Panay ang punas ko sa aking parte ng damit na nalagyan na ng mantsa. Naasar ako roon at sa aking sarili. Kung sana kasi ay kung nag-ingat akong kaunti ay hindi na hahantong pa sa ganito. Umiiwas na nga ako, mapupunta pa ako sa kanyang kwarto. Sumulyap ako kay Sir Kai na okupado sa paghahanap ng damit sa kanyang malaking aparador. Marahil sa pakiramdam ng tinititigan ay binitiwan nito ang mga hawak na damit. “What?” aniya’t nilingon ako. Mabilis akong umiling at pumasok na ng kanyang banyo. Kung maluwag ang kwarto, malamang sa malamang ay maluwag rin ang kanyang banyo. Hindi ito tulad ng sa quarters o sa mga kubo na aking nakakasanayan. Marmol na itim ng sahig at ganoon rin ang dinging. Ang mga iba pang kasangkapan ay kulay putik. Naiilang kong tinanggal ang aking mga da

