CARL TOOK ME OUT ON A DATE on Saturday. Pumayag ako kasi una, boyfriend ko na siya and pangalawa, gusto ko na magkaroon ako ng special feelings for him.
My boyfriend and I were busy eating when we heard a familiar voice saying, "Hey, puwede maki-upo?" I looked up and was surprised to see loser and my bessy together.
Wow, just wow.
May date pala itong dalawang ito pero hindi man lang sinabi ni bessy sa akin? And wait, why is bessy having a date with him? I mean, hindi ugali ni bessy ang makipag-date sa kahit na kanino. Kahit pa kaibigan niya. Sure, they are not together pero ayaw talaga ni bessy na nakikipagdate.
"Oh, hey. Sure, pwede kayong umupo. So, mukhang nag-dadate din kayo ah?" sabi ni boyfie. Hinila ni loser yung upuan para paupuin si bessy. Wow, pa-gentleman effect pa huh? Nag thank you si bessy at saka umupo na. Then after ni bessy na umupo, umupo na rin si loser sa tabi ni bessy, sa harapan ko.
"Well, you could call this a date," sagot niya sabay ngiti.
Lumingon ako kay bessy. "I thought you don't like going out with a guy? Anyare? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may date ka today?" tanong ko ng may pagtatampo. "at sa lalaking 'yan pa talaga huh?" dagdag ko pa sabay tingin kay loser.
"Hindi siya isang lalaki lang. He's someone special to me. Also, call him 'Brandon'," sabi ni bessy. "saka, hindi ba pwedeng magbago ang isip ko? I just realized that going out with a guy is not that bad once in a while. Super nag enjoy nga ako eh," sabi ni bessy.
"True! Sobrang saya kasama ni Jessica. Nako, ang swerte ng magiging boyfriend nito," sabi ni loser sabay pisil sa ilong ni bessy. To my surprise, bessy giggled and playfully punched his arm.
"Sus, nang-bola ka pa! Swerte din kaya ng magiging girlfriend mo! Mabait ka at gwapo," sabi ni bessy.
"Eh kung tayong dalawa na lang kaya ano?" Sabi ni loser sabay akbay kay bessy sabay g**o ng buhok niya. Si bessy naman, inalis ang braso ni loser sa balikat niya sabay hampas kay loser. It's so unusual to see my bestfriend flirting with a guy. Hindi ako sanay. Tapos, nagpapa-cute pa si bessy and super close 'yung dalawa.
"Oo nga. Bagay naman kayo. Ang cute niyo nga eh, sobra!" reaksyon ko pero parang tunog bitter ako.
Bessy clung on the loser's shoulder and leaned on him. Nakakapanibago talaga. "Tingin mo, bagay kami? Pwede rin!" sabi ni bessy pagkatapos ay tumingin kay loser. "Ano? Tayo na lang? Parehas naman tayong single eh. Kahit one week lang," suhesyon ni bessy.
"May something ba sa inyo? Like, M.U. Ganon. Mukha namang hindi kayo mag boyfriend-girlfriend eh. Ano bang meron sa inyo?" tanong ni boyfie.
"We're just friends," sabay nilang sabi.
"Naglalandian lang ng kaunti. 'Yun lang," sabi ni bessy. "Friends with benefits, ganon."
"Sus, kaunti ba 'yang landian na 'yan? Buong oras na andito tayo, nagla-landian kayo eh." sabi ko.
That guy smirked and said, "Kung wala ka lang boyfriend, iisipin ko na nagseselos ka."
I scoffed and said, "Huwag ka ngang assuming. Napaka-feeler mo naman. Kahit na wala akong boyfriend, hindi ako magseselos!"
"Pero... If ever na wala kang boyfriend, may pag-asa ba ako sa'yo?" tanong niya habang nakatingin sa akin ng diretso. He's actually sounded serious na ikinagulat ko. That kind of question was kind of insensitive sa boyfriend ko na kasa-kasama namin ngayon. Who does that?
"To tell you the truth, I don't know. Depende ipapakita mo 'yan lalo na sa effort mo. Basta, depende 'yan." sagot ko.
"Anu ba 'yan! Walang klarong sagot." reklamo ni bessy sabay inom sa juice na kaka-order lang niya.
"Pero Brandon, tingin mo, tama na tinatanong mo 'yan sa harap ko, ang boyfriend ni Claire?" Carl finally spoke, throwing loser a deathly glare.
"Bakit? Natatakot ka ba?" tanong ni loser.
"You're kidding, right? I would never be threatened by someone..." — tumingin siya kay loser mula ulo hanggang paa "— like you. Langit si Claire at lupa ka."
Dama ko ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki and honestly, hindi ko gusto ang sinabi ni Carl kay loser. The tension stopped when my best friend started to kid around.
"Langit siya, baluga ka!" Pagkanta niya kay Brandon sabay tawa.
"Naka-shabu ka na naman, Jessica! Kumain ka na nga lang diyan!" sabi naman ni loser saka kumain na din. Busy kaming kumakain nang "nasagi" ni loser ang juice niya at natapon ito papunta sa pagkain ni Carl pati na din sa damit niya.
I gasped in shock.
"Ay, s**t! Sorry, sorry! Hindi ko sinasadya!" sabi ni loser but he doesn't look sincere. Masyadong obvious na he did that on purpose. I furrowed my eyebrows and gritted my teeth.
"Okay lang. Linisin ko lang ang sarili ko sa banyo,"sabi ni boyfie nang naka-kunot noo. Kahit na sinabi niya na okay lang, I'm sure na sobrang nainis 'yun sa nangyari. Tumayo siya pagkatapos ay nagpunta sa CR ng boys.
"Ako din, mag C-CR na muna," paalam ni bessy sabay tayo at nagpunta na sa CR. Kaya naman ang naiwan ay ako at si loser. Leaving the two of us all alone was a very bad idea. I could feel the awkwardness so I decided to break it by throwing him a sharp glare.
"Makatingin ka diyan, parang mangangain ka ah? Ano problema mo?"
"Eh ikaw?! Ano ba problema mo?! Bakit mo tinapunan ng juice si Carl?!"
"Hindi ko sinasadya 'yun! Saka nag-sorry na ako."
"Hay nako, huwag ako! Sinadya mo 'yun! What is wrong with you? Saka lately, napansin ko na parang naiinis ka talaga Kay Carl. May ginawa ba siyang mali sa'yo? "
"Wala. Naiinis lang talaga ako sa kanya," sabi niya then he shrugged. Anong klaseng sagot yun? Nakakinis. Tapos, iniwas niya ang tingin sa akin at sinabing, "Or siguro, nagseselos ako"
Biglang nawala ang inis ko pagkasabi kong 'yun. "B-bakit ka nagseselos?" tanong ko kahit na obvious naman ang sagot.
"Because I like you, moron!" sagot niya.
"WHO ARE YOU CALLING A MORON?!" sigaw ko sa kanya sabay hampas sa lamesa. Ang lakas din ng loob ng lalaking 'to ah!
Lumingon siya ulit sa akin sumimangot "Kasasabi ko lang na gusto kita, pero nag-react ka lang sa pagtawag ko sa'yo ng moron."
"Ewan ko sa'yo!" sabi ko sa kanya. Sa totoo lang, malabong magkagusto sa akin 'yang si loser. I mean, parang ang bilis kasi. Three weeks pa lang kami magkakilala, tapos gusto agad? "kailan ka pa nagkagusto sa akin?"
Nagbuntong hininga siya at sinabing, "Mukhang nakalimutan mo na nga ang lahat-lahat"
"At ano nanaman ang pinagsasabi mo?" I asked, folding my arms together.
Wala naman akong natatandaang naging childhood friend ko na lalaki. Puro kasi babae 'yung mga nakakalaro ko noon. Sigurado naman na hindi ako nagka-amnesia. Ano ba 'yan! Imbis na wala akong iisipin, binigyan pa ako nitong si loser ng palaisipan. Napasigaw at ginulo ko 'yung buhok ko sa inis habang nakahiga sa king sized bed ko.
Sasagot na sana siya nang biglang dumating ang best friend ko at si Carl. Great, perfect timing.
Hindi ako makapaniwala na nag-confess siya even after knowing na may boyfriend na ako.
That doesn't sound right. And something's off. I mean, nakikipaglandian siya kay bessy sabay sasabihin niya na gusto niya ako? Ginu-good time lang ata ako nito eh!
Kasi kung gusto talaga ako ni loser, bakit siya nakikipaglandian siya sa iba?
Eh kung si Carl kaya? Kapag kaya may nakita akong kalandian siya na ibang babae? Magseselos kaya ako? Para sa akin, tingin ko hindi.
Kasi wala naman akong gusto sa kanya. Sinagot ko lang siya dahil na-curious ako kung ano ang feeling ng may boyfriend.
Basically, I only dated him out of curiousity and for experience. I'm pretty sure naman na aware din siya na wala akong gusto sa kanya. Pero who knows?
Baka sooner or later, magkagusto ako sa kanya pero kung wala talaga, kung hindi magwowork out, makikipaghiwalay ako sa kanya.
"Babe, you okay?" I heard Carl ask which pulled me out of my thoughts. I looked at him and flashed a smile.
"Yes, I'm okay babe."
"Yes, I'm okay babe," Brandon mimicked. I glared at him and then rolled my eyes at him.
"Halika na Carl. Umalis na nga tayo dito. I want to have a good time, not a bad time," I said. And with that. I pulled Carl with me and we left the two of them alone.