MABILIS na pinuno ng hangin ni Shelby ang dibdib. Kanina pa siya nagdesisyong gawin ang gagawin niya ngayon. Pero kung ganito katabang ang pagharap sa kanya ni Marcus, hindi malayong mabahag ang buntot niya. At ayaw niya iyong mangyari. Mas gusto niyang maisakatuparan ang pinlano niya. Lumapit siya dito at tumitig sa mga mata nito. “I love you, Marcus. Iyon ang paniwalaan mo.” Marahas ang ginawa nitong paghinga at nilagpasan lang siya. “s**t!” bulong niya at nagsisimula nang maubos ang pasensya. Bakit ba may mga lalaking ayaw pang maniwala samantalang para na siyang sirang-plaka sa kauulit ng mga salitang iyon. Well, kung ayaw maniwala sa salita, di sa gawa. Dumako ang mga daliri niya sa butones ng kanyang blouse. Isa-isa niyang kinalas iyon at saka hinubad. Sinipa niya nang marahan

