Chapter Two: Fear

2007 Words
Chapter Two: ''Maa'm Luna, napakaganda ng iyong mga likha! Nakakasiguro ako na maraming turista na pupunta rito para bilhin ang mga 'yan! '' natutuwang ani ni Marie. Isa ito sa mga organizer sa museum kung saan nilagay ko ang mga pinaghirapan kong imahe. ''At utang ko sa inyo 'yon. Dahil binigyan niyo ako nang pagkakataon na i-display rito ang mga gawa ko. Maraming salamat sa inyo,'' nakangiting tugon ko naman sa kan'ya. Napailing-iling naman ito at hinawakan pa nito ang kamay ko. "Huwag kang magpasalamat sa'min. Karangalan namin na isa ka sa mga artist na nag-share ng talento sa'min at kami lang ang naging daan para ipalabas ito sa lahat,'' sagot naman nito. Napangiti naman ako sa sinambit niya at pawang nagbigay ito ng matinding kasiyahan sa puso ko. ''Maa'm Luna, mamaya na pa lang gabi mag- uumpisa ang exhibit para sa mga obra mo,'' masayang bungad naman sakin ni Julius, isa rin itong organizer at tumulong sa'kin upang ma-promote ko ang mga creative paintings na nagawa ko. ''Sigurado na maraming maglalaban-laban sa pera para lang mabili ang mga paintings mo Maa'm Luna!'' na excite pa’ng saad ni Marie. Napatawa naman ako sa excitement na bumabalot sa kanila. Pawang tinalo pa nila ako sa reaksyon sapagkat mukhang tuwang-tuwa ito at 'di na makapaghintay sa mangyayari. Samantalang ako ay kalmado lang ngunit sa loob-loob ko ay tumatalon na ang puso ko sa galak. Lumibot ang mga tingin ko sa bawat obra na nalikha ko. Sobrang proud ako sa aking sarili sapagkat sa wakas ay nagkabunga na rin ang hirap ko. ''Unti-unti ko nang natutupad ang pangarap ko daddy,'' nakangiting bulong ko sa kawalan. Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi muna ako sa condo ko at nag-ayos ng sarili. Mangyayari na kasi ang matagal kong hinihintay. Ang maisama sa isang glamorosong exhibit ang mga pinaghirapan kong mga obra. Nakatingin ako sa salamin nang matapos kong lagyan ng red lipstick ang labi ko. 'Di ko malaman kung bakit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ngunit alam ko na walang ibang dahilan 'yon kundi ang nag-aagaw na kaba at saya na nararamdaman ko ngayon. Nagbikit-balikat lamang ako at kinuha ko na lang ang bag ko at nagtungo na sa museum. Nakarating naman ako agad doon. At namataan kong wala ng tao sa paligid. Napatingin ako sa aking relo, alas dyes na pala ng gabi. Sigurado akong nasa loob na sila at nag-uumpisa na sila na pagmasdan ang aking mga likha. Kinikilig akong isipin na may hahanga at bibilib sa mga pinaghirapan ko. Nae-excite akong hinintay ang pagbukas ng elevator at pagkabukas nito agad akong sumakay. Namamawis ang kamay ko sa kaba at may ilang butil pa ng pawis sa noo ang tumutulo. ''Sobrang nerbyos ka na naman Luna! Relax, Okay?'' pagpapakalma ko sa aking sarili. 'Di ko mawari kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Pawang bumabalik ang takot na bumabalot sa'kin noon. Shit! Halos kumislot naman ang puso ko sa pagkagitla nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Napahinga naman ako nang maluwag nang makita ko kung sino ang tumatawag. ''Mommy,'' mahinahon kong bungad sa kabilang linya na kahit 'di pa rin kumakalma ang malakas na pagtibok ng puso ko. ''Kumusta ka riyan Luna? Ayos ka lang ba?'' tanong nito agad sa'kin. Halos mangilid ang luha ko nang marinig ko ang malambing nitong boses. Sobrang namiss ko na ang aking ina. ''Ayos na ayos lang ako ngayon mommy. Actually gaganapin na ngayon ang exhibit para sa mga paintings ko! Mommy! Sobrang saya ko! Marami nanf makakakita sa mga gawa ko!'' natutuwang tugon ko naman sa kanya. At tumawa pa ako nang mahina upang kahit papaano mawala ang kabang nararamdaman ko. ''Sobrang proud naman ako sa’yo anak. Teka matanong ko lang, wala ba’ng sumusunod sayo riyan? Wala na ba 'yong lalaking gumugulo sayo noon?'' Sa isang iglap ay biglang naglaho ang pekeng ngiti sa aking labi. Awtomatikong nanginig ang mga kamay ko at ang tuhod ko ay pawang biglang nawalan ng lakas. ''Luna? Bakit hindi ka sumasagot? Okay ka lang ba?'' Tila walang boses na lumalabas sa bibig ko. Habang abala pala ako sa pakikipag-usap sa aking ina ay 'di ko namalayan na malapit na pala ito sa'kin. ''Luna!'' Sunod-sunod na sigaw ni mommy sa kabilang linya. Ngunit walang ni-isang salita ang lumabas mula sa bibig ko. Pawang nanigas ang buo kong katawan at sinasalubong na lamang ang maalab na tingin ng isang lalaking nakaitim na maskara na nasa harapan ko na ngayon. Nakatuon ang titig nito sa akin gamit ang mapula nitong mga mata. ''Sabi ko na at babalik ka, namiss ko ang amoy mo Luna. Kung noon, nakatakas ka sa akin. Ngayon, hinding hindi na ako papayag na mawala ka,'' malalim na pagkakasaad nito. Ang malalim na boses na iyon na akala ko maririnig ko na lamang sa isang bangungot. Ngayon ay dumadagundong at umuulit-ulit na namang naririnig ng teynga ko. Mabilis nitong inagaw sa'kin ang hawak kong cellphone at walang pakundangan nitong hinulog at tinapakan. Halos nanginig at natulala ako sa takot sa ginawa nito. ''Wala ka pa ring pinagbago Luna, napakaganda at napakabango mo pa rin. At ang hubog ng katawan mo napakasarap na titigan ng mata ko.'' At tinapunan ako nito ng tingin na may labis na pagnanasa. Pinaglaruan pa ng daliri niya ang hibla ng buhok ko na nakatabing sa aking mukha. Pilit ko mang igalaw ang aking mga kamay para iwaksi ang kamay nito ngunit 'di ko nagawa. 'Di ko magawang ikilos ang bawat parte ng katawan ko. Naramdaman ko na lamang ang pagtigil ng paggalaw ng elevator. ''T-tulong!'' nahihirapang sigaw ko. Pawang namaos ako bigla at 'di ko alam kung may lumabas bang boses mula sa bibig ko. ''Walang makakarinig sa’yo, kaya papagurin mo lang ang sarili mo. Kaya mas mabuting ako nalang ang pagurin mo Luna,'' nakakapanindig balahibong ani nito. Nang bubuksan ko na ang bibig ko para makapagsalita ay agad ako nitong siniil ng mapusok na halik. Halos hindi ako makalaban sa tindi ng paggalaw ng labi nito sa labi ko. Kinakagat at marahas pa nitong sinisipsip ang ibabang labi ko na tila sabik na sabik ito sa'kin. 'Di ko maintindihan ang aking sarili sapagkat wala akong ginawa. Hindi ko ito nagawang itulak man lang o pumalag sa ginagawa nito. Bagkos ay nagpaubaya ako at hinayaan ito sa paghalik sa akin na pawang uhaw na uhaw siya sa mga labi ko. Marahas pa ako nitong diniin sa pader at tinaas pa niya ang mga nanghihina kong mga kamay at hinawakan ito. Hindi ako lumaban. May sariling isip pa ang mga labi ko na sabayan ang dila nitong nasa loob na ng bibig ko. Kusang pumatak na lamang ang luha sa mata ko nang malaya na nitong nahahawakan ang mga maseselang parte ng katawan ko. Tila napipi ako at nakain ko ang katapangan kong matagal kong natutunan. Napadilat na lamang ako nang namalayan kong dumilim ang paligid. At naramdaman kong napatigil din ito sa ginagawa nitong kababuyan sa katawan ko. ''Hindi pa tayo tapos Luna. Marami pa akong gustong gawin sa'yo. At lahat ng 'yon ipaparanas ko sa'yo.'' 'Yan ang huli nitong salita bago tuluyang magbukas ang ilaw sa elevator at naglaho na lang ito bigla na pawang walang nangyari. Kaya't awtomatiko akong napaupo sa panghihina. Nanginginig ang buo kong katawan at 'di ko na alam kung maipipinta pa ba ang mukha ko ngayon. Niyakap ko ang aking sarili at wala akong ibang ginawa kundi ang humagulhol. ''Maa'm Luna!'' Napatingin naman ako kay Marie na alalang-alala na nasa tapat ng nakabukas na elavator. ''Anong nangyari sa kanya? Bakit ang gulo-gulo ng buhok nito?'' ''Syempre na stocked siya sa elevator malamang nag-panick ‘yan!'' Napayuko naman ako sa mga sunod-sunod na reaksyon ng mga taong nakatingin sa sitwasyon ko. Mabilis naman akong inalalayan at tinulungan ni Julius at Marie na makatayo. At agad ako nitong sinamahan na mag-ayos sa staff room nila. ''Pasensya ka na Maa'm Luna sa nangyari ha? 'Di namin inaasahan na may sira na pala ang elevator dahil sa tagal-tagal na panahon, wala pang nangyayaring nagloko ito'' aniya ni Marie habang inaayos nito ang gulo-gulo kong buhok. ''Oo nga, first time mangyari 'yon. At lagi naman namin 'yon sinusuri. Kaya't nakakapagtaka na---'' ''Huwag niyo ng isipin. Basta ang mahalaga nakalabas ako ng buhay sa elevator na 'yon!'' Pagpuputol ko sa sasabihin naman ni Julius at pilit akong tumawa kahit na bakas sa'kin ang panghihina at katakutan. ''Okay ka lang ba talaga Maa'm Luna?'' nag-aalalang tanong naman sa'kin ni Marie. Binigyan ko naman ito ng nakakalokong ngiti, ''Wala naman sigurong magiging okay 'pag nakulong ka sa elevator 'di ba?'' Pinipilit kong 'di nila mahalata ang takot na hanggang ngayon bumabalot sa'kin. ''Ang gulo-gulo rin ng buhok mo---'' ''Na-frustrate kasi ako kaya ayan ginulo ko ang buhok ko,'' mabilis ko namang paliwanag kay Julius. Nagkatinginan naman ang dalawa at pawang nagpapasahan kung sino ang susunod na magsasalita. ''May sasabihin ba kayo sa'kin?'' tanong ko agad sa kanila. Huminga naman nang malalim si Marie bago magsalita. ''Pero bakit kumalat ang lipstick sa labi mo Maa'm Luna?'' pawang nahihiyang saad niya na nagpasingkit sa mata ko. Agad-agad ko namang kinuha ang salamin ko at mabilis kong tinignan ang reflection ko. Napatingin ako sa labi ko, Oo nga. Nagkalat nga ang nilagay kong lipstick sa palibot ng labi ko at kitang-kita ko pa ang maliit na sugat sa ibabang labi ko. Napapikit ako nang mariin nang pumasok sa isip ko ang mapusok na halik nito sa'kin. ''Maa'm Luna?'' ''Nagkamali lang siguro ako sa paglagay ng lipstick ko kanina dahil sa pagmamadali ko,'' wala sa isip na tugon ko. Halatang-halata ko naman ang napilitan nitong pagtango. ''Oo nga pala Maa'm Luna! May bumili na sa pinakamagandang ''Living creatures'' na painting mo.'' Kusang nanumbalik ang sigla ko nang marinig ko ang sinabing iyon ni Julius. Sa wakas! May bibili na ng pinakaespesyal na obra ko na ginawa ko sa tanang buhay ko. Isa ito sa mga nilikha ko na nilaanan ko ng maraming taon para matapos. Buong puso ko ang inalay ko rito at ang aking ama ang naging inspirasyon ko sa likha kong iyon. At ngayon ay magkakaroon na ito ng bunga. ''Actually kanina ka pa niya hinihintay, at kaya niya raw itong bilhin sa kahit anong halaga na gusto mo,'' nasisiyahang dagdag pa nito. Nawala lahat ang takot na naramdaman ko, napalitan ito ng labis na kasiyahan. Mabilis akong nag-ayos. ''Nasaan siya ngayon?'' tanong ko sa kanila habang hinahanda ko ang sarili ko. ''Nasa waiting area siya Maa'm Luna,'' mabilis namang sagot sa'kin ni Marie na tila nasasabik din ito para sa'kin. Mabilis naman akong tumango at pinuntahan ko na agad ang taong tinutukoy nilang bibili sa likha ko. Ngiting-ngiti akong binuksan ang pintuan, at kahit nakatalikod pa ito sa direksyon ko ay maaliwalas na ang pag- ngiti ko para sa kan'ya. ''Hi! I'm Luna! I am the one who painted the Living Creature. Its my pleasure to knew that you are interested to buy one of my best creati---'' Kusang tumikom ang bibig ko at nawala ang guhit ng ngiti sa aking labi nang humarap na ito sa'kin. ''You don't need to introduced yourself, I already know you Luna,'' nakapangising tugon nito. Nanghina na naman nang kusa ang tuhod ko at halos matumba ako sa pagkakatayo nang masilayan ko ang mala-demonyo nitong ngiti sa kanyang labi. ''I can buy all of your paintings, even you,'' baritonong saad pa niya at ang malalim na boses nito na tumatagos sa teynga ko. At pawang 'di na ako nakagalaw nang hatakin ako nito papalapit sa kan'ya. Napatingala na lamang ako sa kan'ya at kitang-kita ko ang nag-aalab na apoy sa kanyang mapupulang mga mata. Mananatili na lamang ba akong ganito? Bakit 'di ko magawang lumaban? Hanggang dito na lang ba ang kwento ko? Kung saan hindi ako natatawag na bida o biktima. Dahil hinahayaan ko lang siyang sirain ang pagkatao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD