CHAPTER TWO ( Happiness... is the first day of summer holiday)

1817 Words
Mabilis na lumipas ang buwan at malapit na ang bakasyon excited ang lahat para sa completion ng kanilang requirements at marka. “May,malapit na ang summer break natin hindi mo ba kami aayaing mag picnic sa ilog nila Bevs?” mayabang na tanong ni Arianne kay May na isa sa mga kaibigan at kalakase na nakatira sa Gabaldon. “Hey Cinderella ikaw ba yan? ikaw talaga naghahamon ng picnic? wag mo kami dinadare baka mapasubo ka hahaha." Sagot nito kay Arianne Joy. “It’s a prank alam ninyo naman na hindi ako papayagan ni lola hahaha only in my wildest dream payagang gumala di ba bawal ang ganito,bawal ang ganyan hindi pwede ang ganito,hindi pwede ang ganyan,at yes amen naman ako.” Eksaherang pagmomostra ni Arianne Joy na ginagawa na lang katatawan ang kaistriktahan ng kanyang lola paminsa minsan. “Ang hirap din kalagayan mo Arianne hindi ka ba nasasakal? Wala ka man lang kalayaan ni hindi ka napayagang umattend ng aquaintance o anong event pag gabi abay eigthteen ka na sissy hindi ka na bata.”Sabad naman ni Venus isa sa mga barkada nila. “Alam ninyo naman na protective talaga si granny saka hindi naman na lingid sa inyo istorya ng pamilya ko so better follow her do’s and don’t kung hindi buong descendant nya ay isusumpa ako hahaha." Tugon ni Arianne. “ Minsan naman give yourself a break makapunta ka man lang sa ibang lugar baka sa mismong bayan mo pwede kang iligaw at bahay iskwelahan lang alam mong puntahan." Naawang sagot ni Beverly. “Sige susubukan kong magpaalam."Sinabi na lang nito para matapos ang diskusyon nilang magkakaibigan. Paguwi niya ng bahay laking gulat ni Arianne ng maabutan nito ang kanyang ama. “Tay kailan po kayo dumating,sino po kasama ninyo?" Gulat na gulay na tanong ni Arianne sabay kuha mg kamay nito para magmano. “Ako lang anak namimiss ka na daw ng mga kapatid mo kaya pinapunta nila ko baka sakaling payagan ka ng lolo at lola mo na magbakasyon sa probinsya kahit ilaw araw. Nakaramdam ng kakaibang saya si Arianne Joy na matapos ang halos kulang sampung buwan ay makikita niya ang kanyang mga kapatid at ito ang unang pagkakataon na papayagan siya kung sakali ng kanyang lola na makapagbakasyon. Tinantiya niya ang kanyang mga lolo at lola kung siya ay papayagan ng mga ito. Pilit man ay napapayag nila ang mga ito ngunit ang bakasyon niya ay sa loob lamang ng isang linggo at muli ay babalik na siya sa Cabanatuan Tuwang tuwa si Arianne Joy at hindi niya napigilan na tawagan ang mga kaibigan na si May,Venus at Beverly para lamang ibalita ang kanyang isang linggong bakasyon sa probinya ng kanyang ama. “ I’m happy for you sissy,enjoy mo ang stay don at uwian mo ko ng maraming kwento at pasalubong ha." Sagot ni Beverly. Agad namang naggayak ng kanyang gamit na dadlhin si Arianne Joy hindi mawala ang saya sa kanyang mga labi. “Napakarami naman ata ng gamit na dala mo mukhang wala ka ng balak bumalik ah." Biro ng kanyang Tiya Liza. “Hindi naman po tiya mainam na po na kumpleto gamit ko para hindi rin po ako masyado intindihin ni tatay saka ung iba pong nakaliitang gamit ay dala dala ko na rin para maibigay ko kay May Ann.”Sagot ni Arianne. Sumakay ng pampasaherong bus ang mag-ama, dalawang oras na biyahe mula Cabanatuan hanggang San Ildefonso Bulacan mahaba haba ngunit tila hindi ito naramdaman ni Arianne Joy sapagkat sa buong biyahe ay hindi siya nainip sa pagtanaw sa magagandang bahay at tanawin sa labas ng bintana ng sasakyan. Pagdating nila sa mismong bahay nakita niya ang tatlo niyang nakababatang kapatid na masayang masaya sa kanyang pagdating agad niyang iniabot ang pasalubong na sitsirya at tsokolate sa mga ito. Maging ang kanyang mga tiyahin ay masaya siyang sinalubong at kinumusta. Agad naman niyang nakagaan ng loob ang kanyang tiya Mina na halos kaedad niya at bunso sa pamilya ng kanilang ama. “Magpahinga ka muna at nakakapagod ang biyahe maya maya ay kakain na tayo mabuti at pinayagan ka ni Lola Remy mo na magbakasyon?”Wika ni tiya Mina habang tinutulungang mag ayos ng gamit si Arianne. “Nahalata po siguro na gusto ko ring magbakasyon basta raw po isang linggo lang pag bumali daw po ako sa usapan ay hindi na ko makakaulit at hindi na papayagan kahit kelan hahaha."Natatawang kwento nu Arianne. “Mabuti na lang nataon ang pagpunta mo ng linggo na to makakasama kang manood sa peryahan hindi ka maiinip bukas na ng gabi yon kaya magpahinga ka at mahaba habang lakadan yon baka hindi ka sanay eh magipon ka na ng lakas nakangiting sabi ni tiya Mina. Habang nagpapahinga naisip ni Arianne kung gaano pa rin siya kapalad kahit na masungit at over protective ang kanyang lola Remy ay mas higit na maayos ang buhay niya sa Cabanatuan kesa sa sitwasyon ng mga kapatid niya dito sa probinsya. Rough road na daan, poso ang kinukunan ng tubig, kalang de uling o kahoy ang gamit sa pagluluto at paglalaba gamit ang literal na lakas ng kamay ang ilan lamang sa agad na nakita ni Arianne sa lugar ng kanyang ama,samantalang sa Cabanatuan sa piling ng kanyang lola marmol na sahig,tubig mula sa gripo,kalan na de gasul at washing machine sa paglalaba,bigla tuloy nitong naalala ang kanyang lola ano kaya pinagkakaabalahan nito ngayon? Taning sa isip ni Arianne. Naisip na lang niyang pasalubungan ito ng maraming gulay at prutas para matuwa sa kanyang pagbalik sa ngayon ieenjoy na muna ni Arianne na kasama niya ang mga kapatid at pamilya kahit na isang linggo lang. “Bukas ay pista ng barangay at mamaya ay may mga panoorin sa plaza sumama ka sa mga tiya Mina at mga pinsan mo na manood," Bilin ni tatay na tila ba alalang alala na mainip ito at agad mag ayang umuwi. Pagsapit ng alas siyete ng gabi excited ang lahat lalo na ang mga kabataan sa panoorin sa plaza nakagayak na tila ba suot ang pinakapampalakasang damit ng mga ito. Napapangiti si Arianne habang isinusuot ko ang simpleng pantalon at pulang blusa na dala dala nito na higit na nagpatingkad sa kanyang kaputian at nagpamalas ng kanyang perpektong pigura. Hindi niya akalain na ang pagtungo pala sa panoorin ay isang malaking sakripisyo sapagkat ang lugar na kailangan nilang marating ay lalakarin nila ng halos dalawang oras! Malakas na hiyawan ay masayang halakhakan ang sumalubong sa kanila sa lugar ng peryahan sa gawing likod nito itinayo ang kamada ng improvised stage para sa palabas. Bentang benta ang variety show at magic na inihanda ng barangay. Marami ring mesa para sa mga nagtitinda ng halo-halo at bibingka. “Halika at tikman natin halo halo nila at bibingka paniguradong magugustuhan mo isa ito sa especialty ng Bulakeneo mahusay magluto.”Aya ni tiya Mina. Totoo nga masarap nga sa loob loob ni Arianne. Tuwang tuwa silang magpipinsan sa kanilang pinanonood at hindi na nila namalayan ang oras at mukang ang gabi ay palalim na. Isipin pa lamang ni Arianne na muli siyang maglalakad ng dalawang oras ay tila ba gusto na niyang sumuko pero hindi naman siya maaring magreklamo nakakahiya kaya lihim na lang siyang nagdasal na sana ay pagod na rin sa paglalakad ang kanyang tiya at nawa'y makahanap ng maaring sakyan pauw. Tila naman narinig ng langit ang kanyang dasal ng naglitanya ang ang kanyang tiya. “Masakit na ang paa ko sa nilakad natin kanina teka at mukang natatanaw ko iba nating pininsan sanay may dalang sasakyan at ng tayo ay makisabay pauwi," Wika nito habang umiikot ang mata sa paghahanap ng posibleng mabiktima. Finally mukang nakatanaw ng pag asa si tiya Mina May nilapitan siyang grupo ng kabataan at pagbalik ay may ngiti na sa labi. “Solve na ang problema natin natanaw ko ang ilang pininsan natin ayun sabay turo sa XLT may sasabayan na tayo pauwi baka nangangawit na kayo kakatayo tara na duon at ng makiupo tayo para sigurado na ding hindi tayo maiiwan ng sasakyan." Mabilis na aya ni tiya sa magpipinsan. Pagdating sa sasakyan inabutan namin na masayang naglalaro ng baraha ang ilan ang iba naman ay masayang nagbabatuhan ng kanilang mga corny jokes. Umupo si Arianne Joy sa dulo ng sasakyan habang lihim na nakikinig sa mga biruan nila napapangiti hindi dahil sa nakakatuwa yung joke kung hindi nakokornihan talaga siya. Lihim pala siyang minamasdan ng magkaibigan sabay banat sa kanyang tiya. “Tiya Mina why naman ganun? hindi mo man lang kami ipakilala sa napakagandang binibining kasama mo paano niya malalaman na may mga Adonis pala sa bahaging ito ng Bulacan kung ganyan ka?”Wika nito na tila nais pang magpapungay ng mata. Hindi mapigilan ni Arianne ang masuya sapagkat hindi kagandahan ang maitim na lalaki na tila ba puno ng kumpiyansa sa sarili sa mga binitawang salita nito pero hindi siya pwedeng magtaray paalala niya sa sarili at sila ay makikisabay saka mga pinsan niya ito wika ng kanyang tiya kanina. “Naku,ikaw talaga Julius Roy gwapung gwapo ka na naman sa sarili mo hindi pwede mapapagalitan ako ni Kuya Arturo," Tugon ni tiya Mina. “Tiya just a proper introduction okay? let me do it.: Kumpiyansang sagot ni Julius. “Hello Miss its me Julius Roy Castro the tall dark and handsome and the Richard Gomez version of Calawitan San Ildefonso Bulacan and this is my not so handsome friend Clarenze Corpuz.” Pakilala nito kay Arianne. Napangiti si Arianne sa sense of humor ni Julius kumaway lamang siya rito at ngumiti ng tipid sa pagbaling ng kanyang mata sa kaibigan nito na Clarenze at tila may malakas na pwersa na nagpakabog sa kanyang dibdib his deep brown eyes makes her heart trembles,even his dimples seems to hook everyone’s attention and his curly hair that makes him sexier,she feels uncomfortable with the thought of finding this specie so attractive so she warned herself silently. “Tama nayang kalokohan mo Julius baka isipin pa ni ?may i know your name na nga Miss? “Arianne Joy Cruz” sabat ni tiya Mina sa usapan loko kayo talaga baka mapauwi ninyo yan sa Cabanatuan. “Napakabait naman namin tiya para maging banta sa iyong pamangkin magpapari nga kami di ba?” Sagot ni Julius sabay tawa. Ngumiti na lamang si Arianne para hindi na humaba pa ang biruan at agad na rin namang nagkayayaan na umuwi sa kanyang pagkabigla ang lalaking mag magandang mata pala ang may ari ng sasakyang kanilang pinakisabayan,mukhang may kaya sa loob-loob niya pero mukang bata,pinsan din kaya namin siya naisip ni Arianne na tila ba agad nanghinayang sa isipin na mag-kamaganak sila. Hey! Arianne whats wrong with you nakakita ka lng magandang mata at biloy naiba ka na kalma...kalma... kalma remember wala sa bokabularyo mo ang atraksyon sa opposite s*x sila ay isang malaking destruction para sa mga plano mo okay." Paalala nito sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD