EPISODE 37 RACHEL’S POINT OF VIEW. Dito natulog sa aking kwarto si Louis, kagaya ng mga ginagawa niya noon. Masayang masaya ako habang kayakap si Louis sa aking pagtulog. Maaga kami nagising nang mag umaga na at sinabi niya sa aking babalik siya rito mamaya sa bahay upang kausapin ang mga magulang ko. Pursigido siya sa kaniyang gagawin kaya pinagbigyan ko na rin si Louis dahil gusto ko rin iyon. Nag-ayos nalang ako sa aking sarili dahil paghahandaan ko rin ang pag punta rito ni Louis. Kinakabahan ako dahil hindi ko pa talaga sigurado kung okay pa rin ba sa mga magulang ko na magsama kami ni Louis. Pagkatapos kong mag ayos ng aking sarili ay lumaba na ako sa aking kwarto at bumaba sa aming hagdan. Nakita ko kaagad si Mommy sa may living room na nag zu-zumba ngayon. Lumapit ako sa kaniy

