EPISODE 36 RACHEL’S POINT OF VIEW. “Nag usap nga lang kami ni Louis!” Nakakainis naman itong si Bonnie, hindi naniniwala sa akin! Nang makauwi kasi ako kanina galing sa kompanya ni Louis ay agad kong tinawagan si Bonnie. Buti nalang at gising pa siya at hindi pa raw siya inaantok kaya kinuwento ko ang nangyari kanina, hindi na kasali iyon pag dilig ni Louis dahil sigurado akong aasarin lang ako ng babaeng ito. Kanina kasi pagkatapos naming mag diligan ni Louis ay meron pala siyang meeting sa hapon kaya kahit ayaw niya sanang iwan ako, hindi maaari dahil importante ang kaniyang pupuntahan. Gusto niya pa sana makipag cuddle sa akin kaya sinabi ko nalang sa kaniya na magkita nalang kami bukas o kung kailan siya available. Muntik na nga ako mabuko ng mga magulang ko kasi nakita nila ako pa

