Outing Partner

1947 Words
Napatingin ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko. Parang hindi siya 'yung loser na kilala ko. He looked so scary and serious. Nasaan na ang loser na masayahin, makulit at palaging nakangiti? Ang loser na parang bata kung umasta? Teka, this is not the proper time para isipin 'yun. Natuon din ang atensyon ng tatlong m******s sa direksyon niya sa pagtawag niya sa akin at 'nung distracted sila, I grabbed that opportunity to kick the guy's balls in front of me really hard, causing him to finally let go of my wrist. As soon as I escaped from their grasp, he grabbed the opportunity to kick their asses. I must say, I was impressed. Pero kahit ang magaling, kailangan din ng suporta. Kailangan din ng tulong. Kaya before pa siya ma corner, which is, sana hindi naman, I grabbed the nearest and biggest rock that I found. Habang ang focus ng tatlo ay na kay loser na, well, I guess, not that really a loser na ngayon, tyumempo ako at nag-ingat na hindi nila ako makita saka ko mabilisang hinampas sa batok ng isang lalaki ang bato. One down! No — actually, TWO DOWN! One to go! Pero itong isa, tumakbo naman siya. Meh. Loser. Pero ngayon, ano kayang gagawin namin sa dalawang 'to? We couldn't just leave them, right? Lost in thoughts, lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang dalawang balikat ko. I placed my hands on my chest when he looked into my eyes. "Ayos ka lang?" halata ang pagaalala sa mukha niya. Napa tungo-tungo na lang ako. He sighed in relief tapos bigla akong pinagsabihan na para bang siya ang tatay ko. "Kasi naman, bawas bawasan mo ang pagtataray mo. At iwasan mong maglakad ng mag-isa papauwi. Dapat may kasama ka palagi. O mas mainam kung magpapahatid-sundo ka nalang sa driver niyo. May driver ka naman. Mabuti na lang at nakita kita. Parehas kasi tayo ng daan," sunod-sunod na sermon niya pero hinayaan ko lang siya dahil wala ako sa wisyo para sumagot pabalik. "saka, sino may sabing makisali ka sa away kanina? Okay ka lang?" "Whoa! Are you saying that I can't fight?! At sino ka para pagsabihan ako, ha?!" sagot ko pero he ignored me. "Ako na nga itong nagmamagandang loob na tulungan ka e, diba." He sighed. "At least you're safe. Okay lang ba kung samahan kita papauwi sa inyo para safe ka?" he offered. "Don't worry. Hindi kita ihahatid para maging kaibigan mo ako. Ihahatid kita because I want to make sure that you're safe." "Fine. Salamat," I answered. Lumingat ako sa dalawang lalaki na nakahilata sa lapag. "how about them? What's the plan?" Nilingon din niya 'yung dalawang lalaki at nagbuntong hininga. He shrugged. "I don't know. Dalhin natin sa barangay hall?" In the middle of his uncertainties, may nakita kaming mga tanod from afar. Thank goodness! Pero sana, hindi kami tanungin pa ng tanungin tungkol sa ano ba ang nangyari. Interrogations consume a lot of time and time is gold, come on! "Kuya!" he called, raising his hand in the air to catch their attention. 'Nung parang hindi nila narinig ang tawag niya, he called them again with a louder and clearer voice while waving his hand. Hopefully this time, mapansin na kami nila kuya so we could clean this mess and go home na. Like, gosh. I am exhausted. In addition, my back is killing me. Ang bata ko pa para magkaroon ng back pain! Unbelievable. Pero may mga bagay talaga na posible at hindi mo inaasahan, hindi ba? After second call, finally! Nakita namin na naglakad na papalapit sila kuya tanod sa'min. As soon as they arrived, we explained everything that happened. Sabi nila, sila na daw ang bahala doon sa dalawa and that we don't have to come with them. Good, good. That's good, then! We walked in silence and this is kind of awkward. Walang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa nakarating na rin ako sa bahay namin. "Gusto mong pumasok na muna?" tanong ko. Nagulat siya noong inimbitahan ko siya na pumasok. Maging ako nga ay nagulat sa sarili ko dahil inimbita ko siyang pumasok. Babawiin ko sana ang imbitasyon ko nang bigla siyang nagsalita. "Hindi na. Salamat na lang. Mag gagabi na din eh. Kita na lang tayo sa school bukas." sagot niya sa akin saka ako nginitian. "Sige, salamat ulit ah? At...ingat ka sa pag-uwi." sabi ko sa kanya pagkatapos ay nagpaalam na siya sa akin. Pinanood ko siya na maglakad papaalis. Now, I'm starting to consider him my friend but a part of me was still scared to have a guy friend. A part of me was scared to be left behind like what my guy friends in the past did to me. What should I do now? *** SIYA ANG UNANG HINANAP KO pagdating sa classroom. Pero hindi ko siya natanaw kaya napabuntong hininga ako. Umupo na lang ako sa upuan ko at nagsalumbaba. "Nguso mo, humahaba. Halos kapantay na ng ilong mo oh." sabi ng isang pamilyar na boses na ikinagulat ko. Pagtingin ko, it was him, smirking at me. "Kala ko hindi ka papasok." sabi ko. Umupo siya sa tabing upuan ko. Wala pa naman yung nakaupo dun eh. "Kaya ba nakasimangot ka dahil akala mo hindi ako papasok? Awe, someone is concerned..." pang-aasar niya. Tinignan ko siya ng masama pero tinawanan lang niya ako. "Oh, chill lang! Palagi ka na lang galit. Paano ka magkaka-boyfriend niyan kung lagi ka nakasimangot?" sabi niya. "Hindi ko kailangan ng boyfriend at para sabihin ko sa'yo, lapitin ako ng mga lalaki. Dami kaya nanliligaw sa akin. Ako lang ang nagrereject sa kanila." sagot ko sa kanya. "Bakit? Dahil hinihintay mo ako?" he said, smirking. "Huwag mo na akong hintayin dahil may iba na akong gusto." Ambisyosong froglet talaga 'to! Saka, pakielam ko kung may gusto siyang iba? "Hindi kita hinihintay FYI! Saka ayoko sa mga lalaking mahangin. Sa sobrang kahanginan mo, baka hindi ka gustuhin ng babaeng 'yun." sabi ko. "Sus, nagseselos ka lang," pang-aasar niya. Then, napatingin siya sa likod ko saka sinabing, "oh, speaking of the girl I like, nandiyan na siya." then ngumiti. Lumingon ako at nagulat ako nang nakita ko ang babaeng tinutukoy niya. As usual, nakangiti siya habang naglalakad papalapit sa amin. It was my only best friend, Jessica. Lumingon ulit ako kay loser at sinabing, "Gusto mo si bessy?" Hindi ko makapaniwalang sabi. "Taas mo din mangarap 'no?" "Libre lang mangarap," sagot niya at napairap nalang ako. "Kailan pa?" "Matagal na. Pasikreto." sagot niya. Napakunot-noo ako tapos ay tinaasan ko siya ng kilay. "So, kaya pala kinaibigan mo ako para tulungan kita na ma-inlove sa'yo ang best friend ko? Is that it?" pagbibintang ko. Nag iba ang itsura ng mukha niya. Parang nagpanic ang itsura na ewan. "Hindi! Why would you assume that? Kinaibigan kita dahil yun ang gusto ko!" pagdedepensa niya pero siyempre, hindi ako naniwala. "Kahit kailan ay hindi kita magagawang gamitin para sa sarili kong kapakanan." "Boys are really liars. This is why I hate befriending boys. Here I thought that you have a pure intention," I told him sharply. "sana pala, hindi na lang kita kinaibigan." Pagalit kong sabi. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. I mean, eh ano naman kung maging tulay ako sa dalawa? I don't even like him...right? Ang akin lang naman, ayoko sa lahat ay 'yung ginagamit ako. Kung kailangan niya ng tulong, edi sana, sa simula palang, sinabi na niya para hindi ako nagagalit ng ganito. "Hindi nga sabi eh!" sabi niya pero hindi ko yun pinapansin. Hindi ako naniniwala. My ears are closed. "It's better to stop this stupid friendship if you're only going to use me." sabi ko sa kanya then gave him a silent treatment hanggang sa nakalapit na sa amin si bessy. I hate people who use me for their benefit. Well, lahat naman ayaw sa mga users, hindi ba? I couldn't believe that loser was only using me! I couldn't believe that he was lying! Si bessy na lang ang kinausap ko then everytime he's trying to jump in the conversation, hindi ko siya pinapansin. Nananahimik na lang ako at kahit na anong pagpapapansin ang ginagawa niya, hindi ko siya pinapansin. Maya-maya, dumating na din sa wakas ang homeroom teacher namin. "Good morning class." bati niya. "Good morning, sir!" bati namin ng malamya samantalang ako eh hindi bumati. "Mukhang tulog pa mga diwa niyo. Greet me again but this time, while jumping." he said, making us surprised. Baliw talaga 'tong teacher namin kahit kailan. "What?! No way!" sabi naming lahat na gulat. "Well, you're still asleep so do it. Saka, I'm your teacher kaya ako ang masusunod." sabi niya. All of us protested but in the end, we jumped while greeting him. Weird and crazy, I know. Kaya ayun, napagod kaming lahat at lalong-lalo naman ako. You see, I have a really poor stamina and I get tired easily. Hindi nga ako makatagal sa P.E namin which is nakakainis talaga. Hingal na hingal ako. Gusto ko sanang itago sa lahat na sobrang hingal ako dahil ayaw ko na makita nila pero hindi ko nagawa. Not like they care. After namin gawin gawin ang kabaliwan ng teacher namin, umupo na kami sa aming mga upuan at nakinig sa kanya. Ang aming discussion ay tungkol sa graduation day namin. Right, fourth year highschool na nga pala kami and malapit na ang graduation namin. Sabi ni bessy sa akin, after highschool graduation, she'll fly to Canada para dun mag-college. Bakit kailangan pa na sa Canada siya mag-college? Sa tuwing naalala ko na pupunta si bessy sa Canada, nalulungkot ako. Ako na lang ang maiiwan mag-isa. Jessica is my one and only best friend. I don't think may makakapalit sa kanya. Bigla ko nanaman naalala 'yung sinabi ni loser. That he likes Jessica. Makes me wonder if nakapag-confess na si loser kay bessy. I mean, he should confess to her since Jessica is going to Canada soon. Baka magsisi siya. Unless, susundan niya si bessy sa Canada like a lost puppy. Nako, pag ginawa niya 'yun, walang duda na hindi lang niya basta gusto si bessy kung hindi mahal na niya. Aksidente akong napatingin sa direksyon ni loser at nakita ko na nakatingin siya sa akin pero inirapan ko lang siya. At ano naman ang tinitingin-tingin niya? Hindi ko siya mappatawad dahil sa pangga-gamit na ginawa niya sa akin. Hinding-hindi talaga. Anyways, after namin pag-usapan ang tungkol sa graduation namin, sabi ng teacher namin na magkakaroon kami ng outing before graduation para naman daw makapag-bonding kami. Everyone cheered except me. I really hate those kinds of events but I have to go to that stupid outing because of grade and attendance. Ang hindi daw kasi sumama, mawawalan ng grade at aabsenant. Badtrip nga eh kaya ayun, kailangan ko talagang sumama at wala na akong magagawa dun. Well, at least kasama naman ang aking bestfriend. At least hindi ako mag-iisa. Sabi, three days lang kami doon at ang pupuntahan namin ay sa Cebu at Bohol. Wow ha, dalawang lugar pa talaga. Pinagpartner-partner kami and unfortunately, I got paired up with Carl and my bestfriend got loser as her partner. Wow, mukhang mag-eenjoy ng todo-todo si loser dahil si bessy ang partner niya. Pero siyempre sa kwarto, ang kasama namin ay ang same gender namin. Again, ang magaling na teacher namin ang nag-partner sa akin. Ang ginawa niya ay pinagpartner-partner niya ang mga hindi magkakasundo kaya naman ang naging partner ko sa kwarto ay si Penelope. Speaking of Penelope, nang pinagpartner kami ng ex niya na si Carl, binigyan niya ako ng isang masamang tingin. I've got a really bad feeling about this outing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD