THE NEXT DAY, I woke up from loud voices na nanggagaling mula sa labas ng room ko. That's weird kasi hindi naman ganitong kaingay tuwing umaga. So my guess is may visitor kami.
Visitor on weekends? Tapos super aga pa ng dating? More importantly, hindi ko man lang alam na may bibisita. I don't remember inviting someone over so baka bisita ni Suzie 'yan or ng mga magulang ko. Who knows? Since I've got nothing to do with the guest, I fell back to sleep. Pero maya-maya nalamang, nakarinig ako ng katok.
I groaned and sighed. "What now?"
"Claire? May bisita ka!" rinig kong sabi ni mama mula sa kabilang pinto.
"Bisita? Wala akong inaya na kahit na sino na pumunta today sa bahay."
"Basta lumabas ka nalang. He's waiting and in fairness, he's cute and handsome too."
Handsome? Sino naman 'yun?
And so, I opened the door and went downstairs, still in my PJ's. Parang nabuhayan ako bigla nang nakita ko kung sino ang tinutukoy nila.
And anong sinasabi ni mama na he's handsome? Sure, he got the looks but he's not that handsome. Hindi pasok sa handsome standard ko.
Agad ko siyang niliitan ng tingin. "What are you doing here? And I don't remember giving you my address," 'yan ang sinabi ko pagkakita ko kay loser sa sala namin. "Get out. Hindi ka na ba nadala?"
"Hello to you too," sabi niya sarcastically. "And wow, mansyon nga ang bahay niyo. Ibang klase." sabi niya habang nililibot-libot ang kanyang paningin sa bahay namin.
"Ano ngang ginagawa mo dito and more importantly, how did you know where I live?!" singhal ko sa kanya. Hanggang dito ba naman eh sinusundan niya ako?
Grinning, he said, "I have my ways"
"Creep," 'yan na lang ang sinabi ko sa kanya. Saka, hindi ba siya napala? I mean, hindi ba't ipinahiya ko na siya sa school at ni-reject ko siya bilang kaibigan ko? Ba't andito na naman siya? "Ba't ka naman nandito? Ano kailangan mo? Kung wala kang kailangan, just get out of our mansion! I've got nothing to amuse you!" sabi ko.
"Oh, come on! Huwag ka ngang ganyan! I'm here for our report. We need to talk about it and of course, practice para may mataas tayo na grade," sabi niya.
"We could have talked about it sa school. Hindi mo na kailangang pumunta dito noh? And we don't have to practice! Alright?" sabi ko sa kanya.
"Umalis ka nalang bigla. Tapos, Monday na ang reporting kaya kailangan ko talagang magpunta dito sa inyo para makausap ka," sabi niya sa akin. "Gusto ko ng magandang grades, hindi ba? Why don't we practice?"
"Ewan ko sa'yo. Fine! We'll talk about it and get over with it! But you only have thirty minutes. Siguro naman, sapat na 'yun?" sabi ko.
"Thirty minutes? Ang ikling oras nun!" sabi niya. "Kulang pa 'yun sa pag-pre-prepare ng reports like powerpoint presentation tapos, maghahanap pa tayo ng i-rereport natin sa diyaryo. Don't forget, mag-prapractice pa tayo." sabi niya.
"Forty-five minutes" sabi ko.
"Forty-five minutes? Kulang 'yun! Much better kung huwag mo na lang orasan hanggang sa matapos tayo." sabi naman niya.
"So, I guess you already overcame your fear of boys huh?" my mom teased, grinning at me. Hindi ko napansin na pinapanood pa din pala kami ni mama. "Nagdala ka ng lalaki dito for the very first time. At aba'y kay gwapo pa!"
Tumingin si loser sa akin na mukhang nagulat dahil sa rebelasyon. "Takot ka sa lalaki? At first time mong magka-bisita dito na lalaki?"
Tinignan ko siya ng masama at sinabing, "First of all, I'm not scared of those stupid boys. Second, first or not, it's none of your business. Third, this is not the first time I've got a male visitor. Nakalimutan lang siguro ni mama and lastly, we're gonna discuss our report for only forty-five minutes! Kung hindi ka papayag, gagawin kong thirty-minutes na lang!"
"What? Bakit naman? Huwag ka naman ganyan, anak," sabat ni mama. Tumingin siya kay loser at hinawakan ang kamay niya. "you can stay here kahit gaano mo katagal gustuhin. Also, please join us sa breakfast namin. Ako ang magluluto at hindi ang chef namin."
Ngumiti si loser sa kanya at sinabing, "I'd love to! Thank you for inviting me, ma'am. I appreciate it."
"Please, stop being formal. Just call me Tita Cynthia, alright?" sabi ni mama kay loser. I know na kung kokontra pa ako, hindi lang din ako mananalo so in the end, he joined us for breakfast.
Kung ano-ano ang kwinekwento ni mama tungkol sa akin na nakakahiya. Pagkatapos eh sinabi pa niya kung bakit ako umiiwas na makipagkaibigan sa lalaki. Sinumbong pa ako ni loser sa ginawa ko sa kanya kaya naman pag-alis na pag-alis niya, pinagalitan talaga ako ni mama.
"Now, apologize to him bukas na bukas din! And I want you to bake cupcakes for him as an apology!" utos ng galit na mama ko. First, si Jessica ang nagalit sa akin then ngayon, si mama naman.
In the end, hindi rin kami nakagawa ng report ng maayos dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mang-inis at makipagdaldalan sa nanay at kapatid ko.
Oh, anong nangyari sa pinagsasabi niyang practice? Pag-alis niya, ako nalang ang nag practice mag report mag-isa then I decided to share some information sa kanya.
Bahala na siya kung paano niya i-didiscuss ang report na ibinigay ko sa kanya. Hindi na ako nagsayang ng oras. Ginawa ko agad ang kailangan kong gawin. Nagsimula na din akong magpractice.
In the middle of my self-training and practice, my phone rang so I checked the caller's ID. The call is from an unknown number so I didn't pick it up. Huminto na din ang pag-ring sa wakas.
I don't take calls from an unknown number. Saka, baka'yung tumatawag ay magbebenta lang ng home loan or what. But then, the phone started ringing again and it annoyed me so I answered it.
"Who's on the line?"
"Ayun! Sumagot ka din. Akala ko, hindi mo sasagugutin ang tawag ko. Magtatampo sana ako sa'yo."
I recognized the voice as loser's. What in the world?! Paano niya nakuha ang number 'to? I have suspects: Jessica and my mom.
"Kanino mo nanaman nakuha ang number ko?"
"Sasabihin ko sa'yo kung lalabas ka kasama ko bukas, Sunday," sabi niya. "magsimba na din tayo."
He's kidding, right? I can't believe that he's trying to manipulate me.