“They are doing it again,” nag-aalalang sabi ni Felipe noong lumabas na ng bahay nila si Gelo. Hindi pa rin siya umalis sa kanyang pwesto. Napuno siya nang pangamba noong malaman niya ang nangyari sa kanyang anak kagabi. “Are we sure that it was them?” tanong ni Zoriel. Bumuntonghininga si Felipe. “I don’t know. But I am. Ganitong-ganito ang ginawa nila noong no’ng tumakbo ako bilang Mayor. They started from my wife.” Naningkit ang mga mata ni Felipe noong maalala niya ang sinapit ng kanyang asawa. Hanggang ngayon ay hindi niya maiwasang sisihin ang sarili dahil doon. “Don’t worry, Ninong. We will do our best to protect Ingrid and you,” ani Zoriel. “I’m okay. I just can’t let my daughter suffer again.” Itinukod ni Felipe ang kanyang mga siko sa hita at marahang hinilot ang kanyang

