Chapter 1

3060 Words
“Kira,” mahinang tawag sa akin ni Nanay Teresa. “Po?” nagtataka kong tanong sa kaniya. Sa mahigit isang linggo na pagtira ko rito ay naging maganda ang pakikitungo sa akin ng mga kasambahay at mga gwardya. Naging masarap din ang aking pagtulog sa araw-araw at napag-alamang may mga bank accounts na rin ako na may lamang pera na ipinagawa ni Mama. She's always telling me to buy the things that I want dahil deserve ko raw ito. She even told me to call her Mama dahil anak na rin daw ang turing niya sa akin. Sobrang spoiled ko sa kaniya. Masasabi kong parang tunay na anak na rin ang turing niya sa akin sa mga pinaparanas at pinapakita niya. Although, hindi niya na pinapalitan ang apelyido ko dahil yun din naman ang gusto ko. “Si Sir Joseph nariyan sa baba kasama ni Ma'am Jas, magbihis ka at magdidinner raw kayo,” natataranta niyang utos. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. Andito na yung asawa ni mama? Nagmadali akong magbihis ng knitted dress semi-puffed sleeves na kulay itim at naglagay ng pulbos at liptint sa aking mukha. Marami na rin akong make-ups at kung anong kakikayan ngunit ngayon ay mas pinili ko ang simple look. Hinayaan kong nakalugay lamang ang aking mahaba at wavy na buhok saka lumabas. Ang alam ko lang ay may-ari ng S Corp. si Mama. Ang kanilang business noon pa man ay kilala na sa Maynila dahil na rin sa magagandang produkto na nilalabas nila sa publiko. Kaunti lang ang alam ko sa kaniya. Kahit asawa o anak hindi ko matanong kung mayroon ba siya dahil na rin sa nahihiya at natatakot akong mapagalitan o mainvade ang privacy niya. Pagkababa ay kaagad kong namataan sina Mama at Sir Joseph na nag-uusap sa dining room. Humakbang ako palapit sa kanila at nagmano. “Magandang gabi po Ma at Sir Joseph,” pormal kong bati sa kanila. Tumawa si Sir Joseph matapos kong bumati. “Kira, right? You don't need to call me Sir, masyado namang pormal eh anak ka na rin naman ni ate. Just call me Tito Seph,” ngiti nito. “Ate?” nagtataka kong tanong. Akala ko ba ay asawa siya ni Mama. “He's my little brother, Kira,” pag-eexplain ni Mama. “Ah okay po. Sorry akala ko po asawa niyo po,” tumawa ako ng awkward pagkatapos. Natawa naman din sila kaya ipinagkibit balikat ko nalang ang nangyari. “Halika at kumain na muna tayo at may pag-uusapan din tayo,” ani niya. Nagtungo kami sa kaniya-kaniya naming upuan at nagsimulang kumain. Masasarap ang mga nakahain. Hindi lang isa o dalawang putahe kundi maraming iba't ibang uri na akalain mong isang barangay ang kakain. Siguro ay ang mga matitira eh paghahati-hatian nalang ng mga katulong. “I'm sorry if I didn't tell you anything about me since the day you came, Ija. Masyado kasi akong busy sa bagong itinatayong resort.” “Ayos lang po. Naiintindihan ko naman po.” Sa sobrang yaman ng pamilya nila ay hindi na rin nakapagtataka na palaging busy ang bawat isa sa kanila. Ang daming nagagawa ng pera sa buhay ng tao kaya naman sa mundong ito ay nakakalungkot talaga na mas marami paring mahihirap na tao kaysa mayayaman. Kasama na ako roon. Nagpatuloy ang pag-uusap namin kasama si Tito Seph. Napag-alaman kong wala na pala itong asawa. Maaga raw siyang nabyuda dahil sa nagkasakit ang kaniyang asawa. Napag-alaman ko ring mayroon siyang isang anak na kaedaran ko na nasa Canada ngayon dahil sa bakasyon. Hindi ko naman alam kung lalaki o babae ito at kung kailan babalik. Pero ngayon palang ay kinakabahan na ako dahil baka kung babae ito ay mangyari nanaman ang nangyaring pang-aapi sa akin ng dating kumupkop sa'kin. “Anyways, anong year ka na ulit sa pasukan, Kira?” tanong sa akin ni Tito Seph. “Mag-2nd year college na po,” mabilis kong sagot. Kahit na mahirap ako ay maipagmamalaki ko talagang nakatungtong ako ng kolehiyo. Sa katunayan ay highschool palang ako noon nang pinapahinto na ako dahil hindi ako kayang pag-aralin kaya naman noong umalis na ako at makapagtrabaho ay inilaan ko ang sweldo sa pag-aaral ko. 'Yan ang hiling sa akin ni Mama Sally noon pa man, ang makapagtapos nang sa gayon ay makahanap ako ng magandang trabaho in the future. Hindi ko naman siya binigo at bibiguin sa bagay na 'yan. Magtatapos ako hindi lang para sa parents ko at kay Mama Sally, kundi para sa sarili ko. “Ikaw na ang bahala sa kaniya Seph sa pag-eenroll. Kausapin mo nalang sila Doctor Smith about it at itutuloy kong icheck yung resort natin sa mga susunod na araw,” ani Mama. “Don't worry ate, ako na ang bahala,” nakangiting sabi ni Tito Seph kay Mama at sa akin. Gwapo at mukhang matalino si Tito Seph. Nakasuot ito ng eye-glasses ngunit mahahalata mo paring bata pa ang itsura niya. Magfo-forty years old na siya pero ang lakas parin ng alindog. Siguro ay nasa lahi na talaga nila ang pagiging magaganda at gwapo. I wonder kung ano naman ang itsura ng anak ni Mama. Siguro naman ay isa rin itong maganda tulad niya kung ito ay babae. “Kailan po ba ang pasukan namin?” pagtatanong ko sa registrar ng school. Monday ngayon at napagpasyahan kong magpasundo na kay Tito Seph upang makapag-enroll. Nang makapasok kanina sa school nagningning din ang mga mata ko dahil sa sobrang laki. Halos puro mayayaman ang mga nag-aaral dito. Kitang kita ko rin ang mga sasakyan ng ibang mga kapwa estudyante. May mga nakatambay sa coffee shop at ang iba naman ay kung saan saan. “August 15,” sagot nito. “Po?!” mahina akong napatanong ng pasigaw dahil sa narinig. Next week na kaagad? Napakabilis naman yata? Late ba ako nag-enroll? Ba't parang wala akong kaalam alam sa mga nangyayari. Ni wala pa akong school uniform at mga gamit tapos next week na agad. Ngumiti ito sa akin, “See you, next week Ms. Carmona.” Napabuntong hininga ako habang tumatalikod. Nagtungo muna ako sa isang fast food chain dito sa loob ng school at bumili ng McFloat. Habang pabalik ay may isang babae ang nagmamadali dahil tinatawag na ang number niya kaya nahulog niya ang kaniyang susi. Agad kong pinulot ito at hinanap siya. Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya pero alam ko ang suot ng babae. Nasa left side table ito na may kausap na isa pang babae. Halatang mayayaman talaga sila dahil kitang kita ang branded bags nila na nasa table. Nahihiya man ako ay nilapitan ko parin ito upang isauli ang kaniyang susi. “Hi, yung susi mo kanina nahulog. Ito oh,” pagbibigay ko rito. Napatingin silang dalawa sa akin. “Omg, thank you so much,” ani nito. “No problem,” sagot ko. “By the way, My name is Courtney and this is Fallon my friend, and you are?” “Kira,” pakikipagkamayan ko sa mga ito. Pinaupo ako ng mga ito sa table nila. Ang babait nilang dalawa at sila ang mga unang estudyante na nakakilala ko rito kaya naman ay sobrang saya ko. Nagulat ako na same year and course kami ni Courtney kaya naman ay magkaklase kami. Hindi mo aakalain na makakausap ko ang mga ito lalo si Courtney dahil sobrang ganda niya. Maputi ito tulad ko habang si Fallon naman ay may pagkamorena ang kutis. “You're new here, right? Because I've never saw you in the campus last year,” ani Courtney. “Ah oo. Sa ibang school ako nag-aral last year.” “That's why. Simula Highschool kasi dito na kami nag-aral ni Fallon.” “Ganoon ba, ibig-sabihin sobra niyo palang nagustuhan dito dahil hindi na kayo lumipat pa ng school,” sabi ko. “Well, may shares din kasi family namin sa school na 'to kaya hindi na kami pinapalipat pa. Isa pa maganda naman dito. Everything you need is here.” I know right. May hospital, food chains, coffee shop, museum, gym etc. ang school na ito. Kung mayaman ang pamilya mo pipiliin talaga ng parents na ipasok dito ang mga anak nila. “May lahi ka ba? ang ganda mo kasi Kira tsaka yung color ng eyes mo hazel brown eyes. Ang ganda tingnan,” puri ni Fallon. Napangiti ako sa sinabi nito, “My dad is half german and half filipino while my mom is pure filipina.” Simula bata ako ay marami na ang nagkakagusto sa akin. Mukha nga raw akong anak mayaman dahil kada aapplyan ko noon ay akala nila customer ako. Noong tumungtong ako ng Highschool ay kung sino sinong lalaki ang papasok sa room namin at magbibigay ng kung anong bulaklak at tsokolate. Ngunit kahit isa sa mga nanligaw o nag-attempt ay hindi ko pinayagan dahil wala pa sa isip ko ang pagboboyfriend. Simula elementary ang kalamitang nagiging position ko ay Muse. Kahit anong pilit ko bilang maging Secretary manlang ay hindi rin ako pinagbibigyan dahil Muse raw ang nababagay sa akin. Kaya naman ay hindi rin nakakatuwa na lahat ng bagay sa akin noon ay ibinabase sa kaanyuan ko lamang. Pagkatapos ng ilang minuto pa naming pag-uusap ay nagpaalam na ako sa kanila dahil hinihintay na ako ni Tito Seph. Pagkalabas ay agad kong nakita ito na kausap ang guard. Napatingin ito sa akin nang marinig ang mga hakbang ko. “Tapos na?” tanong nito. Tumango ako at sumakay na kami pauwi sa Villa. Napabuntong hininga ako pagkaupo sa kama nang maalala na wala pa pala akong gamit. Hindi ko alam kung saan ako bibili ng mga kailangan ko sa school kaya naman ay tinawagan ko si Mama upang sabihin ito. Sinabihan niya ako na hindi ko na kailangang problemahin ang lahat dahil idedeliver din daw agad kinabukasan ang mga gagamitin ko na nagpagaan ng loob ko. Ganito pala feeling ng isang mayaman? Parang walang kaproble-problema sa buhay dahil nareresolba agad lahat sa tulong ng pera. Napangiti ako ng mapait nang maalala lahat ng pinagdadaanan ko. Ever since that day hindi ko alam na magbabago ang buhay ko. Hindi ko naman na ginustong maaksidente si Mama Jassy pero masaya ako ang dahilan kung bakit naligtas siya sa kapahamakan. “May pulis pare! Tara na!” Sinilip ko sila pagkatapos kong i-play yung wang wang ng pulis sa cellphone ko. Nagsitakbuhan ito kaya naman ay tinakbo ko na rin ang pagitan naming dalawa ng Ale na nanginginig ngayon sa takot. Naglalakad ako pauwi noong maabutan ko ang mga holdaper at isang kawawang ale sa madilim na lugar ng one way street na ito. Naririnig ko ang pag-iyak at pagmamakaawa ng ale sa mga lalaki na huwag siyang sasaktan ngunit nakita ko ang isang lalaki na may hawak na kutsilyo ang unti-unting inilalapit sa leeg nito na nagpataranta sa akin kaya naman kahit na mukhang tanga ako sa naiisip ay ginawa ko paring gawin ang bagay na naging matagumpay sa huli. “Ma'am okay na po. Wala na po sila. 'Wag na po kayong umiyak,” nag-aalala kong sabi. Nakita ko ang scratch ng sugat sa leeg nito na nagpataranta sa akin kaya naman ay pinunit ko ang ibaba ng damit ko at ipinangtakip rito. Matapos ay tumawag na ako ng pulis. “Maraming salamat, Ija,” naiiyak na saad ng Ale. “Naku, wala pong anuman. Next time po 'wag na kayong maglalakad lakad sa hindi mataong lugar. Uso po kasi talaga ang nakawan ngayon.” Pagkatapos ng nangyari ay makaraan lamang ang isang linggo ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kaniya. Sa sobrang pagpapasalamat nito ay gusto niya akong ampunin dahil na rin sa nalaman niya ang buhay ko. Kaya simula nung araw na yun ay malaki na rin ang pagpapasalamat ko kay Mama Jas. Kinabukasan ng umaga ay natanggap ko na lahat ng gamit ko sa school. Kumpleto ito. May sampung set ng uniform at iba't ibang klase rin ng sapatos at marami pang iba. Nakakatuwa pagmasdan dahil pakiramdam ko ay kapag naisuot ko na sila ay maihahalintulad ko na ang sarili sa mga napapanood ko sa telebisyon noon at sa mga nakita ko kahapon sa campus na mga students. Napagpasyahan kong bumaba at gumala na muna sa mansyon kinahapunan dahil kahit na maayos naman ang lagay ko sa kwarto ay gusto ko paring maigala ang sarili sa kabuuan ng mansyon. Dinaanan ko ang bawat pasilyo at namangha sa mga nakikita ko. Parang may pagkahotel type ang bahay na ito. Halos lahat nga rin ay automatic. Pagflash ng toilet, pagbukas ng pinto, ng ilaw at kung ano pa. Masyadong tahimik ngayon sa mansyon ngunit masarap sa pakiramdam ang lamig ng simoy ng hangin. Nakarating ako sa malapit sa poolside area at napagdesisyunang dito nalang ako kumain ng meryenda. Ipinagpaalam ko ito kina Ate Susan kaya ilang minuto lamang ang nakararaan ay dumating na. Nagpasalamat ako rito pagkatapos at inalok din siya ngunit ito ay tumanggi dahil busog pa raw siya. “Ang ganda,” bulong ko habang kinukuhanan ng litrato ang kabuuan ng pool. Kinuhaan ko rin ng picture ang aking pagkain. Ipapakita ko ito sa best friend kong si Amores mamaya. Tiyak na matutuwa yun. Parang kailan lang ay pinag-uusapan pa namin kung kailan kami yayaman at kung mangyari man ay kukunin namin ang isa't isa. Magsasama kami sa iisang bubong at gagawin ang lahat ng ginagawa ng isang mayamang tao. Napabuntong hininga ako nang maalala ang best friend ko. Miss na miss ko na siya. Inampon lang ako rito kaya hindi ko pupwedeng irequest nalang ang pagtira dito ng kaibigan ko. Ang magiging dating nun ay masyado na kong abusada. Ulila na rin ito ngunit may isa siyang kapatid na malayo sa kaniya dahil tulad namin ay pinaampon ito sa ibang tao dahil walang mag-aalaga. Sobrang pait ng buhay naming dalawa kaya kami lang din ang nagkakaintindihan. Kaya siguro tumagal kami sa isa't isa bilang magkapatid ang turingan. “Who are you?” Napatingin ako sa likuran ko nang makakita ng isang matangkad na lalaki. Seryoso itong nakatingin sa akin kaya naman ay kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ako nakapagsalita ng ilang segundo sa nakikita ko sa aking harapan. I can't help but to stare at his beautiful face. He has a bright brown eyes, aquiline nose and a sexy lips. Plus the fact that he has a great body. Damn, he's very attractive. “Ako?” turo ko sa sarili. Humalukipkip ito sa akin. He looks pretty tired at mukhang sa akin pa yata ibabaling nito ang galit niya. Napalunok ako ng isang beses at pilit na ngumiti, “I-I'm Kira.” Ayun lang ang kaya kong sabihin dahil punong puno ng kaba ang dibdib ko ngayon. Hindi ko alam kung sino siya pero mukhang kamag-anak ito nila Mama. “What are you doing in our house, Miss Kira?” madiin ang pagkakabigkas ng mga salita niya na lalong nagpakaba sa akin. House? Dito rin siya nakatira. Kung ganoon ay paanong hindi ko siya nakita noong unang tapak ko pa lamang dito. Napayuko ako habang nag-iisip sa mga sasabihin. “Ahm...” “Son!” Nilingon naming dalawa si Mama. Gulat ang mata kong nakatitig sa kanilang dalawa. Siya ang anak ni Mama? Pero lalaki siya.. Damn I thought it's a girl. “Mom?” tingin nito sa kaniyang ina. Ngumiti ng malaki si Mama at niyakap siya ng mahigpit. “I missed you, anak. You didn't tell us na ngayon ang uwi mo edi sana ako na mismo ang nagsundo sayo,” nagtatampong saad ni Mama. “I'm sorry, Mom. Hindi ko rin naman alam na mapapaaga ako ngayon. Isa pa malapit na pasukan namin kaya okay na ring napaaga ako ng uwi.” Huminga ako ng malalim at maglalakad na sana muna sa ibang direksyon ng makita ako nila Mama. “Kira, anak halika rito,” tawag sa akin ni Mama. “Anak?” nagtatakang tanong sa akin ng anak niya. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito at mas lalong nagdilim ang aura ng mukha niya sa narinig. “Yes, son. She's adopted. Narito na siya ng ilang linggo kaya sana magkasundo kayong dalawa. Btw, Kira this is Peter my one and only son, Peter anak, this is Kira your new sister,” pagpapakilala sa aming dalawa ni Mama. Ngumisi si Peter sa akin ng parang nanunuya, “Now, our house is turning into an orphanage huh.” “Anak ano ka ba, she's the one who saved me from death kaya malaki ang pasasalamat ko sa kaniya,” pagpapahinahon ni Mama kay Peter. “Is money not enough to show some gratitude, Mom?” “A-Anak...” “Oh baka naman more than just a money ang kailangan nitong babae na 'to?” baling nito sa akin. Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi niya. Kilala ko ang sarili ko. Hindi ako pumayag na tumira dito dahil lang sa pera o bahay. Kung ayaw niya sa akin ay aalis naman ako kung kailangan. “Son, don't say that,” nahimigan ko na ang pagbabanta sa boses ni Mama. Marahil ay nagalit na ito sa mga lumalabas sa bibig ng anak niya. Napailing si Peter sa kaniyang ina at umalis pagkatapos. Laglag ang panga ko sa mga narinig sa kaniya. Iniisip nito na isa akong gold digger. Masyadong mababa agad ang tingin nito sa akin dahil lang inampon ako ng kaniyang ina. Hindi pa niya ako kilala kaya papalagpasin ko ang nangyari. Akala ko ay sa babae lang ako magkakaproblema pero hindi ko akalain na kahit sa lalaki pala. Mukhang mas matalim pa ang dila ng lalaking ito kaysa mga anak ng mga kumupkop sa akin noon. “Pagpasensyahan mo na si Peter, Ija ah. Pagod lang yun. Teka at kakausapin ko muna siya.” “Ayos lang po. Naiintindihan ko,” sagot ko rito. Pinilit kong ngitian ito para ipakitang ayos lang talaga sa akin ang nangyari. Hindi naman na bago sa akin ang bagay na 'to pero malakas ang impact sa akin ngayon dahil mayayaman ang mga taong ito na may kapangyarihan para manliit ng tao. Pero hindi ko parin hahayaang mangyari yan sa akin dahil lang sa mayaman siya o sila. Umalis si Mama sa harap ko habang ako naman ay hindi mapigilang mag-isip sa kung anong pagtrato nanaman ang mararanasan ko sa bahay na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD