Kakalimutan na Kita Tanders

1604 Words
Halos one week na rin akong nag oojt dito sa isang resto ni kuya Ronnie. Buti na lang at mabait ang lahat lalo na ang bagong manager kaya naman madali akong nakaadjust. Sa isang linggong nandito ako ay di ko siya nakita minsan man. Tanging sekretarya lang niya ang paminsan minsang bumibisita dito upang magmonitor. Maganda at elegante ang sekretarya niya. I wonder kung naikakama din niya ito pag nasa opisina sila at nag oovertime. Napangiti tuloy ako sa malaswang naisip. "Morning! morning! morning to all!" ang masiglang bati ng bagong dating na manager. "Morning din sa yo boss!" halos sabay sabay din nilang tugon. "Boss? Wala dito si boss!Wag nyo akong panerbyosin ha!" nag aalala namang tugon nito habang palinga linga din. Halatang aligaga na baka nga dumating ang boss nila sa resto. "Aba Julius, pag wala si boss Ronnie ikaw ang boss dito!" sabi naman ni ate Romina na nasa kaha. "Aba Romina, andito o wala si boss Ronnie, pare pareho tayong trabahador dito! Walang boss boss kasi lahat tayo kailangang magtrabaho para umunlad itong branch natin," mahinahon namang pagkokorek ni Julius sa sinabi ni Romina. "Ibang iba ka ngang talaga Julius ka! Kung si Carl yan, pagagalitan na agad kami at sasabihan ng Work! Work! Work! Kala mo naman kung nagtatrabaho din siya. Kung di pa namin alam na busy lang yon sa kachachat sa kanyang mga gf kuno!" Natawa na lang siya sa usapan ng mga ito. Down to earth ngang talaga itong si kuya julius na bagong manager. Hindi umabot sa ulo ang pagkakapromote. Feeling waiter pa rin na nagsisilbi ng pagkain during busy hour. Napapahanga tuloy siya sa sipag nito. Di nakapagtataka na marami silang parukyano. Bukod sa masarap ang mga pagkain ay mabilis pa ang serbisyo nila. Siya mismo ang nasa bungad upang iwelcome ang mga customer. Di tuloy maiwasang biruin ito ng mga kasamahan. Tila daw ba me pinakikitaan ito ng kasipagan sabay tingin sa akin. Totoo nga kaya na kursunada niya ako? Pero masaya ako na nakasama ako sa team nila. Masasaya at magaan ang atmospera ng trabaho. Para lang kaming mga naglalaro lang na nagsisilbi sa mga kustomer. Two shifts sila dito. Yong mga pang umaga ang siyang magbubukas ng resto na nag uumpisa ng alas sais hanggang alas dos ng hapon. Ang last shift naman ay two to ten pm. Mas mataas ang sahod ng pang second shift dahil bandang alas otso ng gabi ay nagseserve na sila ng alak at pulutan para sa mga dumadayong mga businessman na doon ginagawa ang mga meeting. Hindi rin bawal ang tumanggap ng tip mula sa mga kustomer kaya naman marami ang nag aabang na mag overtime pag me mag aabsent na panglast shift. Weekly ang palitan ng shift upang maranasan ng pang umaga ang maglast shift. Ngayon ko lubos naunawaan kung bakit okay lang na di magtrabaho ang tanders na yon. Sa dami ng kinikita ng mga resto niya ay pwede na siyang magbakasyon sa kahit saan niya gustuhin. Ang bata pang naging bilyonaryo! bulong ng isip niya. Di tuloy nakapagtataka na hahabulin talaga siya ng mga socialites. Mayaman nga naman at kayang kayang tustusan ang luho ng mga babae. Kaya naman isang bagay ang pilit niyang isinisiksik sa isipan, wag na wag akong gagaya sa mga babaing naloloko dito. Sakit ng puso at sakit ng ulo lang ang mapapala pag pinatulan niya ito. Itutuon ko na lang lahat ng panahon ko para sa kinabukasan ng anak ko. GAYA Halos mag iisang buwan na mula ng huling tumuntong ang kuya Ronnie ko sa hasyenda. Natatawa na lang ako sa balak ni George na paghihiganti. Wala talagang kwenta ang pinaggagawa ng lalaking yon. Balak pang gamitin si Sheena. Mabuti na lang at di na itinuloy ni kuya ang pagligaw dito. Namimiss na siya ng mga bata. Pati si daddy ay bising bisi na rin at di na mahagilap. Ayon sa mga katulong, nag out of town na naman ito dahil ininvite ng mga kaibigang mga mayors. Hindi lang alam ng mga katulong na pinagtataguan siya ng ama. Guilty kasi ito sa nangyari noong anibersaryo. Para kasing inireto siya sa anak ng kaibigan. Gusto sana niya itong makausap tungkol sa ibang mga project niya. Makapal na kasi ang mga tilapia fingerlings niya at balak niyang magpatulong sa ama. Kailangan niyang humiram ng backhoe sa munisipyo upang makapagpahukay uli siya ng gagawing fish pond para mailipat ang dumadaming binhi ng tilapia. Kailangan na rin niyang ihiwalay ng pond ang mga bagong pisang bangkok na hito. Parang kailan lang nong magpaharvest siya ng mga oversized bangkok hito. Kalahati noon ay pinagpiyestahan ng mga tao niya at ibinenta naman ang kalahati para sa maintenance ng mga fish ponds. Masaya sa damdamin na masaya ang mga tao niya. Kaya naman exited lagi ang mga ito pag naglulunsad siya ng mga proyektong pwede ding pagkakitaan ng mga ito. Sasabihin lang niya ang gagawin at sila na ang magtatapos nito. Kaya naman lahat ng projects ay matagumpay nilang nagagawa. Sa ngayon ay malaki na ang kinikita ng hasyenda. Di kagaya noon na tanging gulay, palay at hayop lang ang pinagkakakitaan. Ngayon maliban sa entrance fee at benta sa mga dumadayong turista, kumikita din ng malaki ang mga prutasan, gulayan, palaisdaan at mga hayop na aming binebenta. Lagi tuloy akong binibiro ni kuya na dapat daw sana ay ginawa na lang niyang investment dito yong perang hiniram ko noon upang idevelop ang hasyenda. Natatawa na lang ako sa kanya. Kung di ko pa alam na mas mapera pa siya kesa kay daddy at sa iba pa naming kapatid na nasa abroad. If i'm not mistaken, siya yong pinakamayaman sa amin. Kuripot lang kasi kaya di gaanong halata. Mayaman na rin sana ako kung di lang nakainvest lahat ng pera ko. Ang ipinagpapasalamat ko na lang ay hati kami ni George sa lahat ng gastos. Kung minsan nga ay mas malaki pa gastos niya kesa sa kin. Pero okay lang yon kesa naman ipasolo ko sa kanya. Sabagay, barya lang ito sa kanya. Marami kaya itong pera. Paramihan nga sila ni kuya noon. Mas lamang nga lang si George dahil million ang kinikita kada buwan ng kompanya nito. Iba pa ang kinikita ng hasyenda at mga bukid na investment nito. Nakakainggit nga silang dalawa. kahit isang taon siguro silang di magtrabaho ay mabubuhay pa rin sila ng sagana. Parang kelan lang nong basagin ko ang windshield ng bagong bili niyang lambo noon. Kulang na lang ay magbuga ito ng apoy sa galit. hahaha, kala mo naman di na niya ako kakailanganin sa tindi niyang magsalita. Pero lahat ng iyon ay nabalewala ng umibig ang lalaking under sa akin. Takot maunder pero siya din ang pumilit sa akin upang tanggapin siya uli. Napagtripan tuloy siya ni kuya noon. Yes, sa ngayon ay mas mahal niya ako kesa noon. Kaya naman pag nagtampo ako ay labis na siyang nahihirapan upang suyuin ako. Alam na kasing me karibal syang pwedeng sasalo sa akin pag binitawan ko siya. Kaya naman hanggat may pagkakataon ako ay pinahihirapan ko ito tapos ay iseseduce naman para kahit paano ay makaganti lagi sa kanya. Nasa ganon akong pagbabalik tanaw ng umiyak si Alessa. Ako na ngayon ang umaako sa pag aalaga sa kanya. Itinatabi ko din sa pagtulog upang di mapuyat si Sheena sa pag aalaga lalo at pagraduate na ito. Naglie low na rin ang obsession ni Jay dito. Mula ng mag aral na ang kambal ay naging busy na rin ang mga ito. Di na rin magawang makipaglaro pa sa sanggol na si Alessa. Alam niyang pagdating ng panahon ay marami itong papaiyaking mga binata. Nakuha nito ang ganda ng ina at ang berdeng mata ng ama. Sa paglaki nito, alam niyang di ito pakakawalan ng anak. Ayoko lang isipin kung hanggang saan aabot ang obsesyong iyon ng anak. Nagmana pa ata sa akin ang anak ko na one-man woman. Mula kasi ng makilala ko si George ay wala ng gwapo sa tingin ko, siya na lang.hahaha.. syempre patronize your own ika nga. Wag lang siyang titingin sa iba dahil pag nagkaganon ay pipilitin ko talaga siyang palitan...joke! SHEENA Mula ng mag OJT ako ay natuto na akong gumising ng maaga. Kailangan ko pa kasing tulungan ang kambal sa paghahanda sa pagpasok. Napipilitan din tuloy ang kambal na pumasok ng maaga upang maisabay na rin namin sa sasakyan. Nakatoka kasi ako sa pagsisilbi ngayon. Last week ay sa dishwashing ako pumuwesto para naman maexperience ko ang lahat ng trabaho dito. Ang mahirap lang dito ay ang pagtayo ng matagal habang pumipili ng kakainin ang mga kustomer. May mga kustomer din na sobrang rude sa pag order. Ibayong pasensya na lang ang kailangang pairalin sa kanila. May mga manyakis ding nakakaencounter doon. Disimuladong hihipuan ka sa hita o sa pang upo. Kusa na lang akong lumalayo sa kanila at lalaki na lang ang inuutusan kong magsilbi sa kanila. Palabas na ako habang dala ang order ng kustomer ko ng makita ko ang pagpasok ni tanders. Gwapong gwapo sa suot na puting button down shirt at black pants. Gusto ko mang tingnan pa ay kailangan ko ng dalhin ang dala kong pagkain. Baka pagalitan ako ng matandang kustomer pag natagalan pa ako. Dumiretso naman ito sa sariling opisina. Di man lang siya pinansin. Alam niyang nakilala siya nito ngunit inisnab lang. Ahhh..gagong tanders yan! Inisnab ako? Porke gwapo di na nakakakilala? Aba ano yon? Putsa kang tanders ka, mula ngayon ayoko na sa yo. Si Julius na lang ang iientertain ko. Pag nanligaw siya, sasagutin ko agad para di na kita maisip pa. Kakalimutan na talaga kita! Pag nanligaw ka uli, BABASTEDIN KITA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD