Chapter 9 : Engagement Party (2)

2504 Words
Hindi ko na tinignan o pinagtutuunan ng pansin ni Carmichael buong araw. At sa buong araw na 'yon ay wala siyang ginawa kundi ang agawin ang atensyon ko at subukan akong kausapin. Jerk. Annoying! "Anong nangyari? Bakit biglang wala ka na sa mood—will lagi ka namang wala sa mood lumabas pero mas malala ngayon." punto ni Lou sa akin nang kaming dalawa na lang ang naiwang magkasama sa kotse dahil lumabas ang mag-ina para bumili ng snacks. Pauwi na kami at iyong snacks na bibilhin nila ay for stock daw sa bahay ni Carmichael. Silang dalawa na lang ang pumunta dahil baka pagkaguluhan daw uli ako. They're overreacting. Hindi naman ako masyadong kilala, dalawang babae nga lang nakakakilala sa akin eh. "He's playing with me, Lou. I don't want to be his fiance, like officially." sabi ko gamit ang sign language at bumuntong hininga. "What's wrong?" "Umuwi na tayo ng Spain. . " biglang 'yon na lang ang gusto kong gawin. . . Ang iwanan at takasan ang lahat. . "What? No! First of all, hindi pa tapos ang concert mo. Second of all, ikakasal ka pa." imporma niya sa akin. "Pwede namang ipagpaliban ng ilang taon 'yan. I just. . . don't want to." iiling iling na sabi ko habang sumesinyas. "Mayari, hindi naman ganiyan ang sinabi mo sa akin no'ng nakaraan. You said, you want it. You said, you like him. . . May nangyari ba?" ngayon, seryoso at kuryuso na siyang nagtanong. "He's. . . He's with someone." panimula ko na siyang kinagulat niya. Napatakip siya ng bibig gamit ang kamay niya. "Really?!" gulat pang aniya. I nodded. "Siguro papayag pa akong magpakasal sa kaniya dahil sinabi niyang maganda ako, kahit hindi na niya ako mahal. . . okay lang. Pero kasi, he loves someone else, Lou." pagsasabi ko na sa kaniya ng totoo. "Ayokong itali ang sarili kong may mahal na iba. . . Ayokong makasira ng relasyon ng iba." And all of sudden, I feel like I wanted to cry. Hindi ko alam. I'm overwhelmed. Ang bilis ng pangyayari. Ang dami ng nangyayari. Ang dami ko ng naramdamang emosyon. Limang taon na siyang nagpapadala ng bulaklak sa akin. Limang taon na akong may gusto kay C. Andrado kahit hindi ko siya kilala personally. Tapos ngayon, nakilala ko na siya. . . And then boom. He turned out to be my fiance. Tapos may ibang babae pala sa buhay niya. Naninikip ang dib-dib ko. Nasaktan ako. Pero hindi naman dahil sa mahal ko na siya agad, kakakilala ko lang sa kaniya eh. My feelings were not that deep. . . yet. Siguro. . . dismayado? Yes, I was disappointed. Iyan ang nararamdaman ko. Dismayed. Disappointed. Annoyed. Because I expected something from him. And I also liked him. He's kind, yes. But his a liar. "Oh, my Mayari. . . Hindi ko alam." tapos niyakap ako ni Lou na parang inaalo niya ako. Tapos kumalas din kaagad siya. "I'm not hurt or something, Lou." medyo ngumisi ako nang matapos ko 'yong isenyas. "I'm just. . you know, disappointed and annoyed." "Kasi gusto mo siya." she pointed out. Tumango lang ako. Maya maya lang ay nakita na naming papalapit sa kotse ang mag-ina. Pinanood kong pagbuksan ng pinto ng kotse ni Carmichael ang Ina niya bago umikot papunta sa driver's seat. "Let's go!" ani ng ginang. Buong byahe ay pinili ko uling magtulog-tulugan upang makaiwas sa kung anong tanong. Nakikinig naman ako sa usapan nila tungkol sa engagement. Nakakagulat na nakikisali rin sa usapan si Carmichael at tunog excited pa ang boses niya. Na para bang hindi niya sinabi kanina sa kausap niya na 'for the show' lang at pwedeng hindi niya daluhan ang engagement party mamaya. Nakakatawa siya. Napaka-sinungaling. Hindi ko sinasadya na talagang makatulog sa byahe. Nagising na lamang ako na wala na si Lou sa tabi ko at nasa kotse pa rin naman ako. "Pagod na pagod ka siguro." Napatingin ako sa nagsalita. Ngumiti siya at senenyas ang mata ko. "May muta ka," sabi niya kaya mabilis kong hinawakan ang mata ko at tinignan kong may muta nga ako pero wala naman, "biro lang." aniya kapagkuwan, tuwang tuwa pa. Hindi ko siya binigyan ng kahit anong emosyon. Inakma kong binuksan ang pinto ng kotse para sana lumabas pero naka-lock 'yon kaya tinignan ko ulit si Carmichael. "Sabi na, lalayasan mo ako." aniya, "sobrang napagod ka siguro sa lakad, nakatulog ka sa byahe pauwi eh. Hindi na kita ginising pa kasi ang sarap ng tulog mo." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at sinubukang buksan muli ang pinto. "Sabi ni Lou hindi ka raw talaga pala-gala ta's mabilis din daw maubos ang social battery mo." sabi na naman niya, hindi rin pinansin ang pagtangka kong pagbukas ng pinto. Nawawalan ng pasensiya ko siyang tinignan pero nginitian niya ako. "Kausapin mo naman ako oh." ngumuso siya. Bumuntong hininga akong umayos ng upo. I crossed my arm and look him dead in the eyes before I closed my eyes. Ayaw niya akong palabasin. Edi 'wag. Ako pa hinamon niya ng patigasan. Magmatigasan kami. Kayang kaya kong maupo sa loob ng kotse ng ilang oras. "Fine." he suddenly said after one or two minutes and I heard the click. He unlocked the door. Finally. Bago pa uli siya magsalita ay mabilis na lumabas ako ng kotse. "So cold. So distance. . " bubulong bulong na sabi ni Carmichael na nakahabol pala sa akin. Nasa likod ko lang siya habang naglalakad kami papasok sa bahay niya. Alas kwatro pa lamang ng hapon. Mamayang alas otso ang party kaya naman may oras pa ako para magpahinga. Sa isang hotel resort gaganapin ang party. May dalawang oras akong tulog bago ako ginising ng malakas na tunog ng cellphone ko. It was Lou who's calling. "Andito na ako sa bahay ni Carmichael. Maligo ka riyan bago ka bumaba para maayosan na kita. Kilos ka kaagad ah!" banta niya and then, she ended the call. Ginawa ko naman ang sinabi niya. Naligo ako at nagsuot lamang ng botton down na shirt at pajama pang-ibaba para mabilis lang alisin kapag isusuot ko na 'yong dress ko. Nang bumaba ako ay muntikan na akong magpakita ng reaksyon dahil sa gulat nang makita si Carmichael na naghahanda na rin. Inaayosan siya ng mga stylist na hinire siguro ng magulang niya. Ngumiti 'to nang makita ako pero walang gana ko siyang tinignan at dumretso ako kay Lou. "I'm so curious. Sabi mo may ibang mahal na babae si Carmichael. . . Then why he's here with us, getting ready for the party later. And he looks so excited." bulong na sabi sa akin ni Lou. Naupo ako sa nakahanda ng upuan, sa harapan ng mga gamit niya. "Performative." I signed. "Hayaan na lang." tapos bumuntong hininga ako. One shoulder dress na kulay gold ang suot ko ngayon. Kumikinang pa ito at akala mo nga ay may gold din. Long dress ito at masyadong hapit sa katawan ko at may slit pa sa left na umabot talaga ito sa kalahati ng hita ko. Hindi naman bago sa akin ang magsuot ng ganitong damit pero madalang lang. Maayos at maganda rin ang pagkakatali ng buhok ko at light make up lang din ang ginawa ni Lou sa mukha ko gaya ng lagi niyang ayos sa akin. Light pink ang lipstick ko na kanina pa ako pinupuri ng make up artist at stylist na nasa kabilang bahagi lang ng bahay ni Carmichael dahil inaayosan din siya. Maging si Carmichael ay nakikisali sa pagpuri sa akin pero hindi ko siya pinagtutuunan ng pansin gaya ng ginagawa ko sa stylist. "Sungit talaga ng mapapang-asawa ko." rinig kong reklamo niya sa mga kasama niya at natawa naman ang mga 'to. "Pero okay lang, maganda naman siya." aniya na siyang sinang-ayonan nila. Nang matapos na akong ayosan ni Lou at gano'n din si Carmichael, sinabi niyang sabay na lang kami ng lalaki na pumunta sa venue. Pumayag pa naman siya no'ng una pero kaagad na binawi ang sinabi nang tumunog ang cellphone niya. "Mauna na pala kayo, Lou and Mayari, I have something important to do." Important than our engagement party? Gusto kong isa-tinig. "Mas importante sa engagement party niyo?" naisatinig ni Lou ang katanongan sa isip ko. Napatingin sa akin si Carmichael at ngumiti, "of course not. Nothing's more important than our engagement party. . . I just really need time to do this. Mabilis lang, hahabol ako. Promise." at itinaas pa talaga niya ang kaniyang kanang kamay para mangako. I just loss hope on him. Walang pakialam na nauna na akong lumabas ng bahay niya at hindi pinansin ang pagtawag niya. Kaagad naman akong dinaluhan ni Lou. "Pupunta naman daw siya. May gagawin lang." pampalubag loob sa akin ni Lou habang nasa byahe kami. "He's man with his word. Trust him." ani pa nito. Hindi na lang ako sumagot. Trust him? Ayoko. Dahil sa huli, sarili ko lang ang niloloko ko. "I've talked to him, wala siyang girlfriend o kahit sinong karelasyon ngayon, Mayari." napatingin ako kay Lou dahil sa sinabi niya. Tumingin din siya sa akin gamit ang rare view mirror. "Huwag kang mag-alala, hindi ko sinabi mga sinabi mo sa akin. Basta, ininterview ko lang siya for my own piece of mine kunwari." "He's a good liar, Lou, don't believe on him." I signed. "He's telling the truth. Seb can confirm it. Ask him." "No, thank you." I signed and can help to roll my eyes. Natawa naman si Lou dahil binigyan ko siya ng reaksyon. Sinungaling talaga. Walang girlfriend o kahit babaeng karelasyon? Then who's Ophelia? Multo? Sinong niloko niya. Hindi na namin pinag-usapan ang lalaki. Nakarating kami sa venue at mula sa entrance ay sinalubong ako kaagad ni Tito Rojas. "What a gorgeous, ladies. . " rinig kong sabi nito. Una niyang dinaluhan si Lou bago ako. "You look good, ihja. . Will, nothing's new. Lagi ka namang maganda." "Wow." nagreak naman kaagad si Lou sa sinabi ng ama niya. Sabay pa kaming napailing ni Tito Rojas dahil sa inakto niya. "Psh! Diyan na nga kayo!" iniwanan na kami ni Lou. Muli akong hinarap ni Tito Rojas, "you're so beautiful, anak. . . I'm sure, your Lolo is happy in heaven now. Natupad na ang nais niya para sayo." aniya at kumikislap kislap pa ang mga mata nito. Parang iiyak pa yata siya ng wala sa oras. There. Tito Rojas said it. It's one of my very reason I'm still wanting and continuing this bullsh-t. It's because of my Lolo's will and wants for me. . . No'ng nabubuhay pa si Lolo, inakala niya siguro na makukuha at mahahanap ko ang masayang buhay sa piling ng lalaking pinili niya para sa akin. . . Sana. . . Sana tama siya ng akala. "This is it, are you happy for this, honey?" Tito Rojas asked me. "Uhm, I know that it's not your choice and will, but at least, are you happy?" No. Tumango ako. Kasalungat ng sagot ng utak ko ang ginawa ng katawan ko. Hindi ako masaya kasi alam kong hindi makakarating ang lalaking paasa na 'yon. Si Tito Rojas ang nag-escort sa akin papasok sa venue, kung saan doon gaganapin ang engagement party namin. Masyadong maraming bisita at mga media kaya medyo kinakabahan ako. Mukhang. . . mapapahiya yata ako. Huwag sana akong biguin ni Carmichael. Kahit ngayon lang. . . I took a deep breath. . . Gold and white ang theme ng party kaya ganoong kulay lang ang halos makikita mo sa buong paligid. Pinakilala ako ni Tito Rojas bilang CEO ng Aliveros Empire sa mga taong kilala niya rin sa larangan ng pagnenegosyo. Nagulat pa sila nang malaman na ako ang CEO ng kilala, ma-impluwensiya at lumalagong kompaniya na hinahandle ni Tito Rojas bilang COO. Ang dami nilang sinabi na hindi ko pinagtutuunan ng pansin. Hindi ko inakala na ipapakilala ako ni Tito bilang CEO. Nakakainis! I just give them a small smile and tugged my Tito's clothes to let him know that I really wanna leave the table. Nakaintindi naman 'to at dinala na ako sa harapan. Doon ko nakilala ang Grandma ni Carmichael. Halatang masungit at strikta ang matanda. She said, she already know me and was impressed by my background. Mukhang hindi sinabi ni Tito ang nakaraan ko. "I am just curious why you're mute?" biglang tanong ng matanda. "Mom." matigas na tawag ng Mom ni Carmichael sa matanda. "What? No offense meant. I was just wondering. . " "It's not the right time to talk about that, grandma! Ang KJ mo, porket hindi ka na makakasayaw!" biglang sumulpot si Seb. Nagulat na lang ako sa biglang pag-akbay niya sa akin. "Hi, sis!" bati niya sabay hila sa akin palayo sa grandma niya na siyang tahimik na pinagpasalamat ko. Alangan sabihin ko dahil tinarantado ako ng adoptive parents ko noon na corrupt na politician? She just complimented my background. . . Tapos mamamanstahan lang dahil sa nakaraan kong 'yon? Habang tumatagal ang party ay nakilala ko rin ang extended family nila. Ang ibang kaibigan ni Seb, ng kapatid nilang si Damain at 'yong si Iris. . . Tapos ibang kaibigan at katrabaho ni Carmichael. "Darating siya." bulong ni Seb sa akin. Pinapagaab ang loob ko, nakita niya sigurong nililibot ko ang paningin ko sa paligid. Tinitignan ko kasi kung meron na ba si Carmichael dahil isang oras na ang nakalipas ay wala pa 'to. Bumigat ang pakiramdam ko, nakaramdam din ako ng kaba nang lumipas na ang dalawang oras ay wala pa rin si Carmichael. Nakaupo lang ako sa gitna, wala eh, kahit center of attention ang pwesto ko ay doon talaga ako. Para akong masusuka sa halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon pero nakaya kong panatilihin na walang emosyon at walang pakialam ang mukha ko. Sinuyod ko nang tingin ang kabuoan ng party at nakikita ko ang mga tao na palihim akong pinagmamasdan. May mga naririnig na ako na baka raw ay hindi ako sisiputin ni Carmichael at iba pa. . . Hindi ko sila pinansin. Nagkasalubong din ang tingin namin no'ng Iris at magaan na nginitian niya ako. Hindi ko na lang din siya binigyan ng pansin. Si Tito Rojas ay kinausap ang ilang bisita. Inunawa niya rin ang pamilya ni Carmichael na hindi na mapakali. Mga wala ring ideya bakit walang Carmichael na dunating. Kitang kita ko ang parents at kapatid ni Carmichael na nakatotok sa mga cellphone nila. Mukhang kinokontak siya. "Hindi siya dapat magpa-late." "He needs to come.... "Where the hell are you, Carmichael?" "Answer the phone!" Hours later. . . wala ngang Carmichael ang dumating. Natapos ang party by midnight, dahil inaasahan pa na susulpot si Carmichael pero hindi na. Hindi siya dumating as I expected. Again, I'm so disappointed. Hanggang kailan kita kayang pagbigyan, Carmichael? "Let's get out of here, Mayari. Umuwi na tayo," my cousin said, worried are visible on her face. Walang pag-dadalawang isip akong tumayo. It was the cue I was waiting for. Ang ayain akong umuwi. Wala na akong aasahan dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD