The bullies

2343 Words
Isang linggo na rin ang lumipas mula ng huling bumisita si tanders sa resto. Araw na ipinangako ko ang paglimot sa kanya. At kinonsidera ko na nga ang panliligaw ni Julius. Di man siya dumadalaw sa bahay ay hinahatid naman niya ko sa eskwela pag natatapos na ang oras ng ojt ko. Di rin nawawala ang paflowers at chat and call sa gabi. Pakiramdam ko ay tila di ito napapagod. Mula 7am hanggang 11pm ang duty niya sa resto. Oo nga at me sariling office din siya pero mas lamang ang pagstay niya sa labas upang maiwelcome ang mga kustomer. Tuloy pa rin naman ang pasok ko sa school.Marami na rin akong mga kaibigan ngunit hindi pa rin maiwasan ang mga bullies. Mga estudyanteng mayayaman na dati ng popular sa school. Sanay ang mga itong tinatapunan ng espesyal na atensyon kaya naman nagagalit pag may nakalamang sakanila. At isa na si Myra doon. Cheerleader ng eskwela at anak ng isang politiko at businessman. Miyembro ng sangguniang bayan ang ama nito at may mga negosyo ang pamilya. May sarili din itong kotse na siyang sinaksakyan sa pagpasok sa eskwela. Dati itong presidente ng students council. Ngunit dahil sa kasupladuhan ay gusto ng palitan ng mga estudyante. At ako ang itinutulak nilang lalaban upang ito ay mapalitan. Mula ng malaman niya ang aking pagfile para sa aking kandidatura ay nagsimula na rin ang aming silent war. Nag umpisa ito sa laging pagpaprank nila ng kanyang barkada sa aming grupo. Naroong itago ang aming mga libro o bag at ilalagay sa may cr upang di namin magawa ang aming mga homework. Gusto ko mang magreklamo sa aming adviser ngunit wala naman kaming ebidensiya o witness man lang. Gustong gusto na rin ni louri na lumaban ngunit pinipigilan ko lang. Mahirap ng kami ay maguidance councillor pa. Nakakainis man ngunit wala kaming magawa. Malinis silang gumawa at lagi kaming nahuhuli upang ma caught in the act sana sila. "Bakla, hayaan mo na akong sabunutan sila. Sumusobra na sila", ani Louri na na ang tutuong pangalan ay Lauriano. "Pero mapapahamak tayong lahat pag ginawa mo yan bakla," sabi ko naman. Tahimik namang nag iisip sina Becca, Angel at Sephie. "Pero gagawin uli nila ang pambubully sa yo kung di ka lalaban!" galit ng tugon ni Sephie. Gaya ni Louri, isa ring gay itong si Sephie o Stefano sa totoong buhay. "Di bali ng gawin uli nila basta walang mapapahamak sa atin. Alalahanin nyong graduating na tayo ngayong taon. Hindi si Myra ang magiging dahilan ng pagbagsak natin," kalmado ko namang sagot sa kanila. "Sabagay pero kung macaught on the act natin sila ay wag mo kaming pipigilan ni Louri ha! Ipapakita namin sa kanila kung paanong maglakad ng laging nakascarf sa gagawin naming pagkalbo sa kanila!" ani Sephie na halatang nagpipigil lang ng galit. "Oo naman. Hahayaan ko pa tong dalawa na magcheer sa inyo pag nangyari yon. Basta palampasin na lang muna natin itong ginawa nila." Nilaslas kasi ang bagong bag ko at ginupit pa ang mga libro ko na naiwan sa may locker. Di namin alam kung sino ang may gawa at kung paano nila nabuksan ito ngunit matindi ang hinala naming ang grupo ni Myra ang may gawa. May nakakita kasi sa isang barkada nito na nagmamasid o nagmamanman sa may malapit sa pinto ng locker room. Ayoko mang magtanim ng galit ay tila nagngingitngit na rin ang aking loob. Paano ko sasabihin kay ate Gaya na kailangan kong magpalit ng bag dahil nilaslas ito? "Bakla,paano ko kaya sasabihin kay ate Gaya ito?" nalilito kong sabi kay Louri. "Akong bahala! Ako ang magsasabi sa kanya ng lahat ng kabulastugang ginagawa ng Myra na yon. Aba, dapat ngayon pa lang dapat ay pinuputol na ang sungay niya kundi ay baka mas marami pa siyang mabiktima in the future." "Pero as much as posible ay ayoko silang bigyan ng sakit ng ulo. Pag nalaman nila ang nangyayari dito ay tiyak na gagawa ng aksiyon ang kuya George. Baka pilayin niya ang business ng parents ni Myra! Kawawa naman mga parents niya na madadamay if ever!" nag aalala ko ding sagot. Kilala ko na kasi ang mga kumupkop sa akin. Na kahit sa ilang buwan naming pagsasama ay nakita ko kung paano nila ipagmalasakit ang mga tauhan nila. Kung ganon ang pakitungo nila sa tauhan, eh di mas ipagmamalasakit nila ako dahil di na rin iba ang tingin nila sa akin. Tinuring na nila akong tunay na kapatid at kapamilya. "Aba, sexy p***y cat ka lang Sheena hindi santa! Mangalmot ka pag ginalaw at kumagat ka pag sinaktan! Kung madamay man sila that is dahil di nila tinuruan ng maayos na attitude ang anak nila. Yon lang yon!" "Pero wala silang alam sa ginagawa ng anak nila!" pilit ko naman. "Baka nga ni hindi nila ang pambubully nito dito sa school," tuloy ko pa. "Pwes, dapat nilang malaman! Lalo silang walang gagawing aksyon pag tumahimik lang tayo sa bawat ginagawa niya!" "Pero.." Di ko na naituloy pa ang sasabihin ng hilahin na niya ako sa braso at dalhin sa tambayan namin. Dito sa may shade ng malaking puno sa likod ng school kami tatambay habang wala pa ang barkada. Nasa kabilang seksyon kasi ang tatlo naming mga kaibigan. Nauna kaming lumabas dahil absent ang last period subject teacher namin. Antayin na namin sila bago kami sabay sabay maglunch sa canteen. "Kumusta naman ang panliligaw sa yo ni tanders?" "Wala na, nagsawa na agad. Ano naman ang panama ko sa mga babae non? Mga models at socialites ang naghahabol don bakla! Ako hamak lang na estudyante at hindi pa kagandahan!" tugon ko naman. "Uy bakla, wag mong nilalang ang sarili mo! Maganda ka kaya at seksi tapos sariwa pa. Yong mga kinakasama niya ay mga bilasa na! Oo nga at magaganda ang mga iyon pero di sila kasing fresh mo." untag pa nito. "Tigilan mo nga ang pambubuyo mo sa taong yon. Ilang linggo ng di nagagawi sa hasyenda tapos di pa ko pinapansin sa resto. Yaan mo na siya bakla. Di lang siya ang lalaki sa mundo." "Pero umamin ka bakla, crush mo ang tanders na yon di ba? Bukod sa mayaman at talented na yummylicious pa ang wankata niya! Ayy... sarap dilaan at kagat kagatin!" patirik tirik pa ang matang sabi ni Louri. "Hay naku Louri, gumana na naman ang kalandian mo! Kung tutuusin ay wala naman ng ipagmamalaki yon! Kumbaga ay tira tira na lang siya ng mga kababaihan! Mabuti kung wala pang sakit yon mula sa nakakadate na mga babae!" inis kong saad. Alam na ng baklang to kung paanong magpalit ng mga gf ang tanders na yon ngunit tila uod pa rin kung kiligin sa lalaking yon. "Kahit tira tira pa siya ng patay kung lalapit siya sa akin at mahalin ako ay papatulan ko siya. Wala ka ng mahahanap pa na kasing gwapo at kasingkisig nya day! " "Tigilan mo ako bakla. Tulungan mo na lang akong mag isip kung paano ko sasabihin kay ate Gaya ang tungkol dito sa bag ko. Regalo nya to sa akin kaya alam kong masasaktan siya pag nalamang di ko naingatan," nag aalala kong sabi dito. "Bakit ka ba kasi natatakot magsabi? Wala kang kasalanan kaya dapat lang na di ka matatakot. Kung me dapat matakot dito ay si Myra at ang mga barkada niya!" galit ding tugon nito. "Pag sinabi mo ito, tiyak na kakausapin ng ate mo ang administrators dito. Kilala dito sa school ang ate mo lalo at anak siya ng meyor. Pag pumunta dito ang ate mo, matatakot na ang Myrang yon na ibully ka pa." Napaisip ako sa sinabi niya. Alam kong investor ang ate Gaya at kuya George sa school na ito. Nang ienroll ako ni ate ay asikasong asikaso kami. Personal pa kaming sinamahan ng school administrator. Ipinaghanda pa kami ng lunch para lang magtagal si ate dito. Kung sasabihin ko kay ate Gaya, tiyak na sasabihan nito ang administrator at bahala ng itong kakausap kay Myra. Pag nangyari yon ay mawawalan na ako ng sakit sa ulo. "Sige bakla, payag na akong sabihin kay ate Gaya. Sana lang ay maniwala ang school admin sa atin." Gaya Ngayong araw ay plano kong ipagshopping naman ng gamit si Alessa. Nagiging busy na naman ako sa trabaho at naiiwan lang siya sa pangangalaga ng yaya. Alam kong busy din si Sheena sa OJT niya at sa pagtakbong president sa kanilang students council. Madalas kong mapansing natutulala ito. Di ko malaman kung may problema ba ito sa school o kung namimiss lang nito ang kuya kong playboy. Wala akong issue kung magkagustuhan man sila. Concern lang ako na baka masaktan ng kapatid ko ang dalaga. Alam ko kung gaano karaming babae ang nadadawit dito at baka madamay lang ang dalaga sa gulong dala nito. Batid kong si Sheena ang dahilan ng malimit na pagdalaw ni kuya dito sa hasyenda. Halata sa kilos nito ang paghanga ngunit di masabi. Natatawa lang ako na kung kailan siya tumanda ay saka pa siya natorpeng manligaw. Ang batang si Sheena lang pala ang magiging katapat niya. Ngunit di na uli siya nadalaw. Natauhan na kaya ito na masyadong bata ang dalaga kumpara dito? Hahaha..sana nga. Awkward namang tawagin kong ate si Sheena bilang paggalang ko kay kuya. Inantay ko lang makapag ayos ang yaya at lumabas na kami. Kandong ko si Alessa habang hawak naman ng yaya ang bag ng bihisan at gatas nito. Tatawagan ko sana si George upang makasama ngunit alam kong maiignora na ako pag nakasama pa ito. Mas gusto kasi ni Alessang magpakarga dito. Dumiretso naman kami sa baby section. Ang gaganda ng mga baby dresses at shoes. Kumuha lang asko ng limang pares. Marami na kasi siyang mga damit courtesy of George's mom. Tuwang tuwa kay Alessa kaya madalas bilhan. Sabik sa baby girl lalo at di niya napamper noon ang baby Joy namin. Pumipili naman ako ng walker ng mag ring ang aking phone. Inilabas ko mula sa bag ng tumigil na rin ito sa pagtunog. Gayon pa man ay nilabas ko pa rin para naman makita kung sino ang tumatawag. Si Leila. May message din ito. Nasa Pilipinas daw sila ng asawang si Andrew at kasama din ang mag asawang Nissa at Lawrence. It's been so long since i saw them. And now, nagbabalak pa silang pumasyal dito. Mukhang magiging busy uli ang hasyenda. Tiyak na maeexcite din ang mga tao ko. Matagal na kasi yong last boodle fight namin. Magkakafiesta na naman sila ng wala sa oras. Pagkauwi ay agad akong nagpalinis ng bahay. Pinalitan din ang pintura ng bahay at kinumpuni ang ilang mga di napupunang sira. May isang linggo lang akong preparation. Magseselos na naman tiyak itong si George. Nagselos kasi ito noon kay Andrew dahil grabeng atensyon ang pinapakita sa akin. Medyo nag aalala lang ako sa kanilang pagdating. Masyadong liberated ang mga ito. Baka masaksihan ng mga bata ang paggo group s*x ng mga ito pag dito sila inabot. Ok lang sa amin ni Greorge since malapit na ring kaming ikasal. Tinatapos na lang ni George ang mga bagay bagay sa kanyang kumpanya. Plano kasi nitong mag out of the country para sa aming honeymoon.Sana lang ay di nila gawin dito ang ganong gawain...sana.. SHEENA Di ko na nagawang ipaalam kay ate Gaya ang tungkol sa pambubully ni Myra. Nadatnan ko kasing busy ito sa pagpapalinis at pagpapapintura ng bahay. May darating sigurong mga bisita. Pinalitan ko na lang ang aking bag. Ginamit ko ang bag na binili ng kambal para sa akin bago ang enrollment.. Matagal na ding di nagagawi si tanders sa resto. Masinsinan na rin ang panliligaw ni Julius sa akin ngunit wala akong madamang kilig sa kanya. Gusto ko siya ngunit bilang kaibigan lang at kuya. Ayoko namang basta na lang bastedin dahil mabait ito. Nagpatuloy naman ang pambubully sa akin ni Myra. Three weeks ang campaign period namin pero ineexpect ko ng gagawa ito ng mga bagay na ikakasira ko o ikapapahamak. Sure ako don ngunit ayokong lumaban ng marumi. Hayaan ko siyang gawin ang balang maibigan. Saktong pag uwi ko ng bahay ay nagkakagulo ang mga tao sa paligid. May mga naghahanda ng ihawan at me mga nagkakatay ng baboy. Dumating na ba ang mga bisita ni ate? Pagpasok ko ay nandon na nga ang mga bisita. Dawang dayuhang puti at dalawang pagkagagandang mga babae. Nangingintab sa kaputian at maluwang ang ngiti sa pagkukwentuhan. Mukhang matagal ng di nagkita kita ang magkakaibigan dahil di magkamayaw ang kamustahan. Dumiretso na ako sa taas. Naligo na rin muna ako at baka maamoy nilang amoy pawis ako. Tutulong ako sa kusina. Pagdaan ko ng sala ay pinatigil ako ni ate at pinakilala sa mga bisita niya. Bestfriends pala niya ang dalawang babae at mga magazine journalists pala yong mga asawa. Ang galing naman at mukhang magkakasundo sila kahit nasa ibang bansa. Dumiretso na ako sa kusina. Nagulat pa ako ng makitang si tanders pala ang kusinero namin ngayon. Bagay na bagay pala sa kanya ang pink na apron ni ate. "Naligaw po yata kayo ngayon?" bati niya dito. "Dati akong nakatira dito kaya there's no way na maliligaw pa ko dito" seryoso naman nitong sagot. Natameme sya sa narinig. Oo nga pala, bahay nila ito kaya imposible nga naman. "Pakiabot ng mga rekado dyan sa lamesa," anito at maagap ko namang ibinigay. Mahirap ng masupla uli. Mukhang me dalaw ito at wala sa mood mabiro. "Dumadalaw din ba dito si Julius?" "Ha?" gulat niyang sambit. "Wag kang basta magtitiwala don. Marami yong kapatid na binubuhay. Di niya kayo mabibigyan ng maayos na buhay!" Nagulat talaga siya sa mga sinasabi nito. Kelan pa ito nagkaroon ng pakialam sa lovelife niya? "Kuya naman! Rekado lang yong pinapaabot mo, hindi puso ko!" biro ko din dahil feeling awkward na. Ayaw kong pag usapan ang lovelife ngayon. "Anong koneksyon non?" "Eh ikaw kuya, ano bang pinaglalaban mo at pinapayuhan mo ko niyan?" "Ha?" tigagal nitong tanong. "Wala kuya, biro lang. Mind your own business na lang..." wika ko sabay talikod na. Bahala ka sa buhay mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD