Chapter 19.: Know

1150 Words
"Ano ba! Kinikilig ako!" tili ni Lou nang matapos kong i-kwento sa kaniya ang mga naganap nitong nakaraang buwan. Napairap na lamang ako. Parang noong kailan lang ay binalaan niya ako tungkol sa ugali at trato sa akin ngayon ni Carmichael. Tapos ngayon ay kilig na kilig siya nang malaman ang ginagawa at tratong sweetness sa akin nito. Hays. I am as expressive as her. I also want to smile while my heart flutter. Gusto ko ring hawakan ang pisngi ko na umiinit dahil kinikilig. . But I am not like her. But sure, I am happy and fluttered right now. Ang madalang na pagngiti ko ay nagiging madalas na minsan. Pero laging patago iyon. Hindi ko alam kung kaya kong ipakita kay Carmichael ang ngiti kong iyon. Sanay na kasi akong pinapakita sa kaniya ang walang emosyon kong mukha na hindi ko na alam kung paano ko ipapakita sa kaniya ang nakangiti kong mukha. Tss. Annoying. Pinagpatuloy ko na ang pagtugtog ng piano. Sa totoo lang, kaya ako andito dahil nami-miss ko ng tumugtog ng piano. Ilang buwan na rin ang nakalipas nang matapos ang concert ko. Iniisip ko rin. . . Babalik pa ba ako sa Italy at doon ko na lang hintayin ang mismong araw na itinakdang kasal namin? O dito na lang ako sa Pilipinas at manatili sa bahay ni Carmichael kasama niya? Hindi naman ako nagdadalawang isip. Gusto kong dito na lang ako. . . sa tabi niya. Kay Carmichael. Kasi nagugustuhan ko na rito sa Pilipinas lalo na at may dahilan ako para manatili rito. Nagsisimula ng lumambot ang puso ko kay Carmichael. And I can see that he is genuine towards me. At siyaka, payapa naman ang buhay ko rito hindi katulad ng kinakatakutan kong mangyari noon kaya ayaw kong mag-concert o bumalik dito. I feel so home and safe. And most important is I am happy. "Oh, oh! Nakangiti si Mayari? Wow! Nakangiti ka nga!" Nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang boses ni Lou. Nawala sa isip ko na andito pa pala siya tabi ko. Masyado akong naukupa ng pagtugtog at pag-iisip. "I am not." senyas ko kaagad. "Psh. Kitang kita ko naman." aniya. "You look so happy now, know that?" maya maya ay naging seryoso na siya. Napatingin ako sa kaniya at nginitian niya ako. Ngiting maganda sa mata, hindi ngiting nang-aasar o nangloloko. Takang tinignan ko siya. "Wala naman. . . I can see changes in your eyes. Mas buhay sila ngayon." Nagkibit balikat ako. "Are you in love, Mayari Grace?" I look at her dead in the eye. She bite her lips. "Eme lang eh." bawi niya kaagad. Am I? I also don't know. Ganito ba ang in love? Impossible namang ma-in love ako sa taong kakakilala ko lang ng ilang buwan, hindi ba? At isa pa, sa ilang buwan na iyon ay pa-ulit ulit niya rin akong dinismaya. Noong una ayaw niya sa akin, hindi siya dumalo sa engagement party namin. He ignored me when I came to their station and accused me for being stubborn and attention seeker. Ibinaba niya rin sa gitna ng kalsada. Napagtaasan na rin niya ako ng boses ng ilang beses. Him still talking to Ophelia and reassuring her that I am nothing. Marami pa. At hindi ko makakalimutan iyon. I also give him 15 chances. Pero wala pang bawas iyan hanggang ngayon. It still stand 15 chances after a month, after that incident. He is really. . . . genuine? Yes. One of the reason why I turned down the offered concert in Bogota this Month. Gusto ko na rito. . . Umuwi ako na maganda ang mood at magaan ang loob. Nakatugtog ako ng piano at nakakwentohan ko si Lou at si Tito pagkatapos ng ilang Linggo na no contact sila. They've been busy in my company kasi. Nang gumabi na ay hindi na ako nagtaka nang marinig ko ang huni ng kotse ni Carmichael sa labas ng bahay nila Lou. Lagi niya rin kasi ako sinusundo. "Oh, andiyan na si Heneral." imporma ni Lou nang makita niya 'tong naglalakad na papasok, naka-suot ng uniforme niya at may nakapaskil na ngiti sa labi niya. Binati niya si Lou bago niya binaling ang tingin sa akin. "Hi," aniya and the he kissed my forehead. "flowers for you," sabay abot sa akin ng isang pirasong kulay pulang rosas. I don't but I feel like I want to smile. Alam ko kasi na galing lang 'to sa kalye kalye, iyong nabibili sa mga bata o matanda sa gilid. At mas romantik pa 'to para sa akin. "Thank you." I signed. And then, I smiled. Napatulala si Carmichael sa mukha ko. Hindi ko naman siya masisisi, ngayon ko lang siya direktang nginitian. Sure, he already saw me smiling pero hindi direkta sa kaniya. Minsan nakikita niya akong nakangiti habang nagdidilig ng halaman sa garden niya, o kapag naku-cute-an ako sa mga alaga niyang aso. "I didn't know that you were more beautiful when you're smiling. . ." bulalas niya. Halos parang hindi pa siya makapaniwala. "Shuta, lumayas na kayo at huwag kayo rito sa harapan ko maglambingan." pagtataboy sa amin ni Lou. "Sure you two are cute pero naiingit ako, layas!" Nagkatinginan kami ni Carmichael at natawa siya ng mahina. Nagpasalamat ako ulit kay Lou at gano'n din si Carmichael. Napasinghap ako nang inakbayan niya ako bigla upang magsabay kami maglakad palabas. At mas nagulat ako nang pinadaosdos pababa ni Carmichael ang kamay niyang nasa balikat ko pababa sa beywang ko. Napatikhim ako at pilit kong umakto ng normal kahit hindi na normal ang kabog ng dib-dib ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto gaya ng lagi niyang ginagawa bago siya umikot papunta sa driver seat. At habang nasa byahe ay nagsimula na siyang magkwento tungkol sa naging takbo ng araw niya. "And. . . Mayari?" parang alanganin na tawag niya sa akin, "Ophelia contacted me." Nagtataka ko siyang tinignan. Kasi, bakit niya sinasabi ngayon? Hindi ko naman na nakitang nakakausap ni Carmichael sa telephone o cellphone si Ophelia. Hindi ko rin alam kung nagkokontak pa ba sila through text. O baka sa work place na ni Carmichael sila nag-uusap. Sa totoo lang ay hindi naman ako interesado kung nag-uusap pa sila o hindi. Wala na rin akong magagawa roon. Ang mahalaga sa akin ay iyong anong meron sa amin ngayon ni Carmichael. At hindi ko alam kung bakit bigla niyang nasabi iyon ngayon. "Uhm. I just wanted you to know. Hindi ko na kinakausap si Ophelia, matagal na kahit na kailangan niya ng tulong ko to recover. I wanted to focus on you only and to respect you." Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero parang bumagal ang ikot ng mundo. Tapos biglang kuminang ang mga ilaw sa paningin ko. At mas lalong nagwala ang puso ko. Wow. . . Carmichael. Kahit kailan hindi ka nabigong pakilig ang matigas kong puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD