Episode 7

2105 Words
Episode 7 RACHEL’S POINT OF VIEW. Hindi ko sinagot ang mga texts at calls ni Louis sa akin kanina pa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon sa ginawa niyang pakikipag hiwalay sa kanyang girlfriend. Nakaramdam ako ngayon nang awa para kay Jennifer. Matagal na silang magkasintahan ni Louis pero inahas ko lang ang boyfriend niya kaya iniwan siya nito ngayon. Pero masisisi niyo ba ako? I love Louis! Mahal ko siya at kaya kong iwan ang lahat para lang sa kanya. Si Louis ay ang campus crush ng paaralan namin. Hindi lang siya sikat dito kasi siya ang kaisa-isang taga pagmana ng mga Coleman pero marami rin siyang talents at sinalihan na sports dito. Isa siyang varsity player sa basketball team dito, magaling din siya mag billiard at mahilig din siya mag car racing. Nalaman ko rin na magaling kumanta si Louis at kaya niyang patugtugin ang mga iba’t ibang musical instrument. Sino ang hindi ma a-attract sa lalaking ganyan diba? Ako nga na hindi mahilig sa mga lalaki ay nabaliw sa isang Louis Anderson Coleman. Naglakad ako mag isa ngayon papunta sa may cafeteria dahil pinuntahan ngayon ni Bonnie si Jennifer. Natatakot ako na baka pag nalaman ni Bonnie ang tungkol sa amin ni Louis ay baka lumayo na siya sa akin at magalit siya sa ginawa ko. Alam kong matalik kaming magkaibigan ni Bonnie pero hindi niya tino-tolerate ang mga masasama kong ginagawa kaya palagi nalang kaming nag-aaway noon dahil hindi niya nagustuhan ang mga kabulastogan na ginawa ko. Nanlaki ang mga mata ko at handa na sanang tumili nang may biglang humila sa akin ngayon at dinala ako sa may likuran ng lumang building. Nakatakip din ang kanyang kamay sa aking bibig kaya hindi ako makasigaw ngayon. Nag pupumiglas din ako ngayon pero mas malakas siya sa akin kaya hindi ako makawala. Isinandal niya ako sa may pader kaya nakita ko na kung sino ang humila sa akin kanina. Nang mabitawan na niya ako ay agad ko siyang sinuntok sa kanyang dibdib at tinignan siya ng masama ngayon. “Hindi maganda ang ginawa mo Louis!” galit kong sigaw. Mahina siyang tumawa at hinalikan ako sa aking labi. Mabilis ko siyang itinulak palayo at muli siyang tinignan ng masama. “Nakakatawa ‘yun?!” inis kong sabi. Nawala na ang ngisi sa kanyang mukha at nakatingin na siya ng seryoso sa akin ngayon. “I’m sorry, okay? Hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko kanina!” sabi niya. Napaiwas ako ng tingin. “Hindi pa rin tayo okay,” malamig kong sabi. Hinawakan niya ang aking braso at bahagya itong hinaplos. “Honey, I’m sorry na. I already break up with Jennifer just to be with you, Rachel,” malambing niyang sabi at inilapit ang mukha niya sa aking mukha. Dinampi niya ang kanyang labi sa aking labi ngayon. Hinawakan niya ang aking beywang at mas nilapit pa sa kanya lalo. He kissed me passionately. Napakapit ako sa kanyang batok at hinalikan siya pabalik. “Ohhh! Louis!” ungol ko ng bumaba ang kanyan halik sa aking leeg at naramdaman ko rin ang kanyang kamay na nasa loob ng aking suot na skirt. Magpapadala na sana ako ngayon sa bugso ng aking damdamin nang bigla ko nalang maalala na nasa campus pa rin pala kami at baka may makakita sa amin at kunan kami ng litrato. Dali-dali kong itinulak si Louis papalayo sa akin at inayos ang uniform ko na nagusot na. Kita ko sa kanyang mukha ngayon na para siyang nabitin sa aming ginawa. “Why did we stop? Walang makakakita sa atin dito, Rachel!” inis niyang sabi. Tinignan ko siya ng masama. “Gago ka ba?! nasa paaralan pa rin tayo, Louis Anderson!” sabi ko. Muli siyang lumapit sa akin at binulongan ako. “Then, let’s continue our love-making session in my condo unit,” he huskily said and licked my eardrum. Napakagat ako sa aking labi upang maiwasang mapaungol ulit. Hina akong itinulak palayo si Louis at tinignan siya. “L-Louis, stop!” mahina kong sabi. He chuckled. “Okay, Honey.” Tinignan ko muli siya ng seryoso ngayon. “Hiniwalayan mo na si Jennifer?” mahina kong sabi. Nawala ang ngiti sa kanyang labi at tinignan din ako ng seryoso ngayon. “Yeah. Ginawa ko ‘yun para hindi mo ako iwan,” mabilis niyang sabi. Napakagat ako sa aking labi at napaiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa o masasaktan ba ako sa kanyang sinabi ngayon. “M-Mahal mo ba ako?” mahina kong tanong at napatingin sa kanya. Kita ko sa kanyang mukha ngayon na parang hindi siya makapaniwala sa aking sinabi. Maliit akong ngumiti nang hindi niya masagot ang tanong ko. I knew it. “H-Huwag mo nalang sagutin ang tanong ko,” mahina kong sabi. Napailing siya at mabilis na hinawakan ang magkabila kong pisngi at tinignan ako sa aking mga mata. “Rachel, you are special to me, and I like you,” he said. Maliit ang ngumiti at tumango. Yeah. At least special ako sa kanya at gusto niya ako diba? Magiging choosy pa ba ako? Inalis ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking pisngi ngayon at bahagya siyang itinulak papalayo sa akin. “A-Aalis na ako. Baka hanapin na ako ni Bonnie,” mahina kong sabi at aakmang aalis na nang mahawakan ni Louis ang aking pala pulsohan at iniharap ako ulit sa kanya. “Rachel, I want you to be my girlfriend,” seryoso niyang sabi. Napakurap ako sa aking mga mata sa kanyang sinabi. Muli niyang hinaplos ang aking pisngi at nginitian ako. “Rachel, alam kong hindi pa natin pweden isapubliko ang tungkol sa ating dalawa ngayon, pero gusto kong opisyal kitang maging girlfriend kahit tago muna tayo,” seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin. “L-Louis…” “Hindi pa ba sapat na pinili kita, Rachel? Wala akong pakialam kung ang mga pamilya pa natin ang makakalaban ko, dahil hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko, Rachel Davina,” seryoso niyang sabi sa akin ngayon. Nilapit ko ang aking mukha sa kanya at hinalikan niya sa kanyang labi. Ngumiti ako habang nakatingin ngayon kay Louis na kita rin ang kislap sa kanyang mga mata. “Hindi ko rin kayang mawala ka sa buhay ko, Louis,” mahina kong sabi sa kanya. Ngumiti siya. “So it’s official? We are in a relationship now?” tanong niya. Napangiti ako at napatango. Mabilis niya akong hinalikan sa aking labi at sa aking noo. “Thank you, Rachel.” ALAM kong marupok ako, matagal ko na iyang alam. Pero ngayon ay opisyal ko ng kasintahan si Louis Anderson at hindi na kami FUBU. Pero kahit boyfriend ko na si Louis ay hindi pa rin namin pwedeng sabihin ang aming relasyon at kailangan pa rin itong itago dahil hindi ito magugustuhan ng aming mga magulang. “Rachel, kanina ka pa nakahawak sa cellphone mo ah! Sino iyang ka text mo?” pang-aasar ni Bonnie sa akin nang makita niya akong ngumingiti ngayon sa harapan ng aking cellphone. Ka text ko ngayon si Louis at inaya niya akong makipag date mamaya pagkatapos ng aking last class. “W-Wala! May binabasa lang akong nobela sa aking cellphone,” sabi ko sa kanya at mabilis na itinago ang aking cellphone sa aking bulsa. Alam kong hindi siya naniniwala sa aking sinabi dahil sa uri ng kanyang tingin sa akin ngayon pero hindi na siya nag tanong pa sa akin ulit. Umupo lang siya sa aking tabi at napabuntong hininga. “Alam mo ba Rachel, naaawa ako ka Jennifer,” malungkot niyang sabi. Hindi ko mapigilang kabahan at mailang nang banggitin niya ang pangalan ni Jennifer. “B-Bakit?” tanong ko. Napatingin siya sa akin. “Kasi diba sabi ko sa iyo noong isang araw na iniwan siya ni Anderson! Nakakainis ang lalaking iyon! Ang kapal ng mukha niyang iwan si Jennifer eh mahal na mahal siya nun at ang loyal ni Jen sa kanya kahit nasa long distance relationship silang dalawa!” sabi ni Bonnie. Napakagat ako sa aking labi at seryosong napatingin sa aking kaibigan ngayon. “B-Baka naman kasi may rason si Anderson kung bakit niya iniwan si Jennifer?” sabi ko. Hindi siya makapaniwalang mapatingin sa akin. “Seriously, Rachel?! He cheated on Jennifer! Alam kong may ibang babae ang gagong iyon dahil napaka imposible na iwan niya ang isang katulad ni Jennifer na maganda, mabait at matalino! Baka malandi lang talaga ang pinalit ng—” “Bonnie, stop!” sigaw ko. Naiiyak na ako sa kanyang sinabi ngayon at ang bigat ng damdamin ko. Alam kong wala siyang alam tungkol sa akin, tungkol sa relasyon namin ni Louis kaya nasabi niya iyon. At tama lang naman na magalit siya para kay Jennifer dahil hindi tama ang pag iwan ni Louis dito. Taka akong tinignan ngayon ni Bonnie. “What happened, Rachel? Bakit ka naiiyak? Masakit ba ang katawan mo? May sakit ka ba?’ unod-sunod niyang tanong sa akin at nilapitan ako. Mabilis kong inalis ang kanyang kamay na nakahawak ngayon sa aking balikat. Napatayo ako at matamlay siyang tinignan ngayon. “I-I’m fine. I need to go. May gagawin pa pala akong importante,” malamig kong sabi at lumabas sa aming classroom. “Rache, may class pa!” huli kong narinig kay Bonnie bago ako makalabas sa aming classroom. Naglakad nalang ako papuntang cafeteria ngayon upang makabili ng pagkain. Nang makabili na ako ay muli akong naglakad papunta sa pinakamalayong study shed sa aming campus. Gusto ko munang mapag-isa ngayon at makapag isip. Nang makarating na ako sa may study shed ay agad akong umupo at nilabas ang mga pagkain na aking binili at agad itong nilantakan. Tahimik akong kumakain ngayon at gusto ko itong ubusin lahat. Nang maubos ko na ang aking kinain at napainom din ako kaagad ng coke na binili ko. Pagkatapos kong ubusin ang aking mga pinamili ay hindi ko na mapigilan ang aking sarili na mapaiyak ng malakas. Bakit kasi kailangan ko pang makaramdam ng ganito? Bakit hindi pwedeng maging masaya nalang ako? Nagmamahal lang naman ako, eh. Pero alam kong itong pagmamahal ko kay Louis ay wala sa lugar at wala sa panahon. Simula pa lang sa aming mga pamilya ay hindi na kami pwedeng dalawa. Nagsimula ang away ng aming mga pamilya noong panahon pa sa aming mga grandparents. Mayaman na talaga ang mga Mijares noon at ganoon din ang mga Coleman. Noon ay magkaibigan pa ang dalawang angkan pero nasira nalang ito dahil sa isang babae, ang grandma ko. Matagal na pala siyang may gusto sa Senior Coleman at gusto rin siya ng senior. May lihim silang relasyon kahit na may mga pamilya na sila at nang malaman ito ng aking grandpa ay pinapatay niya ang Senior Coleman at doon nagsimulang masira ang pagkakaibigan ng dalawang pamilya. Hanggang ngayon ay galit pa rin si Daddy sa nangyari dahil hindi niya nakasama ng matagal si Grandpa. Kaya kahit ilang beses na silang sinabihan ng mga media na mag merge nalang ang Mijares at Coleman ay ayaw ni Daddy, at ayaw din ng pamilya ni Louis. Mataas ang kanilang mga pride at hindi na mawawala ang kanilang galit na matagal ng nakatanim sa kanilang mga puso. Sa pagmamahalan ba namin ni Louis ay maititigil na namin ang alitan ng mga pamilya namin? Sumusobra na rin kasi ang awayan nila. Umaabot na sa punto na muntik ng ipapatay ni Daddy ang mga magulang ni Louis. Gusto kong magalit sa mga magulang ko noon nang malaman ko ang tungkol doon pero baka magtaka lang sila sa akin at bakit ako nangingialam kaya tumahimik nalang ako. Wala naman talaga akong pakialam sa bangayan ng mga pamilya namin, eh. Isa lang naman ang gusto kong mangyari, ang magmahal ng malaya. Ang mahalin si Louis na walang humahadlang sa aming dalawa, wala ang mga magulang namin at wala si Jennifer na kanyang girlfriend. Gusto ko sana sabihin ang tungkol sa aming dalawa ni Louis kay Bonnie pero natatakot ako, natatakot ako na baka magalit siya sa akin at layuan ako. Siya lang ng nag-iisang kaibigan ko at ayokong mawala ang best friend ko. Ayokong mamili kay Bonnie at Louis dahil hindi ko kaya. Baka tiisin ko nalang ang masasakit na salitang sasabihin ni Bonnie tungkol sa babae ni Louis? Hays. Ang saklap talaga ng buhay mo Rachel Davina Mijares! Gusto ko lang naman na maging masaya at magmahal, pero bakit ayaw itong ibigay ng tadhana sa akin? TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD