Chapter 19

1262 Words

Agad na dinala sa isang pribadong silid sa ospital si Ingrid. Kagaya nang sabi ni Zoriel ay nawalan nga lang ng malay si Ingrid. Bumaba raw ang oxygen nito dahil sa matinding emosyon. Hindi ko naman na unawaan ang sinabi ng doctor kaya si Ingrid na lang ang inintindi ko. Hindi ako umalis sa tabi niya. Ni hindi ko nga inaalis ang tingin ko sa kanya dahil sa labis na pag-aalala. Hindi ako makapaniwala na may gano’ng klaseng lalake. Paano niya naatim na manghalay? Hindi ba ito tinuruan ng kanyang mga magulang na maging marespeto sa mga babae? Napakasama niya. Halang ang kanyang lauluwa! At hindi ko rin maunawaan kung bakit hindi ko manglang napansin na may ganoon pa lang nakaraan si Ingrid. Kaya pala gano’n na lang ang takot niya noong makita ko siyang kinukuha ng mga hindi kilalang tao. G

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD