Napahinga ako nang malalim nang maulananigan kong nakarating na kami sa Museum. Agad naman ako nitong sinenyesan at kasabay no’n ang pagbukas nang pintuan ng kotse. “Siguraduhin mong maayos ang magiging kahihinatnan ng exhibit mo,” sambit nito at ‘di man lang ito nag-atubiling tapunan man lang ako nang tingin. Hindi na lamang ako kumibo at agad na lamang lumabas sa sasakyan nito. Ngunit bago ako makalabas ay ‘di nakaligtas sa pandinig ko ang salitang sinambit nito. “Mag-iingat ka sa mga taong nakamaskara sa paligid mo, baka hindi mo akalain may masamang balak na pala sa’yo.” Napakunot noo na lamang ako sa tinuran niya at ‘di ko mawari sapagkat hinabol ko na ng tingin ang sasakyan nitong humarurot na paalis hangang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko. “Anong ibig niyang sab

