The punishment

868 Words
Yes, dinemanda nga ako ni George dahil binuko ako ni kuya Ronnie. Di ko naman kasi inakalang matalik palang magkaibigan ang dalawa. Sinubukang aregluhin ni kuya ang kaso ko para di na ituloy ngunit matigas si George. Nais daw akong bigyan ng leksyon sa aking ginawa. Natulog ako ng isang gabi sa presinto habang ang mga kaibigan koy natulog sa labas. Inaabangan ng mga ito ang aking paglabas. Nagbantay sila sa pangambang baka akoy ilabas at isalvage. Bukas pa kasi ako pwedeng pyansahan. Nakialam na ang daddy ko ngunit ayaw pumayag ng George Singson na yon. Oo, nagsisisi ako sa ginawa ngunit huli na ng marealize ko na si kuya Ronnie nga pala ang unang puputukan dahil sya ang may ari ng resto. Kinabukasan nga ay nakalabas ako sa bisa ng pyansa. Nahiya man ako sa nangyari ngunit nauna kasing umiral ang pagiging pasaway. Ewan ko kung bakit pero masyado kasi akong impulsive. Ginagawa ko ang bawat maibigan ng di muna pinag iisipan. Pag uwi ko ng bahay ay sermon ang inabot ko lalo na kay kuya Ronnie. Ayon dito kararating lang ng kaibigan upang kontratahin syang magcater sa birthday ng mama nito. Malakihang pera ang usapan dito ngunit dahil sa ginawa ko ay baka malabo ng makUKha uli ang deal na iyon. Napayuko na lang ako sa hiya. Sa dinami dami kong ginawang pagpapasaway ay ngayon lang ako sinermuonan ni kuya ng ganito kalala.Ganon ba kahalaga sa kuya nya ang George Singson na Yon? "And to think, di mo ba naisip kung gaano kamahal ang sasakyang yon? Mag isip ka naman Gaya! Milyon milyon un! Kahit nga si daddy mahihirapang bumili non dahil bukod sa mahal na ay limited edition pa yon,iilan lang ang makaka avail non!" nangagagalaiti pa ring sigaw sa akin. Napahikbi na ako sa sakit ng loob. Sobra sobrang pagkapahiya ang natamo ko sa ginawang pagbasag. Kung pwede lang bang lamunin ng lupa ay ginawa ko na upang makapagtago lang mula sa paninermon ni kuya. "Kuya, sori na po...di na mauulit!" me paawa effect kong paghingi ng dispensa. "Talagang di mo na mauulit yon Gaya dahil tuluyan ka ng dinemanda ni George! Nakiusap na si daddy ngunit desido itong parusahan ka!" galit pa ring sabi pero lumapit sa akin at mahigpit na niyakap ako. "Please Gaya, magbago ka na...ayokong makita kang nahihirapan sa kulungan. Ikaw lang prinsesa namin ngunit wala kaming magawa nila daddy para iligtas ka kay George," madamdamin na nitong sabi. Niyakap ko din si kuya.Kahit nanenermon ay dama ko ang paghihirap ng loob nila sa nangyari. Ayaw nila akong makulong ngunit wala silang magawa. Mahal na mahal talaga nila ako. "Sorry na talaga kuya!Pangako, aayusin ko to...kung kailangan kong lumuhod kay George..gagawin ko" "Princess, please wag ka ng lumapit sa kanya..baka me magawa ka na namang pagsisisihan mo. Alam naming masyado kang impulsive. Baka mapahamak ka na sa susunod," warning pa nito sa akin. "Kuya, bente anyos na ko, kaya ko na ang sarili. And besides, makikiusap lang ako sa kanya na iurong ang demanda. Handa naman akong harapin ang anumang sabihin nya mapatawad lang ako. Me savings naman akong pambayad para sa pagpapagawa at kung sakaling kulangin yon eh di kokolektahan ko kayong anim ng pandagdag di ba?" kumbinsi pa dito. "Tapos pag naresolba ito iba na namang kalokohan ang muli mong gagawin?" nanantyang sabi nito. "No kuya...after this magtitino na ko," pinal nyang sagot. RONNIE'S POV Naaawa ako kay Gaya dahil for the first time ay naranasan nito ang matulog sa kulungan. Mahal na mahal namin sya dahil bukod sa bunso ay iisang babae sa pitong magkakapatid. Siya na halos ang sentro ng atensyon namin since namatay ang mama namin noong five years old palang ito. Kung tutuusin ay kaming anim na lalaking kapatid ang naging mama at papa nito dahil masyadong busy si daddy sa politika. Lahat ng mga kalokohan nito ay alam namin. Kami pa ang umaareglo sa mga napaprank nito ngunit ngayon ang pinakamalala. Malaking halaga ang bayad ng windshield na binasag nito kung itoy pababayaran sa min. Ngunit hindi ganon ang nais ni George. Nais ni George na magtanda ang kapatid nya sa ginawa nito. Sabagay, kung dito magtitino ang kapatid..bakit hindi? Baka nga suportahan pa nila ang plano nito. Bukas na bukas ay kakausapin nila si George upang mapagplanuhan ito. He will make sure na sa pagparusa ni George sa kapatid nya ay mailayo ito sa mga barkada. Malakas kasi ang loob ni Gaya na gawin ang mga pranks dahil andyan ang mga barkada na nagchecheer sa kanya. Kakausapin ko na rin ang daddy para di na irelease ang pera ni Gaya upang mapilitan itong pumayag sa leksyong gagawin ni George. Sabagay, may tiwala syang mapagbabago pa ni George ang kapatid.Titiyakin na lang naming di mapapahamak si Gaya. At kung sakali mang magkagustuhan ang dalawa bandang huli ay di naman lugi ang kapatid nya kay George. Higit pa sa boto sya dito para sa kaisa isang prinsesa nila. Pag sila ang nagkatuluyan.. gwapo o maganda ang magiging pamangkin nya. Hahaha.. dipa man ay parang kinikiliti na sya sa naiisip. Kung sakali, may pamangkin na syang iispoylin mula sa prinsesa nila at sa bestfriend nya.. Napailing na lang sya sa layo ng naisip na plano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD