Ang Reverse Psychology

1857 Words
Naghahanda ng matulog si Gaya ng maalala ko ang nangyari noong anniversary ng resto ni Ronnie. Akala ko'y tuluyan na akong hihiwalayan ni Gaya ngunit nakuha ko naman siyang pakiusapan. Mabuti na lang at napaamo ko din siya sa tulong ng kambal kundi ay baka kung namomroblema na sana ako ngayon. Alam kong seryoso ang gag*ng meyor na yon sa kaniyang ipinaalam na liligawan si Gaya. Aagawan pa ko ng lokong yon! Buti sana kung wala kaming anak at nakapagpropose na rin naman na ako. Alam ko namang di yon papayagan ni daddy ngunit na kay Gaya pa rin ang last say tungkol dito. Isinara ko at pinatay ang laptop. Bukas ko na lang itutuloy ang aking mga trabaho. Tumungo ako sa kamanh kinahihigaan ni Gaya. Marami akong gustong itanong dito. "George..." tawag niya sa akin. "Hmm.." tugon ko naman. "Me naging gf ba si kuya nong college kayo?" panimula nito. "Maraming naging babae si Ronnie pero wala siyang official gf noon. Siya yong hinahabol nila." tugon ko. "Bakit mo natanong?" usisa ko naman. "Wala. Natanong ko lang kasi parang weird siya ngayon.." "Paanong weird?" "Mula nong anniversary ay lagi na siyang dumadalaw dito. Kung di magdadala ng pagkain ay nagluluto pa sa kusina ko. Sa palagay mo, sino ang pinupuntahan niya dito?" "Is it Sheena?" sagot ko naman. "You think so? Kahapon kasi ay nag aaway na naman sila pagdating dito. Galit na galit si Sheena ke kuya. Tapos kaninang umaga ay nandito na naman upang magluto ng almusal. Pinagday off pa ang mga katulong natin." "Hahaha! You mean pumunta dito si Ronnie kahit walang klase ang kambal?" "Oo. Nangialam sa kusina ko tapos ginalit na naman si Sheena kaya nagwalk out naman yong isa. Sa opinion mo George, could it be na kursunada ni kuya si Sheena?" "Hmmm.. sa palagay ko ay tama ka. Never siyang nagkaganyan kahit marami siyang naging flings at babae. Siya yong sinusuyo ng mga babae." "So it means nanliligaw na nga ang playboy kong kuya!" manghang wika ni Gaya. "Yes, nanliligaw na ang kuya mo and this will be my chance to get even with him. Pinahirapan niya ko noon sa panunuyo ko sa yo kaya siya naman ang pahihirapan ni Sheena ngayon. Titiyakin kong mapapanot din siya sa kaiisip ng paraan upang mapasagot si Sheena," natatawa kong sabi. Alam kong batid ni Gaya ang mga pinagdaanan ko sa kanyang kapatid. "Anong balak mong gawin?" "Kakausapin ko si Sheena. Kukuntsabahin ko siya na pahirapan si Ronnie tapos irereto ko pa si Sheena sa ibang mga binata upang maaburido yang si Ronnie. Ngayon pa lang ay nakikini kinita ko na kung paanong pagkamot sa ulo ang gagawin ni bestfriend Ronnie." Napangiti ako ng tabingi sa sinabi ko. Bestfriend ko si Ronnie ngunit masarap gumawa ng ikaaasar nito. Sarap makita itong problemado. Pagkasabi ay tumabi na ako kay Gaya. Iniunan ko ang aking balikat sa kanya at niyakap ito. Kahit lagi kaming tabi sa higaan ay nananatili pa rin ang excitement sa aking dibdib. Sa kanya ko lang naramdaman ito. Miss ko na si Sheena. Ayoko sanang umuwi ngunit masyado yata itong naasar kaya nagwalk out. Ayoko din namang habulin at baka lalong magalit sa akin. Nagkasya na lang ako sa pag aasikasao sa pagkain ng kambal. Gusto ko mang tiyakin na kakainin niya ang niluto ko ngunit alam kong dahil sa inis ay di na yon lalabas mula sa kwarto niya. Umuwi na lang ako para naman makabisita din sa aking mga negosyo. Ipinasya kong unang bisitahin ang pinaka malapit kong branch. Ok naman ang performance ng aking mga tauhan. Maaga pa ay may mga luto ng pagkain para sa mga early risers na maagang nagjojogging at ganun din sa mga empleyadong wala ng time para magluto pa ng kanilang agahan sa kanilang tahanan. Nakapwesto kasi ito sa malapit sa parke at high school sa bayan na iyon. Me tatlong taon na rin mula ng itayo ko ang restawran na ito. Nagmasid masid muna ako bago tuluyang pumasok sa aking opisina. Sinenyasan ko na lang ang mga tauhan kong mayat mayang tumatango sa aking bilang pagbati. Isa yon sa usapan namin na wag babati ng malakasan upang di makaistorbo sa kanilang mga kustomers. Saktong makapasok ako ng may marinig akong komosyon mula sa labas. Inion ko muna ang aircon ng opisina bago ipinasyang lumabas ulit. Nadatnan ko ang isang babaeng kulay blond ang buhok na pinapagalitan ang isang tauhan ko. Nakatungo naman ang waitress na di makaimik dahil sa ratsada ng bunganga ng kustomer nito. Marahan akong lumapit sa mga ito. "Call your manager, i want to talk to him!" sabi nito sa waitress na nakatingin lang sa sahig. Mabilis namang tumalikod ang waitress at tinungo ang opisina ng aking manager. Nakatingin sa akin ang isang waiter na malapit sa table ng nagrereklamong babae ngunit sinenyasan kong tumahimik lang. Mataman kong tinitigan ang babae. Elegante itong tingnan. Mahaba ang kulay blond nitong buhok. Maputi at talaga namang makinis ang balat. Mukhang bagong salta ito sa bayang ito. Umupo naman ako sa isang bakanteng upuan upang panoorin kung paano aayusin ng aking manager ang nangyaring gulo. Mabilis naman itong dumating. Kinausap agad ang babae ngunit gaya ng dati ay rumatsada na naman ang bibig nito. "Carl fire this dumb and stupid waitress!" "Lorena please calm down! Let's settle this in a silent manner. Just tell me what happened," kalmadong pagpapatahimik nito sa babae. Napakunot ang kaniyang noo. Kilala ng kaniyang manager ang babae? Kaya pala malakas ang loob nitong mag eskandalo sa kanyang restawran. "I ordered salad and she gave me this," anitong pinapakita kay Carl ang hawak hawak na bowl. "What's wrong with that salad?" balik tanong naman ni Carl. "There's a hair on it!" anito na itinaas pa ang blond na buhok na halata namang buhok nito. "Kung me buhok, palitan mo," baling naman ni Carl sa nakayukong waitress. "Eh sir, gusto niyang palitan ko tapos ako daw ang magbabayad sa kakainin niya dahil sa katangahan ko. Unfair naman po yon sir!" sagot naman ng waitress. "Kasalanan mo naman ito di ba?" ani Carl na pinandidilatan na ang kawawang waitress. "Kaya dapat sa yo ito ichacharge." Lalo ng yumuko ang kawawang babae. Mukhang madalas mangyari ang ganito sa restawran niyang ito ngunit walang nagrereport sa kanya. "Ok Lorena, just order what you want and i'll charge it to her!" anito na lalong nagpasaya sa babae ngunit nagpalungkot naman sa kanyang tauhan. At nagsimula ng mag order ang babae. Marami itong inorder at tila may balak pang magmukhang. Maluha luha namang pinagsilbihan ng waitress ang babae. Agad namang nagpaalam ang manager ng makitang masaya na ang nagagalit na kustomer. Napatingin sa akin ang nasa malapit na waiter. Ang waiter na tila nagpapasaklolo sa akin kanina. Sinenyasan ko itong lumapit sa akin. Agad naman itong tumalima. Pinaupo ko ito sa aking harapan. "Madalas ba itong mangyari dito?" tanong ko at tumango ito bilang sagot. "Ilan sa inyo ang nakaranas na ng ganito?" "Marami na po sir. Takot lang po kaming magsumbong dahil alam naming tatanggalin kami pag may pinagsabihan nito. Me nasampolan na po last month. Umalma po kasing icharge sa kanya ung inorder kaya inalis." "So it means di lang ito yong una. Salamat at napagawi ako dito ngayon. Tumawag ka ng pulis. Sabihin mong me aarestuhin silang tao na ayaw magbayad ng kinain. Notify me when they get here," bilin ko dito bago pumunta ng opisina. Nag iinit ang aking bunbunan. Tila ako inaapuyan sa aking nasaksihan. Gusto ko mang kumprontahin ang manager ngunit nagpigil ako. Kailangan ko siyang turuan ng leksyon. Di sapat na tanggalin lang, dapat ding makaganti sa kanila ang inaping waitress. Tinawagan ko naman ang guard sa may entrance. Binilinan kong wag paalisin ang babaeng nag eskandalo kanina. Kailangan niyang magbayad sa kanyang mga kinain. Lumipas pa ang kalahating oras bago dumating ang mga pulis at ang aking abogado. Naramdaman naman ng manager ang komosyon kaya lumabas ito uli. "Officer, what can i do for you?" nakangiting tanong nito. "Me tumawag po sa amin na may aarestuhin daw kaming kustomer dito na ayaw magbayad ng kinain," kalmado namang sagot ng pulis. Napakamot ng noo ang manager. "There must be a mistake sir! Naayos na po namin ang gulo kanina so there is no one to be arrested," nakangiti pa nitong tugon. "No sir. Ang sabi po ng tumawag ay bilin daw yon ng may ari." naguguluhang sagot ng pulis. Napangiti ako ng makita ang itsurAZ ng manager. Tila naiihi ito at mapapatae na rin sa nerbiyos. "Sir, baka nagkakamali kayo. Ako ang manager dito at ilang buwan ng di dumadalaw ang may ari kaya there's no way..." "There's no way to expose your tricks?" putol ko naman sa sinasabi nito. "I'm here before you sided to that customer against your own people. I saw all that happened in here!" "Sir?" namumutlang sambit nito. "Nalaman kong madalas mo palang ginagawa ang kagaguhang ito. I was never harsh to my people. My business survived this long because of their loyalty to the business. So who are you to treat them unfairly?" aniko at lalo na itong pinagpawisan. Tumingin ako sa babaeng Lorena ang pangalan. Nanlalaki naman ang matang tumingin sa akin.Halata ang takot sa kanyang mga mata. "You pay for your orders or i will give you to them? Choose!" sabi ko na nagpamutla dito. "Carl..." tila pagpapaawa nito sa manager. "You pay." "But the bill is too big!" "Then go with them," sabi ni Carl na halata na ang pagkayamot. "Sir, can we talk?" "There's nothing to talk about! You are fired. My lawyers will sue you for coersion and harassment!" At tinalikuran ko na ito. Bahala na ang aking abogado sa kanila.Kung di sila magbabayad, ipapakulong sila.Ayokong tingnan ito ng matagalan. Lalo lang akong nagagalit sa kanyang mga pinaggagagawa. Alagang alaga ko ang mga tao ko ngunit sinira lang niya ang aking imahe. Naniniwala kasi ako na ang tagumpay ng isang negosyo ay nasa tamang pangangalaga ng mga tao mo at tamang pamamalakad sa bawat mga transaksyon. Nagagalit ako sa sarili ko. Dahil sa paghahabol ko sa atensyon ni Sheena ay may ganito na palang pangyayari. Napabayaan ko ang mga tauhan ko at sinamantala ng Carl na yon. Bumalik ako ng head office. Kailangan kong magpaevaluate sa mga tao dito. Sa kanila ko na rin kukunin ang susunod na manager. Magtatanong ako kung sino ang pwede kong pagtiwalaan. Ngunit sa isip isip ko, naalala ko ang waiter na nagpasaklolo sa akin. Bago pa man dumating ang manager ay ipinakita na nito ang concern sa mga kasamahan. Alam niyang magiging mabuti itong manager dahil may malasakit at halatang ayaw sa pamamalakad ng sinibak niyang manager. At isang balak ang nabuo,,, di na niya itutuloy ang panliligaw kay Sheena. Alam niyang me gusto din ito sa kanya. Nagmamalaki lang ito dahil alam na patay na patay siya dito. Kailangan niyang gamitan ito ng reverse psychology. It's time to make her miss me. Di na siya pupunta sa hasyenda. Hahayaan niyang ito naman ang lalapit sa kanya. This time, SHEENA, IKAW NAMAN ANG HAHABOL SA AKIN! And this time, the sexy cutie will seek tanders and will pursue him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD