Malapad ang ngiti ko habang nagbabyahe ako pauwe sa amin. Sampung libo ang ibinigay sa aking pabuya ni Mayor. Nakakahiya man ay malaking tulong na rin ito sa amin. Inihulog ko agad ang limang libo kay Sofia at ang natira naman ay ibibigay ko kay Kuya Daniel. Sakto na ‘to pambayad ng upa namin at kuryente ngayong buwan. Namili rin ako ng ilang pagkain namin at ilang supply para sa bahay. Sigurado akong matutuwa si Kuya Daniel nito. Hindi na ako tumuloy pang pumasok ngayon. Sigurado naman ako na hingi na ako papapasukin sa factory kaya maglilinis na lang ako ng bahay. Pagkarating ko sa amin ay hinugasan ko muna ang mga karne at ilang sangkap na binili ko. Nilagay ko lang iyon sa ref pagkatapos ko. Sinunod ko ang paglilinis sa kusina noong maiayos ko na ang mga pagkain namin at pinamili kon

