Chapter One: Red Eyes

2142 Words
Chapter One: ''Anak, tama na ‘yan. Wala na si daddy mo. Wala na tayong magagawa,'' mangiyak-ngiyak na saad ni mama sa akin. Halos 'di ko na makita ang buong paligid dahil nang didilim na ang paningin ko sa labis na pag-iyak. ''Daddy!'' Awtomatiko akong napasigaw kahit nawawalan na ako ng boses nang ipinasok na ang kabaong nito sa kanyang huling himlayan. ''Tama na anak,'' pagpapatahan sa'kin ni mama at pilit ako nitong kinukulong sa bisig niya. Ngunit patuloy akong nagpupumiglas at nagwawala. Hindi ko matanggap. Hindi ko maatim na ganoon lang kabilis naglaho ang aking ama. Hinding-hindi mawawala sa isip ko ang huling sandali niya, ang huling pagyakap ko sa kan'ya. ''Anak, halika rito dali. Payakap naman si daddy,'' naglalambing na turan niya sa'kin. Ngunit humaba lang ang nguso ko dahil abala ako sa pagpipinta. Sa edad kong sampong taon ay malawak na ang pangarap ko. Gusto kong maging mahusay sa larangan ng Arts. Hilig kong palawakin ang imahinasyon ko sa pamamagitan ng pagpipinta. Natigil naman ako sa aking ginagawa nang bigla na lang nitong kunin ang pinturang ginagamit ko. Pero imbis na mainis ako sa ginawa nito, napangiti ako nang malapad. ''Ikaw ha? 'Di na talaga kita bibilhan ng paint equipments mo! Hindi mo na ako pinapansin---'' Bago pa nito matapos ang sasabihin, mabilis akong lumapit sa kanya at niyapos ko ito ng sobrang higpit. ''Daddy dinaig mo pa ang bata sa sobrang matampuhin,'' natatawang saad ko sa kan'ya. Naramdaman ko naman ang munting halik nito sa buhok ko. ''Aalis si Daddy mo ha?'' Awtomatiko naman akong bumitaw sa kan'ya at napatingin ako rito gamit ang nalulumbay kong mga mata. ''Saan ka naman pupunta daddy?'' pawang walang ganang tanong ko. Ngiting-ngiti naman itong tumingin sa akin kaya lalong bumusangot ang mukha ko. ''Dinaig mo pa ang pato sa sobrang haba ng nguso mo,'' pang-aasar pa nito sa'kin na ikinasingkit ng mata ko. ''So pangit ako ganoon ba daddy?'' pataray kong ani sa kan'ya. Napatawa naman ito nang malakas at mabilis akong kinulong nito sa yakap niya. ''Of course not. Kayong dalawa ni mommy mo ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa,'' natatawang tugon niya sa akin. Niyakap ko naman siya pabalik. Napakaswerte ko talaga at siya ang aking naging ama. Wala akong masabi sa kabutihan nito. ''At saka alam mo ba? Pinagmamalaki kita sa amo ko. Sobrang natutuwa siya sa’yo, kaya't sigurado ako anak na paglaki mo, makakapagtrabaho ka sa kompanya niya,'' dagdag pa niya. Agad naman akong kumalas sa yakap nito. ''Pero daddy, ayaw kong magtrabaho sa kompanya. Gusto kong magpinta. Gusto ko na ang mga obra ko matatagpuan sa mga museum,'' seryosong wika ko sa kan'ya. Napabuntong-hininga naman ito at ginulo na lamang ang buhok ko. ''Kung 'yan ang gusto mo anak. Susuportahan kita.'' Kusa naman akong napangiti sa sinambit nito. 'Yan ang gustong gusto ko sa ugaling mayroon ang aking ama. Nirerespeto niya ang gusto ko. At sinusuportahan ako nito sa mga bagay na nagpapasaya sa'kin. Naputol lang ang usapan namin nang biglang tumunog ang cellphone ni daddy. At walang kasing bilis nitong sinagot ang tawag. ''Hello? Mr. Connor?'' Sinenyasan naman ako nito kaya agad akong bumalik sa pagpipinta. Ngunit bago pa ako nagsimula ay mabilis itong tumungo sa pwesto ko at hinalikan pa ako nito sa pisngi. "She's fine sir. Nagpipinta siya ngayon. Yes, painting is one of her hobbies.'' Napataas naman ang kilay ko sa narinig kong sinasambit ni daddy. Mukhang ako yung tinutukoy nito. ''Daddy---'' ''I love you baby.'' Huling sambit nito bago tuluyang lumabas sa kwarto ko. At lumipas ang mga oras, habang nasisiyahan ako sa aking ginagawa bigla na lamang 'di sinasadyang nabitawan ko ang paint brush na hawak ko. 'Di ko mawari kung bakit kakaibang kaba ang naramdaman ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. ''Daddy'' Nagulat na lamang ako nang mabanggit ko iyon. Ngunit pinilit kong pinakalma ang aking sarili at habang pinupulot ko ang nahulog na paint brush, nagitla na lamang ako nang biglang nagbukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad doon si mama na pawang hapong- hapo at naghahabol ng hininga. ''Mommy! What happened?'' nagtatakang tanong ko sa kan'ya. Sumama na ang kutob ko ngunit nanatili akong kalmado kahit kitang-kita ko ang nangingilid na luha sa mata nito. ''Y-Your dad,'' nauutal na ani nito at sunod-sunod na ang pagpatak ng luha niya. ''W-Why? Kakaalis niya lang kanina mommy! Hindi nga lang niya binanggit kung saan siya pupunta pero----'' ''He's gone Luna. Wala na ang daddy mo,'' nahihirapang saad ni mama at agad na pumunta sa direksyon ko at mabilis akong niyakap nang mahigpit. Parang biglang tumigil ang mundo ko. At tila nabingi ako sa narinig kong 'yon. ''Luna! Iniwan na tayo ng daddy mo,'' dagdag pa ni mommy at kasabay ang malakas na paghagulhol nito. Ngunit ako, nanatiling nakatulala at walang kahit anong salita na lumabas sa bibig ko. Pagtulo ng luha at ang pagkamanhid ng buong katawan ko ang namayani sa akin. Gusto ko mang sumigaw at maglumpasay sa sakit ngunit wala akong naging lakas. Napapikit ako nang mariin nang dumako sa isip ko ang tagpo na 'yon. Ang huling sandali na nakasama ko si daddy bago mangyari ang malagim na aksidenteng sinapit nito. ''Luna?'' Napalingon naman ako kay mommy nang tawagin nito ang pangalan ko. ''Mauna ka na mom, I'll stay here for a while,'' tugon ko sa kan'ya. ''Pero nak---'' Napalingon ako sa kanya at binigyan ko ito ng nagsusumamong tingin. Awtomatiko naman itong napatango at tuluyan ng humakbang paalis at palayo sa'kin. At doon ko na tinanggal ang suot kong salamin. Kung sino man ang makamasid ng aking mata ngayon. Siguradong maaawa sapagkat namamaga na ito sa sobrang pagkamugto. Ngunit 'di ko ito naisip dahil sa pagtuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa aking mata habang pinagmamasdan ko ang pangalan ni daddy sa kanyang libingan. Ang hirap magsink-in sa'kin na wala na si daddy. Parang kahapon lang na tinitignan nito ang mga pininta ko ngunit ngayon, hindi niya na ito magagawa. Napatigil lang ako sa pag-iyak nang may maramdaman akong nakatitig sa'kin. Kaya't lumingon ako sa direksyon na 'yon. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko ito. Prente itong nakatayo sa may puno at diretso ang titig nito sa'kin. Kahit malayo ito ay damang dama ko ang madilim nitong presensya. Napakatangkad nito, at base sa tindig niya ay isa itong makisig na lalaki. At nakasuot pa ito ng itim na maskara, hindi ko mawari kung sino ito. Ngunit ang sigurado ako, may masama itong binabalak sa akin. Dala-dala ang takot ko sa dibdib hinakbang ko ang mga paa ko patungo sa kan'ya. Hindi ko alintana ang malakas na pagtibok ng puso ko. Nilabanan ko ito dahil kakaiba ang hatid niya sa akin. Mabilis naman itong naglakad paalis nang namataan nitong papunta ako sa direksyon niya. ''Sandali!'' pagpipigil ko sa kan'ya. Ngunit nag-akto itong 'di niya narinig ang sigaw kong 'yon. Tumakbo na ako para makarating agad sa pwesto nito. Ngunit 'di ko pa rin ito naabutan. Napalinga-linga pa ako sa paligid ngunit hindi ko na ito natagpuan. Napabuntong-hininga ako nang malalim. At pinitik-pitik ko pa ang aking daliri dahil nanginginig ito sa 'di ko malamang dahilan. ''Baka namamalikmata lang ako,'' saad ko sa kawalan. At ihahakbang ko na sana ang aking paa paalis sa lugar na iyon nang may naramdaman akong kakaiba sa likuran ko. ''Hindi ka namamalikmata...'' Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang pagbulong nito sa aking teynga. Napakalalim ng boses nito na pawang bumibingi sa akin. Bago pa ako humarap sa kanya ay mabilis nitong tinakpan ang mata ko. ''Sino ka! Bitawan mo ako! Tulong!'' malakas na sigaw ko. At pilit lumalaban sa pagyakap nito sa akin. Lahat ginawa ko para makaalpas sa kan'ya. Ngunit wala akong laban sa lakas niya. Bagkos lalo ako nitong kinulong sa bisig niya. ''Napakaganda mo pala talaga Luna, at ang bango-bango mo,'' husky ang boses na gamit nito. Halos nanindig ang balahibo ko at nanginig ang tuhod ko sa sinambit nito. Paanong kilala niya ako? Nangangatal na ang boses ko sa matinding kaba at takot na namayani sa'kin. ''Hindi kita kilala! Kaya parang awa mo na pakawalan mo na----'' Awtomatiko akong napatigil nang naramdaman kong dumausdos ang dila nito sa teynga ko. ''Hinding-hindi kita titigilan Luna. Pagmamasdan kita hanggang sa paglaki mo. Hindi ka na makakawala sa akin,'' baritonong turan nito. At agad nitong hinawakan ang baba ko at hinarap niya ako sa kan'ya. At sumalubong sa akin ang kulay pula nitong mata na bumabakas doon ang matindi nitong pagnanasa. ''Luna! Luna! Luna! Wake up please!'' Mabilis na dumilat ang mata ko nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ni mommy. ''Oh god!'' Hindi pa ako nakakamaang nang bigla ako nitong niyakap ng mahigpit. ''Bakit mommy---'' ''Nanaginip ka na naman anak. At alam ko na ang nangyare sayo noon ang napanaginipan mo,'' mabilis na tugon nito. Napahawak naman ako sa aking pisngi. Basang-basa ito. ''Anak, 'wag ka nang umuwi ng Pilipinas. Dito ka na lang. Baka bumalik ‘yong taong nanggugulo sayo roon kaya mas mabuting----'' ''Mommy, alam mo naman ang rason kung bakit uuwi ako sa Pilipinas 'di ba? Ang mga obra na pinaghirapan ko ay madidisplay na sa mga museum doon. Matutupad na sa wakas ang pangarap ko mommy,'' natutuwang saad ko naman sa kan'ya. ''Pero Luna---'' ''Kung iniisip mo ang demonyong stalker ko. 'Wag mo na 'yon isipin mommy. Sampong taon na ang lumipas buhat nang lumipat tayo rito, 'di na niya ako na sundan pa. At imposible naman na makilala pa niya ako. At malaki na ako mommy, hindi na ako katulad nang dati na batang paslit pa lang. Ngayon malalabanan ko na siya, kung sino man siya!'' mahabang litanya ko at napapikit pa ako nang mariin. Naalala ko ang matinding trauma na dinulot ng lalaking iyon sa akin. Na kahit saan ako magpunta noon, ay namamataan ko siya. Bawat galaw ko ay nakabantay at nakamasid ito. Kahit malayo siya ay damang-dama ko ang pula nitong mata na may labis na pagnanasang nakakatitig sa'kin. Kaya't mabilis ko itong pinaalam kay mommy. Pumunta pa kami sa pulis noon ngunit wala itong nagawa. At may kung ano pang masasakit na salita ang sinambit nito laban sa'kin. ''Baka naman nalilipasan lang ng gutom ang anak mo, kaya akala niya may lalaking nakamaskara ang nakasunod sa kanya,'' tawang-tawa pang ani ng pulis sa'kin. ''O kakapanood mo ng horror iha, kaya kung ano-ano na tuloy naiimagine mo,''dagdag pa ng isang pulis at nagsimula na silang magtawanan. Gigil na gigil naman ang aking ina at susugudin na niya ito nang mabilis ko naman siyang pinigilan. Hindi sana ito magpaawat ngunit hinawakan ko ang kamay niya at nginitian ito. ''Mommy, let's go home,'' nakangiting saad ko sa kan'ya. Napahinga naman ito nang malalim at hinigpitan pa nito ang hawak sa kamay ko at umalis na kami sa lugar na iyon. Ang mga alaalang 'yon ay ‘di nawala sa isip ko. Dahil wala akong naging ibang kakampi noon kundi ang aking ina. Nawalan ako ng kaibigan dahil 'di ko na ako nakakalabas ng bahay dahil sa matinding takot na nararamdaman ko. Pawang nakakulong ako sa sarili kong mundo. Ngunit hindi pa rin nawala ang presensya nito sa bawat tagpo ng buhay ko. Kaya't nagdesisyon si mommy na umalis na sa Pilipinas at manirahan na kami sa ibang bansa. At doon na natapos ang kalbaryo at madilim na karanasan ko. Nalagay na sa tahimik ang buhay ko at naging normal na ang bawat kilos na aking ginagawa. Wala ng matang nakamasid sa'kin. Wala na ang madilim na presensya nito. Nakatapos ako sa pag-aaral at ngayon ay ginugugol ko na ang oras ko sa pangarap ko bilang magpipinta. ''Luna, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?'' Binigyan ko naman ng maaliwalas na tingin ang aking ina na bakas sa itsura nito ang labis na pag-aalala. ''Don't worry about me mommy. Magiging okay ako,'' kumpiyansang tugon ko sa kan'ya. Papakawalan ko na ang takot na matagal ko ng dinadala. Agad ko namang niyakap si mommy na maluha-luha na at ginantihan din naman ako nito na mahigpit na yakap. ''Susunod ako anak. Mag-iingat ka,'' mahinahon na sambit niya. Napatango na lamang ako at agad kong hinila ang maleta. Humakbang na ako papasok sa airport. Napabuga ako ng hininga sa kawalan. ''This is it Luna! Palalayain mo ang sarili mo sa hawla! Hinding-hindi ka na magpapatalo sa takot!'' bulong ko sa aking sarili. Kung sino man ang demonyong 'yon na naghatid sa'kin ng kilabot noon. Sisiguraduhin ko na hindi na niya ito magagawa ngayon. Hinding-hindi. Hindi na ako papayag na mabalot ako sa kanyang bitag. Hindi ko na hahayaan ang sarili kong matakot sa kan'ya. Lalaban na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD