niya ako at tumango.
"Hintayin kita dito, " Sabi niya't tumango lang ako at pumunta sa CR.
"What if someone hear us?" Nakarinig ako ng mga tawa sa isang okyupadong cr.
"Trust me, Sarah." Pamilyar ang boses ng lalaki sa'kin
"Last night was fun, by the way..." I heard 'Sarah' giggled.
"I thought Sazarah was your girlfriend? Is she prettier than me huh?" Nagtatampong ni Sarah, Pakiramdam ko ay iiyak ako anumang segundo ang dumaan.
"No! She's just a useless b*tch, She's just a bet. She's too naive, she knows nothing but to drama," Tumulo ang mga luha ko sa narinig kong sabi ni Gray, Am i too naive kaya hindi niya ako nagawang mahalin at pagpustahan lamang?
Am i useless?
"I just need to take her v!rg1n*ty," Pagkatapos no'n ay puro ungol nalang ang narinig ko, Umalis na ako doon at inayos nag sarili. Hindi pwedeng makita akong ganito.
"You are Sazarah Krizelle. You are not crying over a f*ck*ng u**less boy." Paalala ko sa sarili.
Bumalik na ako kung saan naghihintay si Winter, Nag ce-cellphone siya at halatado na bored na bored na 'to.
"Psst, Winter. Tara na." Kinalabit ko siya at napalingon naman siya sa'kin.
"Huy, umiyak kaba?" Napansin niya siguro na medyo mapupula ang mata ko, Umiling naman agad ako.
"Napuwing lang," Sagot ko at naglakad papunta sa room namin.
Napatigil kami sa paglalakad ng may mabangga ako, Agad akong nag sorry at pinulot ang mga gamit na nahulog.
"What the h3ck!? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw sa'kin ng babae. Pamilyar ang boses nito. Base palang sa pagtingin niya sa'kin ay handa na niya akong sabunutan.
At nakumpirma ko na siya si Sarah, Siya 'yung kasama ni Gray sa CR kanina...
Tumingin si Gray sa'kin nang may galit at disgusto sa mukha.
"Calm down, babe." Hinalikan siya ni Gray sa pisngi at hinapit nito ang bewang niya.
"It's not my fault na naglalandian kayong dalawa at hindi ka nakatingin sa daanan kaya nabangga mo ako," Mahinahon kong sabi.
"Aba't sumasagot kapa! Tandaan mo, Gray loves me! Not you! w***e!" Galit nitong sabi sa'kin.
"You're the one who's w***e here Sarah, Tandaan mo." Sumbat ko.
"Hala, diba si Krizelle ang girlfriend niya?"
"Oo nga, bakit tinawag n'yang babe si Sarah?"
"Break naba sila?"
"Tss, i pity her."
Rinig ko ang mga bulungan ng mga tao sa paligid, Dahil alam nila na boyfriend ko si Gray, pero may kasama siyang iba.
Tumayo ako't ibinigay ang gamit ni Sarah ng padabog, Nahulog ang iba kaya rinig ko ang pag-sigaw niya sa pangalan ko. Pinigilan ko ang mga luha ko na patulo na dahil ayaw ko na kaawaan nila ako, I don't need their pity. Umupo nalang ako sa pinakadulo. Nang dumating na si Ma'am Lianne ay nagsimula na siyang mag discuss.
Habang nag susulat sa notes ko ay napalingon ako sa dalawang tao na kanina pang humahagikgik. Nakaka-distract kasi, medyo malapit pa naman sila.
I saw Gray with Sarah, Laughing and kissing each other. Walang respeto, nasa klase pero nag lalandian.
Dahil medyo malapit sila ay naririnig ko ang mga sinasabi nila.
"I love you babe," Rinig kong sabi ni Sarah.
Hinalikan naman siya sa pisngi ni Gray.
"I love you too,"
Ako dapat yan e, ako dapat yung hinahalikan. Ako dapat, pero hindi. Kasi pustahan lang pala ako.
I hate you!