Tanders goal: Operation Miss Pa More

1314 Words
Simula ng magwalk out ako kay tanders ay di na uli ito nagawi sa hasyenda. Di na rin ito dumalaw maski sa kambal man lamang. Nagtatanong na tuloy sa akin ang kambal kung kami ba ay may pinagkaalitan kung kayat di na nagpapakita pa ang butihing uncle nila. After a few days ay nalaman kong nagkaroon pala ng fiasco sa isang branch ng resto niya. Na diumano ay may kabulastugang ginagawa ang store manager niya. Na kesyo hinaharass pala ang kanyang mga empleyado ngunit walang naglalakas loob na magsumbong sa kanya. Kung di pa ito nagsurprise visit ay di pa nito malalaman ang milagrong ginagawa ng manager kasabwat ng mga kamag anak at mga babae nito. Humanga ako sa ipinakitang malasakit nito sa mga tauhan. Hindi nito pinanigan ang masamang gawain ng pinagtitiwalaang manager. Sabagay, alam kong mabait ito sa mga tauhan. Nakita ko kung paanong concern at mga gantimpala ang binigay nito noong anibersaryo nila. Ito marahil ang sikreto ng tagumpay ng kanyang mga restawran. Alam gantihan ng mga tauhan niya ang bawat pagmamahal at pag aalagang nilalaan niya sa mga ito. Now i understand kung bakit siya nag effort ng bongga noong anniversary. Tiniyak nitong lahat ng pupunta ay may maiuuwing regalo at mga premyo. Inawardan din ang mga empleyadong karapat dapat sa pagkilala ng sertipiko at cash incentives upang lalo pangpagbutihin ang kanilang mga performance. Kahit pala rude at masakit magbiro ang tanders na yon ay may ginintuang puso din. Lalo tuloy niyang namiss ang pangungulit nito sa kanya. Lagi na niyang inaabangan ang pagdating nito sa umaga upang ipagluto sila ng breakfast at ihatid sa school. Nawala na rin ang inggit ng mga kaklase sa kanya. Wala na kasi ang magarang kotseng pumaparada sa parking lot upang hintayin at sunduin siya. Wala na ring pinagkakaguluhan ang mga malalanding mga kaeskwela sa tuwing hapon. Maski ang mga ito ay nagtatanong na rin sa kanya tungkol sa whereabouts ng binata. Ngunit ano ba ang isasagot niya kung maski siya ay di rin alam ang sagot. Para itong gutom na aso na ng magsawa sa pag aabang ng pagkain ay nawala na lang ng walang paalam. Walang pasabi kung babalik pa ba o hindi na. Sa mga naisip ay ipinasya kong itulog na lang. Pasasaan ba at dadalaw din yon pag hindi na busy sa trabaho. At sumapit na nga ang linggong kailangan na nilang mag OJT. Ang school ang mag aassign kung saan kami ipupwesto. Nagulat pa ako ng ipadala kami ng school sa magkakaibang lokasyon. Merong sa fire station, sa munisipio, sa mall, sa mga resto at botika. Natoka ako sa isang restawran. And to top it all, doon ako naassign sa restawran ni tanders na kelan lang ay nagreshuffle ng pamunuan. Iba na ang manager ngayon. Ayon sa mga waitress doon, dati daw waiter itong si kuya Julius na siyang manager ngayon. Ito lang daw kasi ang naglakas loob na nagsumbong kay tanders ng lahat ng gawain ng dating manager nila. Mabait nga naman itong si kuya Julius. Halata ang malasakit sa mga tauhan. Kahit kami na bago lang at OJT lang dito ay winelcome niya ng bongga. Siya mismo ang nagturo sa amin ng mga gagawin at nagtour sa buong resto. Sinabihan pa kami na kung me problema ay lapitan lang ito. Di man ako assuming pero sa tuwing lalapitan niya ako ay nakakadama ako ng special na atensyon mula dito. Mukhang crush ako ng bagong boss namin. GEORGE Mukhang napurnada yata ang balak kong pagganti kay Ronnie. Mula kasi ng inasar nito si Sheena at me naganap sa restawran nito ay di na muling bumalik pa sa hasyenda. Wala na yong uma umagang pagluluto nito ng almusal namin. Wala na rin yong paghahatid sundo niya sa kambal at kay Sheena. Di pa man ako nakakaround one sa kaniya ay wala na agad. Mukhang umatras na sa panliligaw kay Sheena. Di ko alam kung binasted ba ito ni Sheena o nagsawa na lang ang kumag. Sabagay, kilala ko ang karakas ng bestfriend ko. Kung alam niyang tagilid siya ay di na yan tutuloy pa. Lalo pa nga at ni minsan ay di pa naranasang magpakahirap para lang makuha ang isang babae. Sanay ito na babae ang nag eeffort upang makuha siya. Pero nanghihinayang ako sa pagkakataon ko sanang makaganti dito. We have one thing in common. Takot kaming manligaw noon ngunit magkaiba ang dahilan. Takot akong maunder samantalang siya ay takot mabasted. Ikaw ba naman ang playboy na papalit palit ng magagandang gf tpos pag nagseryoso na ng panliligaw ay mababasted lang pala. Saklap kaya non! Sobrang busy ang sumunod na mga araw kay Ronnie. Nagkaroon siya ng reshuffling sa kanyang mga restawran. Naging eye opener kasi dito ang nangyari sa branch na aksidenteng nadalaw niya nong magwalk out sa kanya si Sheena. Ang simpleng pagbisita upang malimot ang nagawang pang iinis kay Sheena ang siya palang magiging dahilan ng pagkakatuklas sa kalokohang ginagawa ng isa niyang manager. Naawa siya sa dalagang biniktima ng babae kaya naman iginanti niya. Pinaghugas nila maghapon ang babaing scammer na yon at pinakwenta naman ng abogado niya sa mga tauhang nabiktima ang mga halagang nadugas ng manager at mga kasabwat nito. Lahat ng halagang binayaran ng mga nabiktimang tauhan ay sapilitang pinababayaran sa manager kasabay ng pagtatanggal sa trabaho kapalit ng di na pagsampa pa ng demanda laban dito. Ang alam siguro nito ay makakapasok pa siya sa mga restawran.Di nito alam na pinablacklist na niya ito sa mga kapwa restaurant owner. Sa ngayon ay medyo nakahinga na rin ako ng maluwang. Alam kong okey na ang bagong manager ko sa branch na iyon.Puring puri pa siya ng mga kasamahan sa galing makisama at kabaitan. Pero namimiss ko na ang sexy kuting na yon. Kuting na laging kumakalmot sa tuwing naiinis.Kuting na nais kong laging inisin. Lalo kasi siyang gumaganda pag namumula na sa inis. Lalong lumalabas ang karisma niya pag inis na at lumalaban sa kin ng sagutan. Minsan tuloy naiisip ko kung ganon din siya kainit lumaban pag nasa ibabaw na ng kama. Ahhh... putsa naman yan. Turned on agad si junjun sa naisip ko. Imagine pa more! Naiisip kopa lang ang pamumula niya sa tuwing naiinis ay di ko na mapigilang maturn on. Paano pa kaya pag kaharap ko na at wala ng saplot ang kuting na yon? Ahh.. putsa naman talaga! Cold shower na naman ang kakampi ko nito! Kundangan kasi at naiisip mo ang kuting na yon? angil naman ng isip niya. Ahh tigilan mo na junjun ang pag iilusyon mo. Di ka non namimiss. Baka nga sa oras na ito ay sarap na ng tulog non. Ngunit matay man niyang isipin ay patay na patay talaga siya sa Sheenang yon. Kahit pa saksakan ng suplada at hayagan siyang kinaasaran. Kung bakit naman kasi ang matang ito ay tunay na makasalanan. Kung di ba naman ay paano niya malalamang sakto lang sa palad niya ang dalawang bundok nito sa harap? Kung paanong sasakto din sa dalawang palad niya ang liit ng bewang nito. At kung gaano kalambot at kaputi ang mga hita nitong itinatampok lagi ng suot suot nitong short shorts pag dumadalaw siya ng hasyenda. Shit! Gusto niyang ingudngod na lang ang mukha sa matambok nitong hinaharap na lalong nagpapahirap sa bawat gabi niya. Maisip pa lang niyang pinagsawaan na siguro ng ama ni Alessa ang mga kagandahang yon ay tila gusto na niyang patayin ito. Yes, todo siyang naiinggit sa ama ni Alessa kung sino man ito. Ito ang nakauna kay Sheena. Kung siya lang sana ang unang naging bf nito ay tiyak na di niya ito hahayaang magdusa na tulad ng naranasan nito noon. She's too precious to let go. Ngunit kailangan niyang gawin ngayon. Dapat maisip ni Sheena na balewala na ito upang mapilitang umamin sa kanya. Operation paselos kaya ang gawin ko sa kanya? Eepekto naman kaya? kontra naman ng isip kong sutil. Pero paano ko malalaman kung di ko susubukan? Hayy.. matulog ka nalang. Mapupuyat ka lang kaiisip ng walang kwentang bagay. Buti sana kung kagaya ng ibang babae yang iniisip mo. Alalahanin mong takot na yang magmahal. Natrauma na sa ginawa ng tatay ni Alessa, muling paalala ng kabilang utak niya. True nga naman. Dapat gentle gestures lang ang gawin nya kung gusto niya itong makuha. Maghanda ka na junjun, pag umamin ang kuting tiyak makakatikim ka na ng nangangalmot na sexy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD