Isang buwan na rin mula nong bumalik kami dito sa hasyenda. Pagbabalik na di ko kailanman pagsisisihan.
Sobrang tuwa ng mga bata nang magawang libutin ang hasyenda. Nag enjoy sila sa pagharvest kasama ng mga guests sa hasyenda. Naranasan nilang magpakain ng ibat ibang klase ng hayop at mamingwit ng isdang iluluto at ihahain din sa kanila.
Tuwang tuwa din si Sheena na maexperience ang lahat ng ito since its her first time to travel far from her parents place Thankful ako na sa ganitong pagkakataon ay nakakalimot ang dalaga sa traumang sinapit mula sa pagtatakwil ng mga magulang.
Ako man ay happy din. Para akong isang lola na excited lagi na mag alaga ng kanyang apo. Sa kabila ng pagiging busy ko ay di ko nakakaligtaang alagaan si Alessa. Siya ang stress reliever ko maliban kay George at sa kambal na lagi akong iniignore.
Iniignore nga ako ng kambal. May mga set of friends na kasi sila. Lagi silang umuuwi na may mga karay karay na friends. Friends na ineentertain sa bahay imbes na makibonding sa amin ng daddy nila.
Bihira din bumisita ang kuya Ronnie. At kung bumisita man ay tila laging may iniiwasan sa bahay. Ayoko namang magtanong at baka sabihing marites na rin ako.Si Sheena naman ay may mga set of friends na rin. Marami ding mga nanliligaw dito ngunit di ko lang sure kung ineentertain ba niya sa school o hindi. Basta ang alam ko, maraming nagchachat at mayat maya ang calls ng mga ito.
Wala naman akong magawa kung nais man nitong magpaligaw dahil buhay naman niya ito. Tanging magagawa ko lang ay ang paalalahanan ito na unahin bilang priority ang anak na si Alessa. Mind your own business ika nga.
Si daddy Max ay dalawang beses pa lang nakadalaw sa kambal. Ang kambal naman ang laging bumibisita sa pamilya ni George.
Ang limang mga kuya naman niya ay halos every other year na lang nauwi at itinataon lang sa birthday ng daddy Max. So tanging sa picture na lang niya naipapakilala ang mga ito sa kanyang mga anak.
At sa ngayon ay tila inaabangan na rin niya ang tuluyang paglayo ng kambal. Tila namana ng mga ito ang migratory tendencies ng mga kapatid. Na di man lang siya namimiss ng mga ito kahit di sila always na nagkakasama. Siguro nga ay ibinigay sa kanya ng tadhana ang sanggol na si Alessa upang bigyang puwang ang kahungkagang nadarama. Yes, she's now feeling the emptiness. Kesa naman madepress ay alagaan na lang si Alessa. Trabaho, bahay at Alessa. Yun ang araw araw niyang routine.
"Alessa!" tawag sa kanya ni Ronnie na as usual ay tila nagmamadali na naman.
"Yes kuya. Anong masamang hangin na naman ang nagdala sa yo rito at parang nagmamadali ka na naman,." biro niya dito. Lately kasi ay tila umiiwas ito na makita ang dalagang si Sheena. Sumasaglit ito sa bahay ngunit sa weekdays lang kung saan ay nasa school naman ang dalaga.
"Anibersaryo kasi ng resto ko sa linggo. Baka naman pwedeng dumalo kayong lahat. Nasabihan ko na rin si daddy at magdadala daw siya ng mga friends niya."
Anong oras ba yon kuya?" tanong ko naman habang busy akong pinapadighay ang tatlong buwan na si Alessa. Lumapit naman ito sa amin at hinaplos ang buhok ng bata.
"Gabi sana pero naisip kong gawing umaga na lang para makasama din ang mga bata. Kumunsulta ako sa mga organizers at sinuggest nilang mas maganda daw kung haluan ng paraffle ang program para naman mas lalong sumaya ang lahat."
"You mean kailangan pa ng ticket para sumali dyan?" excited kong sagot. Di ko kailangan ng mga prizes pero alam ko kung gaanong saya ang idudulot ng pananalo sa mga ganitong events.
"No need. Magpeprepare ako ng mga prizes then bawat aattend na gustong sumali ay magpapalista lang sa receptionist. Chance na rin ng mga tao kong sumaya rin. Alam kong matagal din ang ten years na pagsisilbi nila sa akin. Kaya naman time na rin siguro na ipagbunyi ang success ng resto at parangalan din ang mga loyal employeesko." Sang ayon siya sa sinabi nito. Ten years na ang resto nito at may anim na rin itong mga branches. Alam kong success lahat ang mga ito dahil talagang pinag aralan ang location at talaga namang dinudumog ito ng mga tao.
"Sa ten years mong pagbibusiness kuya, bakit ngayon ka lang nakaisip na magcelebrate ng anibersaryo? Di ba dapat annually yon?" buska ko sa kanya.
"Yearly naman talaga yon pero mga tao ko lang ang nakakasama ko sa celebration. Nagbibigay ako ng mga bonus at mga citations sa kanya. Pero today, since ten years na ang unang resto ko kaya naman isasama ko na rin kayo sa celebration, Attend kayong lahat ha!"
"Hmmm, mukhang me gusto kang iinvite dito pero nahihiya ka lang magsabi," biro ko dito na siyang nagpamula sa pisngi ng kuya kong tumatandang binata na. Tulad ni George ay thirty two na ito ngunit wala pa ring matinong nobya na naipapakilala sa amin.
Madalas pa ngang biruin ito ni daddy na baka daw bakla ito kaya di pa naiisipang mag asawa na ikinaiiling lang nito.
"Dami mong alam Gaya. Kung ayaw mong umattend eh di wag! Pero si George dapat siyang umattend kasama ng mga bata. Alalahanin mong investor siya ng resto ko," may halong inis na sabi nito.
"Sila Sheena at Alessa, isasama din ba namin?" tanong ko na lalong nagpamula dito. Pansin ko kasi ang tila pagkaasiwa nila pareho pag natataong nandito sila sa bahay.
"Isama nyo kung gustong sumama." sagot naman nito. Di ko alam kung may issue sa pagitan nila pero nakikita kong tila nagbibinata na ang aking kuya mula ng makita si Sheena. Pero mukhang nagiging torpe at mahiyain na ang kapatid kong playboy. Kung dati ay paiba iba ng mga girls na isinasama sa mga events at nabubunyag pa sa social media, ngayon naman ay tahimik ito. Lagi ng mag isa at wala ng ganang magdala ng babae sa mga events ng mga kaibigan.
"Okay kuya, isasama ko sila. Just make sure na di boring yang event mo kundi iiscape kami dyan." biro ko pa.
"O sige na. Sumaglit lang ako para sabihin yan.Di na ako naghanda pa ng invitation since open invites naman yon. Para din ito sa mga loyal patrons ng resto."
"Goodluck and congrats kuya.!"
"Salamat."
Yon lang at umalis na rin ito. Alam kong dyahe kay kuya ang usapin tungkol ke Sheena. Magmumukha kasi siyang craddle snatcher kung liligawan si Sheena.Thirty two na siya habang si Sheena ay mag eeighteen pa lang.Halos fifteen years ang agwat nila. Kawawang kuya Ronnie. Nainlove na nga, sa isang bubot pa. At di lang basta bubot, me anak pa. Kung iisipin ay tila nakakahiya pero dapat ba itong mahiya?
Nakaisip tuloy ako ng kalokohan. Kailangan kong tulungan ang kuya ko. Alam kong in love ito ngunit useless lang pag di ito aamin sa napupusuan. Kasilangan ko silang tulungan upang mailabas nila ang kanilang pagsintang pururot.
First of all, dapat maayusan at madamitan ng elegante itong si Sheena. Then kelangan ko din date para dito. Kailangang mangibabaw ang ganda ng alaga ko.
Me tatlong araw akong preparation. Bukas ay palilibanin ko si Sheena upang makapagshopping ng damit na isusuot. Kailangan din naming pareho na magpasaloon upang mapamper naman ang beauty namin. Isasama ko na lang si Alessa at ang yaya nito upang makapasyal din sila.
Magandang dalaga si Sheena. Malaking bulas kaya siguro inakala ng nakabuntis na hindi na minor. Mahinhin ding kumilos kaya naman halos di ko mapaniwalaang makakagawa ito ng ganito kalaking pagkakamali.
Yes in three days ay dapat kong mamake over si Sheena.
Well let's see kuya Ron.
Wait till you see the new Sheena on her elegant self.
Tingnan ko lang kung di ka maghahabol ng di oras pag nakita mong me ibang binatang mambabakod na dito.