Befriending Others

1464 Words
HABANG NAG MUMUNI-MUNI AKO sa loob ng kuwarto ko, nakarinig ako ng katok at tawag mula sa maid namin, "Miss Claire, kakain na po ng hapunan. Baba na po kayo," Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at sumagot ng, "Coming!" then after nun ay lumabas at bumaba na ako sa dining room namin. Habang bumababa, nakarinig ako ng tawanan at kwentuhan. Wow, so may bisita pala. Ni-hindi man lang ako ininform para at least, nakapag-ayos ako. Nakasuot ako ng sleeveless pang-taas at maiklin short sa ibaba. Oh well, hayaan mo na nga. Proud naman ako sa balat ko so okay lang kahit magpakita ako ng portion. Pagdating ko sa dining room, nagulat ako sa nakita. Sa gulat, napahinto ako at napatitig sa mga bisita namin. Nasa bahay namin si loser and, I assume, na mother niya. "O, anak! Andiyan kana pala," sabi ni mama nang nakita niya ako. Apparently, his mom and my mom were best of friends. Hindi ko ikanakala. "Ito si Claire, ang anak ko." "Hi Claire! Ang bilis ng panahon. Dalaga ka na," sabi niya sa'kin. "Halika na't kumain. Doon ka sa tabi ng anak ko" sabi ng mama ni loser sabay turo sa vacant chair sa tabi niya. So, nagpunta na ako dun and sat down. Sinusulyapan ko siya pero umiiwas siya ng tingin sa akin at hindi siya namamansin. Naiilang kaya siya sa akin? Dahil kaya 'yun sa pag-confess niya sa nararamdaman niya for me? Sana kasi, hindi na lang niya sinabi eh. Pero kailan pa kaya siya nagkagusto sa akin? Gusto kong malaman. Masyado kong nacu-curious kahit hindi naman dapat. "So, kamusta ka naman Claire?" tanong sa akin ng mama niya. "Okay lang naman po ako," sagot ko. "Medyo busy lang po sa school lately." "How about love life? Are you dating someone right now?" tanong ni tita. Sa gilid ng mata ko, nahuli ko si loser na ibinilog ang kamao niya at kumunot noo siya doon sa tanong. "Yes po tita, I'm currently dating someone." Pag-amin ko. I saw the disappointment on his mother's face. Tumingin siya kay loser pagkatapos sa akin at nagbuntong-hininga. "Ganun ba? Sayang naman. Gusto pa naman kita para kay Brandon," sabi ni tita. "So, okay naman ba ang boyfriend mo? Anong klaseng tao siya?" Ngumiti ako ng matamis as if na iniisip ko talaga si Carl, 'yung tipong in-love ako sa kanya pagkatapos ay sinimulan ko na ang pagkuwe-kuwento ko kay tita tungkol kay Carl. "Good looking po siya," panimula ko. "Saan banda?" loser muttered, I smirked. Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkwekwento ko tungkol kay Carl. "Mabait din po siya at gentleman," dagdag ko pa. "Maagang kinukuha ni Lord ang mababait," sabi niya ng hindi ako tinitignan. Napansin ko na pinaglalaruan niya ang pagkain niya habang nakasimangot pero hindi ko siya pinapasin pati na din ang mga remarks niya. "That's nice. Anong pangalan niya?" tanong ni tita. "Carl po ang pangalan niya," sagot ko. "At ano ang pinakagusto mo sa kanya?" tanong pa niya. Whoa, naging interview ata bigla. Bakit pakiramdam ko, na-hotseat ako ng 'di oras? But I answered her question, anyway. "He can excel at many things effortlessly." Kaya hindi na din ako nagtaka kung bakit kilalang-kilala din siya sa school namin. "As if naman na siya lang ang nag-iisang taong kayang mag-excel effortlessly," sagot niya. "Ang bitter ha," sagot ko naman sa remark niya. Huminto siya sa pagkain niya tapos hinarap ako with that serious look on his face. Switching version, I see. "Kung sinabi ko ba sa'yo 'nung una palang na ikaw talaga ang gusto ko, may chance ba ako?" he asked again. "Why didn't you man up and courted me right away, then? Don't ask, just do it," I answered. "But it's too late. I have Carl. You could have pursued me earlier, but you did not." *** THESE PAST FEW DAYS, ang bukang bibig ng lahat ay ang nalalapit na graduation and of course, the class outing that they planned. Everyone's too excited for that trip. Even my best friend and boyfriend are excited and super ready for it. Parang ako nga lang ata ang walang pakielam sa class outing na 'yan. Siguro dahil wala akong ka-close maliban kela bessy, Carl and loser. Yes, including that loser. Hindi ko alam kung anong nakain niya but lately, ang bait na niya sa akin. Hindi na niya ako sinusungitan until we became close friends. Si Carl ... I feel bad for him sa gagawin ko but I'd feel terrible kung ipagpapatuloy ko pa 'to. Dating with one-sided feelings? It's really a no to me. Mukhang seryoso talaga siya sa akin. Actually, he has gotten a lot sweeter to me. But unfortunately, I don't think I can return his feelings. I have to dump him. Wala naman kasi talaga plano na magka-boyfriend. Ngayon lang ako nagka-interest na mag boyfriend. But unfortunately, hindi ko kayang mahalin ang lalaking sinagot ko. Oo, napapasaya niya ako pero wala talaga. Wala talagang namumuong feelings for him. Hanggang friends lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Ang gusto ko munang gawin sa ngayon is mag-enjoy. Enjoying by playing with other people's feelings ... Siyempre, nakokonsensiya ako kahit papaano sa ginagawa ko. Besides, once ko lang naman gagawin ito. Kay Carl lang at wala nang iba. I snapped out of my thoughts when I realized that bessy was trying to get my attention. "Earth to Claire? Penny for your thoughts? Kanina pa ako nagsasalita, nakikinig ka ba sa akin?" rinig kong tanong ni bessy habang pinipitik ang daliri niya sa harap ng mukha ko. "Oh, sorry, sorry, what were you saying?" I asked. Nagbuntong-hininga siya at sinabing, "Tinatanong ko kung sasama ka ba sa class outing." Napaisip ako. Sasama nga ba ako? Parang ayaw ko. Feeling ko kasi, hindi ko ma-eenjoy ang class outing namin kasi nga, wala akong ka-close so I decided to answer, "Hindi. Hindi ako sasama bessy. Kayo na lang." Tapos biglang may nagsalita sa likod ko na ikinagulat ko. "Bakit hindi ka sumama? Sumama ka! I'm sure you'll enjoy the trip!" I looked over my shoulder just to see a classmate of mine. I really don't know what her name is but I think her name is Joy. Then may sumulpot na isang lalaki at inakbayan siya. "Oo nga, sumama ka na para masaya," sabi niya tapos nginitian niya ako. I think his name is Brian. Ewan, hindi ko sure. Best friend ata siya 'nung Joy. Nalaman ko dahil naririnig at nakikita ko sila sa klase. Malamang, classmate ko silang parehas eh. Never pa kaming nagkausap kaya naman nagulat ako nang bigla silang lumapit sa akin. Umiling-iling ako at sinabing, "Ayokong sumama. Huwag niyong pilitin ang ayaw." pagtataray ko. "Why? Are you scared," Biglang banat ng isang pamilyar na boses. Kararating lang niya kasama ang dalawa niyang alipores. Si Penelope. "We'll be going to Baguio and malamang sa malamang, magkakayayaan na maglaro ng kimodameshi sa isang haunted na lugar," sabi niya. Ngumisi siya ng nakakainis habang nakapamaywang. "Balita ko, takot ka sa mga multo or whatever it is. Scaredy cat huh?" I hated paranormal events. I also hated being left alone in the dark. Just the thought of that scares the hell out of me. Pero siyempre, hindi ko ipapakita sa aking arch-nemesis ang kahinaan ko. Who does that? Hinarap ko siya at nagpamaywang, "Who said I'm scared? Playing kimodameshi is just a piece of cake to me," banat ko. "ayoko lang talagang makipagplastikan sa mga kaklase natin. I'm sure na hindi naman talaga nila akong gustong makasama, hindi ba? They keep on judging me kahit na hindi naman talaga nila ako kilala. They only see my negative side," "Hindi lahat, ganun," panimula ni Joy kaya napatingin ako sa kanya. Umiling-iling siya at nagpatuloy. "Oo, hindi ka namin masyadong kilala pero 'yun ay dahil hindi mo kami binibigyan ng chance na kilalanin ka. Na kaibiganin ka. You never tried to approach us. Palagi na lang kami. Hindi naman tama 'yung ganun. Saka, isa pa, ikaw rin ang may kasalanan kung bakit madaming naiinis sa'yo at huwag kang magtaka kung puro na lang negative sides ang nakikita ng iba sa'yo dahil 'yun ang pinapakita mo sa aming lahat. 'Yung negative side mo." Aware naman ako na kasalanan ko din kaya ganun ang tingin nila sa akin. Tama lahat ng sinabi ni Joy kaya naman hindi na lang ako umimik. Nagbuntong hininga na lang ako. I don't know what's stopping me from befriending my classmates but deep inside, I really did want to be their friend. Nakukuha ko nga ang atensiyon sila pero hindi ko naman sila kaibigan so what's the point of fame? Patapos naman na din ang highschool days ko so in the end, I've decided to come along and have some fun with them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD