CARMELA “Sigurado ka ba na gusto mo ng umuwi?” tanong sa akin ni Oliver. “Opo, nag-usap na kami ni Sunny at okay na kami.” sagot ko sa kanya. “Okay, pero kung ako ang tatanungin mo ay mas gusto ko na hindi natin siya kasama.” sabi niya sa akin. “Alam ko naging sanhi siya ng away natin. Pero dahil rin may mali ako. Dahil sa nagduda ako sa ‘yo at pinagdudahan ko ang kapatid ko. Sorry, love. Alam ko na ako ang may kasalanan.” sabi ko sa kanya. “Wala kang kasalanan, Mi vida. I love you always, ikaw lang ang mahal ko. Kayo ni Baby Adam ang buhay ko,” sabi niya sa akin. “Mahal rin kita, Oliver.” sabi ko sa kanya. Siniili niya ako ng isang mapusok na halik. Napangiti na lang kami sa isa’t-isa nang maghiwalay ang labi namin. Gusto kong maging masaya at maging maayos ang lahat sa buhay ko.

