TWO WEEKS HAS PASSED since I gave Carl a chance. Our relationship status has spread like a wildfire. Masyadong mabilis kumalat ang balita na ikinagulat ko. Ngayon, kaming dalawa ang pinag-uusapan. Since then, ang palagi kong kasama ay si Carl.
Sinusundo niya ako tuwing umaga sa bahay namin, sabay kaming maglunch at kahit sa uwian ay hinahatid niya ako. Hindi ko na nga gaanong nakakausap si bessy eh and I actually missed her. A lot. Kailangan kong bumawi sa kanya.
Tungkol kay loser? Wala na akong pakielam sa kanya. I'm so pissed off him dahil sobra siya kung magsungit sa akin kaninang biology namin. You see, we were lab partners. May mga pagkakataon kasi na nagkakamali ako at sinusungitan niya ako. I really don't understand what's up with his attitude. I mean, wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah. Nakakainis lang.
After our biology class, lumapit sa akin si Carl at agad na lumabas si loser. Sinundan naman siya ni bessy. Sabay kami ni Carl na lumabas ng classroom at naglakad na pauwi. Biology kasi ang pinakahuling subject namin.
Nagpaalam si Carl sa akin na mag-C-CR lang siya sabi ko naman sa kanya, bibili na muna ako ng pagkain dahil nagugutom ako at pumayag naman siya. While I was heading outside, a certain someone cornered me.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya ng seryoso. "May tatanong lang ako sa'yo."
"You have five minutes." sagot ko sa kanya. Naiinis pa din ako sa kanya but I still remained calm.
"Not here. In private." sabi niya ng mariin.
"Dami mong arte. Dito mo na sabihin. Wala namang tao sa paligid eh. Ano ba 'yun?" tanong ko. Nagbuntong hininga siya.
"Do you like him? Your b-boyfriend, I mean" tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ba't naman niya tinatanong kung gusto ko ba si Carl?
"Ano na naman ba ang trip mo? Bakit mo tinatanong?" sagot ko.
"Just answer the question. Gusto mo ba siya?" tanong ulit niya.
"Hindi" sabi ko.
"Hindi? Eh ba't mo siya sinagot kung hindi mo naman pala siya gusto," sagot niya.
"Well, I'm sure na sooner or later, mamahalin ko din siya gaya ng pagmamahal niya sa akin," sabi ko naman sa kanya. "Alam mo, kung hindi mo lang gusto si bessy, iisipin ko na nagseselos ka." biro ko.
Sumimangot siya at hindi sumagot pagkatapos ay tinalikuran niya ako at umalis na. So, ano naman ang problema ng lalaking iyon? Jeez, he sure was weird.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa labas at doon, nakita ko si bessy na nakatayo. Nung nakita niya ako, ngumiti siya sa akin kaya napangiti din ako at lumapit sa kanya.
"Wanna go home with me?" tanong niya.
I gave her an apologetic smile and said, "Sorry, sabay kami ni Carl ngayon eh."
"Psh, lagi naman eh. Pero sana naman, sa susunod, bonding ulit tayo. I mean, I miss my best friend very much!" sabi ni bessy saka ako niyakap tapos ay niyakap ko din siya.
"Miss na din kita," sabi ko then kumalas na kaming dalawa sa pagkakayakap. "So, kamusta ka na?"
"Ayos lang. Bored ang buhay simula nang hindi mo na ako sinasamahan," sabi ni bessy. "Ikaw? Musta buhay taken?"
"Well, hindi ako sanay. You know, like holding hands tapos maya-maya eh mararamdaman mong nakaakbay na pala si boyfie sa'yo and worst, he's not even allowing me to wear sexy attire." sabi ko sabay buntong hininga.
Tumawa si bessy at sinabing, "Whooo!! Boyfriend pa more!" tapos ay inirapan ko siya pero natawa din ako. "Mahal mo ba siya?"
Umiling-iling ako bilang sagot.
"Ba't mo sinagot kung hindi mo naman pala siya gusto?" tanong ni bessy.
"Just . . . just wanna give it a shot. Saka, ang dami na niyang ginawa para sa akin and I'm sure that sooner or later, matututnan ko din siyang mahalin." sagot ko naman.
"Unfortunately, hindi natuturuan ang puso." sabi naman ni bessy. Then, bigla kong naalala si loser.
"Parehas kayo ni loser ng tanong."
"Kinausap ka ni Brandon? O, anong sabi mo?"
"Sabi ko, hindi ko gusto si Carl but soon, mamahalin ko din siya," sagot ko. "I just don't get why is he mad at me."
Nagtaas ng isang kilay si bessy at nagpamaywang. "You still don't get it, do you? Naive Claire is so naive."
I know na kung ano ang gustong iparating sa akin ni bessy kaya napabuntong hininga ako. "He likes someone else, you know? Sinabi niya sa akin nun kung sino."
"Naniwala ka naman?" sabi niya. Gusto ko sanang sabihin kay bessy na siya ang babaeng gusto ni loser but I don't have the rights to tell her. Si loser dapat ang magsabi na gusto niya si bessy, hindi ba? At hindi ako kaya hahayaan ko na lang na isipin niya na ako ang gusto ni loser.
Sa kalagitnaan ng pagkwekwentuhan namin, dumating na din sa wakas si Carl. Binati ni Carl si bessy pero binigyan lang siya ni bessy ng isang pekeng ngiti pagkatapos ay umalis na si bessy at iniwan kaming dalawa ni Carl.
Naalala ko ang tanong ni bessy at loser tapos bigla akong napaisip.
Matututunan ko nga ba talagang mahalin si Carl?
***