Mahigpit ang pagkakasakal ko sa leeg nito. Sinisiguro kong hindi na ito makakasagap pa nang hangin. Titig na titig naman ang mapupulang mata nito sa akin, at tila hindi man lang ito nakakaramdam nang panghihina dahil sa ginagawa ko sa kaniya. “Mamatay ka na!” malakas na sigaw ko rito at buong lakas ko itong sinakal bago ko itulak ito papalayo sa akin. “Ayokong makapatay ng demonyong kagaya mo! Ayokong maging mitsa ng kamatayan mo! Hindi ako gano’n maningil! Kulang pa ang buhay mo sa lahat ng ginawa mo sa akin, hindi ako papayag na gano’n-gan’on lang ang sasapitin mo,” madiin na sambit ko sa kaniya. Agad naman itong umayos nang tindig at narinig ko pa ang munting halakhak nito na nagpainit nang dugo ko. “Iyan na ba ang sinasabi mong katapangan mo? Teka may katapangan ka ba talagang pina

