Today is sunday. Naging maulan these past few days at sana lang ay magpakita si haring araw sa araw ng pasukan. I let out a sigh when I remember na bukas na nga pala ang pasukan namin. I feel excited and nervous at the same time because I have no idea what will happen to me knowing na puro mayayaman ang makakasalamuha kong students bukas at maninibago nanaman dahil sa palipat-lipat kong ginagawa.
Simula nang mameet ko ang anak ni Mama last time ay hindi na muli nag-cross ang landas namin. Hindi ko ito nakikita sa mansyon tuwing bababa ako upang kumain. Tanging si Mama lang minsan ang nakakasabayan ko every breakfast. Busy parin ito sa negosyo nila kaya naman ay umagahan lang ang tanging oras na nagkikita kami.
Wala ako masyadong ginagawa sa bahay na ito. Minsan ko lang din gastusin ang perang binibigay sa akin ni Mama dahil nahihiya ako. Kung hindi bibisita sa mall para maglibot sa National Bookstore ay tatambay lang ako sa isang milktea shop. Nakakaya ko itong gawin kahit mag-isa lang dahil sanay naman na ako maging independent. I was happy yesterday when my best friend Amores visited me. Tili ito ng tili ng makapasok siya sa kwarto ko. Sobrang ganda raw at hindi siya makapaniwala na nangyayari ito sa akin. Maipagmamayabang niya na raw sa mga chismosang kapitbahay nila na may mayaman siyang best friend. Tawa lang ako ng tawa sa kaniya sa kadaldalan niya. I'm glad I have a best friend like her. She's my source of happiness.
Kinagabihan ay tinawag na ako upang kumain. Pagbaba ko ay nagulat ako ng makita si Mama at si Peter sa dining table. Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit naaapektuhan ako ng presensya nito.
“Kira, halika at kumain na tayo,” sabi ni mama nang makita ako.
Lumapit ako sa kanila at naupo. Hindi manlang ako nagawang sulyapan ni Peter. Tsk suplado.
Pagkatapos naming kumain ay hindi muna kami pinaalis ni mama.
“Bukas na ang pasukan niyo. Peter anak, aasahan kong isasabay mo na si Kira sa pagpasok at pag-uwi niyo.”
Napakagat ako ng labi sa narinig. Malaki ang problema sa akin ng anak niya kaya naman hindi ko maiwasan mag-isip.
“We have two drivers Mom. You want to hire me to be her driver? No freaking way,” mabilis pa sa kidlat na sagot nito.
“I'm going to be with Fernando my personal driver, tomorrow. And your Tito Seph will be needing one too so you don't have any choice, Son.”
“Ma, ayos lang po. Magcocommute nalang po ako bukas,” nakangiting sabi ko rito. Hindi naman kailangang pilitin ang taong may ayaw. Isa pa sanay ako sa buhay mahirap kaya kayang kaya kong magcommute nalang.
Umiling ito, “My decision is final.” tumingin muli ito kay Peter, “Take care of your sister.”
“Sister my ass,” bulong ni Peter.
Pinaningkitan ko ito. Kaunti nalang ay sasapakin ko na 'tong lalaki na 'to. Umalis si Mama sa harap namin nang tumunog ang cellphone nito.
Naiwan kaming dalawa. Walang nagsasalita. Napatingin ako rito pagkaraan ng isang minuto. Ngayon ko siya nakita ng malapitan talaga. Nakasimpleng white shirt lang ito at khaki shorts ngunit ang lakas parin ng dating niya.
“I know I'm handsome but please stop staring.”
Napabalikwas ako sa pagkakaupo at napalunok. Hindi naman matagal ang pagkakatitig ko sa kaniya. Assuming naman ang isang 'to.
“If you're late tomorrow, I'll leave you,” saglit na tingin niya sa akin atsaka nagmartsa paalis.
Pinakawalan ko ang kanina ko pang pinipigilang paghinga. Why did I hold my breath when he looked at me. Umiling iling ako sa sarili at pumasok na sa kwarto.
I set the alarm clock at 6 am kahit na ang pasok namin ay 8:00 am pa. Ganito siguro talaga kapag excited sa unang pasukan gusto palaging maaga. Pagkatapos ay inilabas ko ang uniform, shoes, at bag ko. Isinabit ko sa loob ng bathroom ang uniform ko at iniwan sa baba ng kama ang shoes ko. Samantalang ang bag naman ay sinuri ko kung ano ang kulang. Mukhang kumpleto naman na ito kaya ipinatong ko ito sa ibabaw ng coffee table.
Napangiti ako sa sarili, “Good luck, Kira.”
I yawned while stretching my arms when I get up. I checked the time at nakitang 5:38 am palang. Tingnan mo nga naman, mas nauna pa ako sa alarm clock gumising. Dumiretso ako sa bathroom at naligo. Pagkalabas ay nakita ko pang madilim ang kapaligiran. Hindi ko pa nakikita si Peter marahil ay tulog pa ito. Sobrang aga palang kasi kaya naman ay nagdecide na muna akong kumain ng breakfast. Tanging sandwhich at milk lamang ang kinain ko. Hindi ko na ito inutos sa mga katulong dahil kayang kaya ko naman itong gawin.
Pagkaakyat ay naglaro muna ako ng games sa cellphone ko para palipasin ang oras. Pagkatungtong ng alas-siyete ay nagbihis na ako ng uniporme at naglagay ng make up sa mukha. Light lang ang inapply ko rito at hinayaang nakalugay ang buhok. Napangiti ako sa reflection ko sa salamin. Ang ganda ko sa uniporme ko. Pinapatungan ng puting clothe ang isang burgundy blazer na may necktie sa loob. Pinartneran din ito ng isang mini skirt. Last na kinuha ko ay ang school ID ko upang isuot.
Dala-dala ko ang bag ko nang bumaba ako. Maliwanag na ngayon dahil sa sikat ng araw. Nakita ko si Peter sa living room na may kausap sa cellphone niya. Mas lalo siyang gumwapo sa suot na uniporme. Nakataas ang magulo nitong buhok.
“f**k you too,” halakhak nito sa kausap saka binaba ang tawag.
Napaiwas ako ng tingin ng makitang tumayo na ito habang nakatingin sa akin.
“Let's go,” tanging saad nito.
Sinundan ko siya sa garage ng mansyon. Napairap ako ng hindi ako nito pinagbuksan ng pinto. What a gentleman!
Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa makarating sa school. What do I expect from him eh magsasalita lang ito kapag kailangan na talaga.
Pinababa na ako nito sa school gate at magpapasalamat palang ay pinaharurot na agad nito ang sasakyan sa kung saan. Ipaparking siguro niya ang sasakyan. Naglakad ako sa building C BSBA Department at may mga nakasalamuhang estudyante. Habang pinagmamasdan ko sila ay hindi ko maiwasang manliit hindi lang dahil hindi ako tulad nilang pinanganak na mayaman kundi mukhang lahat sila ay may sari-sarili ng barkada.
Napabuntong hininga ako habang papasok ng elevator. Cheer up, Ki.
“Why the long face, pretty girl?”
Napatingin ako sa lalaking pumasok din sa loob. Matangkad ito at highlighted gray ang nakataas na buhok. Nakangiti lang ito sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Napakurap ako ng mata dahil sa kagwapuhan niya. May dimples ito na mas lalong nagpacute sa kaniya.
“I'm Harvey,” pag-alok nito ng kamay.
Mabilis ko itong tinanggap at napangiti, “Kira.”
“BSBA Financial Management Section A,” tinaas baba niya ang kilay niya.
“Ako rin.”
Lumaki lalo ang ngiti nito sa sinabi ko. Sabay kaming naglakad sa room at nakita ang mga kaklase sa kani-kanilang upuan. Ang iba ay tahimik sa cellphone nila habang ang iba ay nag-uusap.
Habang tumitingin ako ng pwedeng uupuan ko ay nakita ko si Courtney sa second row kasama ang mga kaibigan nito. May dalawang lalaki siyang kasama sa row niya at may isa pang vacant seat sa malapit sa daanan. Nakita ako nito at kumaway. Nginitian ko naman ito at kinawayan din.
Si Harvey ay sinabihan akong doon kami umupo sa third row na line nila Courtney. Gusto ko sanang umupo sa tabi ni Courtney dahil kilala ko naman na ito kaya magsasabi palang ako kay Harvey nang mabangga ako ng lalaki na diretsong umupo sa tabi ni Courtney.
Tingnan mo nga naman. Magkaklase pala kami ng supladong ito. Wala akong nagawa kundi umupo sa third row sa tapat ni Peter habang katabi si Harvey sa kaliwa ko.
“Hey, you look gorgeous as ever!” lingon sa akin ni Courtney.
Namula ako nang tumingin din sa akin ang mga kaibigan niya except kay Peter.
“Wow new girl? nadagdagan na ng dyosa ang classroom natin,” rinig kong sabi ng isang lalaki.
Ngiti lamang ang naging sagot ko sa mga ito. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Ang iilang mga kaklase ay napasulyap din sa akin. Magsasalita pa sana ang isa pang lalaki nang dumating ang professor.
“I've heard there's a transferee student here. Kindly go here in the front so you could introduce yourself,” anito.
Tumayo ako at nakita ang mga kaklase na napatingin sa akin. Nakita ko ang iba na pasimpleng bumubulong sa mga katabi nila. Be confident, Ki. You can do it.
“Hi everyone, My name is Kira Genevieve Carmona, 19 years old. Nice to meet you all,” ngiti ko sa mga ito.
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko pagkatapos. Ang mga lalaki sa likod ay nag-ingay pa na mabilis sinaway ng aming professor.
After three subjects ay break time na. Inaya ako ni Courtney na sumama sa kanila kaya naman ay sinama ko na rin si Harvey. Nakita ko si Fallon na naghihintay sa table kasama ang isa pang babae. Bale pito kaming nasa table kasama si Peter.
“How did you know her Courtney?” turo sa akin ni Kegan.
“I met her at the restaurant with Fallon noong enrollment day. She returned my car key dahil nahulog ko,” she explained.
Tumango tango naman ang mga kaibigan nito habang nakatingin sa amin.
“Bakit ka nga pala lumipat ng school, Kira?” tanong naman ni Hunter. Yung nagsabi kanina sa room ng dyosa thingy.
“Lumipat din kasi ako ng tirahan,” simpleng sagot ko rito.
Nagsunod-sunod pa ang mga katanungan nila na sinagot ko ng mabilis. Hindi naman ako pwedeng magsabi rin ng kung anong personal na talaga dahil nandito si Peter, baka lalo akong kagalitan nito kung mamention ko ang Mommy niya. Isa pa, hindi rin ako sanay magsabi ng mga malalim na information about sa akin dahil si Amores lamang ang pinagkakatiwalaan ko ngayon.
“Are you single?” habol pa ni Hunter.
Mabilis na pinalo ni Ellis sa ulo si Hunter. Nagtawanan ang magkakaibigan kasama si Harvey na nasa tabi ko. Sanay na ako sa mga ganitong tanungan ng mga lalaki. Ako lang at si Peter ang hindi tumatawa. Nakapoker face lang ito samantalang ako ay nangingiti lang.
“Joke lang yun, Ki. Ang ganda mo kasi. Mukhang isa ka sa bagong tatargetin dito ng mga lalaki,” nagpeace sign pa ito sa akin na tinawanan ko habang umiiling.
Hindi pa tapos ang oras ng break time. Tumayo si Peter at nakita kong sumunod naman si Courtney dito. Pinanood ko ang pag-alis ng dalawa. Mukhang close ang dalawa sa nakikita ko. I wonder kung dito rin si Peter sa school na 'to nag-high school. Siguro ay oo since mukhang magkakaclose naman na ang mga taong ito.
“You done?” tanong sa akin ni Harvey.
Tumango ako rito at sabay-sabay na kaming lumabas ng cafeteria. May isang oras pa kaming natitira kaya dumiretso kami sa game station sa underground ng Building namin.
Nakita namin si Courtney na mag-isang naglalaro ng basketball. Nasan kaya si Peter? Magkasabay silang umalis kanina. Bakit niya naman iniwang mag-isa si Courtney? I shaked my head. Pakialam mo ba Kira.
Pagkatapos naming maglaro ay bumalik na kami sa classroom. Inistretch ko ang leeg sa kaliwa't kanan pagkarating ng huling professor namin. Narinig ko ang mahinang paghikab ni Harvey.
“Do you have some water?” tanong nito sa akin.
Nakita ko ang pagbaling ng ulo saglit ni Peter sa kaliwa niya na parang nakikinig sa amin.
Binigay ko sa kaniya ang tumbler ko kahit na nag-aalangan ng kaunti dahil nalawayan ko na ito. Mabilis na kinuha niya sa kamay ko ito at uminom. Napalunok ako habang pinagmamasdan siyang nakadampi ang labi sa tumbler ko. I just had an indirect kiss with him.
“Thanks,” kumindat pa ito sa akin pagkatapos.
Natapos ang klase ng maayos. Alas-singko na ng hapon at ang mga estudyante ay may kanya-kanya ng lakad. Karamihan sa kanila ay mukhang wala pang balak umuwi.
“Sama ka samin?” tanong ni Harvey habang pababa kaming lahat.
Napatingin ako rito, “Saan?”
“Night out,” nagngingiting sabat ni Ellis.
Night out? Magbabar or something? Hindi ako sanay sa mga ganitong gawain dahil wala rin naman akong pera pang-night out tulad ng mga mayayamang tulad nila. Marami silang pwedeng gawin sa pera na ginagamit nila sa pag-eenjoy. Halata naman sa mga kilos din nila na after dismissal ay bar, mall, restaurant at kung ano pa ang pinupuntahan upang magliwaliw.
“Sama ka samin Pete,” maamong sabi ni Courtney.
Hinintay ko ang sagot ni Peter dahil siya ang kasabay ko pauwi. Kung sasama siya sa kanila ay magcocommute nalang ako. Gusto ko munang ipahinga ang araw ko dahil first day palang ito ng klase ko. Wala silang alam na magkakilala kami ni Peter dahil mahahalata mo ring hindi kami magkakilala dahil hindi kami halos mag-usap. Isa pa mukhang ayaw din ni Peter na makita kaming dalawa na magkasama. Parang allergic sakin 'tong lalaki na 'to eh.
“I have plans tonight, you guys enjoy your night,” tumalikod na si Peter pagkatapos.
“Kj mo gago,” asar ni Kegan.
“Hayaan niyo na baka pagod ngayon. Palagi naman yang sumasama sa atin eh,” sabi ni Fallon.
“Ang sabihin mo may bagong chic nanaman 'yan,” natatawang saad ni Hunter.
Nakita ko ang pagseryoso ng itsura ni Courtney habang nagtatawanan sila Harvey. Wala akong alam sa estado ng pagiging estudyante o lalaki ni Peter pero mukhang kilala na ng mga kaibigan nito na isa itong babaero. Hindi ko lang mawari kung bakit biglang nagbago ang expression sa mukha ni Courtney. Ipinigkibit balikat ko ito at tiningnan silang nakatingin sa akin. Ako naman ang hinihintay nilang sumagot.
“Sorry hindi kasi ako pwede ngayon,” pagpapaumanhin ko sa mga ito.
Napahinga ako ng maluwang nang nakitang nagngitian ito. Naintindihan naman nila ako dahil bago palang daw ako sa grupo at sinabing sa susunod ay dapat na kasama na ako. Nginitian ko silang lahat habang kumakaway na naglalakad papunta sa parking lot.
Nakita ko si Peter na pinagtitinginan ng mga kababaihan habang naglalakad. Ang iba sa kanila ay tumitili pa ng mahina. Iba ka talaga boy.
“I thought you're going with them,” malamig na sagot nito habang binubuksan ang pintuan ng kotse niya.
Pumasok na rin ako, “Baka pagalitan ako ni Mama kapag nalaman niyang nagbabar na agad ako first day palang ng pasukan.”
“Playing innocent huh,” tugon nito habang iniistart ang sasakyan.
Naningkit ang mata ko rito, “Never pa akong nakapasok sa bar.”
Hindi na ito sumagot pa. Bumalik kami sa katahimikan kaya naman ay tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Medyo matagal pa kami makakauwi dahil traffic ngayon. Tinitingnan ko naman ang cellphone ko kung ano pwedeng gawin. Nagbukas ako ng f*******: at nakita ang chat ng best friend ko na mabilis kong nireplyan. Pagkatapos naman ay tiningnan ko ang ibang chats na karamihan ay hindi ko kilalang mga lalaki. May group chat din akong nakita na kasama sila Peter. Mukhang kakaadd lang sa akin. Pinindot ko ito at nakitang kakasend lang ng mga pictures na nasa bar sila. Mukhang nagsasaya sila sa mga oras na ito. Ako at si Peter lang ang wala. I clicked the heart react in each photo atsaka pinatay ang cellphone ko.
Nagring ang cellphone ni Peter ngayon at nakita kong si Mama ang tumatawag.
“Yes, Mom? Yea pauwi na. Traffic lang ngayon. Okay bye.”
Napabuntong hininga ako at dumiretso ng upo.
“You can sleep if you want,” anito.
“Bakit hindi ka sumama sa kanila?”
“None of your business.”
I rolled my eyes at him. Grabe na ang ugali nitong lalaki na 'to. Mukhang napakalaki talaga ng galit sa akin.
Hindi ko naman napigilan ang sarili at hinarap ito, “Galit ka ba sa akin? Bakit? Anong ginawa ko sayo?”
“No, I just don't like you,” hindi nag-aalangang sagot nito.
“As if I like you,” pabulong na irap ko rito.
Pagkauwi ay mabilis na nagmano ako kay Mama at umakyat upang magbihis. Pinahinga ko ang sarili sa kama.
Nagising ako ng 12 am na. Hindi ko namalayan na ganito kahaba ang naitulog ko. Hindi na ako nakapaghapunan. Siguro ay dahil maaga rin akong nagising kanina. Lumabas ako ng kwarto na wala ng katao tao sa hallway.
Mabilis lang akong kumain upang makatulog muli dahil maaga nanaman ang pasok ko.
Dala-dala ko ang box ng kitkat habang paakyat ng hagdan. Habang papalapit sa kwarto ay napadaan ako sa katabing kwarto ko na nakabukas ng kaunti ang pintuan. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy nang makarinig ako ng ungol na nagpatigil sa akin. Napalakad ako patalikod ng ilang hakbang upang silipin ito.
I covered my mouth in surprise when I saw a girl grinding on Peter. They're both naked. Mukhang may lahi ang babaeng nakikita ko ngayon. Maputi, maganda, at sexy ito. Sarap na sarap ito sa kaniyang ginagawa sa ibabaw ni Peter habang nakatitig ng malagkit sa kaniya. Nabitawan ko ang box na hawak-hawak ko na nagpatigil sa kanilang ginagawa.
Nanlaki ang mata ko sa malakas na pagtunog sa floor. Nagmamadali kong pinulot ito at mabilis na tumakbo sa kwarto ko. Habol habol ko ang hininga ko habang nasa likod ng pintuan. s**t. Did they see me? Napasabunot ako sa sariling katangahan. Pilit kong iniling ang ulo sa mga nakita. Nakanood na ako ng porn sa internet noon pero hindi pa ako nakakakita ng live s*x sa personal not until kanina. Tama nga ang sinabi niya kanina na may ibang plano siya at yun ay ang makipag-- iniling ko ang ulo habang nakapikit. Stop thinking about it. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang pabalik sa kama.
“What have you done, Ki?” tanong ko sa sarili habang nginungodngod ang ulo sa unan sa kahihiyan.