Prologue

1044 Words
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. — “Are you ready, Kira?” nakangiting tanong sa akin ni Tita Jassy. She's wearing a beautiful red dress today at hindi mo talaga maiisip na 46 years old na ito. Aakalain mo lang na nasa mid 30's dahil na rin sa pustura nito. Marahil ay dahil na rin hindi ito exposed sa environment naming mahihirap. I blink up at her and smiled shyly, “Yes po.” All my life parang nasanay na rin ako sa pagtira kung saan saan. When my parents died, Mama Sally which is my mom's friend took care of me like her own child for 10 years. Ang alam ko lang ay nagkaroon ng sunog noon sa tirahan namin at ako lang ang kasya sa maliit na butas kaya ako lang ang naligtas nila mommy. Hindi ko rin naman akalain na mawawala rin si Mama Sally ng maaga. After niyang mawala, kung saan saan nanaman ako pinagpasahan ng mga kakilala ng family ko. I was only 16 when I decided to move out dahil hindi ko na kaya ang pagpaparinig ng mga anak ng mga kumukupkop sa'kin. It was hard than I thought. Natuto akong magtrabaho sa murang edad at ngayon panibagong buhay nanaman ang haharapin ko. “Welcome to our Villa, Ija!” My jaw dropped when I saw how stunning their mansion is. Kahit nasa malayo palang kami ay nakikita ko na mula sa bintana ng sasakyan nila ang kagandahan ng mansyon nila. Grabe, ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng lugar. “Good morning, Ma'am Jas,” sabay-sabay na bati ng mga katulong nila. Nginitian din ako ng mga ito na sinuklian ko rin kaagad ng matamis na ngiti. “Good morning everyone. I would like to introduce to you my adopted child, Kira Carmona. She's going to live here from now on so please do assist her. Give her everything she wants.” Nahiya ako nang makita ko ang tingin nila sa akin mula ulo hanggang paa. Nakikita ko sa mata nila ang pagtatanong kung paano nangyari ito. I smiled awkwardly at them, “Hi po sa inyong lahat. It's nice meeting you all.” Binati ako ng mga ito at pagkatapos ay may isang babae na lumapit sa akin. “Ako ang mayordoma dito. Pwede mo akong tawaging Nanay Teresa. Halika at ihahatid na kita sa kwarto mo.” Hindi na ako nakapagpaalam sa iba kaya naman ay kay Tita Jassy na busy makipag-usap sa mga guards na ang tinawag ko upang magpaalam. She mouthed “Go ahead” kaya naman ay nilingon ko na si Nanay Teresa na dala dala ang isa kong bagahe. Inimuwestra nito sa akin ang elevator. Manghang mangha ako hanggang sa pagpasok namin dahil nakakakita at nakararanas lamang ako ng ganito sa mall. Ngayon pati sa bahay ay nararanasan ko na rin ito. Pinagmamasdan ko lang ang kabuuan ng elevator habang si Nanay ay pumindot sa ika-tatlong palapag. “Magugustuhan mo rin dito lalo't sobrang bait ng mga tao dito lalong lalo na yan si Ma'am Jas. Hindi man alam ng mga tao rito kung saan ka nanggaling pero alam ko na lahat ng tungkol sayo dahil naikwento ka na sa akin ni ma'am. Ikaw ang bagong aalagaan ko,” nakangiting sabi ni Nanay Teresa. Nagulat ako sa sinabi niyang kilala niya na ako. Marahil ay dahil sa mga ginawang pagresearch ni Tita Jassy sa pagkatao ko. “Salamat po, promise hindi po ako magpapasaway,” nahihiya ngunit nakangiting tugon ko. Dumaan kami sa isang malawak na hallway. May tatlong kwarto kaming nadaanan bago namin narating ang tutuluyan ko. Nasa dulo ito. “This is going to be your official room, Ija,” she said as she opened the door. “Wow” that's the only word that comes out from my mouth when I saw how gorgeous my airconditioned room is. It's very huge and it has a lot of pink stuffs. Sobrang sarap sa pakiramdam na sa akin lang ang kwartong ito. Noong tumira ako sa huling bahay na kumupkop sa akin ay ganito lang kalaki ang kanilang bahay sa size ng kwarto ko ngayon. Kaya naman ay sobrang nakakapanibago at nakakatuwa na makita ang bagong tahanan ko. “Ito oh, sabi sa akin ni ma'am na maghanap ka raw ng mga damit, bag at kung ano pa na magustuhan mo.” Napabaling ang aking atensyon sa iPad na binigay sa akin ni Nanay. Isa itong online shop na parang puro mayayaman lang ang gumagamit. Hindi ko alam kung bakit sa internet ako pinapabili kung pwede namang sa mall nalang. “Pasensya na ija kung dito ka muna ipagshashopping ni Ma'am dahil marami siyang inaasikaso ngayon. Hindi ka na niya maaasikaso. Gustuhin man naming mga katulong eh hindi parin kami papayagan dahil maraming trabaho rin ang naka-assigned sa amin,” she sighed after. “Naku, ayos lang po wala naman pong problema sa akin tsaka less hassle po kung dito ako mamimili.” Nakakahiya naman kung magdemand ako ng kung ano dahil ako nalang nga ang nakikitira. “O'sya sige at bababa na muna ako. Wag ka mag-alala within 1-2 days delivered na agad lahat ng bibilhin mo. Magpahinga ka na muna riyan,” nakangiti nitong saad. “Opo, maraming salamat po, Nanay,” tugon ko. Nahiga ako sa queen size bed pagkaalis ni Nanay at napatingin sa ceiling. Napakataas nito at napakaganda ng chandelier. Maraming gamit rin. Sa kwartong ito ay may dalawa pang kwarto. Siguro ay ang isa ay ang bathroom at ang isa naman ay closet room. Napangiti ako, “Mamaya nalang ako gagala.” Hindi ko alam ang mangyayari sa mga susunod na araw pero ngayon ay masaya ako, malayo sa kalbaryo. This isn't my first time living in another house. I thought my life would come to an end when Mama Sally left me. She's the only person after my parents na alam kong mapagkakatiwalaan talaga. May iilan pang bahay akong natirahan pero hindi ko ramdam na belong ako doon, so I'm hoping that this time I can finally call it my home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD