Chapter Three (Cabanatuenos versus Bulakeneo)

1722 Words
Chapter Three (Cabanatuenos versus Bulakeneo) Masayang-masaya ang pakiramdam ni Arianne sa bagong karanasan oo nga at may fiesta rin sa kanilang lugar ngunit ni minsa ay hindi siya napayagan ng kanyang lola na makapanood lalo na sa gabi katwiran nito ay maraming lasing baka mamaya mapahamak pa siya kung kaya’t hindi na rin siya nagpilit. Ganun pala ang pakiramdam na makahalubilo mo paminsan minsan ung mga kaedad mo, makipagbatuhan ng corny jokes at maramdaman na malaya ka. “Ang lalim naman ng iniisip mo baka hindi na mahukay ah.” Bati ni Tatay Arturo habang gumagayak patungo sa trabaho. Tinanggap na nito ang pinapagawang bahay ng kanyang pinsan sa gawing kalsada sa tapat ng malaking tindahan papasok sa kanilang lugar sayang din daw habang hindi pa nagsisimula ang paggawa sa bukid at anihan pa lang naman ay may extra silang pagkakakitaan “Anak, mamaya pakiluto mo ung kamote, ilalaga lang pakidalhan mo kami mamaya mga bandang alas nueve para sa minandal at tubig na malamig magpasama ka na lang sa kapatid mo mamaya sa pagpunta para may kasama ka sa paglalakad.” Bilin ng tatay nito bago umalis. Ganun na nga ang ginawa ni Arianne naglinis siyang bahay katulong ang mga kapatid at iginayak ang pagkain na dadalhin niya para sa kanyang ama pati na sa mga kasamahan nitong gumagawa ng bahay. Habang papalapit sila sa bahay na ginagawa ng kanilang tatay ay natanaw agad ni Arianne na may ilang kabataan ang naglalaro ng basket ball siyang siya ang mga ito ngunit tila ba natahimik ng matanaw na sila ay paparaan. “Hi Miss.” Wika ng isa sa mga naglalaro. Hindi ito tinapunan ng tingin ni Arianne at diretso pa rin silang magkapatid sa paglalakad ng walang anu ano ay biglang naramdaman ni Arianne ang malakas na hampas ng bola sa kanyang likuran. “Mga bastos, mga walang respeto sa babae nakakagigil talaga,” pigil na pigil ang inis ni Arianne sa pagkakahampas ng bola sa kanyang likuran. “Are you okay? Are you hurt?” boses na tila pamilyar kay Arianne. “I’m okay nothing to worry she responds without any emotion on her face.” Sabay lakad ng mabilis at hindi na hinayaang makapagsalita pa ang kausap. Dinig na dinig ni Arianne ang kantiyaw ng mga kalaro ng lalaki walang iba kung hindi si Clarenze Corpuz! “You finally found your match bro!” kantiyaw ng isa sa mga kalaro nito “Imagine first time kang nasupladahan.” Ang huling sinabi ng lalake ay sinundan pa ito ng pagtawa. Hindi nagugustuhan ni Arianne ang mga nangyayari. “Cabanatueno versus Bulakeneo, one point for Cabanatueno.” Hiyaw pa ng mga ito. Kumuyom naman ang palad ni Clarenze sa pagkapahiya hindi niya akalain na susupladahan siya nito at siyang siya naman ang kanyang mga kaibigan sa patuloy na pamumuwisit sa kanya kaya't mas pinili na lamang niya na umayaw na sa basketball at umuwi naat magpahinga sa kanilang tindahan habang nag aalis ng inis. Matapos ang ilang oras mukang napagod na amg mga kabataang naglalaro ng bola tahimik na ang kalsada at nagpaalam na rin si Arianne sa kanilang ama na uuwi na,pagtapat sa tindahan ay may bumati sa kanila. “Iha, ikaw ba ang panganay ni Arturo? Ang bilis ng panahon ah, may nobyo ka na ba? o may asawa ka na rin?” tanong ni Jaime Corpuz isa sa mayamang pamilya sa lugar nila. Napakunot ang kaniyang noo, asawa? Asawa agad? “Opo ako nga po, wala po akong nobyo o asawa, nag-aaral pa po ako.” Magalang na tugon ni Arianne. “Noong edad mo ay anak ka na ng mga magulang mo, nakakalungkot nga lang at sa hiwalayan humantong? siya nga ba at totoong sumama sa ibang lalaki ang nanay mo? dirediretsong tanong nito. Pulang pula sa pagkapahiya si Arianne sa masyadong prangkang tanong nito sa kanya idagdag pa ang ilang matatandang babae na nakaupo sa gilid ng tindahan na tila ba nagiintay ng kanyang isasagot. Pinilit pa ring magpakahinahon ni Arianne, “pasensya na po kung hindi ko masasagot ang tanong ninyo, excuse me po.” “Nawa’y hindi magmana sa kanyang ina ang batang iyan kay ganda pa naman.” “Hindi magbubunga ng mangga ang kamatis.” Sabad naman ng isa sa mga nakaupo sa tindahan. Usapang alam na alam ni Arianne na patungkol pa rin sa kanya. Mabigat ang loob na nagpatuloy sa paglalakad ang magkapatid pabalik sa kanilang bahay, tila ba may sugat na matagal ng pilit ikinukubli and biglang nabuksan at nagbigay ng napakasakit na pakiramdam? “Ano nangyari sa inyo at tila pinagbagsakan kayo ng langit at lupa sa itsura mo?” pansin ng kaniyang Tiya Mina. “Tiya, nakasama mo ba ang nanay ko dito ano ba pagkakakilala mo sa kanya wala kasi akong gaanong matandaan o maalala alam mo na kakasilang ko pa lang iniwan na niya ko kay lola.” Tanong ni Arianne. Malungkot siyang tiningnan ni Tiya Mina, “huwag mo nang masyadong isipin ‘yan Arianne hindi makakatulong sa iyo, ang maipapayo ko lang sikapin mong makatapos ng pag-aaral at tulungnan mo ang mga kapatid at tatay mo, “Nakita mo kung gaano ang hirap ng buhay nila dito hindi ba? anuman ang naririnig mo ay ‘wag mo na lang pansinin hindi talaga mawawala sa mundo ang mga taong mapang husga gawin mo na lamang inspirasyon ang mga iyon para higit mong mas piliin na magkaroon ng maayos na buhay.” Ngumiti na lamang si Arianne bilang tugon sa sinabi ng kanyang tiya. Maghapon na pinilit maging abala ni Arianne naglinis siyang mabuti ng bahay at naglaba tinulungan naman siya ng kanyang kapatid sa paglala salit ang mga ito na nag tikwas sa poso habang siya naman ang nagbanlaw at nagsampay ng mga damit na nilabhan. Matapos ang buong maghapong gawain ay masayang nagkukwentuhan sa kubo ang magtiya habang nag kakape maya-maya pa ay narinig nila ang boses ng kanyang Tiyo Luisito na may kausap “Mina, pakitimplahan mo nga kami ng dalawang tasang kase diyan mo na lang sa kubo ilagay.” Sabi ng kaniyang Tiyo Luisito. Natanaw ni Arianne Joy na papalapit na sa kubo ang kanyang tiyo kasama ang isang pamilyar na bulto. Hindi siya maaring magkamali si Clarenz Corpuz ang kasama ng kanyang tiyo! “Bukas na sana maisisingit na giikin ang palay namin sa ibayo.” Sabi ng kaniyang Tiyo Luisito. “Sige kuya, unahin na nating isalang bukas ng umaga bago ko isunod mga katabi ng anihin palay.” Tugon ni Clarenze sa kanyang tiyo Luisito. Matapos magkape ay agad na rin itong nagpaalam sa kanyang tiya at tiyo ni ha ni ho ay walang ibinatong salita kanya na tila ba hindi siya nito nakita. “Marahil dahil yon sa nangyari kanina ng umaga.” Bulong ni Arianne sa sarili. “Tiyo siya ba ang gigiik ng palay bakit parang napakabata niya?”,tanong ni Arianne. Tinitigan siya nito ng matagal bago sumagot, “Arianne dito sa lugar namin ang bawat bata pag nag edad ng sampung taon isinasama na ng mga magulang para matuto ng gawaing bukid at iba pang gawaing bahay,” “Bawat isa ay sanay sa hirap at magbanat ng buto at kahit yang si Clarenze kahit na may kaya ang kanilang pamilya sila ang may ari ng malawak nalupain na nadadaanan mo bago ka makarating dito sa atin kanila rin ang thresher na gumigiik ng palay sinanay siya ni Tata Jaime na alamin ang pasikot sikot. Siya kasi ang panganay kaya dapat daw siyang maging responsable.” “Kahit pala prangka at dirediretso ang bibig ng Mang Jaime na ‘yon ay may magandang pananaw naman pala sa pagpapalaki ng anak.” Bulong ni Arianne. “Matulog kayo ng maaga ni Tiya Mina mo at bukas at tulungan mo siya sa pag gagayak ng pagkain para sa mga gagawa sa bukid.” Sabi ng kaniyang Tiyo Luisito. Magkatabing natutulog sa higaan si Arianne at Auntie Mina maya maya ay bigla na lang siya nitong tinanong. “Ano masasabi mo kay Clarenze, cute ba siya?” tanong ni Tiya Mina habang pilyong nakangiti. “Tiyang, ano namang klaseng tanong yan bakit parang may laman, ang yabang kaya ng dating tiya saka mas bata sakin yun at isa pa tiya hindi ba sabi mo mag-aral muna kong mabuti at wag munang makikipag nobyo.” Nakasibangot na tugon ni Arianne. “Whoa, you seem defensive isa lang ang tinanong ko kung cute ba ay bakit napakadami mo nang isinagot at ang layo na ng inabot.” Nangingiting tugon ng kaniyang Tiya Mina. “Ay Tiya, matulog na tayo maaga pa tayong gigising sabi ni tiyo.” Sabay talikod ni Arianne para itago ang pagkapahiya. Maya-maya pa ay mahimbing nang nakatulog si Arianne marahil ay napagod rin sa maghapong gawain. Sa paglalim ng gabi ay nakita na lamang ni Arianne ang kanyang sarili na masayang naglalakad sa parang na puno ng magagandang bulaklak nang walang anu-ano ay biglang sumulpot ang isang pamilyar na nilalang na tila nakangiti pati ang mga mata nito sa kanya. Punong puno ng saya ang bawat paghakbang nila ng magkahawak kamay tila ba sila sila si Adan at Eba sa Paraiso ng Eden. Sa patuloy na nilang paglalakad unti unti ay nagkaroon ng malinaw na awra ang lalaki sa panaginip ni Arianne, mayroon itong nangungusap na mga mata na tila ba nagpapahiwatig ng napakaraming emosyon,maging ang mga biloy sa pisngi nito na lalong dumagdag sa appeal ng maamong mukha nito at ang kulot na buhok na lalong nagdagdag sa malakas na karisma at sa pagtama ng liwanag ay malinaw niyang nakita ang kabuuang anyo ng lalaki sa panaginip niya walang iba kung hindi si Clarenze Corpuz! Sa kabila ng kabiglaan ay hindi nawala ang saya na nararamdaman ni Arianne ngunit walang anu ano ay biglang sumulpot ang tatlong lalaki na sapilitang humatak kay Clarenze palayo sa kanya. Walang nagawa si Arianne kung hindi ang umiyak ng umiyak at mag makaawa na ibalik si Clarenze sa kanya ngunit bigla lumabas si Jaime Corpuz. “Anong akala mo basta ko na lamang papayagan ang anak ko na gustuhin ka baka nakakalimutan mo anak ka ng babaeng nakiapid at hindi ko hahayaan na maranasan ng anak ko yan sayo.” Wika nito ng isang lalaki kay Arianne na hindi niya makita amg mukha. Nagising na lamang si Arianne sa pag yugyog ng kanyang tiya. “Binabangungot ka saglit at ikukuha kita ng tubig na maiinom.” Wika nito. Laking pagtataka ni Arianne kung bakit nagkaroon siya ng ganoong klase ng panaginip at of all people bakit ang mayabang pang si Clarenze ang nakita niya at kasama sa panaginip!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD