"Mayari, please. Dekada na ang nakalipas simula no'ng nangyari 'yon. People already moved on! You should move on too. . " pamimilit sa akin ni Lou.
Isang Linggo na niya akong sini-sales talk para pumayag na pumirma ng ko kontrata para maging modelo ng kompaniya ng Romanovz na 'yon.
"People never move on. Lalo na 'yong mga naging biktima?" senyas ko. And I can't move on. . .
Wala siya nasabi pa. Napabuntong hininga na lang siya. Nitong nag-daang araw na pinipilit niya ako ay sinasagot ko lang siya ng iling, ng 'NO'. At ngayon, sinabi ko sa kaniya ang dahilan ko. Ayaw kong makita ng mga biktima ng umampon sa akin ang mukha ko nasa billboard. It might bring some of their dark and sad memories by looking at my faces.
Ni wala nga akong social medias. You can only find my biography on google. Here in the Philippines, you can only saw my face in random video in YT. Hindi ako gano'n kasikat hindi gaya sa ibang bansa. Kaya ayos lang sa akin maging modelo ro'n. But here? No.
"Okay, change topic." sabi na niya. "Kamusta na ang relasyon ni Carmichael? Never mo na kasi akong pinilit umuwi ng Spain. Isang Linggo na rin akong pumupunta rito, kita ko ang act of service ni Carmichael sayo." kinikilig na aniya.
Napa-irap ako.
"What? Iyan lang? Hindi ka makwe-kwento?"
"Katamad mag-sign language." pagpapalusot ko na lang.
Ang totoo niyan, ayaw kong i-kwento. It might seem to be exaggerated— but Carmichael. . . actually took care of me this whole week. Like a husband and wife thing. But he's more like in charge of household chores and I'm more his queen. Pinagsisilbihan niya ako. Siya ang nagluluto ng almusal, hinihintay niya akong bumangon sa umaga para sabay kaming kumain. Umuuwi siya ng tanghali, may dala siyang take out foods, at sabay ulit kaming kakain. Maaga na rin siyang umuuwi ng gabi, at pinapanood ko siyang magluto ng dinner at sabay kaming kakain.
But it's just that.
Siya lang ang laging nagsasalita. Madaldal siya at laging may uwing kwento galing ng trabaho niya. He kept me entertained.
Kapag tinatanong niya ako ay sumasagot ako ng tango o iling lang.
Madami rin akong kwento pero syempre, I kept it in myself. Hindi siya nakakaintindi ng sign language eh. At tinatamad din ako magsulat.
"Speaking of. . " Lou said, "Hi, Carmichael! Ano 'yang dala dala mo?" kaagad na lumapit si Lou sa lalaki at inagaw ang hawak hawak nitong paper bag na alam kong naglalaman ng tinake out niyang pagkain.
Kakarating lang ng lalaki, at galing din sa trabaho dahil naka-uniform pa siya.
"Lunch." nakangiting sabi nito sabay angat ng hawak niya. Pero nawala ro'n ang atensyon ko nang makarinig ako ng tahol ng aso. Hindi lang isa kundi dalawang aso! "Sshh, Juday and Jennie. . quiet!" malambing na pagpapatahimik niya sa mga alaga.
"May mga aso ka pala, Carmichael?" naisatinig ni Lou ang gusto kong itanong.
Ngumiti naman ang lalaki, "Yap, iniwanan ko sila kila sa Daycare center ng mga aso last last month kasi alam kong hindi ko sila maaalagaan ng maayos. Sobrang busy kasi ako, but now that I am not busy anymore, kinuha ko na sila. Sobrang miss ko na rin sila." sabi niya.
Nakatingin ako sa dalawang aso na sobrang behave. Naka-upo sila sa tabi niya.
"Anyways, this is Juday," turo niya sa asong kulay itim. Kaagad namang tumahol ang aso at winagayway ang buntot niya. "And this is Jennie." turo niya sa pinaghalong puti at brown na aso. Winagayway niya lang din ang buntot niya.
Napangiti ako. They're cute.
"Hi mga doggies. . ." bati ni Lou sa mga aso gamit ang pinaliit na boses niya. "I'm Lou and this is Mayari, siya ang amo ng amo niyo." nakangiting pagpapakilala sa akin ni Lou.
Napatingin ako kay Carmichael dahil sa sinabi ng babae, akala ko ay maiinis siya or what pero hindi dahil nakangiti pa 'to habang tumatango na para bang sinasang-ayunan pa ang sinabi ni Lou.
Mga siraulo.
Kasama namin si Lou na kumain ng pananghalian. Habang ang mga aso naman ni Carmichael ay talagang behave sila.
"Okay lang ba sayo na dito na tumira sila Juday at Jennie, Mayari?" biglang tanong sa akin ni Carmichael habang kumakain kami. Mukhang napansin niya na nakatingin ako sa dalawang aso.
Tumingin ako sa lalaki.
Hindi ako mahilig sa mga hayop, lalo na sa aso. Pero kung ganiyan naman sila kabait, why not.
Tumango ako bilang sagot.
"Mabait naman sila at masunurin, huwag kang mag-aalala. And they're clean and vaccinated so they're safe to be around." he assured.
At dahil sa mga aso, nakita ko rin ang kakaibang ugali ni Carmichael. He treated them like his children. Tuwing umaga, may pagkain ng handa sa mga bowl nila. Tuwing tanghali, kapag uuwi siya galing sa trabaho ay may dala rin siyang treat sa mga aso niya, mas espesyal nga lang daw 'yong akin. At tuwing gabi, bago siya matulog ay pinapanood ko siyang pakainin ang mga aso at linisan ang mga pinagdudumihan ng mga 'to.
"You really love them." sulat ko sa maliit na notebook ko nang nasa sofa ako at pinapanood ko siyang panoorin ang mga aso niyang naglalaro.
Kinuha niya ang notebook ko at binasa. Napangiti siya at tumango tango bago ako niya ako tinignan.
"Yeah. Noong wala ka pa ay sila ang kasama ko rito sa bahay. Last last month lang sila nahiwalay sa akin eh." ngiting sagot niya. Sakto namang tumahol ang mga aso. "Para ko na silang mga anak, pero mas maganda kung may sarili tayong anak, hindi ba?" aniya at ngumiti.
Napatikhim ako at umiwas ng tingin.
"But it's up to you, Mayari, if you wanted to marry me and have children with me. Kasi ako, I'm just waiting for the right time, but still, it's your decision." ngiting sabi niya.
Nakatulala ako ngayon sa kisame. Iniisip ko ang sinabi ni Carmichael. . Parang siguradong sigurado siya na matutuloy ang kasal namin at magkakapamilya kami. Sinabi niya ang mga katagang 'yon na parang sigurado na siya sa akin.
Which is weird for me. . .
Kasi bukang bibig pa lang niya si Ophelia eh.