Saving Her

1673 Words
HINDI AKO SUMIPOT SA USAPAN. Kaya galit na galit si mama sa'kin. Dapat pala, hindi ko sinabi na inaya ako ni loser na makipagkita ngayong araw, Sunday. If tingin niya na hahayaan ko na manipulahin niya ako, nagkakamali siya. Since galit na galit si mama, she told me na dapat, magbake ako ng cupcakes para kay loser as a peace offering. Wow. Is my mom being for real?! No way! Well, nagbake ako ng cupcakes pero hindi ko ibibigay sa kanya. Kakainin ko nalang pag-dating ko sa school. Dinala ko ang cupcakes sa school at kinain ito noong lunch break. Medyo naumay nga ang lasa pero kasi, nakakapanghinayang kung itatapon o ibibigay ko kaya ako na mismo na lang ang kakain. Mabubusog pa ako, hindi ba? Since we didn't work together, medyo hindi tugma ang mga pinagsasabi namin during the presentation. I'm sure, napansin din 'yun ng teacher namin dahil hindi mataas ang nakuha naming grade para sa reporting. See? Mas okay pa kapag solo reporting. "Orland and Dela Vega," panimula ng teacher namin and crossed her arms together. "aminin niyo, hindi kayo nagtulungan sa reporting na ito, tama?" saka kami niliitan ng tingin. Sasagot sana ako na nagtulungan kami pero baka hindi lang talaga kami suitable partner para sa isa't-isa nang pero bago pa ako magsalita, nagsalita na si loser. "Yes ma'am, hindi po," sagot niya. "and I don't think na gusto akong maging partner ni Claire —" "Don't Claire me. We're not close." I cut him off sharply. I was expecting na sasabihin ng teacher namin na uulit kami or kami ang magiging magpartner hanggang sa magkasundo kami parang sa mga books but she didn't. Instead, she sighed deeply and said, "Fine. But next time, galingan niyo na if ever ma-pair ulit kayo sa isa't-isa" I'd rather not. Pero tumungo-tungo nalang ako para matapos na. *** LUNCH TIME CAME and I could feel my tummy grumbling. Absent si bessy today so I am all alone. Sa rooftop ako kumain ng lunch para payapa at presko at pagkatapos kong kumain ng lunch, bumaba ako at naisipang bumaba papunta sa garden sa likod ng school namin. Umupo ako sa ilalim ng puno ng mangga. Iba pa din talaga kapag napapalibutan ka ng mga dahon ng puno. Ang presko sa pakiramdam. Sana, matigil na ang pagputol ng mga puno. The more trees, the better. Habang nag-ngingilay-ngilay ako sa ilalim ng mangga, naalala ko na may cupcakes pa pala ako na natitira kaya kinuha ko agad ito mula sa lunch bag ko. Habang kinakain ko ang mga cupcakes, naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Napabuntong hininga ako nang nakita ko kung sino 'yun. Yup, the one and only loser. So, ano naman ang ginagawa niya dito? Tapos naman na ang reporting namin ah? "What are you doing here? What do you want?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya. "Ang sungit mo talaga. Masama bang umupo dito?" sabi niya. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang nakasimangot niyang mukha na nakatingin sa akin. "Oo, masama kasi nandito ako." sabi ko. Nagbuntong hininga siya at umiling-iling. "Bakit? Sa'yo ba 'tong pwesto na 'to?" tanong niya. "Bakit? May sinabi ba akong akin 'to?" sabi ko naman pabalik. "Ba't mo sinasagot ang tanong ko ng panibagong tanong?" nilingon ko siya at nakangisi siya sa akin. Halatang namimikon. "Ewan ko sa'yo! Ano nga kasing gusto mo?" tanong ko sa kanya. "Wala naman. Gusto ko lang makipagkwentuhan sa'yo." sagot niya sa akin. "You're aware that there's a false gossip about us roaming around, right? Trip mo bang mapalala ang tsimis na 'yun?" seryosong tanong ko sa kanya. "Sus, hindi naman totoo 'yun eh. Hindi naman totoong in-love ako sa'yo noh?" sabi niya sa akin na parang wala lang. Itong lalaking 'to, wala talagang pakielam sa kung ano ang iniisip at sinasabi ng ibang tao tungkol sa aming dalawa. Nakakainis lang! "Kahit na! Basta, ayoko! A-YO-KO! Period!" Inubos ko na ang cupcake ko pagkatapos ay inilagay sa tapunan ang mga cupcake wrappers then tumayo na ako. Pagtayo ko, nagsalita siya bigla. "Ba't ayaw mong makipagkaibigan sa akin? Dahil ba sa lalaki ako?" tanong niya. 'Yung paraan ng pagkakasabi niya, parang malungkot pakinggan pati ang boses niya. Huminto ako sa paglalakad pero nakatalikod pa din ako sa kanya. Nang hindi ako sumagot, nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Dahil ba 'yun sa sinabi ng mama mo kagabi? Ang dahilan kaya ayaw mo na makipagkaibigan sa mga lalaki?" tanong ulit niya pagkatapos ay narinig ko siyang tumayo at ang mga yapak ng mga paa niya na papalapit sa akin. "Hindi lahat ng lalaki, ganon. Hindi lahat ng lalaki, iiwan ka at kakalimutan ka." sabi niya. "Please, give me even just one chance. I'll prove to you that I'm not like the guys who left you." Binalot kami ng katahimikan. Nag-isip ako. Pagbibigyan ko ba siya o ano? Pero, naunahan ako ng pangamba kaya naman ang tanging nasabi ko lang ay, "Liar." And with that, I walked away, leaving him behind for the second time. I don't need a guy friend, alright? Ayoko na. When the class resumed after lunch, I was super distracted, thanks to him. Pagbalik ko sa upuan ko, may napansin ako na maliit na bulaklak at chocolate na may note. Binuksan ko ang note para makita ko kung sino ang nagbigay 'non at kung ano ang nakalagay sa loob. Dear Claire, Smile suits you the best. I hope you'll have a great day today. Love, Carl Napangiti ako bago ko itinago ang note at ang bulaklak. Infairness, he's keeping his words about trying to make me his. Whilst I appreciate his effort, I am not easy to tame and I don't belong to anyone. I wonder kung gaano katagal ang consistency niya. I cannot believe he's trying to pursue me for two years and counting. Anong trip 'non? Dami-daming babae diyan na puwedeng pagdiskitahan kapag bored sa buhay nila, ako pa talaga? Oh well, I warned him already. Plus, hindi ako puwedeng ma-distract ng boys ngayon. Kailangan kong magfocus sa studies ko kung gusto kong makakuha ng maganda and stable na grades para maging qualified ako sa Starlight University kahit na anong mangyari. Pero kahit anong subok ko na mag concentrate, nahihirapan ako and it's pissing me off. Pag-uwi, pumunta ako sa kwek-kwekan ni ate Lorna para mag-stress eating ng napakasarap niya na kwek-kwek. Pagdating ko doon, napansin ko na wala si ate Lorna pati na din ang mga kwek-kwek na binebenta niya. That's unusual dahil palagi siyang andito. I don't think that she'll stop selling kwek-kwek kasi, patok na patok sa masa ang kwek-kwek niya. Ayokong mag-isip gaano. Baka masama lang ang pakiramdam ni ate Lorna or what. Baka gusto lang niyang magkaroon ng break for a while and hindi ko din siya masisisi doon. Sana, okay lang siya. So I began walking home instead. No, I am not going back to school para hintayin ang sundo ko. Habang naglalakad ako, naramdaman ko na parang may sumusunod sa akin. Of course, I played it cool dahil baka nag-ooverthink lang ako or imagination ko lang. But as I continued walking home, lalo kong naramdaman ang presensya ng stalker ko that I started running. I looked over my shoulder and saw a black-hooded man peeking from the alley. Ako ang tinitignan niya! Nakaramdam ako bigla ng anxiety. Biglang may dalawang tao mula sa eskinita ang lumabas at hinarangan ako kaya at kinorner ako. They looked creepy and scary! I would be lying if I say I didn't felt nervous. Lalo na sa paraan ng pagtingin nila sa akin — tingin ng may pagnanasa and it gave me goosebumps in a very bad way. Pero siyempre, hindi ko ipapakita sa kanila 'yun. "Hey Ms. Popular. Wanna hang out with us?" the first guy said, trying to act cool but failed. He has messy black hair with his unbuttoned polo shirt pero may white sando naman siya sa ilalim. He's not wearing his I.D and he has this delinquent eye. Nakakatakot tignan at ang creepy! Pango ang ilong niya at madami siyang pimples sa pisngi. Super oily pa ng mukha niya. "No thanks. Hon, I don't hang out with losers. So, get lost!" sabi ko ng pataray saka nagpamaywang at nagtaas ng isang kilay. "Come on Claire. Kahit ngayon lang. Huwag na kasing mag inarte," sabi naman 'nung isa pa niyang kasama. Sarado ang polo niya pero obvious na obvious na wala siyang suot na sando sa loob dahil bumabakat ang kanyang... you know na sa polo niya. Payat siya na makapal ang buhok. Actually, mukha siyang alien and I am not even exaggerating. "Palibhasa, sikat eh. Huwag na kasing pakipot." sabi naman nung ikatlo nilang kasama. Medyo chubby siya na magulo ang buhok at lukot-lukot ang polo uniform niya. Hindi lang lukot! Madumi pa! Bigla na lang nilang hinawakan ang kamay ko nang mahigpit. Sinusubukan kong pumalag pero hindi ko magawa. Masyado malalakas itong mga panget na ito kaya hindi ako makaalis. "Ano ba! Let go of me you ugly ducklings!" sigaw ko habang pumapalag sa kapit nila pero masyado silang malalakas kaya hindi ako makawala. "Mukhang malambot ang labi mo ah?" panimula niya. I shot him a glare and gritted my teeth. Sa totoo lang, natatakot na ako at mangiyak-ngiyak na ako. Wala kasing tao sa paligid namin. "Ano ba! lumayo ka!!!" sigaw ko pero nagtatawanan lang ang tatlong unggoy. Sinasabi nila sa lalaki na lasahan daw niya ang labi ko. Kaya naman, sinubukan kong tadyakan ang kanyang kayang alaga sa ibaba. Dahil sa ginawa ko, napaatras 'yung lalaki at napa hawak siya sa kanyang Yamashita Treasure. Tinignan niya ako ng masama. Nagtangka akong tumalikod at tumakbo para makatakas pero bago ko pa magawa 'yun, na-huli nanaman ang isa kong kamay at naramdaman kong parang inaamoy nila ang leeg ko which gave me chills down my spine. Ang manyak talaga! Nagsimula na akong kabahan. Crap. Cornered. Bumilis ang t***k ng puso ko hanggang sa narinig ko ang isang pamilyar na boses na sumigaw. "Bitawan niyo siya!" sigaw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD