After ng anniversary ay naging constant visitor na si kuya Ronnie sa hasyenda. Naroong magdadala ito ng mga ulam mula sa resto niya o di kaya ay para mag luto ng almusal namin.
Sa kabila ng palagiang pagbisita nito ay mas lalo naman akong nakadama ng awkwardness. Nahiya akong lagi itong makita lalo pa at gamit ko na ngayon ang kwarto nito sa bahay.
Kung minsan ay tila sinasadya nitong kornerin ako sa kusina. Ang lalo pang nakakainis ay ang pag alis nitong itinataon sa pasok namin ng kambal. Lumalabas tuloy na parang hinahatid kami. Dyahe talaga lalo at kinakantyawan pa kami ng kambal. Kaloka lang talaga lalo at tila sinasakyan pa nito ang pangangantyaw ng kambal.
Sa tuwing kakantyawan siya ng dalawa ay sinasagot naman nito na bakudan daw siya para di maligawan. In fairness naman, kinikilig talaga siya sa kagwapuhan nito. Bukod sa mayaman at mabait ay maalaga at magaling pang magluto. Isang bagay lang ang NO No sa kanya, masyado na itong matanda sa kanya.
Yes, malayo ang age gap nila ni kuya Ronnie. Nasa 15 years ang agwat. Si kuya George at ate Gaya ay eight years ang age gap kaya di gaanong halata pero sa kanila ay halatang halata. Kung susumahin ay anak siya nito kung itoy nakabuntis noong kinse anyos pa lamang.
Ngunit sa kabila ng panunudyo ng kambal ay ayokong isiping liligaw nga ito sa akin. Hindi ako ang tipo niyang babae. Base sa mga babaeng nagta-tag at naiinvolve sa kanyang social media account, ang tipo niya ay yong pangmodel ang ganda at kaseksihan. Karaniwang mga socialites at famous na mga girls ang laging naikakabit sa pangalan nito bukod pa sa mga usap usapang tila ito nagpapalit ng damit pag nakikipag break sa mga jowa.
Me trauma na ko sa mga mapanlinlang na boys kung kayat ayokong mainvolve dito. Masakit pa on my part ang nangyari sa amin ni mr ex ko. Masakit to the point na ayoko ng alalahanin pa ang name nito. Ayoko ng maulit ang nakaraan, nakaraang puno ng pagdurusa at panlilibak mula sa magulang na dapat sanang aagapay sa akin.
Kayat ngayong nabigyan uli ako ng chance, ayoko ng sirain pa. Uunahin ko na ang pag aaral at titiyakin kong aahon ako mula sa aking mga pagkakamali. Iseset aside ko na muna ang tungkol sa mga boys.
As a start, dineactivate ko na ang mga social accounts ko. Operation iwas na din ako ke kuya Ronnie at binabasted ko na ang bawat nanliligaw sa school. Focus muna ako sa school lalo at graduating na ako sa grade12. Ang grade12 na di ko natapos noon, tatapusin ko ngayon. Gagawin kong inspirasyon ang anak kong si Alessa. Kailangan kong isipin ang future niya upang maipagmalaki din niya ako balang araw.
"Hey ms Sheena Alvarez!" panggugulat ni kuya Ronnie sa akin.
"Saang parte ka na ng mundo nakarating mula dyan sa kaiisip mo? "
"Kuya Ronnie naman! Di ba sinabi ko naman sa yo na wag mo akong gugulatin? Paano kung atakehin ako sa gulat, sino na ang magiging ina ni Alessa?" sagot ko naman. Lately kasi ay masyado na syang fc sa akin. FC as in Feeling Close. Lahat na lang ay pinakikialaman. Maski ang paghahatid sa akin ng mga makulit kong manliligaw sa sakayan ay pinupuna din niya at pinandidilatan. Tinatanong tuloy ako ng mga classmates ko kung nobyo ba ito na agad ko namang itinatanggi.
"As if naman ikaw ang umaaktong nanay ni Alessa! Mas nanay ang kapatid ko sa yo. Kundi lang dyan sa gatas mo eh baka sabihin na ng lahat na di mo anak yun." sansala naman nito.
"Kahit ano pang sabihin mo, anak ko pa rin! Galing siya sa sinapupunan ko at dinala ko ng siyam na buwan. Thankful ako sa family ni ate Gaya pero not enough na husgahan mo ko dahil sa pagiging ina ko." Di ko man nais manumbat ay naisatinig ko pa rin ang sama ng loob ko dito.
"Im sorry kung naoffend kita. Nagbibiro lang," saway naman nito.
Tiningnan ko siya ng masama. Di ko malaman kung nagbibiro nga lang ito ngunit nadali ako sa mensahe ng birong iyon. Aminado akong these past few days ay naging busy ako sa pag aaral. To the point na nakakasama ko na lang si Alessa sa gabi at yon ay pag papadedehin ko siya bago matulog. Itinatabi kasi ito ni ate Gaya sa pagtulog.
Minsan ay naamaze ako sa mga pangyayari sa buhay ko. Parang kelan lang ay nasa lansangan ako, buntis at nanghihingi ng limos para may maipambili ng pagkain.
Mula kasi ng palayasin ako ng parents ko ay nagpalaboy laboy na ako. Walang kamag anak na nais kumupkop at walang mga kaibigang tutulong. Ultimo ang lalaking nakabuntis sa akin ay iniwasan at totally akong iniwan sa ere.
Pero nagbago ang lahat ng isisilang ko na si Alessa. Ayaw akong tanggapin sa ospital ngunit gumawa ng paraan ang batang si Joy upang tuluyan akong makapanganak doon.
Dahil kay Joy, di ko prinoblema ang bill ko at tutuluyan. Sila na rin ang tuluyang kumupkop sa aming mag ina at binigyan kami ng maayos na buhay. At ngayon nga ay nag aaral ako habang sila ang nag aalaga kay Alessa.
Marami mang hirap ang aking napagdaanan sa pagdadala kay Alessa ngunit ni minsan ay dko pinagsisihan na itinuloy ko ang pagbubuntis ko dito. Tama nga ang matatanda. Blessings ang mga baby dahil si Alessa ang nagdala ng swerte sa buhay ko.
"Sorry na!" untag uli ni kuya Ronnie sabay kudlit sa braso ko.
Tiningnan ko ito ng masama ngunit di ako umimik. Tama lang na isipin nitong galit ako upang tigilan na ako.
"Im sorry na. Di ko naman sinasadya ang sinabi ko. The truth is, you're a cool mom! Despite all the hardships ay nanatili kang strong para sa baby mo. Not all mothers can survive what you had." saad nito ngunit nanatili akong tahimik. Alam kong di ito titigil hanggat di ko siya pinapatawad. Nasanay na rin ako sa ugali nitong makulit.
Minsan nga ay nagtataka ako kung thirty two na ba talaga ito kasi kung makaasta ay daig pa ang mga tinedyer. Maporma at tila walang mga problema sa buhay.
Dapat nga ay busy ito sa pamamahala ng negosyo nito since maraming sangay ang resto nito ngunit nakakapagtaka lang na lagi itong umaaligid sa amin. Nagagawa kaming ihatid kada umaga sa school at sunduin sa hapon gayong me itinalaga naman si ate Gaya na driver para sa amin ng kambal.
Tulad ngayong umaga, maaga na namang pumarito upang magluto ng almusal. Sabado naman ngayon kaya wala kaming inaasahang lakad at pwede kaming malate ng bangon.
Pagbaba ko ay busy sya sa pagtitimpla ng juice. Napaisip tuloy ako na baka may inaasahang bisita na pupunta dito sa hasyenda. Akma na akong lalabas ng kusina ng mapansin niya ko. Dali dali itong naglakad at humarang sa aking dadaanan.
"Where do you think you're going young lady?"
"Ha?" manghang sagot ko.Di ko magets kung bakit niya ko tinatanong ng ganon.
"Nakita mo akong nagluluto. Aren't you supposed to help me fix the table?"
"Is that the proper way how to ask me to help you?Suppose i won't?" balik tanong ko naman.
"You see that i'm here to prepare breakfast for all of you here. Is it a big favor for you to even extend a hand to fix the table?" tila panunumbat na naman nito.
"Ohhh.. i see. Last time i check ay may kusinera si ate Gaya! Every meal ay matiyaga niyang hinahanda without complains. You volunteered to cook, so what do i have to do with it? Please lang kuya Ronnie, if you cook, cook alone and don't oblige others to be here with you!" mainit kong sagot. Feeling ko kasi ay tila sinasabi niyang persona non grata ako. Na kami na nga ang nilulutuan ay di pa namin matulungan man lang kahit sa pag sasaayos lang ng lamesa.
"That's not what i mean! I only want to ask you na samahan ako to preare the table for breakfast kasi day off ng mga katulong."
Lalo na akong nalito. Linggo kasi ang day off ng mga katulong ni ate Gaya pero bakit sinasabi nitong day off ang mga ito?
"Linggo ang day off nila. How come na magdeday off sila ng saturday?"
"I made them para naman maipagluto ko kayo ngayong araw na ito," anito na nakapagpataas ng kilay ko.
"So you mean nagvolunteer kang magluto ng breakfast pero ako yong ginugulo mo para tulungan ka sa ideya mong yan?" taas kilay kong sambit dito.Pilit kong pinipigilan ang pagtaas ng boses sa tindi ng inis ko.
"Yes, why not? Alam kong gusto mong makabayad ng utang na loob sa kapatid ko at sa pamilya niya kaya naman sure akong gugustuhin mo ngang tulungan ako."
Napaismid ako sa narinig. Dapat bang pwersahin niya akong magbayad ng utang na loob? Di ba dapat bukal sa loob ang pagtanaw nito?
"Are you forcing me to do what you want?" medyo napataas na ang boses ko sa pagtanong. As a matter of fact, nanggagalaiti na ako ngunit ayoko lang ipahalata. How rude of him to make me do what he wishes me to do? Sabagay easy lang namang tulungan ko siya pero naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya. Para bang sinasadya niyang pumunta dito para inisin ako at sirain ang araw ko.
Ngumiti lang ito ng maluwag sa tanong ko. Di ko sure kung may maaantay ba akong sagot mula dito dahil bigla itong tumalikod at bumalik sa niluluto.
Naging abala na ito sa pagpiprito at pagsasangag. Gusto ko mang magtanong uli ngunit tila wala na ito sa mood na sumagot. Ipinasya ko na lang na tulungan ito tutal di pa naman ako nag aalmusal.
Pagkaayos ko sa lamesa ay ipinasya kong magtimpla muna ng kape. Mamaya na lang ako mag aalmusal pag alis ng mokong na ito.
"Hep hep hep.." anito na nakapukaw ng aking pansin. "Magbebrekfast po tayo. Bawal ang di sasabay!" apula nito sa akin.
"No, mauna na kayo. Mamya na po ako kakain.."
"No pwede iha! Pag sinabing breakfast kakain tayong lahat ng agahan. Kaya pa buto't balat ka na lamang kasi di mo inaasikaso ang pagkain," sermon pa nito sa akin.
Nalukot ang aking mukha sa tindi ng aking inis. Para na rin niyang sinabing eskeleton ako. Pinasadahan ko ng tingin ang aking mga braso at binti. Di naman ako payat at lalong di ako buto't balat. Sexy pa nga ang katawan ko at dalagang dalaga na ang aking tayo.
"Hoy mamang tanders, hinay hinay ka naman sa paglait! Sexy lang ako pero hindi eskeleton! Hindi komo gwapo ka ay may rights ka ng manglait. Nakakasakit ka na ng damdamin!" malakas kong sigaw sa kanya.
"Hey! Nagbibiro lang ako ms sexy!" tatawa tawa nitong sagot.
"Tandaan mo ang araw na ito mr tanders, dahil mula sa araw na ito ay lalayuan na kita at di na papansinin pa kahit kailan!" sigaw ko sabay layas na at dumiretsa sa may garden ni ate Gaya. Magdidilig na lang ako kesa makasabay sa pagkain ang hambog na tanders na yon. Kahit saksakan pa siya ng kakisigan ay never ko na siyang papansinin pa.
Samantala, naiwan namang napapatulala si Ronnie. Di niya maintindihan kung me nasabi ba siyang masama na ikinagalit ni Sheena.
"What happened?" tanong niya sa sarili.