"Engagement party niyo na mamayang gabi, 'di ba? Hindi ka ba excited?" intrega sa akin ni Lou. Nasa bahay nila ako ngayon at kakatapos ko lang tumugtog ng piano. Nasa hapag na kami at kumakain ng tanghalian.
"Ano naman?" I signed.
Ngumiti naman siya ng malawak. "Ibig sabihin sure na sure ng mapapang-asawa mo siya!" tapos tumili pa siya.
Umirap lamang ako at muling tinuon ang interest ko sa pagkaing nasa harapan ko.
Mapapang-asawa?
Nakakatawa naman.
Pagkatapos ng narinig kong sinabi niya kagabi sa kausap niyang si Ophelia? Parang inilalagay ko lang ang sarili ko sa alam kong sitwasyon na magiging miserable ako.
"You know, kahit naman na ayaw mo siyang pakasalan. . . wala ka ng magagawa ro'n. You are bound to marry each other. Lolo niyong dalawa ang may gusto no'n." sabi bigla ni Lou, mukhang nakita niya na nag-iisip ako ng malalim dahil sa sinabi niya.
"I know." I signed.
Niyakap ako bigla ni Lou. Hindi ko kwenento sa kaniya ang narinig ko kagabi. Parang ang pangit lang sa pakiramdam. . . Mabigat siya sa dib-dib na hindi ko na siya kayang i-kwento kasi mauulit lang 'yong sakit na naramdaman ko kagabi. . . Mas maganda na hindi ko na lang isipin 'yon. Kakalimutan ko na lamang. . . it's for my own sake.
Bago ako umalis ng bahay nila ay binigyan ako ni Lou ng cellphone.
"Second hand lang 'yan, baka kasi sirain mo na naman eh sayang naman." sabi niya sabay irap. Inabot niya sa akin ang phone at kinuha ko naman 'yon.
"I won't break it again, I swear." I signed.
"Ikaw pa eh ang iksi ng pasensiya mo." natatawang sabi niya. "Oh siya, ingatan mo 'yan ah? Gagamitin ko 'yan pang-contact sayo bukas. Segi na Manong! Pakiingatan 'yang kaibigan ko ah!" paalala niya sa driver nila bago nagpaalam na papasok na sa bahay nila.
KINABUKASAN, doon lamang umuwi si Carmichael. Nasa sofa ako at abala sa pag-inom ng tea at pagbabasa ng libro na nakita ko sa kwarto niya.
Bumungad sa akin ang pagod niyang itsura. Naka-suot pa rin sa kaniya ang uniform niya at parang wala na siyang oras para alisin 'yon.
Tumayo ako, aalis na sana pero napahinto ako nang magsalita siya.
"What the f-ck??" usal niya, nakatingin siya sa libro na hawak ko. Hindi pa man ako nakaka-reak ay kaagad niyang hinablot ang libro sa kamay ko na siyang kinagulat ko.
Whoa. . .
"Bakit nasa sayo 'to? Sino ang nagsabi sayo na pwede mong galawin ang mga gamit ko?!"
Napaatras ako dahil sa biglang pagtaas ng boses niya. Kumabog ng malakas ang dib-dib ko dahil sa takot kaya naman mas napaatras pa ako papalayo sa kaniya.
Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang damdamin kong hindi na mapakali.
Ayoko ng sinisigawan ako.
Kaagad kong itinago ang kamay kong nangangatal na pala sa likuran ko dahil dinapuan niya ng tingin iyon. Napansin niya kaagad.
"F-ck. . . I'm sorry. . ." hinging tawad niya kaagad. "Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses. . . sh-t." sabi niya pa.
Inilagay niya sa mesa ang libro, naupo siya sa sofa at sinapo ang mukha niya gamit ang dalawang kamay niya. Bumuga pa siya ng malakas na hangin.
Napatingin ako sa libro na basta na lamang inilapag sa mesa at sa may gilid ng cover ng libro, andoon ang pangalan ng babae. . Si Ophelia.
Muntikan na akong mapangisi.
Kaya pala gano'n na lamang ang naging reaksyon niya. Ayaw niyang ipahawak sa akin 'yon o ipakita man lang siguro dahil sa babae pala 'yon.
"Again, I'm so very sorry, Mayari. . . " sabi na naman niya. "I'm tired at work and sorry I just burst out of you. . I. . . I didn't mean it." he look at me with pleading eyes. Para siyang maiiyak dahil sa nagawa niya.
Okay. It's fine.
Ayoko lang na sinisigawan ako.
Sana hindi na maulit. I hate it.
Iyan ang mga gusto kong isa-tinig pero hindi ko magawa. Nanatili ang seryoso at walang reaksyon kong mukha na nakatingin sa kaniya. Bumakas ang taranta sa mukha niya.
"Mayari—"
Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya.
Mamaya na ang engagement namin. Tapos gano'n ang bungad niya sa akin pagkatapos ko siyang hindi makita ng ilang oras?
Napatingin ako sa phone ko nang biglang tumunog 'yon. May nag-text and it was from Lou. And I was the bridge of rolling my eyes when I saw her name in my phone that she gave me.
From : Pretty Coz, Lou
Andiyan na ba si Carmichael?
Woi!
Andiyan na siguro siya. Sabi ng Mom niya eh. Kasama natin siyang magsho-shopping ngayong araw!
Magbihis ka na, Mayari! Excited na ako! Magfi-fitting ka din kasi ng dress mo para sa engagement party niyo mamaya sabi ni Tita!
I'm on my way! Be there at 10 minutes.
Agad kong pinatay ang phone ko at inilapag 'yon sa kama. Bumuntong hininga ako. Kahit kasi sa text lang ay naiingayan pa rin ako kay Lou. Halatang excited na excited siya.
Namili ako ng simpli pero elegante pa ring tignan na damit. Kasama namin si Carmichael at ang Mom niya eh.
I choose to wear a light-blue botton down shirt and high-waisted white wide-leg trousers and I secured by a thin brown leather belt. I just wore my 2 inches heels. Kinuha ko ang brown bag na may gold chain para doon ilagay ang essentials ko. Hindi na ako nag-lagay ng kolorete sa mukha at hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok.
Lumabas ako ng kwarto nang maayos ko na ang sarili ko.
Napahinto ako nang nasa tapat pala ng pinto ng kwarto si Carmichael, mukhang hinihintay akong lumabas. Napatitig siya sa mukha ko. At nang tinaasan ko siya ng kilay, doon siya natauhan at inayos niya ang sarili niya.
"Hi," may ilang na bati niya sa akin. Tumikhim siya, "you look so good." papuri niya.
Muntik na akong mapangiti pero naalala ko ang ginawa niya kanina kaya naman nanatili ang walang emosyon kong mukha at basta na lang nilagpasan siya.
"Mayari. . ." agaw pansin niya sa akin habang naglalakad na kami pababa. "Hey, Mayari. . " Now his tone is more playful. Parang bata niya akong tinatawag. . "Mayari, sorry na. . . Please?"
Hindi ko siya pinansin.
"Mayari. . . Mayari. . . Sorry na. . Patawarin mo na ako. . Tignan mo na ako, pansinin mo naman ako. . . Sorry na talaga, Mayari. . Mayari. . "
Kahit hindi ko siya tignan ngayon ay alam kong nakanguso ngayon ang itsura niya.
"Sorry na kasi. . . "
Annoying!
"Mayari. . . Sorry na kasi. . . It won't happen again. . I promise, cross my heart. Locked. Tapon susi."
Nang nasa baba na kami ay hinarap ko na siya. Muntikan pa niya akong mabangga dahil sa mabilis na pagharap ko dahil nakasunod lang siya sa akin.
I look at him dead in the eyes.
Nakanguso nga siya. And his face. . . he's about to cry.
Iniwas niya ng tingin ang mata niya sa akin. Huminga siya ng malalim.
"I'm really sorry for yelling at you earlier." puno ng sinseridad ang tono niya. "Ang t-nga t-nga ko sa part na sinigawan kita dahil lang sa libro. Hindi tama na sinisi ko ang pagod ko sa trabaho ang ginawa ko sayo. Walang palusot doon. Kung hindi sapat ang paghingi ko ng tawad, pwede mo akong sampalin ngayon. . . I'm willing. . . Or should I kneel?"
Kaagad akong umiling iling dahil sa huling sinabi niya.
"Then say something. . . bigyan mo naman ako ng reaksyon. Hindi mo na nga ako kinakausap, ang lamig lamig pa ng mga tingin mo. Normal naman na sa akin pero kasi. . . galit ka sa akin ngayon eh. . Parang mas gusto ko na lang na sigawan mo ako o bulyawan, magsabi ka ng masasakit na salita sa akin. Call me, bo-bo, t-nga, st-pid. . Anything. Mas gusto ko 'yong gano'n keysa 'yong ganiyang tahimik ka. . . " rinig na rinig ang pakikiusap at pagkataranta sa boses niya habang sinasabi 'yon.
Annoying.
Hindi naman ako galit sa ginawa niya. Nagulat lang. And it triggered something in me. At naiinis at naiirita ako sa kaniya. . pero hindi ako galit.
"I'm not mad." sabi ko gamit ang sign language.
Ang nakikiusap at natataranta pustura niya ay napalitan ng pagtataka. Nagsalubong ang kilay niya, awang ang labi niya. He tilted his head and look at me, confused.
Bumuntong hininga ako at tinalikuran ko siya.
What's new? Isa rin siya sa maraming tao na hindi alam o kung ano man lang ba ang sign language.
"Hey! What was that? Ano 'yong gano'n?" tapos senenyas pa niya ang kamay niya, ginaya niya ang ginawa ko pero mali na siyang nagpa-init ng ulo ko.
Nagsalubong ang kilay ko at handa na akong pagsabihan siya gamit ang sign language nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang pinsan ko.
"Hi guys—oh." napatigil siya sa pagbati sana niya sa amin nang makita niya ang pustura naming dalawa. Ngumiti siya ng nakakaloko, "am I interrupting something intimate here?" puno ng pang-aasar niyang sabi.
"Wrong timing ka, Miss Lou." sabi ni Carmichael at medyo lumayo siya sa akin. Doon ko lang napansin na magkalapit lang pala kami. Ilang dangkal lang, dahil siguro sa biglang pagharap ko habang naglalakad na naman siya. Sa gano'ng pwesto kami natigil.
"Oh." bulalas niya sabay takip ng bibig. "Is that true my dear cousin?" baling nito sa akin.
Naging matunog naman ang ngisi ng lalaking nasa harapan ko.
"Nah, just some husband and wife thing." sagot ni Carmichael at nagulat ako nang bigla niya akong akbayan, "right, Mayari? Answer your cousin. . I badly wanted to hear your voice." pilit niya sa akin.
Mabilis na umiwas ng tingin sa amin si Lou no'ng marinig niya ang sinabi ni Carmichael.
"Anak, mamaya na kayo maglambingan ni Mayari! Pupunta na tayo!" rinig kong sabi ng Mommy niya, nakasilip pala 'to sa pinto.
Kaagad nag-init ang pisngi ko. Lambingan? The heck is that. Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at naunang maglakad.
Crossed arm at nagpanggap na lamang akong tulog sa byahe. Baka kausapin ako ng Mom ni Carmichael, ayokong sumagot ng sign language at i-translate pa sa harapan ni Carmichael.
AYOKO.
Nasa iisang kotse lang kasi kami, si Carmichael ang nagmamaneho at nasa tabi niya ako habang ang Mom naman niya at si Lou at nasa backseat at nakwe-kwentuhan.
Naririnig ko ang ibang tungkol sa akin pero pili lang ang sinasabi ni Lou, alam kasi niyang ayaw kong pinagsasabi ang ilan sa katangian o tungkol sa akin.
"Piliin mo lang ang lahat ng gusto mo, Mayari, si Carmichael ang magbabayad lahat lahat!" sabi sa akin ng ginang nang nasa tapat kami ng clothes store.
Tinignan ko si Carmichael at ngumiti siya. "Piliin mo na lang lahat ng ayaw mo tapos lahat ng matitira ang bilhin natin." sabi niya sabay ngiti sa akin.
"That's my son right there." proud pa na sabi ng Mom niya sa kaniya.
"Go teh." tuwang tuwa pa si Lou.
Ayoko.
"Nah, give me all your clothes on her size. I'll pay for it." sabi bigla ni Carmichael.
"Wow! A real gentleman right there!" ginaya ni Lou ang tono ng Mom niya kanina at pumalakpak pa. Nag-high five pa sila ng ginang.
No.
"NO." I signed to Lou.
"Hayaan mo ng gastosan ka ng bilyonaryo mong fiance, Mayari!" sabi naman sa akin ni Lou.
Wala akong nagawa nang buong shopping ay ginawa nila ang gusto nila para sa akin. Pati ang mga jewelries, masyado silang madaming binili.
Nang matapos ay kumain kami sa isang fast food chain sa mall. Mabuti na lang at hindi ako masyadong kilala rito, wala 'yong mga taong nasa airport no'n na sinalubong ako. . . Kung hindi ay mapapagod na nga ako sa pag-shopping, mapapagod din ako akong makipag-socialize sa mga fans ko.
"Mom, I will take this call."
"Bakit ka sa akin nagpapaalam? Kay Mayari dapat." turo pa sa akin ng ginang.
Binalingan niya ako ng tingin, ngumiti sabay sabing. . "Mayari, I will take this call real quick, okay?"
Tumango ako at mabilis naman siyang lumabas sa maingay na kainan.
"Si Mayari Oriña ba 'yan?" rinig kong tanong ng isang babae sa likod ko.
"I'm not sure. . " sagot ng kasama niya.
Nagkatinginan kami ni Lou, senenyasan niya akong maunang umalis. Pinunasan ko muna ang bibig ko bago ako tumayo.
"Gagi, si Mayari nga!" nakumpirmang sabi no'ng babae.
Mabilis na naglakad ako paalis. Gano'n din kabilis na tumayo si Lou at hinarang ang dalawang babae na susundan pa dapat ako. Rinig ko ang pakiusap niya.
"Mayari! Mayari Oriña! Kahit isang signature lang oh!" sigaw ng babae 'yon. Nilingon ko siya at nakitulong na rin ang Mom ni Carmichael na pakalmahin ang dalawang babae.
Napatingin tuloy sa akin ang mga tao at nagsimula na silang makilala ako.
Mabilis na naglakad ako paalis sa fast food chain na 'yon. Mabuti na lang at maraming tao kaya mabilis na nakasali at naki-blend ako sa crowd.
Sa CR kaagad ang takbo ko dahil doon ang sinabi ni Lou na lugar kung saan niya ako tignan.
Pumasok ako sa comfort room at pumasok sa isang cubicle. Mga ilang minuto lang ang tinagal ko ro'n nang mag-text sa akin si Lou na okay na raw lumabas.
Inayos ko muna ang sarili ko at handa na akong lumabas pero napahinto ako nang nakita ko ang pamilyar na likod ni Carmichael. Nakatalikod siya sa akin, hawak pa rin niya ang phone niya. . may katawag pa rin siya.
Magkalapit lang kasi ang banyo ng babae at lalaki kaya gano'n.
"No, Ophelia. . " rinig kong sabi niya.
Ophelia na naman.
Akala ko kanina importante 'yong tawag, like sa work niya kasi nagmadali pa siyang lumabas. . .
"Yes, engagement party na namin mamaya but don't be so depress. . . It's just for the show. Kung gusto mo, hindi ko na lang daluhan?