Episode 8

2298 Words
Episode 8 Rachel’s Point of View. “Saan ka pupunta mamaya?” tanong ko kay Louis. Napaisip naman siya at napatingin sa akin. “Pupunta ako sa ako sa tambayan namin ni Raoul at maglalaro kami ng billiard,” sagot niya at hinalikan ang aking pisngi. Nandito kami ngayon sa kanyang condo unit at kakatapos lang ng aming pagtatalik dalawa. Wala kaming class ngayon dahil may meeting ang faculty ng aming department habang si Louis naman ay hindi na pumasok sa klase niya dahil gusto niya raw akong makasama. Dalawang linggo na kaming magkasintahan ni Louis at hanggang ngayon ay wala pa rin na nakakaalam tungkol sa aming relasyon. Kahit ang best friend ni Louis na si Raoul Villa ay walang alam tungkol sa aming dalawa ni Louis dahil ako na rin ang nag sabi na wala siyang dapat na pagsabihan tungkol sa aming dalawa. Niyakap ako ng mahigpit ni Louis at sumiksik siya sa aking leeg at inamoy-amoy ito. Hindi ko mapigilang makiliti sa kanyang ginagawa dahil nararamdaman ko rin ang kanyang dila. “L-Louis, ano ba!” natatawa kong sabi. “Pwede naman akong hindi nalang pumunta sa tambayan at ituloy nalang natin ang ating ginagawa rito,” mapang-akit niyang sabi at mapusok akong hinalikan sa aking labi. Hinalikan ko rin siya pabalik pero mabilis lang at mahina siyang itinulak palayo. “What? Ayaw mo bang makasama ako?” inis niyang sabi. He sounds like a possessive boyfriend. Haha. Well, he is my boyfriend. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at mabilis siyang hinalikan sa kanyang labi. “Louis, kagabi pa ako hindi nakakauwi sa bahay namin. Baka hinahanap na ako ni Mommy at hindi na iyon maniniwala sa akin kapag sinabi kong kina Bonnie na naman ako matutulog. Baka mabuko rin ako kapag tumawag si Mommy sa bahay nila Bonnie kaya kailangan ko talagang umuwi,” sabi ko sa kanya. Napaupo si Louis galing sa pagkakahiga at napatingin sa akin. “Okay. Pupunta nalang ako sa tambayan,” sabi nito na parang nagtatampo. Hindi ko mapigilang mapatawa sa sinabi ni Louis sa akin ngayon. Napaupo na rin ako at napaharap sa kanya. “Huwag kang mag hanap ng ibang babae, ah!” sabi ko sa kanya. Ngumisi siya at mabilis na hinalikan ang aking labi. “Hinding-hindi kita ipagpapalit, Rachel Davina,” sabi nito at muli akong hinalikan sa aking labi. Mahal na mahal ko talaga si Louis! Sabay kaming nag shower ni Louis nang mapagpasyahan kong uuwi na ako sa amin. Matagal kaming natapos sa aming pag ligo dahil may nangyari na naman sa amin ni Louis. Ewan ko ba sa lalaking iyon pero parang gigil na gigil siya palagi kapag nagkikita kaming dalawa. Hinatid ako ni Louis papunta sa bahay namin. Hindi naman siya makikilala dahil tinted ang kanyang sasakyan at hindi na rin siya bababa para na rin hindi siya makita. Nang nandito na kami sa harapan ng gate ng aming bahay ay humarap na muna ako kay Louis. “Magkikita ulit tayo bukas, diba?” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at hinawakan ang aking pisngi. That smile. Buo na ang araw ko makita lang ang ngiti ni Louis na ako ang dahilan. “Magkikita tayo mamaya, Honey,” sabi nito. Napakurap ako sa aking mga mata. “What? Don’t tell me mag aala spider man ka na naman mamaya para makapunta sa may kwarto ko?!” Tumawa siya ng malakas sa aking sinabi ko at mahinang kinurot ang aking pisngi. Napasimangot ako sa kanyang ginawa. “Magtatago naman ako at hindi nila ako makikita,” sabi ni Louis. “Pero nasa bahay ngayon ang mga magulang ko, Louis,” aking sabi. “Ako ang bahala, okay? Magkikita tayo mmaya at sa karto mo ako matutulog,” nakangiti niyang sabi. Kinilig naman ako sa kanyang sinabi kaya mabilis ko siyang hinalikan at nagpaalam na sa kanya. Hinintay ko muna na makaalis ang sasakyan ni Louis bago ako pumasok sa may gate namin. Naglakad pa ako papasok dahil medyo malayo pa ang bahay namin sa aming gate. Nang malapit na ako sa may bahy namin ay hindi ko mapigilang magtaka nang may makita akong dalawang police car sa labas. Anong nangyayari? Patakbo akong lumapit sa aming bahay at pumasok sa loob. Nang makapasok ako sa loob ay nagulat ako nang makita ko s Daddy na nakasuot ngayon ng posas sa may kamay habang may dalawang police sa kanyang tabi ngayon at binabantayan siya. “Dad!” mabilis akong napalapit sa kanya at niyakap siya. Aakmang ilalayo na ako ng mga police kay Dad ng tignan ko ito ng masama at sigawan. “Don’t touch me!” “Pagpasensyahan niyo na ang anak ko, mga sir. Hayaan niyo naalang siya dahil ngayon lang siya nakauwi,” mahinahon na sabi ni Daddy. Muli akong napatingin kay Daddy habang nag-aalala pa rin sa kanya at naguguluhan kung bakit may posas siya sa kamay. “D-Dad, what happened?! B-bakit ka nakaganito?!” sunod-sunod kong tanong. Maliit siyang ngumiti. “Don’t worry, Anak. makakalabas din naman ako kaagad kaya huwag kang mag-alala,” sabi niya. “No! Hindi niyo pwedeng dalhin ang asawa ko!” narinig ko ang malakas na sigaw ni Mommy na pabababa na ngayon sa hagdan. May nakita naman akong isang lalaki na nakasuot ng business suit. Namumukhaan ko ito, ito ang personal assistant ng ama ni Louis! Anong ginagawa ng tauhan ng Coleman dito sa amin?! Bigla akong naalerto nang itinayo na ng dalawang police si Daddy at hinawakan sa magkabila nitong braso. “W-Wait! Saan niyo dadalhin ang daddy ko?!” tanong ko sa kanila. “Oh my God! Eduardo! Bitawan niyo ang asawa ko!” sigaw ni Mommy. Tuloy-tuloy ang pagdala nila kay Daddy palabas sa aming bahay hanggang sa makasakay na sila sa may police car at umalis. Hina akong napaupo sa may sa may semento at hindi makapaniwalang kinuha na ng mga police ngayon si Daddy. Nakita ko ngayon si Mommy sa may likuran ko na nakayuko at kita kong umiiyak din ito ngayon. napatingala siya at nagpunas ng kanyang luha. Napatingin sa akin si Mommy at lumapit sa akin. Inalalayan niya akong makatayo ngayon at pinagpag ang aking damit. “Ilalabas natin ang daddy mo, Rachel. Hindi pwedeng hindi natin siya malabas doon,” matigas niyang sabi. Tahimik din ako na napatango sa sinabi ni Mommy. Nandito kami ngayon sa loob ng kanilang opisina ni Daddy sa aming bahay. Kasalukuyan na kausap ni Mommy ngayon ang abogado namin sa kanyang cellphone. Habang nag sasalita ngayon si Mommy ay hindi mapakali ang kanyang mga paa kasi kanina pa siya palakad lakad. “Gawin niyo ang lahat maalis lang diyan ang asawa ko! pupunta ako diyan pagkatapos kong asikasuhin ang mga problema rito,” sabi ni Mommy at binaba na ang kanyang cellphone. Napatayo na ako at tinawag si Mommy. “Mom?” Napatingin siya sa akin at nginitian ako. Ang kaninang nakakatakot na mukha ni Mommy ay kumalma nang tawagin ko ang kanyang pangalan. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong mga kamay. “I’m sorry anak kung ito ang naabutan mo pag uwi mo rito sa bahay. Pero huwag kang mag-alala, makakasama natin ang daddy mo mamaya sa hapunan natin, okay?” sabi niya at hinalikan ang aking pisngi. Malungkot akong napatingin kay Mommy ngayon. “Mom, what happened? Bakit nakita ko ang assistant ng mga Coleman kanina dito sa bahay natin? Sila ba ang dahilan kung bakit nasa kulungan ngayon si Daddy?” sunod-sunod kong tanong kay Mommy ngayon. Naguguluhan pa rin ako kaya kailangan kong mag tanong ngayon kay Mommy sa lahat ng gusto kong malaman. Muli ko na namang nakita ang galit sa mukha ngayon ni Mommy. “Si-net up nila ang daddy mo, Rachel! Akala ng daddy mo ang simpleng investment lang iyon pero nagulat nalang kami ng sabihin nilang manloloko ang daddy mo at magnanakaw!” galit na sabi ni Mommy at muling napaiyak. Agad kong niyakap si Mommy at hinagod ang kanyang likuran. “God! I hate that family! Magbabayad sila sa ginawa nila!” galit na sigaw ni Mommy. Napapikit nalang ako sa aking mga mata at pinatahan si Mommy sa kanyang pag iyak. Makalipas ang ilang minuto ay muli ng kumalma si Mommy at nagpaalam siya sa akin na aalis na muna siya at aasikasuhin ang problema namin. Gusto ko sana sumama kay Mommy pero hindi siya pumayag dahil ayaw niyang madamay ako sa mga ganun. Alam niya kasing hindi ko gusto na madamay sa mga problema ng pamilya namin lalo na sa awayan ng Mijares at ng mga Coleman. Kaya nga rin ako napaibig kay Louis diba kasi wala akong pakialam sa awayan ng pamilya namin. Pero sa mga oras na ito ngayon ay hindi mapigilang magalit at mainis sa pamilya ni Louis. Matagal nang nananahimik ang pamilya ko dahil busy sila sa kanilang negosyo, pero bigla nalang nilang inatake si Daddy at pinakulong! Alam kong hindi ito papalampasin ng mga magulang ko lalo na si Mommy na galit nag alit ngayon sa mga Coleman. Nagkulong nalang ako ngayon sa aking kwarto habang iniisip ang kalagayan ni Daddy ngayon. Umabot ang gabi ay hind pa rin nakakauwi sila Mommy at Daddy. Tumawag sa akin si Mommy ngayon at sinabi niyang hindi muna siya makakauwi dahil marami pang proseso ang ginawa at nagpapa imbestiga rin sila ngayon kaya baka bukas pa sila makakauwi. Hindi ako makakain ngayon sa aking hapunan dahil wala akong gana. Nakatulala pa rin ako ngayon habang nakahiga at nakaharap sa aking kisame. Napatigil lang ako sa aking pag iisip nang maramdaman ko ang pag bukas ng aking bintana at nakita ko si Louis ngayon na papasok sa aking kwarto. Humarap siya sa akin at nginitian ako. Malamig ko lang siyang tinignan ngayon dahil wala ako sa mood makipag usap lalo na at isa siyang Coleman. Alam kong walang kasalanan si Louis pero pamilya niya pa rin iyon, pamilya niya ang nagpakulong sa daddy ko. “Hey, honey. I told you! Pupuntahan kita rito,” nakangisi niyang sabi at lumapit sa akin. Hahalikan niya sana ako sa aking labi nang umiwas ako sa kanya at napaalis sa aking kama. Napakunot ang kanyang noo at parang nagtataka sa aking mga galaw ngayon. “What’s the matter, Rachel? Okay ka pa naman kanina, ah?” tanong niya. “Wala ka ba talagang alam, Louis Anderson Coleman?” malami kong tanong. Binanggit ko talaga ang kanyang buong pangalan ngayon dahil galit na galit ako sa kanyang pamilya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso. “Rachel, hindi kita maintindihan!” sabi niya. Sa inis at galit na nararamdaman ko ngayon ay sunod-sunod kong sinuntok si Louis ngayon. Wala na akong pakialam kung masaktan ko man siya ngayon. “Rachel! What the heck?! Stop!” “Walang hiya kayo! Pinakulong niyo ang daddy ko! walang kasalanan ang daddy ko! Nananahimik ang pamilya ko tapos gagawa kayo ng gulo!” galit kong sigw. Sinusuntok ko pa rin hanggang ngayon si Louis sa inis at galit ko. Natigil lang ako ngayon sa aking pag suntok sa kanya nang mahawakan niya ang magkabila kong balikat. Hinihingal ako ngayon sa aking ginawang pag suntok kanina kay Louis. Tinignan niya ako ngayon ng seryoso. “Rachel, hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Wala akong alam. Pwede mo bang ipa intindi sa akin at kumalma ka muna?” mahinahon niyang sabi. Napayuko ako at napaiyak sa sakit at galit na nararamdaman ko ngayon. “H-Hey!” muling inangat ni Louis ang mukha ko at ipinaharap sa kanya. Pinunasan niya ang aking luha. “Tell me,” he said. “N-Nasa kulungan ngayon ang daddy ko. Pagkarating ko kanina dito nakita ko nalang na madaming mga police ang nasa bahay namin at naka posas na si Daddy. Nakita ko rin ang assistant ng Daddy mo kanina rito. My mom said ang mga Coleman ang kagagawan nitong lahat at si-net up nila ang daddy ko,” sabi ko kay Louis. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha ngayon na halatang wala nga siyang alam sa nangyayari sa mga pamilya namin ngayon. “I-I didn’t know about that. Pagkatapos kong ihatid ka rito ay dumiretso na kaagad ako sa tambayan kasama si Raoul,” sabi niya. Inalis ko ang kanyang mga kamay na nakahawak ngayon sa aking braso at naglakad papunta sa may kama ko at umupo rito. Napahilamos ako sa aking mukha sa stress na nararamdaman ko ngayon. Lumapit sa akin si Louis at umupo siya sa aking tabi. “Rachel, I will ask dad about this problem, okay? Maybe gusto lang tulungan ng pamilya ko ang pamilya mo—” Hindi ko na pinatapos ang sinabi ni Louis at galit siyang sinigawan. “Get out!” “Rachel! I am trying to help here!” he shouted. Tinignan ko siya ng masama ngayon. “Ang pamilya mo ang may kagagawa nitong lahat Louis Anderson Coleman! Gusto nilang sirain ang pamilya ko! bakit hindi mo maintindihan iyon, ah?!” sigaw ko. Napangisi ako at muling nagsalita. “Ah! Tama nga pala. Pamilya mo pala ang pamilyang nagpakulong sa daddy ko,” malamig kong sabi. Napailing siya na parang hindi makapaniwala sa aking sinabi. “Ayoko ng gulo, Rachel! You are my girlfriend and I don’t want to fight with you right now, okay? Kalimutan mo munang isa akong Coleman, pwede ba iyon? isipin mo nalang muna na nandito ako para samahan ka, nandito ang boyfriend mo para alagaan ka!” sabi niya. Muli akong napaiyak at hindi nakasagot sa kanyang sinabi. Lumapit si Louis sa akin at mahigpit akong niyakap. “Sana hindi nalang ako naging isang Coleman,” mahina niyang sabi. TO BE CONTINUED.... Leave a comment @jarm
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD