George pov
Hatinggabi ko ipinasyang bumiyahe papuntang Sta Barbara. Nais kong maagang makarating upang palihim na asikasuhin ang darating na kaarawan ni mama. Much as posible kasi ay ayaw nitong maghanda. Sayang lang daw ang perang gagastusin.
Natatawa na lang ako sa pagkakuripot ng aking ina. Mas gusto nitong gamitin na lang ang pera para sa mga proyekto nitong pangkawanggawa.
Isang pilantropo ang mama nya. Ang masama lang nito, lahat silang mga magkakapatid ay laging nadudugasan nito ng pera upang itulong sa kapwa. Maski ang papa ko ay walang magawa upang patigilin si mama. At ito ang isang sikreto ng aming pamilya... Si mama ang batas sa aming bahay. Nakakatawa at nakakahiya man pero dakilang under de saya ang papa ko. Nang papasok na ako sa aming bayan ay muntik na akong makabangga ng isang bakang tumatakbo. Mismong sa highway pa ito dumaan. Mabuti na lang at nakapagmenor ako.
Nang makalipas ang baka ay sunod kong namataan ang limang kalalakihang humahabol dito. Mukhang nakaalpas ang baka mula sa kulungang pinagpapastulan ng mga ito. Tatlong malalaking asyenda lang naman ang nandito sa kanilang bayan. Ang Las Floridas na pag aari nya na ipinangalan nya sa mama niyang si mrs Florida Singson, ang gaya's Paradise na pag aari ng mga Asuncion at ang la Pueblo na pag aari naman ng mga Sanidad. Naisip nyang maaring isa sa mga asyendang nabanggit ang may ari ng bakang nakaalpas.
Nagpatuloy na nga sya sa kanyang byahe. Kailangang maaga syang makarating sa bayan ng Barbara upang makausap ng maayos ang restawrang magkecater para sa surprise birthday party ng mama nya. Nang makarating sa restawran ng kaibigang si Ronnie ay agad pumarada sa harapan dahil punuan na ang mga parking space sa gilid.
Talagang sikat ang restawrang ito ng kaibigan. Maaga pa ay marami na agad mga parokyanong kumakain. Pagpasok nya ay bumungad sa kanyang tingin ang mga kumakaing mag anak. Galing siguro ang mga ito sa simbahan at ipinasyang dito na mag agahan. Umupo sya sa isang pandalawahang mesa. Agad naman syang nilapitan ng isang waitress at kinuha ang kanyang order ngunit tumanggi sya. Ito ang kagandahan sa restawran ni Ronnie dahil bukod sa mga dishes na nasa menu ay may mga buffet style din silang pwedeng pagpilian.
Pumili na sya ng agahan at tahimik na kumain sa kanyang mesa. Nang matapos sya ay saka nya pinatawag si Ronnie.
"Pare, kelan ka pa dumating?" bungad ni Ronnie ng makalapit sa mesa nya."Kanina lang pare. Dito na ko dumiretso sa pwesto mo dahil balak kong dito magbreakfast at magpa skedyul ng catering service para sa birthday ni mama," nakatawa din nyang sagot.
"Me basbas ba yan ni tita?"
Napatawa sya sa tanong ni Ronnie. Alam na alam talaga nito ang ugali ni mama.
"Kaya nga me tinatawag tayong SURPRISE birthday party dahil di na kailangang ipaalam di ba?" sagot naman nyang pinagdiinan pa ang salitang surprise sa kaibigan.
Tumawa naman ito sa sagot nya.
Alam nyang inaasar lang sya nito.
"Kung ipaghahanda mo sya ng surprise birthday party ay dapat me surprise donation ka rin sa kanya pare..mas kailangan at mas gugustuhin ng mama mo yon."
"Yes i know that pare. Dont worry..me nakahandang cheke na para don." nakangiting sagot naman nya. Kabisadong kabisado talaga nito ang mama nya.
Nasa ganon silang pag uusap ng biglang sumambulat ang malakas na alarm ng kanyang sasakyan. Agad syang lumabas upang tingnan kung ano ang nangyari at nagulat sya sa nakita.
Basag lang naman ang windshield ng kanyang bagong biling limited edition na Lambo. Wala pang isang buwan mula ng mabili nya ito ngunit basag na agad!!
Biglang umakyat ang dugo sa ulo nya. Napasigaw sya ng tawag sa kaibigang si Ronnie.
"Who the goddamn made this?!!" sigaw nya kay Ronnie. "You need to find the culprit Ronnie or i will shutdown your resto,"pasigaw nyang sabi kay Ronnie. Pakiramdam nyay nasa ulo na lahat ng dugo nya sa tindi ng galit.
Gaya's Pov
Saktong dating namin ng barkada sa harap ng resto ni kuya Ronnie ay agad naagaw ang tingin ko sa nakadisplay na sasakyan. Isang limited edition na Lamborghini. Pihadong milyon milyon ang halaga nito. Isang unit nito ay maari ng pakainin ang isang barangay ng kung ilang buwan. At sa pagkakaparada nito sa harap ng resto ay parang nagmamayabang pa ito sa aking tingin. Kinuha ko ang baseball bat sa likod ng van na dala namin. Ibinigay ko ito kay Nissa na kararating lang mula sa Maynila. Balak kong ito ang unang maging challenge dito... ang basagin ang windshield ng mayabang na sasakyan.
"Anhin ko To?" takang tanong ni Nissa sa binigay kong bat.
"Gamitin mo yan sa windshield na un," sabay turo sa Lambo.
"No, i cant!"tanggi nito.
"Come on Nissa, dont tell me you've chicken out on this one," galit kong sigaw kay Nissa.
"Look Gaya, you can dare me all you want but not this one! It's too expensive to ruin!" ganting sigaw din nito.
"You know i hate to see that luxurious car in front of my brothers resto. It's too flaunting in the eyes!" at kinuha ko ang bat. "This is what this car deserves," sabay hataw sa windshield. Pagkabasag ay umalingawngaw na ang malakas na alarm at napalabas ang mga tao sa resto kasama na rin ang aking kuya Ronnie.