"Alam mo, sa tingin ko sa panganay talaga ng Andrado galing mga bulaklak na natatanggap mo." sabi sa akin ni Lou habang naglalakad kami papunta sa loob ng restaurant para kumain ng dinner.
Kanina ko lang kasi natanggap ang bulaklak na may initial na C. Andrado na may "good luck" sa letter. Natanggap ko kung kailan tapos na 'yong performance ko, though, may performance pa naman ako bukas.
"Tatlo silang Andrado pero." kontra ni Lou sa sarili niya. "Eh si Carmichael lang naman ang may C ang pangalan. 'Yong dalawa is, 'yong doktor na si Seb at Engineer na si Damain."
Napailing na lamang ako dahil kinokontra niya ang sarili niya. Nauna na akong maglakad sa kaniya at hinabol na naman niya ako.
"Feeling ko talaga matagal na niyang gusto. Since nag-start ka sa career mo may pabulaklak na siya 'no?"
Walang emosyon ang mukha na nilingon ko siya.
"Ayaw mo no'n? Long time crush ka ng future husband mo?" sabi niya sabay tawa. Nilapitan pa niya ako at sinubukang asarin pero mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad hanggang sa makapasok na ako sa resto.
Impossible.
Wala akong ideya kung sino siya, kung anong buong pangalan niya, ng angkan niya, ng trabaho niya, ng mukha niya. Kilala ko siya sa pangalan at alam ko na ang trabaho niya dahil kay Lou pero kahit kailan ay hindi ako naging interesado sa kaniya.
At sinong t-nga naman ang magkakagusto sa akin? Anak ng corrupt na politician. Bastos. . . Pipi.
Baka nga si Lou ang gusto no'ng C. Andrado na 'yon. Lagi kasing napupunta ang bulaklak sa babae dahil bukod sa hindi ko gusto ang rosas, nati-trigger ang asthma at allergy ko.
I once told Lou to tell C. Andrado to stop sending me those flowers because I don't want it but still, he continued. Tingin ko dahil kay Lou 'yon, hindi sa akin.
Annoying.
Agad na gumaan ang mood ko nang marinig ko ang piano music na naririnig sa buong lugar, kung hindi ako nagkakamali ay ako ang tumutugtog no'n at ang titulo ng pyesa at "Tala" in English. . . "Stars".
Mabuti na lang at walang masyadong tao ng ganitong oras. Walang istorbo na magpapapicture sa akin, magpapapirma, walang manggugulo, at mas lalong walang maingay.
Umupo kami ni Lou sa pinaka-dulo ng mga table at nagsimula niyang tignan ang menu. Maya maya ay nilapitan na kami ng waiter at tinanong ang aming order.
Like usual, si Lou ang oorder ng foods namin. Siya ang nagsasalita at sinasabi ang order namin. Alam naman niya ang ayaw, bawal, at hilig ko sa pagkain. Ayaw ko sa fried, bawal ako sa shell foods, gusto ko ang mga gusto niya.
"Sa Pilipinas pala, sa QC tayo titira ah?" sinimulan na ni Lou ang magdaldal.
"Why?" sinulat ko na lamang 'yon sa maliit na notebook na dala ko. Nasa pouch ko 'yon lagi together with my personalized pen. Kung tinatamad akong mag-sign language ay iyon ang ginagamit ko.
"Ah, si Papa kasi pina-renovate 'yong rest house mo sa Pangasinan tapos malayo rin 'yon sa syudad kaya hassle ang pagbyahe mo papunta sa concert, baka mainip ka." sabi niya. Nakangiti niyang inayos ang buhok niyang hanggang balikat niya lang bago siya muling nagsalita, "kaya sa Andrado Residence ka muna tutuloy." dagdag na imporma niya.
Sa unang pagkakataon, kumunot ang noo ko ngayong araw.
"May bakanting bahay doon. Maayos naman ang maintenance no'n dahil every week may naglilinis kaya naman pwede ka na ro'n."
"How about you?" sulat kong muli sa papel.
"Kila Mama ako,"
"They don't want me there?" senyas ko na nang magulat dahil sa sinagot niya.
Seryoso siya?
"Of course not. But they want you to interact to your future in laws so, basically, yes." masaya pang sagot niya.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ano pang magagawa ko? Siyaka. . . I like the idea of getting to know the Andrado's. But to called them my "in laws" is a big NO.
"Here's your order, Ma'am." dumating na 'yong mga orders ni Lou at maingat na inilapag nila 'yon sa hapag namin.
"Thank you," saad ni Lou sabay ayos din ng ibang plates sa hapag.
Napatingin ako sa pagkain at natakam. Lou never disappoint in choosing a good foods.
"Ah. . . Maya, mauna ka na pa lang kumain, pupunta lang akong comfort room." biglang paalam sa akin ni Lou. Nagmamadali niyang dinampot ang bag niya at hindi man lang niya hinintay ang sagot ko. Mabilis siya umalis sa harapan ko.
Sinundan ko siya ng tingin at nagsalubong ang kilay ko nang makita kong lumabas siya ng resto. Eh? Sa comfort room ba siya pupunta o babalik na siya sa hotel?
Nang mawala na siya sa paningin ko at nadako ang tingin ko sa mga kalalakihang naglalakad ngayon papasok. At ang ingay nila. Mula rito sa kinauupuan ko ay rinig na rinig ko ang usapan nila.
Napasandal ako sa kinauupuan ko at nag-cross arm. Hihintayin ko pa si Lou bago ako kumain. Pinagtutuunan ko ng pansin ang juice na nasa harapan ko at sumipsip doon. Hanggang sa hindi ko napansin na ubos na pala. Gano'n katagal bago bumalik si Lou. Mukhang naglabas yata ng sama ng loob kaya matagal.
Annoying.
Kaya naman pinaglaruan ko muna ang ice cube sa baso na 'yon.
At mukhang mapuputol ang pisi ko dahil naupo malapit sa table namin ni Lou ang mga lalaking bagong dating. Hindi ko sila nilingon. Pero rinig na rinig ko ang usapan nila, business, to girls and their types. .
"Basta ako gusto ko si Iris." sabi no'ng boses na pinaka-maingay.
Mga Pilipino. . .
"She's mine. Back off." sabi naman no'ng isa.
Rinig naman ang pagtawa no'ng iba pang kasama nila. Napa-irap tuloy ako sa hangin.
Muli akong sumulyap sa entrance kung may Lou ba na papasok pero umabot yata ng 15 minutes pero wala pa rin. Hindi na ako makapaghintay. Nagugutom na ako.
Kaya naman napagdesisyonan kong sundan na si Lou pero nang tumayo na ako, may nakabangga sa aking waitress. Napayuko ako at nakita kong dimaloy ang tubig sa damit ko.
Pumikit ako ng mariin at walang emosyon kong inangat ang tingin ko sa waitress na putlang putla ang mukha sa takot. Nanlalaki pa ang mga mata niya nang makita ang mukha ko, para siyang nakakita ng multo sa reaksyon niya.
"I'm so sorry, Madam! I'm sorry! I'm sorry!" paulit ulit na hingi niya ng paumanhin at nagmamadali siyang naglabas ng panyo at pinunasan ang nabasa ko dress.
Seninyas ko ang kamay kong tumigil siya at umatras ako palayo upang hindi na niya ako maabot. Hindi ako galit sa nagawa niya, at sa ginagawa niya, naiinis lang ako dahil ang ingay niya. Sorry nang sorry.
"I'm sorry! I'm so sorry, Madam. . " sinubukan niya uli akong punasan pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya upang pigilan. Para na siyang maiiyak sa ginawa ko.
Can she just stop?
Kung nakakapagsalita lang ako sinabi ko ng ayos lang eh. Tumigil na siya. But I can't. Asan na ba si Lou?
"Oh my goodness! Mayari!"
Speaking of the devil. Mabuti naman at nandito na siya.
"Enough." sabi ni Lou sa waitress. "You can go back in your works." utos niya pa na mabilis namang tumalima.
Babalik na sana ako sa table namin dahil sa wakas, natapos din. But this other time around, may nakaabang na naman. May bumangga sa akin at binuhos ang juice na hawak niya sa mismong mukha ko.
Napapikit ako.
Sinadya niya.
"My bad. . I didn't mean to bum—"
"Sinadya mo." si Lou 'yon. Mabuti na lang at napansin niya rin.
"Here." may baritonong boses ang nagsalita sa likod ko at may inabot. Wala na akong pakialam kong sino 'yon at kinuha ang puting panyo na inaabot niya at pinunas 'yon sa mukha ko.
Kaagad kong naamoy ang panlalaking pabango.
"Next time you fool around, not with us? Okay? Sinong boss mo? I need to talk to him and fire you." seryosong sabi ni Lou.
Nakaramdam ako ng lamig kaya naman niyakap ko ang sarili ko pero nabigla ako nang may yumakap na mainit na tila sa balikat ko. Muling nanoot sa ilong ko ang pabango na 'yon.
"You're fired." sabi no'ng lalaki sa likuran ko.
Kuryuso akong napatingin sa lalaking nasa likuran ko at sa hindi maipaliwanag na dahilan kumabog bigla ng malakas ang puso ko.
Parang Greek God ang pustura. Ang kintab ng mga mata niyang kulay itim. Sakto ang kapal ng kilay at pilik mata niya, at ang labi niya. . . kulay pink.
Napa-iwas ako ng tingin sa lalaki nang tinignan niya ako. Tumaas pa ang kilay niya dahil nahuli niya akong nakatitig lamang sa kaniya.
At mas bumilis yata ang kabog ng puso ko nang binanggit ni Lou ang pangalan ng lalaking nasa likuran ko lang.
"Mr. Carmichael Andrado. . ."