The Anniversary turned Reunion

3128 Words
At dumating nga ang araw ng linggo. Araw na aking pinaghahandaan. Maaga pa ay nakabihis na ang mag aama. Maaga rin akong naligo para matulungan ko munang ayusan si Sheena. Isang dilaw na bestida ang pinili ko para sa kanya. Above the knee at parang summer dress ang design ngunit eleganteng tingnan.Sobrang komportable kung isuot at talaga namang bumagay ng husto kay Sheena. After kong naayusan ng make up ay aakalain mong me isang model ng summer dress na naligaw dito sa bahay. Tiyak kong aattract ng maraming tingin ang dalaga. Pagkatapos kong ayusan siya ay naghanda na rin ako. Nag aantay na sa salas ang mag aama at ang mag inang Sheena at Alessa. Natanaw ko na rin sa may pinto ang pagdating ni Efren, ang binatang kapatid ng assistant kong si Alana. Bagong dating ito mula Maynila kung saan ay nag aaral ito ng engineering. Kinausap ko kasi si Alana na hanapan ako ng binatang eescort sa aking alaga. Nirekomenda naman nito si Efren. Pumayag naman ako agad since alam kong hindi kilala ni kuya ang binata. Kinuntsaba ko na rin na bakuran si Sheena at wag palapitin sa dalaga ang kuya Ronnie ko. Hayy.. everything is set. Kailangan ko na lang dalhin ang aking mga trap sa mismong venue ng anniversary. Ang GS Hotel na pag aari ni George. Nasa sentro ng bayan ng Sta Barbara at isa sa mga itinuturing na landmark ng bayan. Lahat kasi ng mga turistang dumadalaw dito ay doon nagchecheck in. Malawak din ang function room nila at kayang makaaccomodate ng maraming mga bisita. Marami kasi ang expected na dadalo. Lahat ng mga empleyado ni kuya sa anim niyang branches at mga kaibigan nito, mga relatives namin at families din ng mga tao niya. Balita ko din na me mga ininvite din si daddy na mga friends from other municipalities. Mga kapwa mayors na naging mga kaalyado sa partido ng politika. Nakarating naman kami ng maayos sa hotel na pagdadausan. May mga usherettes na sumasalubong sa bawat bisita upang ihatid ang mga ito sa kani kanilang mga table. Nilingon ko si George sa driver's seat. Nakangiti ito sa akin. Waring tila nahuhulaan nito ang aking pakulo sa pagdadala kay Sheena at sa escort nito ngunit di lang ako inuusisa. Di ko na inantay pang pagbuksan ako ni George. Kinalas ko na ang seatbelt at bumaba na. Binuksan ko naman ang pinto ng backseat upang kunin si Alessa at ng makababa rin ang yaya nito. Saktong makababa ng sasakyan si George ng dumating naman ang kotseng sinakyan ni Sheena at Efren kasama ng kambal. Hinintay na namin sila upang maisabay ang mga ito sa pagpasok. Magalang naman kaming iginiya ng mga ushers sa aming uukupahing table. Isang pang waluhang table ang inukupa namin. Expected na siguro ni kuya na dadalo din ang mag ina kaya yon na itinoka sa amin. Agad naman kaming dinulutan ng mga waiters ng inumin. Mga juice lang naman at tubig ang dinala since me mga bata kaming kasama. Maya maya pa ay nakita kong palapit sa mesa namin si kuya Ronnie. Malawak asng ngiti sa mga labi. Poging pogi sa suot na puting suit. Maayos din ang pagkakasuklay ng buhok na tila napahiran ng gel. "I'm so glad at nakarating kayo sa aming event. Sana'y mag enjoy kayo dito. Marami kaming hinandang games at mga surprises kaya sumali kayo ha!" anunsiyo pa nito. "Sana nga ay di mabore itong mga bata dito. Be sure na masaya yangmga palaro mo or else uuwi kami," banta ko naman at bahagya akong yumakap sa bewang nito. "Nope. I'm sure maeenjoy nyo lahat bunso." pagkuway bumaling naman ito kay George. "George, come on. Me kakilala ka na naghahanap sa yo. I'll lead you to them," anito at kinaladkad na si George. Di ko alam kung napansin at nakita nito si Sheena. Wala akong nakitang anumang expression sa mukha ng kapatid ko. Tiningnan ko si Sheena. Huling huli ko ang paghahabol nito ng tingin sa palayong kapatid ko bago tumungo at bahagyang pinunasan ang gilid ng mga mata. Nagpasya naman akong magkunwaring walang nakita at baka mapahiya pa ito. "Mom, gutom na ko" ani ni Joy habang hawak ang tyan. Luminga ako sa bandang gilid. May mga pagkain doon na pwedeng pagkunan pero tila nahiya akong tumayo kaya kinambatan ko ang isang waiter. "Can you please serve us some food here," request ko dito. Napakamot ito ng ulo at tila nakilala naman ako nito. "Wait lang po mam. Ako na po ang bahala sa foods ninyo pero kung type nyo po ng ibang foods, pwede po kayong pumili don," anito at tinuro pa ang corner kung saan naron ang mga nakahandang pagkain. Nakita kong me buong lechon pa doon. Sarap sana ng balat nito ngunit ayokong iwan ang mga bata. Tumingin ako kay Sheena. Nag uusap sila ni Efren. Mayat mayang bumubulong ang binata dito. Kung titingnan sa malayo ay tila napakasweet ng mga ito. Lihim naman akong napangiti. Ginagampanan nga ng binata ang request ko. Tingnan ko lang kung lalapitan pa ito ng aking kapatid. Ilang sandali pa ay nag umpisa na ang programa. winelcome ng emcee ang lahat. Tinawag din si kuya Ronnie upang magsalita doon. Maayos naman nitong winelcome ang mga bisita at mga empleyado nito. Tinawag din si daddy Max upang magsalita. Winelcome naman nito ang mga kaibigang mga mayors na galing pa sa ibang mga bayan. Tumayo naman ang mga ito upang iacknowledge ang pagbanggit ni daddy sa kanila. Nagulat naman ako sa huling pangalan na binanggit ni dad. Nandito si mayor Melchor Montejo, ang ama nina Ellen at Marko? Kung nandito ang mayor, it means nandito din ang isa sa mgkapatid or both of them. Naisip ko pa, di kaya si Ellen ang tinutukoy ni Kuya na kakilala ni George na naghahanap dito? Ahh, maaring ito nga since di na bumalik ang lalaking yon sa mesa namin. Ilang sandali pa ay bumalik si kuya sa mesa namin. Nahuli ko ang bahagyang pagdidilim ng mukha nito pagkakita sa dalawang nagbubulongan sa mesa, si Sheena at Efren. Bahagyang inilapit nito ang upuan sa akin bago bumulong. "Sino ang lalaking yan?" sabay nguso kay Efren na abalang kinakausap si Sheena. "Si Efren kuya, kapatid ni Alana na nag aaral sa maynila," sagot ko naman. Saglit naman itong natahimik sa sinabi ko. Waring may malalim na iniisip. "Si George, naiwang kausap ng anak ni mayor Montejo. Ayaw paalisin," simpleng sabi nito. Bigla namang nag init ang punong tenga ko. Totoo nga ang hinala ko. Nandito si Ellen kaya di na nakabalik si George. "Yaan mo na kuya. Gawin niya ang gusto niya. Di naman kami kasal upang pigilan siya sa nais niyang gawin." "Ganon na lang ba yon? Paano kung agawin siya sa yo ng babaing yon?" usig pa nito. "Desisyon niya yon kung payag siyang sumama don. Andyan naman ang mga anak ko. Kung mas matimbang si Ellen sa kanya eh di go lang siya," sabi ko ngunit dama ko ang pagtutol ng isang bahagi ng utak ko. Kaya ko bang pakawalan si George at ipaubaya sa babaing yon? "Di mo ba siya ipaglalaban man lang? Paano ang mga anak nyo?" pigil ang galit na ani nito. "Kaya kong buhayin ang mga anak ko kuya. At isa pa, bakit ako ang pinag iinitan mo? Kanina ka pa tingin ng tingin kina Sheena. Di mo ba siya lalapitan?" sabi ko. Natigilan naman ang kapatid ko. Tila tinitimbang pa sa isipan kung tama bang lapitan pa nito si Sheena gayong me ibang lalaki itong kausap. Muli itong tumingin kay Sheena. Pilit kong binabasa ang emosyon sa mukha ng kapatid ko ngunit wala akong mabasa don. Kursunada ba niya si Sheena o hindi? Maya maya pa at nagpaalam na ito. Hinalikan muna ang kambal sa pisngi at hinaplos ang pisngi ng natutulog na si Alessa. Muli ay tinapunan muna ng tingin si Sheena bago tuluyang bumalik sa sariling mesa. Tila naman walang pakialam at di man lang pinansin ng dalaga ang umalis niyang kapatid. Parang gusto nyang pag untugin ang dalawa. Pag kaharap ang isat isa ay di nagpapansinan ngunit pag alis ng isa ay habol tingin naman ang maiiwan. Hanggang kailan kaya tatagal ang dalawang ito? Hayy, nakikialam siya sa affair ng dalawang manhid pero sarili niyang problema ay di kaya. As of this moment, on the verge na ang pagsasama nila. Kasama na ni George si Ellen na alam niyang obsessed dito. Batid niyang di papayag ang babaing iyon na maiitsapwera. Sinabayan ko na lang sa pagkain ang mga bata.Saka na kami mag usap ni George pag uwi sa bahay. Pareho naman kaming single at di pa kasal kaya okay lang kung maghiwalay uli kami. Pagkakain ko ay saglit muna akong nag paalam sa mga bata na magbabanyo muna at sasaglit na rin sa table ni daddy para batiin din Ipapaalam ko na rin ang aking presensya dahil tanging si kuya Ronnie lang ang sumaglit sa amin. Pagkatapos magbanyo ay nagretouch muna ako. Sasaglit muna ako sa table ni daddy at mauna na rin siguro kaming aalis. Wala na kong ganang sumali pa sa mga palaro ni kuya. Agad namang tumayo si daddy Max upang salubungin ako ng yakap. Ipinakilala pa ako sa mga mayors na nandon ganundin sa mga pamilyang kasama ng mga ito. Napaismid naman si Ellen ng ipakilala ako ni daddy sa kanila ng ama nito. Natuwa naman akong makita uli ang mayor. Very warm naman kasi ang pagtanggap nila sa amin sa munisipio habang ginagawa namin ang project don. Panay naman ang puri ni mayor Montejo sa ginawa naming landscape. Kinaiinggitan daw ng mga kapwa mayors nito ngunit ipinagdamot daw ang impormasyon ng gumawa upang lalong mainggit ang mga ito. Ipinagyabang naman ng ama ang mga ginawa ko sa hasyenda. To the fact na nagiging tourist spot na ito para sa mga turistang nais makaexperience ng farm llfe at makakita ng tunay na mga flower beds. Gustuhin ko mang umeskapo ay di ko na nagawa dahil binato na ko ng napakaraming mga tanong about my works. May mga mayors ding nagpahayag ng kagustuhang makuha ang serbisyo ko. Tahimik lang din namang nakikiramdam si George sa usapan. Di na ito nakaalis ng hilahin ni mayor Montejo sa tabi nila ni Ellen. Umiiwas din na magawi ang tingin sa akin dahil alam sigurong naiinis ako sa pag iwan nya sa amin ng mga bata. Mayat maya naman ang ginagawang advances sa kanya ni Ellen. Naro'ng sasandig sa balikat ni George at hahaplusin ang pisngi ng binata. Lahat ng itoy pilit kong ipinagwalambahala hanggang sa mahuli ko ng tingin ang matiim na pagtitig sa akin ni mayor Levi Vasquez. Ang binatang meyor na galing pa sa batangas. Anak ng matalik na kaibigan ni daddy na dating kaklase sa kolehiyo. Lakas loob din niyang sinalubong ang tingin nito. Tinging tila gustong magtanong ngunit di maisatinig. Nagbawi naman ito ng tingin at bumaling sa daddy niya. "Sir can i ask you a question?" anito na nakapagpatigil sa pakikipag usap ng ama sa mga kapwa mayors. "Sure iho, go ahead," sagot naman ng daddy niya. "Since single pa naman si Gaya, can i court her?" lakas loob nitong sabi na nakapagpatiim bagang kay George. Kitang kita ang matinding pagpipigil nito upang di sugurin ang binatang mayor. "Ahh, the decision's not mine iho. Oo nga at single pa siya ngunit me anak na siyang kambal. If ever na gusto mo siyang ligawan, ask her," sagot naman ng daddy niya. "Gaya, can i?" untag nito sa akin. Nag atubili naman siya sa pagsagot. Di niya malaman kung ano ang isasagot. Kung tatanggi siya baka mapahiya ito. Kung papayag siya, baka mag away naman sila ni George. "Better if you give me time to think about it. And besides, mapapagod ka lang dahil sa distance ng location natin," sagot naman niya. "Distance is not my concern. I can always take a leave just to be with you. Gagawin kong bakasyon ang panliligaw ko sa yo. Tutal matagal na ring inuungot ni mama ang pag aasawa ko then i might really consider it now that i met you." nakangiti pa nitong tugon. Di niya mawari kung nagbibiro ba ito o hindi. Pero iisa ang bagay na tumatakbo sa isip niya. Bumalik sa eksena si Ellen at nadagdagan pa ngayon ng Levi na mukhang seryosong liligaw din sa kanya. "Di ka ba maaasiwa knowing na may anak siya sa ibang lalaki?" sabat naman ni George. "Having a child with other man wont lessen her worth to me. Masarap ngang mag alaga ng batang di sa yo dahil di ka na makukuba pa kakakanyod para lang mabuntis yong babaing mahal mo. And besides, yong mahal niya ay mamahalin ko rin." Sa sinabi nito ay nagtawanan ang mga kaharap nila. Inari ng mga itong biro ang sinabi ng binatang mayor. "Seryoso ako kay Gaya. If she accepts me, ako ang mag aalay ng kasal sa kanya." "Can't you see her ring? She's engaged!" sambit uli ni George. Napatingin naman ang lahat sa kamay niya na walang suot na singsing. Inalis niya kasi ito nong magpa spa sila ni Sheena. "She's ringless bro! Stop provoking me," naiinis ng sambit ng binatang meyor. "I'm not provoking you! I already proposed to her and she's my fiancee!"galit na ring giit ni George. "Stop!" malakas namang sigaw ni daddy upang patigilin ang bangayan ng dalawa. Sumunod naman ang mga ito ngunit nabaling sa kanya ang tingin ng lahat na waring hinihintay ang reaksyon niya. "I'm sorry!" maikling sagot naman niya. Ayaw niyang magsalita pa. "Excuse me," aniya at tumayo na upang bumalik sa lamesa ng mga anak. "Wait," boses ni Ellen na nagpatigil sa kanyang paglayo. "Did he really proposed?" "Yes,"aniya at walang lingon na siyang lumayo. Naiwan namang nagngingitngit si Ellen. Nang bumalik siya sa mesa nila ay nandon na si Ronnie. Napapagitnaan nito at ni Efren si Sheena na tila asiwa sa sitwasyon. Mayat mayang nilalagyan ni Ronnie ng pagkain ang plato ni Sheena ngunit di naman tinitikman ng dalaga kung kayat natambakan na ang plato nito.. "Hey kuya, stop putting foods on her plate. Busog na yan." "I just want her to taste our signature dishes.." Tumawa naman ako para maalis ang pagkaasiwa. "Nandyan naman lahat ng foods kuya. Hayaan mo siyang pumili ng gustong tikman." Natigilan ito sa sinabi nya. Iniisip siguro kung ano ang susunod na gagawin. "Manliligaw ba ni She yan?" bulong ni kuya. "No, kapatid yan ni Alana. Ininvite ko para me kasama sa upuan si Sheena." Sa narinig ay napangiti si kuya. The field is clear. Tila nabunutan ito ng tinik dahil bawas karibal nga naman. Maya maya pa ay pumagitna uli ang emcee hudyat na ipagpapatuloy na ang programa. Kinambatan pa nito si kuya Ronnie na pumunta sa harap ngunit sumenyas lang ito na ituloy na nila.Inuna ng emcee ang pagbibigay parangal sa mga excellent workers ni kuya. Tinawag pa si daddy upang siyang mag abot ng mga cash incentives at plaque ng pagkilala sa mga nanalo. Tuwang tuwa namang nagpasalamat ang mga naparangalan. Isinunod naman ang mga parlor games para sa mga bata at matatanda. Tuwang tuwa ang mga batang sumali. Nanalo naman si Jay sa eating calamansi ngunit ipinaubaya na lamang ang premyo sa isang batang sumali na nagpursigi din pero natalo kay Jay. Halos lahat ay nakilahok sa palaro. Ang mga hindi naglaro ay nagdagdag nalang para sa mga papremyo. Masaya ang lahat lalo na ang mga nanalo sa palaro. Me naglibot din sa mga mesa na nagbigay ng number sa lahat ng mga dumalo.Binigyan din pati ng number si Alessa at ang yaya nito. Excited naman ang lahat lalo at malalaking items ang mga premyo. Mukhang pinaghandaan talaga ng kuya ko ang anibersaryong ito. Gaya ng sabi ni kuya, numero lang ang bubunutin para naman walang chance na mapipili lang ang makakakuha ng big prizes. At sa request ni kuya ay ang mga bisitang mayors ang nagbunot ng mga numero. Ang numerong mabubunot ay ididikit sa mismong kahon ng prize na ipinabunot. Mabilis na natapos ang pagbunot at pagdikit. At ngayon ay awarding na ng mga nabunot na prizes. Kanya kanyang labasan na ng numero.h Halata ang excitement sa mukha ng mga empleyado na may nakuhang malaking prizes. Ang yaya ni Alessa ay nakakuha ng oven at si Alessa naman ay cash prize na isanlibo.Si Sheena ay make up kit at si Efren naman ay rice cooker. Washing machine with dryer naman ang natapat sa akin at ang kambal ay vacuum at isang sakong bigas. Masyadong mabigat ang bigas kung kayat ipinadala ko na kay Efren para naman may ekstra silang pagkain. Bawas gastos din yon para sa magkapatid. Pauwi na kami ng makita kong palapit si Levi. Magpapaalam na ito dahil pauwi na rin ng Batangas. Nagpaalam din ito ng kung pwede ay makadalaw ulit ito some other time na pinayagan ko naman. Samantala, si George naman ay di na tinigilan ni Ellen. Gamit ang ama bilang pananggalang ay tiniyak nitong di makakatakas si George upang puntahan sila Gaya. Pauwi na kami ng dumating si kuya Ronnie. Ipinakarga nito ang mga nabunot naming prizes sa sasakyang sinakyan nina Sheena. Nagtataka man ang dalaga ay walang magawa kundi ang tahimik lang na mag antay ng aking sasabihin. Nang maiayos na ang mga karga ay inakit ko na si Sheena na sumabay na sa kotse namin habang ang kambal ay ihahatid na ni kuya. Pasakay na ito ng pigilan ni kuya. "Don ka na sa kotse ko para naman di masiksik si Alessa dyan." alok nito. "Okay lang naman po ako dito kuya. Kasya naman po kami". "I said don ka na sa kotse ko!" anito sa medyo mataas ng tono. Halata na ang inis sa mukha ni kuya. "Bingi ka ba?" Sa narinig ay biglang bumaba si Sheena. Masama ang loob na hinarap si kuya Ronnie at sa naiinis na tono ay pinagsalitaan si kuya. "Bakit ba kung magsalita ka ay akala mo ikaw ang boss? kung mag iinvite ka ng isasakay, dapat naman sanang ayusin mo. Di ako bata para pagalitan mo!" "Aba! Ikaw na ang inaayang sumakay ay matapang ka pa!" sagot naman ni Ronnie. "Kasi naman, ansama ng dating ng pagyayaya mo. Kung naiinis ka, wag kang mag aaya!" Napakamot naman sa ulo si kuya. Tila may nais sabihin ngunit pinigilan lang ang bibig bagay na ikinatawa ng kambal. "Hahaha, si tito naiinis kasi torpe. Di masabi ang gusto ke ate She," kantyaw ni Jay. "Ate She, ang ganda ganda mo daw jan sa damit mo sabi ni tito." Napakamot naman sa ulo si Ronnie. Malay ba niyang ibubuko siya ng mga pamangkin kay Sheena. Nahawa tuloy ako sa hagikgikan ng kambal. Halatang halata na nga si kuya pero ayaw pang umamin. Hanggang kailan naman kaya yan aamin. Sana lang ay di siya mahuli ng dating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD