Prologue
JUSTINE POV
"Daddy!!!" sigaw ng anak ko at tumakbo papunta sakin. Nasa park kami ngayon. It's been a years since namatay ang babaeng pinakamamahal ko, iniwan nya sa akin ang kambal naming anak. Mahirap noong una pero nakaya ko naman. Mga anak ko sila e. I'm a single Father and I'm proud of it.
"Hahaha ang bigat na ng baby ko" sabi ko habang karga karga si Cassie. Sa pagkamatay ni El mas naging malapit kami. Hindi 'din masyadong binabanggit ni Cassie ang mama niya, siguro alam niyang masasaktan kami, pero si Xandra? Suddenly she change. Mukhang nagmana talaga siya sa ina niya.
"Eiii daddy naman e hahaha" ipinulupot niya ang kamay sa leeg ko at binigyan ako ng halik sa pisngi.
"Ang kulit nya" napatingin naman ako kay Mika at ngumiti. Mukhang pinagod nga ng batang 'to si Mika.
"Pinagod mo si mama mika?" tanong ko kay cassie, umiling iling ito habang tumatawa-tawa 'to talagang batang 'to.
"Hindi daddy noh" inabot ko naman ang kamay ni mika at hinila ko sya papalapit sakin. Hinalikan ko siya sa noo at pinisil ang kamay niya. Siya ang naging katulong ko sa pagaalaga ng dalawang anak ko. I can say na malaki ang tulong niya.
Nabigla naman ako ng may naghiwalay sa kamay namin. Napayuko ako at tiningnan siya. It was Xandra.
"I'm hungry" xandra said. Napailing iling naman ako sa inasal niya. Naiintindihan ko naman si Xadra alam kong nahihirapan siyang magadjust. Nasanay siyang si El palagi ang nasa tabi niya at hindi ako at si Mika.
"Hahaha hali na nga kayo" hinawakan ko naman ang kamay ni xandra at kinarga kaya ngayon ay dalawa na silang karga karga ko.
Pumunta naman kami sa pwesto namin. Andito kasi kami sa park nagpi-picnic. Gusto ko lang magbonding kasama ang mga anak ko at ni Mika. This past few days medyo busy ako sa opisina e.
"Wow daddy ang sarap nito" napangiti naman ako sa sinabi niya, nilalabas nito ang pagkain mula sa basket na dala namin.
"Really? Mommy mika cook this" Nakangiti kong sabi sa kaniya, nauna niya ng kinain iyong cupcake. Matakas talaga 'tong batang 'to.
"Really? Ang galing mo mama" pumalakpak pa ito pagkatapos ay sumubo ulit. Unlike Xandra mas magiliw si Cassie.
"Hahaha syempre ako pa 'nak" Napangiti naman ako, close na talaga silang dalawa. Parang anak na ang turing ni Mika sa mga anak ko.
"Dad paki abot" napatingin naman ako sa tinuturo ni xandra. 'Yong isa pang basket na may lamang niluto ng katulong namin.
"Xandra eto oh luto ni mama" inabot naman siya ni Cassie ng cupcake pero tiningnan niya lang 'to. Sa kanilang dalawa mas mahirap intindihin si Xandra pero hindi naman siya mahirap alagaan. Mas matured magisip si Xandra kaysa kay Cassie.
"No thanks" sabi nito at umirap pa. kahit na ganito ang batang 'to masaya pa rin akong siya ang anak ko. She symbolize El a lot.
Napatawa naman ako kay xandra, she's just 7 years old grade 2 sya pero halatang may pagka maldita si xandra manang mana sa mommy nya tsk.
"Here baby" sabi ko. Kinuha ko iyong basket at nilabas ang Tupperware na may lamang cake na binake ng tota Lola nila.
"Hey san ka pupunta?" bigla kasi itong tumayo. Inatake na naman ata ng kamalditahan itong si Xandra.
"Some place that i can't see her face" mataray na sabi ni xandra at nilingon si mika
"Xandra give some respect!" angil ko, she's too much. Kahit na ayaw niya kay Mika kailangan niya pa ding respetuhin ito.
"Whatever dad" she said and walk away. Napabuntong hininga na lang ako sa inasal nito at humarap kay Mika.
"Pasensya ka na mika" ngumiti lang ito at tumango. Mabuti at maintindihin si Mika.
"Ano ka ba jus ayos lang noh. I know she's still in pain" sabi nito
"Mama ang bait mo po. Si Mommy pag ginanyan namin papaluin kami" Napangiti naman ako. El discipline them, masaya ako at napalaki niyang mabait ang mga anak ko kahit na ganoon ang asal ni Xandra.
"Tsk stop comparing mom to her, she's nothing compare to Mom" Napatingin naman kami kay Xandra, nakita ko ang inis sa mukha nito.
"XANDRA!!!" Sigaw ko dito. F*ck!!! Did I just shout at her? f**k! f**k! Damn it Justine! f**k!
Nangilid ang luha nito habang nakatingin sa akin. Ang gago mo Justine, bata 'yang anak mo
"Xandra" lalapit na sana ako dito pero umatras lang siya.
"Stop!" sabi nya at tumakbo. Agad akong tumayo at hahabulin na sana siya pero biglang hinawakan ni Mika ang kamay ko kaya Napatingin ako dito.
"Hayaan mo muna siya Justine. Kailangan niya pa ng mas mahabang panahon" bagsak ang balikat na umupo ulit ako. Hihingi ako ng sorry mamaya.
"Mom?" napatingin naman ako kay cassie. May tinitingnan ito, sinundan ko ang tingin niya sa isang sasakyan pero pasarado na ang bintana kaya hindi ko na nakita kung sinong tinitingnan niya.
But did she said Mom?