"It's nice to see you here, General Carmichael Andrado." maganda ang ngiti at naging sweet bigla ang boses ni Lou nang sinabi niya 'yon.
Muntik na akong mapangiwi ngunit pinanatili ko ang walang reaksyon kong mukha, kabaliktaran no'n ang puso ko na hindi mapakali.
"It's nice to see you too." balik bati ng lalaki at ngumiti ng maliit. Binalingan niya ako ng tingin, parang hinihintay na batiin ko rin siya pero tinignan ko lang siya.
"She's my cousin, Mayari. I'm really sure you knew her." sabi ni Lou sabay siko sa akin ng mahina. Hindi naman masakit pero naiirita ako.
Annoying.
Bahagyang lumapit sa akin si Lou, "shake hands. . " bulong niya sa akin.
"Ah yes, I know her. She's the famous pianist here in Spain," sabi niya sabay tingin sa akin. "Hi," bati pa niya.
Tumango lang ako, inalis ko ang pinatong niyang tuxedo sa balikat ko at tinalikuran siya. Walang reaksyon na naglakad na ako pabalik sa table namin.
"Mayari!" tawag sa akin ni Lou pero hindi ko siya pinansin. "I'm sorry about that, Mr. Andrado, mukhang gutom na kasi ang pinsan ko." rinig ko pang paumanhin niya bago ako sinundan.
I am expecting him to say something. . . and he disappoint me. Hindi niya ako kilala, personally, kilala niya lang ako sa pangalan at sa larangan ko. Kung gano'n. . . sino ang nagpapadala ng bulaklak sa akin?
"Anong ginawa mo? That's his first impression about you now. Alam mo ba na first impression last?" pangangaral sa akin ni Lou.
"Wala akong paki." sinulat ko sa notebook.
Napabuntong hininga naman siya.
Kakain na sana kami nang biglang may umupo sa tabi ni Lou. Ang laki laki ng ngiti niya at hindi pa man siya nagsasalita ay naiingayan na ako sa mukha niya.
"Loulou, kamusta? Andito ka pala hindi ka man lang bumati." pabulong na sabi nito pero maingay pa rin. "Hi, Mayari!" bati niya sa akin na parang kilala niya ako at seninyas pa niya akong kumain na.
"Kamusta mo mukha mo. Bakit ka andito? Hindi mo ba nakikita na kakain pa lang kami?" inis na sabat ni Lou sa lalaki at umirap pa.
"Irita naman agad. Parang hindi mo naman ako naging crush."
"Pwede ba Seb?"
"Sorry po ate." sabi nito nang makita niya na hindi natutuwa si Lou sa kaniya.
Napatingin tuloy ako sa lalaki. Kamukha niya 'yong General kanina, mukhang magkapatid sila. Kung 'yong heneral ay may calm and good aura, itong isa ay maingay at makulit.
"Sibasilencio Kobe Andrado nga pala," biglang baling nito sa akin at inalok ang kamay niya. Napatingin ako sa mukha niya hindi na talaga nawala ang magandang ngiti niya, "I'm a big big fan of yours."
Ngumuso siya at binawi ang kamay niyang naiwan sa ere dahil hindi ko 'to pinansin.
"Nga pala, gusto mo ba 'yong coat ko na lang hiramin mo?? Mukhang ayaw mo sa tuxedo no'ng Kuya ko eh." sabi niya sa akin.
"Actually. . ." pasang-ayon naman ni Lou sa lalaki.
"NO." sulat ko sa notebook ko at kahit kay Lou ko 'yon pinakita ay alam kong kita 'yon ni Seb.
"Please?" he used sign language. Nakatingin siya sa akin .
Muntikan ng tumaas ang kilay ko. He's really a big fan huh.
May mga nagsasabi kasi na big fan ko raw sila pero hindi naman nila alam na pipi ako. Kaya nga ako tinawag na Voiceless pianist eh. I am mute. Can't produce a voice or sound. May mga sitwasyon kasi na may nagpapa-video greetings sa akin, some wants me to say hi to their parents or wants me to communicate with them. .
Annoying.
Fan ko raw pero hindi alam na mute ako. Hindi naman tago 'yon, it was on my biography. If you care to search about me, unang lalabas 'yon.
"Ayaw mo?" sabi niya kasabay ng senyas ng kamay niya. "Concern lang naman ako eh." bumusangot pa siya.
"AYOKO." nagsulat ako sa papel habang nanatili ang tingin ko sa kaniya.
Mas gusto ko na lang lamigin keysa humiram ng tuxedo o coat ng isa sa mga Andrado na 'yan.
"Seb, anong ginagawa mo riyan? Andito ang table natin." sabi ni Carmichael sa kapatid niya. Nakatayo 'to sa tabi, hawak hawak pa rin ang tuxedo niya na binalik ko kanina.
"Mamaya Kuya," sagot niya sa kapatid niya nang hindi 'to nililingon. "segi na, Madam Mayari, kamayan mo na ako. Pangarap ko talagang ma-shake hands 'yang kamay mo—" naputol ang sasabihin ni Seb nang biglang may humila ng kwelyo niya mula sa likod. Napatayo tuloy siya at napadaing.
"Ang ingay ingay mo." sabi no'ng isang lalaki na humila sa kaniya. "Oh, I know you. Ikaw 'yong babae sa elevator." sabi niya sa akin. "Hindi mo man lang ako hinintay, nasaradohan tuloy ako." casual na pagkwekwento niya sa nangyari.
Tinignan ko lang sila.
Ang gulo nila. Kung wala lang si Lou ngayon ay kanina pa ako umalis rito.
"Kunin mo na 'tong coat, Miss Mayari. . ." sabi niya kasabay ng sign language tapos inalis na niya 'yong coat niya sabay abot sa akin. "sayo na 'yan hihi." aniya tapos umalis. Wala tuloy akong nagawa kundi tanggapin 'to. Hindi na rin ako nakapagpasalamat.
"Thank you!" pasigaw na sabi ni Lou.
Pinatong ko ang coat ni Seb sa balikat ko. Nakaramdam na rin kasi ako ng lamig, sakitin pa naman ako. Ayaw kong magkasakit dahil may mga up coming events pa akong dadaluhan.
Mabuti na lang at umalis na 'yong maingay na Seb sa table namin. Bumalik na sila sa table nila kaya naman payapa na kumain kami ni Lou.
"Dapat hindi mo sinungitan si Carmichael, Maya, tapos dapat naging mabait ka sa kapatid niyang si Seb. Ang pangit ng first impression mo sa kanila. Tapos 'yong si Damain na kapatid din nila, hinayaan mo lang na saraduhan ng pinto ng elevator. Hays. . . " nagsimula na akong sermonan ni Lou nang makarating na kami sa hotel room namin.
"Does Carmichael know about the arrangement between the both of us?" sulat ko sa papel imbes na sagutin ang mga sinabi niya, seryoso akong nakatingin sa kaniya. Hinihintay ang sagot niya.
Kuryuso ako. Kilala niya ako bilang si Mayari na Pianist, hindi niya ako kilala as Mayari na magiging fiance niya.
"No. Actually, no one knows aside from our side. Hindi pa yata nasasabi kay Carmichael."
"Then why he's sending me flower?" sulat kong muli.
"Yata, teh, not sure. Baka alam niya. Tanongin na lang natin."
"NO." I said in sign language.
Tinalikuran ko na siya at pumunta sa kama ko at nahiga.
Hindi niya alam. Hindi alam ni Carmichael Andrado na naka-arrange na siya to marry me. Annoying.
KINABUKASAN, inaya ako ni Lou na mag-unwind muna bago ang performance ko mamaya pero mas pinili kong matulog na lang.
Nang magising ako ay naghanda na ako para mamaya. Inuna ko munang ayusan ang mukha ko. Mapulta kasi ang mukha ko kapag walang kolerete. Sinuot ko na rin ang kulay dilaw na dress ko. Hanggang sa paa ko 'yon, sinuot ko rin ang 5 inches na heels ko na bagay na bahay sa suot kong dress.
"Tara na, sa may dressing room ko na lang aayusan 'yang buhok mo at baka magulo pa kasi babyahe pa tayo." sabi niya. "Tara na, bebe Mayari." pang-ba-baby talk pa niya sa akin.
Nauna akong pumasok sa dressing room nang makarating kami sa venue habang si Lou ay naiwanan sa labas dahil kausap niya ang organizer at iba pang staffs.
Napatingin ako sa oras at napabuntong hininga. 20 minutes to go. . .
Nang dumating si Lou ay siya ang nag-ayos ng buhok ko. Nilagyan niya lang ng clip ang harapan ang nilugay niya lang ang mahabang buhok ko.
"Hays, ang ganda ganda mo talaga Mayari. Para kang diwata sa look mo ngayon." papuri sa akin ni Lou, "kung hindi ka lang naging rude kahapon, I'm sure na-love at first sight sayo si Carmichael!"
"Shut up." senyas ko.
"Nga pala, hindi alam ni Carmichael na ikaw 'yong arrange fiance niya. Alam niyang may arrange fiance siya pero wala siyang idea na ikaw 'yon. Baka big fan lang siya kaya siya nagpapadala ng bulaklak sayo." parang kinikilig pa na kwento niya sa akin, "akalain mo 'yon, big fan mo ang future husband mo. Ang swerte niya!"
Big fan?
No. He's not.
Future husband?
NO. He looks kind. Too good for me. . I don't deserve him.
Huminga ako ng malalim. Kailangan kong mag-focus. Sanay naman na ako sa pagtugtog. Memoryado na ng kamay ko ang pyesa, ang keyboard. . . Kahit kailan hindi pa ako na-distract.
But now, my mind was occupied.
I need to focus.
Magsasalita pa lang sana ulit si Lou nang sumilip na 'yong organizer at sinabi sa akin na maghanda na ako dahil tutugtog na ako.
Sumunod na kami ni Lou sa babae. Narito na uli ako sa likod ng malaking kurtina, hihintayin ko na lang ulit na bumukas 'yon.
Marahan na nagbukas ang kurtina at talagang may pahabol pa si Lou bago ako sumalang.
"He's watching you, Mayari! He's with his family!" sabi niya sabay bigay ng flying kiss sa akin.
I bit my lips out of frustration as I walked in the middle where my piano is.
Locked in.
Pinakilala ako ng host sa mga tao. Tumingin ako sa crowd. Mas marami na sila ngayon kumpara sa audience ko kahapon. And. . . there's my Tito Rojas! Clapping his hands proudly.
And there he is. . . standing together with his family who's clapping their hands too while looking at me. Pero siya, nakatutok ang paningin niya sa phone niya na para bang mas interesante 'yon keysa sa performance ko.
Naupo na ako sa sentro.
Give me peace, iyan ang tutugtogin ko. It was my self written song.
Pagkatapos ng performance ko at nalunod ang buong theatro ng malakas na palakpakan at papuri mula sa mga tao.
Tumayo ako sa gitna, iyon kasi ang instruction sa akin ng event organizer ng charity event na 'to. And Lou was suddenly besides me, urging me to smile for the camera because they it will be broadcast and will be in the news, or just for the audience but I don't want to.
Nanatili ang walang emosyon kong mukha habang nakikinig sa pasasalamat ng ilang bisita, mga may ari ng stray animals foundation na mabibigyan ng benepisyo dahil sa event na 'to.
"Ngiti ka na, baka sabihin nila labag sa loob mo 'yong pagpayag mong gumawa ng charity event." sabi ni Lou sa akin. Kampante siyang magsalita kasi wala namang nakakaintindi ng lengwahing ginamit niya rito eh.
I look her dead in the eye. Naintindihan niya naman kaagad 'yon. Ibig sabihin no'n, AYOKO.
Hinintay kong matapos ang pagbibigay pasalamat sa akin no'ng mga tao. Nakipagkamay at nagkipag-picture pa ako.
Nang matapos ay nagmamadali akong pumunta sa backstage upang takasan ang mga fans na alam kong susugurin na naman ako. Naglalakad na ako sa hallway pabalik ng dressing room ko nang may tumawag sa akin.
"Miss Mayari!" boses 'yon ni Seb, and this time, I'm sure he's with his mom and dad. Nakasunod naman si Tito Rojas at Lou na kausap si Carmichael at iyong isa pang Andrado, si Damain yata.
"Group picture naman tayo! I don't wanna miss this chance! And I'm with my family! With your Tito Rojas and pinsan Loulou." sabi niya sabay turo ng mga nasa likod niya. "Napaka-talented mo talaga, Mayari! Muntikan na akong ma-inlove! Tapos ang ganda mo pa ngayon! Hays. . "
"Shut up." senyas ko pero tumawa lang siya.
"Tara na, cousin. . " aya sa akin Lou. Inayos pa niya ang pwesto ko para sa group picture.
Nabigla ako nang bigla akong inakbayan ni Seb na parang bang close kaming dalawa kaya naman napaatras ako para lumayo sa kaniya pero gano'n na lang ang gulat ko nang may mabangga akong kung sino sa likuran ko. Nawalan ako ng balance dahil sa heels ko pero mabilis niya akong nasalo.
Ramdam ko ang mainit na kamay sa beywang ko. Napa-igta ako.
"Careful." sabi ng taong nakasalo sa akin gamit ang malalim niyang boses.
Napalingon ako sa gulat dahil hindi ko inakala na nasa likuran ko pala siya. At maling galaw ko 'yon dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko!